"SANTIAGO, HANSEL JAMES T." Sabay naming basa na nakalagay sa screen ng laptop kasama ang kaibigan kong si Dominic.
"Congrats, Buddy! Nakapasa ka sa pinapasukan kong school!" Masayang bati sa akin ni Dominic sabay ginulo ang buhok ko.
"Hey! Tigilan mo yung buhok ko, Dom!" Naiinis na sabi ko rito at kahit mas malaki siya sa akin ay sinubukan kong gumanti sa kanya.
"Libre naman d'yan, Hans!" Sabi ni Dom matapos naming magkulitang dalawa.
"Ayoko! Ininis mo ako kaya hindi kita ililibre!" ani ko.
"Hala? Dali na buddy! ilibre mo na ako! ako na nga lang yung gwapong kaibigan mo e hindi mo pa ako mapagbibigyan?" Saad ni Dom at dahil sa sinabi niya ay tinignan ko ito ng masama.
"Oh? bakit ka ganyan tumingin sa akin? Hey!" - Dom
"Saan banda yung sinasabi mong gwapo ka ha?" iniinis na sabi ko sa kanya.
"Ang sama ng ugali mo, Hans! ang gwapu-gwapo ko kaya! Mas gwapo pa nga ako d'yan sa lalaking ini-stalk mo ngayon e!" Sabi ni Dominic dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nakangiti lamang ito sa akin at sabay na itinaas-baba ang mga kilay.
Inirapan ko lang ito at binalik ang tingin ko sa screen ng laptop kung saan kaharap ko ngayon ang profile ng f*******: ng aking pinakamamahal na...
"Hay! nagpapantasya na naman si Hansel." Saad nitong katabi ko.
"Pwede ba Dom! napakaepal mo!" Naiinis kong sabi rito.
"Ay oo nga pala. Nakalimutan kong kaya ka pala nag-entrance exam sa pinapasukan kong university e dahil d'yan sa lalaking yan! dahil d'yan kay ---
"Please Dom! Huwag ka na ngang mangialam!" mabilis kong saad rito.
"Anong huwag mangialam!? Hoy Hansel, alam ko kung bakit gustung-gusto mong pumasok sa university na pinapasukan ko! Alam ko dahil bata pa lang kilalang-kilala kita! Lalung-lalo na nung highschool tayo! Tapatin mo nga ako, mahal mo pa 'yang siraulo na yan, 'no?!"
Sa sinabi ni Dom ay wala akong naging sagot. Bumalik na lamang ang tingin ko sa profile ng f*******: niya at pinindot ko ang profile picture nito.
"Fourth." Banggit ko sa pangalan niya. Siya si Lawrence Steve Santillan D'Fouth, siya ang aking first love.
F L A S H B A C K
"And the Best Scorer, Best Server and the Most Valuable Player in this year All Mens Volleyball Cup is no other than, Jersey number Nine! Mr. Lawrence Santillan D'Fourth!" Announce ng Em-Cee sa buong arena dahilan ng pagsigawan at paghiyawan ng mga tao.
"Huy Buddy! Anong tinutunga-tunganga mo d'yan?! Tara dali sasamahan kitang magpapicture sa crush mo!" Sabi ni Dominic sa akin.
"Anong pinagsasabi mo d'yan, Dom! Hindi ko crush si Fourth 'no!"
"Naku naku! tigil-tigilan mo nga ako, Hansel James Santiago! Alam ko na may gusto ka d'yan kay D'Fourth na yan!
"Hoy ikaw Dominic! Pwede ba tigilan mo ako! Wala kang pruweba sa mga pinagsasabi mo ha! Wala akong gusto kay Lawrence! Wala!"
"Anong walang pruweba ka d'yan? For your information Mr. Hansel James Santiago, pinag-flames niyo lang naman yung pangalan niyo ni Lawrence sa likod ng notebook mo! tapos pinag---
Pinigilan ko ng magsalita si Dominic at baka may makarinig sa kanya at tinakpan ang bibig nito.
" Oo na! ang daldal mo, Dominic! Huwag kang maingay please lang! Ikaw lang ang nakakaalam nito wala ng iba kaya itikom mo yang bibig mo ha!" Sabi ko sa kanya.
"Yes sir!" sagot ni Dom at sumaludo pa sa akin.
"Tignan mo yung love of my life mo oh!" Ani ni Dom at tinuro ang gawi kung nasaan si Lawrence. Nasa gitna ito ng court, sa bandang net at pinapalibutan ito ng mga kababaihan.
"Bumaba ka na kasi at magpapicture ka na!" sabi ni Dom at tinulak tulak pa ako nito.
"Ayaw ko nga! huwag mo na akong pilitin, Dom! May gusto akong ibang gawin kaya huwag mo na kong pilitin!" Saad ko rito at nag-umpisa ng lumakad at iniwan si Dominic sa arena.
Tinawag pa ako nito ngunit mabilis akong nakalabas. Dahil malayu-layo ako sa arena ay mabilis kong tinakbo ang locker room ng school. Nang makarating ay hinuhingal akong napakapit sa tapat ng locker ko at nang hindi na ako hinihingal ay binuksan ko na ang locker. Napangiti ako ng makita ang isang bagay na ibibigay ko para sa pinakamamahal kong si Fourth
"Sana magustuhan mo 'tong ibibigay ko para sayo." Nakangiti kong bulong sa aking sarili at matapos ay walang paligoy ligoy akong nagtungo sa athlete's room kung saan naroroon ang mga volleyball players ng school at kung saan naroroon si Fourth.
