Hans
"Grabe ka Hans! ang dami mo namang gamit na dinala dito sa dorm! Para tuloy naglayas ka sa inyo." Sabi ni Dominic habang inaayos namin ang mga gamit ko.
Nilagay ko ang mga damit ko sa napakalaking drawer ng kwarto.
"Ang layo kaya ng bahay natin dito sa university na 'to! Tama lang na marami akong dinala para kung sakaling uuwi man ako, hindi na ako magdadala ng sandamakmak na gamit." ani ko rito sa kaibigan ko.
Hindi na siya nagsalita pa at binuhat na lang ang mga kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Busy kami sa pag-aayos ng mga gamit ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello po Ma!" Masaya kong sabi sa kabilang linya.
"Hello, Anak! Nand'yan ka na ba sa dorm mo?" tanong niya sa akin.
"Opo Mama, kararating ko lang po kasama si Dom. Sa ngayon Ma, tinutulungan po ako ni Dom mag-ayos ng mga gamit ko."
"Ay ganun ba anak, mabuti naman kung gano'n. Oh sige tatawag na lang ako maya-maya sayo para matapos ka kaagad d'yan sa pag-aayos niyo. Bye Anak, ingat ka dyan ha! I love you."
"Okay po Mama. ingat din po kayo d'yan! I love you more!" Sabi ko kay Mama at pinatay na ang tawag.
"Ano sinabi ni tita, Hans?" Tanong sa akin ni Dom habang nakaupo na ito sa kama. Pinundahan ko naman na ang mga unan na gagamitin ko at ng matapos ay tumabi ako sa tabi ni Dom at sinagot siya.
"Nangamusta lang si Mama kung nakarating na tayo dito sa dorm. By the way Buddy thank you sayo ha! Salamat sa pagsama mo sa akin dito."
"Naku wala 'yon, Buddy! Kaibigan kita kaya syempre tutulungan kita. Atsaka alam ko namang hindi ka pa masyadong pamilyar dito kaya tama lang na sinamahan kita at syempre tinulungan ka." sabi nito.
Napangiti ako sa kanya.
"Ang bait-bait talaga nitong kaibigan ko!" sabi ko rito at pinagtripan ko ang pisngi nito at sinundot-sundot ko ito.
"Hoy! tigil-tigilan mo yang pisngi ko Hans ah! Anong mabait? For your information, hindi libre ang pagtulong ko sayo! May bayad 'yon! Kailangan mo akong pakainin dahil nagugutom na'ko!" Sabi ni Dom at tinanggal ang daliri ko na sumusundot sa pisngi niya.
Natawa lang ako dahil sa hitsura nitong mukhang aburido at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Oo na oo na! ililibre na kita!" Natatawa kong sabi sa kanya dahil lumulukot na ang mukha nito.
"Yes! Sige sige! tara na dali at nagugutom na ako!" Masiglang sabi nito at nauna ng lumabas ng kwarto.
Napailing na lang ako sa kanya at kinuha ang wallet ko at sumunod sa labas kung saan naghihintay si Dom.
"HOY Buddy! luging-lugi na ako sayo! Ang dami mong inorder at nag-extra rice ka pang siraulo ka!" Naiinis kong sabi kay Dom na kaharap ko ngayon.
Walangya 'tong kaibigan ko! Napakadami ng inorder! Shet! Dahil sa luko-lokong lalaking 'to ay mapapatipid na lang ako ng di-oras!
"Napakareklamador mo naman! Hoy Santiago, ngayon lang ako nagpalibre sayo ha! Kahapon nga hindi mo ako nilibre ng frappè d'yan!" Tila nagtatampo pa nitong sabi.
"Bwisit ka! Bawing-bawi ka naman ngayon! Nakakainis ka!"
Sa sinabi ko ay tumawa muna ito ng malakas. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa cafeteria na ito dahil sunday ngayon.
"Napakakuripot mo talaga, Buddy!" Sabi nito habang tumatawa.
