Hans Nandito kami ngayong tatlo sa loob ng sasakyan. Ako, si Van at si Dominic. Kaming dalawa ni Van ay nasa likod ng sasakyan habang nasa harapan naman namin si Dom na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Dahil sa kalasingan ni Ivan ay nakatulog lamang ito sa sasakyan kaya kaming dalawa lamang ni Dominic ang gising ngayon. "Hans." tawag sa pangalan ni Dom dahilan para magulat ako. Hindi ko kasi inaasahang siya ang mauunang magsalita sa aming dalawa. "Bakit Dom?" tanong ko rito. Hindi muna ito sumagot at halos limang segundo ang tumagal bago muling magsalita. "Tungkol sa nakita mo kanina .. Si Ivan ang unang humalik sa akin." ang sabi nito habang nagmamaneho. "Si Ivan? sorry Dominic, hindi ko kasi alam kung paano nagumpisa ang lahat? Hindi ba't hinahanap lang natin si Van? pero nakita ko n

