Hans "Mabuti na lang at hindi maaga ang pasok namin ngayon." Ani ko sa aking isipan habang nakatingin sa umaandar na orasan. FYI, Umaandar na ito ha! pinalitan na ni Dominic para hindi na ako malate sa pupuntahan ko kung saan man! Dahil sa wala akong magawa ay naisipan ko na lamang na buksan ang sarili kong f*******: account. Nag-Scroll lang ako ng news feed at nag-like at nag-react din sa mga post ng kakilala at binisita ang aking timeline. "Naku! mag-iisang buwan na pala bago ako nag-post?!" Saad ko sa aking sarili. "Ay teka nga lang, kung magpopost man ako, ano naman yung sasabihin ko?" pahabol ko pang sabi at tanong ko pa sa aking sarili sabay kamot ng ulo. "Ay alam ko na!" Natutuwa kong sabi ng maisip ko ang ipo-post ko sa f*******:. "I'm done!" masaya kong sabi sabay pinindot a