"Tse!" Sabi ko lang sa kanya at inirapan ko ito. matapos ng aming walang kwentang pag-uusap s***h pag-aaway ay inumpisahan na naming kumaing dalawa.
"Ano nga pala ulit yung college mo, Dom?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.
"College of Architecture and Fine Arts." Sagot nito sa akin at pinagpatuloy ang pagkakain.
"Ay ganun ba! Oo nga pala soon to be Architect ka pala! Pero wait nga lang, nasa'n banda dito yung College of Arts and Letters?" Tanong ko muli sa kanya.
"Mamaya puntahan natin, Buddy! Kumain na muna tayo please!" Sabi lang nito at kumain muli ang loko.
Napailing lang ako sa kanya pagkatapos ay muli akong bumalik sa aking kinakain.
"MAGKALAPIT lang pala ang college natin, Buddy!" Masaya kong sabi kay Dom.
"Oo Buddy! Malapit lang ang college ng architecture sa college ng arts and letters!" ani rin nito.
"Terror ba mga professors dito sa university natin?" curious kong tanong sa kanya.
Nakita kong natawa siya dahil sa tinanong ko pero sinagot niya rin ito.
"Hindi naman mawawala ang mga terrors, Buddy! pero huwag kang mag-alala dahil alam mo ba na mas matataas magbigay ng grades ang mga professors na terrors kaysa sa mga mababait na professors!" - Dom.
"Hala?! talaga ba?!"
"Oo Buddy! Kasi yung mga terror professors eh kahit na masusungit ang mga 'yon ay matataas silang magbigay dahil alam nilang sumusunod ang mga estudyante sa kanila kaya wala silang problema kasi laging pumapasok yung mga students tapos palaging nagpaparticipate sa mga recitations and activities kumpara sa mga mababait na professors na akala mo mababait talaga pero ang bababa magbigay ng grades at ang malala pa, sila pa yung nambabagsak!" mahaba-habang sabi ni Dom na tila parang may pinanghuhugutan ang loko.
"Hoy Buddy! Bakit para yatang may pinanghuhugutan ka, aber? bumagsak ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi 'no! wala akong bagsak, Buddy! May mababa lang akong grade kaya ganito ako." - Dom
"Hmmp! Kaya naman pala e! Okay lang yan atleast nakapasa ka!" Sabi ko lang rito at niyaya ko siyang umupo sa isang bench dito sa university.
"Ang ganda-ganda pala dito, ano?!" Nakangiti kong sabi at namamangha kong inilibot ang aking paningin sa buong unibersidad.
Kani-kanina matapos kaming kumain ni Dominic ay naisipan niyang ilibot ako sa buong university. Sa totoo lang, hindi biro ang naging paglilibot namin dahil magkakalayu-layo pala ang mga buildings dito hindi ako nainform nitong loko-lokong kaibigan ko!
Pero sa totoo lang, worth it ang paglilibot naming dalawa dahil sa ganda ng mga buildings ng bawat college o faculty at mga facilities ng university. And take note ha! sa bawat buildings ay may kanya-kanya silang garden na nagpapaganda ng bawat bulding dito. Itong university na pala ito ay masyadong mahal ang inang kalikasan and sa totoo lang, dapat lang naman talaga para maiwasan ang iba't ibang sakuna at kalamidad.
"Naku Buddy! may nakalimutan pa pala tayong puntahan!" sabi ni Dom sa akin.
"Meron pa talaga? Eh ang sakit na ng paa ko, Buddy!" angal ko rito.
"Sasakit pa ba ang paa mo kung makikita mo kung nasaan si Fourth?" sa sinabi nito ni Dom ay napalingon ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
"Nasaan si Fourth?!" Naeexcite kong tanong rito.
imbes na sagutin niya ako ay tumayo lang ito at nag-umpisa ng lumakad na dahilan ng mabilisan ko ring pagtayo upang sundan siya.
"WALA naman yata siya dito sa gymnasium e?!" Ani ko kay Dom at nilibot ang paningin ko sa buong gym.