Nang nasa tapat na ako ng athlete's room ay akala ko na walang ibang mga tao doon ngunit nagkamali ako dahil nandoon ang halos lahat ng mga fans ni Lawrence Steve Santillan D'Fourth o mas kilala sa pangalang...
"WE LOVE YOU, FOURTH!" Sabay sabay na sigaw ng mga kababaihan at ibang kabaklaan.
Nakakainis naman! Ang dami-dami kong kaagaw kay Fourth! Paano na ako? paano na itong ibibigay ko sa kanya?!
"Sh*t! Ang daming fans talaga ng tropa natin, bro!" Rinig kong sabi ng isang lalaki na nasa likod ko.
"Oo nga e! Masyado kasing gwapo at genteleman yang si Fourth kaya maraming babae ang nagkakandarapa d'yan!" Saad pa ng isang lalaki at sinagot ang sinabi ng kaibigan niya. Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran upang makita kung sino ang mga lalaking nagkekwentuhan ngunit sa paglingon ko ay walang mga lalaking nag-uusap ang nandoon. Nagpalinga-linga ako at nakita ko ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay sila ang dalawang lalaki na nag-uusap sa likuran ko. Nakita kong dumaan ang mga ito sa isang bukas na pintuan sa bandang likuran kung saan sa tingin ko ay sila lamang ang nakakaalam dahil tago ang pintuan na 'yon.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuang pinasukan ng dalawang lalaki at mabilis na pumasok sa pinto. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto nang makapasok na ako. Nakita ko ang mga barbel at ibang mga equipments sa gym kaya natitiyak kong nasa gym's room ako ngayon.
"Siguro heto na 'yung kwarto ng mga players!" bulong ko sa aking sarili at dahan-dahang binuksan ang pintuan kung saan nakita ko ang dalawang lalaki kanina, kung saan ito pala ay ang kambal na sina Kevin at Kelveen at kasama nila si Fourth. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkaseryoso kaya hindi ko na napigilan pang makinig at inilapit pa lalo ang sarili ko sa pintuan.
"Bro, sino yung nilapitan mo kanina at parang lalaki yata 'yon?" rinig kong tanong ni Kelveen kay Fourth.
"Ako? may nilapitang lalaki? are you sure?" Balik tanong ni Fourth sa kanya.
"Yeah. Pero sa tingin ko hindi lalaki yun e kasi parang ang sweet niya kanina sa isa pang lalaki." Saad ni Kelveen.
"Baka boyfriend niya?!" sabi naman ni Kevin sa dalawa.
"Baka nga. Pero sandali nga lang, bakit mo nga ba nilapitan yung lalaki na 'yon? Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa lalaki, bro?" Ani ni Kelveen kay Fourth.
Hindi ko na napigilan pa at mas lalong sumilip pa upang marinig at makita ang emosyon ni Fourth sa tanong ni Kelveen.
"Naku bro, totoo ba? seryoso 'tong tanong, may gusto ka ba 'don sa lalaki na 'yon? Lalaki na ba ang hanap mo ngayon, Fourth?" Sunod ding tanong ni Kevin.
Nakita kong seryoso na nakatingin si Fourth sa dalawa. Umiling-iling ito at pinasok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
"Kailanman, hinding-hindi ko nakita ang sarili ko na magkakagusto ako sa lalaki. Babae lang ang gusto ko, Babae lang." Saad ni Fourth sa dalawa at dumekwratro itong umupo sa sofa.
Kahit nasasaktan na ako dahil sa mga narinig mula kay Fourth ay minabuti ko pa ring sumilip at makinig sa kanilang pinag-uusapan.
Nakita kong binuksan ni Kelveen ang pintuan at may kasama itong babae.
"Vanessa?" sabi ko sa aking sarili ng makita ang kaklase kong si Vanessa. Isa sa mga babaing magaganda sa aming eskwelahan.
"Sige nga, Bro. Kung totoo nga yang sinasabi mo, I dare you too Kiss her!" Saad ni Kelveen kay Fourth.
Nakita kong umirap sa kawalan si Fourth at tumayo. Mabilis nitong kinabig ang mukha ng babae at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya si Vanessa sa labi.
"Oh ayan na! Siguro naman naniniwala na kayo na babae lang ang gusto ko." Sabi ni Fourth dahilan ng pagguho ng buong pagkatao ko.
Napabalik ako sa realidad ng hampasin ako sa balikat ni Dominic.
"Hey! bakit ka umiiyak d'yan, buddy!"
"Hindi ako umiiyak, 'no?! Humikab lang ako, Dom!" pagsisinungaling kong saad dito.
Naalala ko na naman pala ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan sobrang nasaktan ako.
"Naalala mo na naman siya 'no?" seryosong tanong ni Dom. Tumingin ako sa kanya at tanging tango lamang ang naging sagot ko rito.
"Hindi ko rin alam sayo kung bakit mahal na mahal mo 'yong lalaking 'yun. Ano bang meron do'n buddy na wala ako?!" saad ni Dominic.
Dahil sa sinabi nito ay natawa ako.
"Loko-loko ka! mas lamang kasi siya sayo ng isang daang ligo, Buddy!" natatawa kong sabi sa kanya.
"Ayan! buti naman at tumawa ka na! pero sandali nga lang, ano ng susunod mong gagawin, Buddy? Papasok ka na sa university na pinapasukan namin ni Fourth, ano ng magiging plano mo?" Tanong sa akin ni Dominic.
"Sa ngayon, sa akin na muna ang magiging plano ko, Dom." tanging sagot ko lamang sa kanya at isinara ang laptop ko.