Bwisit! pinaasa lang ako ni Dom! Akala ko makikita ko na si Fourth e!
"Oh bakit bigla yatang lumungkot yang mukha mo?" tanong sa akin ni Dom.
"Hmmp! kasi naman ang sabi mo sa'kin makikita ko si Fourth pero wala namang Fourth akong nakikita ngayon!" Naiinis kong sabi sa kanya at umirap pa para makitang naiirita ako ngayon.
"Nand'yan kaya siya. Nakatingin nga sayo oh." Ang sabi nito dahilan ng paglingon kong muli sa kanya.
"Nasaan! Nasaan!" Masaya at excited kong sabi sa kanya at tinulak-tulak ko pa ang balikat niya upang ituro niya sa'kin kung nasaan si Fourth dahil hindi ko siya makita.
"Ayun oh!" ang sabi nito at ngiting-ngiti akong tumingin sa itinuro niya.
Napatigil ako ng limang segundo at napawi ang mga ngiti ko ng makita ko ang itinuturo niya.
"HAHAHA! HAHAHA!" Tuwang-tuwang sabi nito at nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Tinignan ko ito ng masama at napakuyom ako ng kamao na siyang ikinatigil ng pagtawa niya.
"Bwisit ka!" Naiinis kong sabi rito at pinaghahampas ko siya.
Walang'ya kasi 'tong lalaking ito e! Akala ko talaga na si Fourth na yung itinuro niya pero may point naman siya ng kaunti dahil si Fourth naman ang itinuro niya kaya lang ang problema, Isang tarpaulin lang yon na naglalaman ng picture ni Fourth.
"Aray! tama na, Hans!" Natatawang sabi ng loko-lokong si Dominic pero patuloy pa rin ako sa paghahampas sa kanyang balikat.
"Bwisit ka Dom! naiinis ako sayo! bahala ka d'yan!" Naiirita kong sabi at mabilis akong tumakbo paalis ng gymnasium.
"Ouch!" angal ko ng may nakabanggaan ako.
Ang sakit ng balikat ko! Shet! Badtrip naman! Parang bato yung katawan ng taong 'to! Kung sino man 'tong lalaking ito lagot 'to sakin!
Dahil sa pagmamadali kong pagtakbo at hindi ko nga napansing may nabangga akong tao ay minabuti kong iangat ang mukha ko para makita 'tong bwisit na nagbunggo sa akin.
"Hoy kuya! ang sakit ng balikat ko dahil sa pagkabangga mo ha! ang sakit no'n badtrip ka!" naiinis kong sabi rito at pilit na tinitignan ang mukha niya ngunit hindi ko ito makita dahil sa nakaharang na mga libro na bitbit niya at dahil matangkad din ito at five six lang ang height ko kaya hindi ko talaga siya makita pero isa lang ang sigurado ako na isa itong lalaki.
"Sorry." tanging sabi lamang nito na may malalim na boses at tila parang pamilyar ang boses na 'yon sa akin?
"Nasaan na siya?" Tanong ko sa aking sarili ng mapagtantong napatitig na lamang pala ako sa kawalan. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang malayu-layong pigura ng lalaki na naglalakad na kung saan siya yung lalaking nakabangga sa akin.
"Hoy! Akala ko kung saan ka na nakarating e mabuti na lang at nakita kita! Nako! sa laki ng university na'to baka talagang maligaw ka!" Sabi sa akin ng katabi ko na ngayong si Dom ngunit hindi ko ito pinansin at tanging nakatingin lamang sa lalaki.
"Hoy! Sino ba 'yong tinitignan mo? Crush mo ba 'yon, Hans?" Tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.
"Sorry na, Hans." sabi nito sa akin at take note, naka-pout pa ang loko-loko.
"Pwede ba, huwag ka ng magpa-pout kasi hindi bagay sayo!" pang-aasar kong sabi rito.
"Epal mo! tara na nga! magdidilim na oh!" Yaya niya sa'kin at inakbayan ako. Tumango lang ako at nagsimula na kaming naglakad papuntang dormitory.