Chapter 1 - Lost

3531 Words
"Kayong lahat, pumila na kayo!" Tinatamad akong tumayo at pumunta na sa kumpol ng mga ka-block ko sa IT. Inaantok pa ako dahil sa part-time job ko kagabi pero wala na naman akong magagawa. Nandito na ako eh. Binitbit ko na lang ang backpack ko at naglakad sa kung nasaan si ma'am. Bumuo kami ng dalawang linya-- babae at lalaki. Di nagtagal ay nakumpleto na rin kami at nagsalita na naman si ma'am. "Okay guys, by block ang official tour sa lugar ha. Malaki ang lugar. Kahit matatanda na kayo ay pwede pa rin kayong maligaw. Kaya wag na wag kayong hihiwalay sa grupo. Kung balak niyo mang maggala pagkatapos ay siguraduhin niyong may kasama kayo o may nakakaalam kung saan kayo pupunta. Are we clear, class?" "Yes, ma'am!" Sagot naming lahat. "So sige, mag set-up muna kayo ng mga gamit niyo at magsisimula na ang tour at 1:00 pm. Go na. Go!" Agad naman kaming nagsialisan sa linya. Nagpunta kaming lahat sa parte ng field kung saan may nakatayong karatola ng course namin. Ito ang magiging camping ground namin. Sa gitna ng lupa ay may kahoy para sa bonfire. Meron kada course. At meron din namang bonfire na nakahanda para sa buong batch. Di ko lang alam kung para saan pa yung kada block na bonfire. "Grabe, isang buwan tayo rito?! Sasakit likod ko rito eh. Sana pala nag-ride na lang tayo. Mas masaya pa," reklamo ni Kite nang makita ang medyo mabatong lupa. "Kite, huwag ka nang magreklamo. Marinig ka pa ni ma'am. Sino ba kasing may sabing sumama ka?" Banat naman ni Sai. "Syempre sasama ako. Daming chicks oh. Saka papayag ba naman akong di makasama iyang si Leo eh ngayon nga lang nakagala iyan. Diba noh, pre?" Agad naman niyang sinakal ang leeg ko gamit ang kanyang braso. "Leo, papisil nga sa pisngi." Agad kong tinanggal ang braso niya sa leeg ko at tinampal ang kamay niyang pipisil sana sa akin. Umupo ako sa lupa at tinawanan na lang siya ni Sai. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakalabas ng bahay. Ibig kong sabihin, ngayong araw na ito mismo lang ako nakapunta at nakapaggala sa ibang lugar bukod sa bahay. Lumalabas naman ako paminsan-minsan, nagpupunta sa mall, pero nagagawa ko lang iyon kung may kailangan akong bilhin. Ni minsan, di pa ako nakagala talaga na purong gala lang. Masyado kasing strikto si mama na kahit labingwalong taong gulang na ako ay kailangan ko pa ring magpaalam kapag pupunta ako sa mall ng 8:00 pm. Saka isa pa, may part-time job din ako sa isang kiosk ng burger malapit sa amin tuwing gabi kaya wala akong oras. Agad kaming naghanap ng magandang pwesto na pagtatayuan ng tent. We will be sharing the same tent. Si Kite ang may dala ng tent sa amin. Kung tutuusin kasya ang sampung tao sa tent niya. Madami siyang friends but he does not belong to their group. Kami raw talaga ang grupo niya kaya sa amin siya sumama. "Uy, tulungan niyo nga ako rito," iritang reklamo ni Sai. "Kahit ikaw na lang, Sai. Hayaan muna natin iyang pare nating magpahinga. Antok na antok eh oh," sabi ni Kite sabay tawa. "Oo nga eh. Sa sobrang antok, nakatulog sa balikat mo kanina sa bus." Kaming dalawa naman ni Kite ang natawa ngayon. Tinukso kasi kami kanina ng mga ka-bus namin dahil doon. Ngayong buwan ang retreat/fieldtrip namin. Ewan ko ba sa school at kakaiba ang mga gawain nila. Imbis na isang araw o isang week lang ay isang buwan kami rito. Lahat ay nagtataka pero wala rin namang nagtatanong sa professors. Basta sumunod na lang kaming lahat. At isa pa, ₱500 lang ang kailangang bayaran para sa trip na ito. Sagot na nito ung trans fee, yung isang buwan na accomodation sa site, meals, etc. Kaya naman tuwang-tuwa ang lahat at agad na nagsisama. Masyadong di kapani-paniwala diba? "Leo, kailangan niyo ng tulong?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Napatigil ako sa paggalaw pero saglit lang iyon. Agad namang tumingin sa akin si Kite nang kakaiba at inilingan ko na lang siya. Parehas kaming napatingin kay Sai na diretso lang sa pag-aayos ng tent. Si Irish naman ay naabutan kong nakatingin na rin kay Sai nang kakaiba. Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon niya bago nagsalita. "Okay na kami, Irish. Matatapos na rin naman," sagot ko. Agad namang ngumisi si Kite. "Ako Irish di okay. Kaya okay lang kung gusto mong tumulong kai Sai. Papahinga muna ako," sabi niya sabay upo sa tabi ko. Pinandilatan ko siya ng mata dahil siguradong maiinis na naman si Sai sa kanya. Ito lang naman kasing si Kite ang nagpupumilit pa sa tambalang Sai at Irish. Eh matagal na ngang tapos. Di ko malaman kung ano ba talagang gusto nitong mangyari. Naramdaman kong nanigas si Sai pero nagpatuloy pa rin. Bilib rin naman ako sa tigas ng damdamin nito eh. Napapitlag naman ako ng suntukin ako ni Kite sa braso. "Huwag kag mag-alala, Leo. Akong bahala sa kanya. Saka isa pa, mag-enjoy ka na lang. Samahan mo iyon oh." Napatingin naman ako sa tinuturo niya. "Kanina pa nakatingin sa iyo iyan. Sige na. Pupuntahan ko na si baby Jazz ko." Agad naman siyang tumakbo papunta sa camping site ng Engineering. Sinigaw ko pa ang pangalan niya pero di na siya lumingon pa at nagdire-diretso na lang doon. Napatingin naman ako sa nasa likod namin nila Sai. Masyadong natuon ang pansin ko sa mag-ex kaya di ko napansin na kasama rin pala ni Irish sina Muriel at Amanda. Busy sa phone si Muriel at mukhang ka-chat niya yung boyfriend niyang taga-probinsiya raw. Napatingin naman ako kay Amy at naabutan siyang nakatingin sa akin. Nginitian niya ako at sinuklian ko na rin iyon. Medyo awkward nga lang at di naman kami close. Napasulyap ako kina Sai at nakitang malapit na silang matapos. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na papalapit na sa akin si Amy pero nauna nang naagaw ang atensyon ko ng pagsigaw ni Kite. Tumatakbo siya papalapit sa amin hila-hila si Jazz. "Uy, pre!" Mabilis silang nakalapit sa amin. Muntik pang matumba si Jazz sa pagkakatalapid pero nakabalik naman sa balanse. "Uy, may nasagap akong balita." Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "May activity raw mamaya pagkatapos ng official tour. sabi ni President Aiko. By group tapos kada group, 9 members. Kahit sino raw basta kasama sa educational tour. Kahit taga-ibang year, block o course daw." "O anong gusto mong mangyari," yamot na tanong ni Sai. "Edi syempre magkakagrupo tayo. O ilan tayo kasama si baby Jazz ko, pito. Maghanap na lang tayo ng dalawa pa mamaya. Basta tayo na magkakagrupo ha." Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na naman sila paalis. Nginitian pa ako ni Jazz bago siya kinaladkad ni Ems papunta naman sa mga Educ students. Napahinga na lang ako nang malalim dahil mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Ilang saglit pa ay nagtawag na ang mga naka-assign na professors bawat course at year. Kaming anim ay nakapila na rito sa tapat ni Ma'am Wanda. Si Jazz naman ay nandoon na ulit sa Engineering. Alphabetical order ng bawat course ang susundin sa pag-to-tour. Syempre mauuna yung mga first year at huli naman ang fourth year. Pagdating ng mga naunang batch sa third station ay saka naman magsisimula ang susunod na batch para di magulo. At dahil doon, matagal pa kami. Nagbigay muna ng paalala si Ma'am Wanda sa amin. Makaraan ang ilang saglit ay nagsimula na kaming mag-tour sa lugar. Nagpunta kami sa garden. Puro iba't ibang halaman at hayop lang naman ang nandoon. At di naman ako interesado sa mga iyon. May sinasabi yung mga guide sa amin tungkol sa mga nandoon pero di iyon pumasok lahat sa isip ko. Di nagtagal ay natapos ang tour at binigyan kami ng break. Nang bigyan kami ng 5-minute break bago pumunta sa museum ay agad akong pumunta sa isang bench. Nakita ko naman si Kite na panay ang kulit kay Sai. Kahit di ko sila rinig dahil medyo malayo ako sa kanila, alam kong kinukulit na naman niya siya tungkol kay Irish. Ayoko nang pumunta roon at baka sa akin niya pa ibaling ang atensyon niya. "Leo." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Amy ay papalapit sa akin ngayon habang magkasalikop ang kamay sa likod. Akmang uupo siya kaya binigyan ko siya ng espasyo. May dala siyang dalawang tubig at inabot ang isa sa akin. Ibibigay niya pa sana yung waffle na hawak niya pero tinanggihan ko na. "Uhmm... s-sabi ni Kite uuwi ka raw sa probinsiya niyo pagkatapos ng field trip?" Tanong niya sa akin. "Hmm-mmm," sagot ko naman. "Sa Pandango ang probinsiya niyo diba? P-pupunta rin kasi ako doon next week dahil may ipinapalakad sa akin si papa. G-Gusto mong sumabay?" Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na gusto kong sumabay sa kanya. Kung tama ang hinala ko ay kaming dalawa lang ang babiyahe kung sakali. At isa pa, may kotse siya. Alam kong doon niya ako pasasakayin. Hindi naman ako marunong mag-drive kaya siguradong siya ang mag-d-drive. Wag na lang. "Hindi na, Amy. Okay lang. Mas gusto kong bumyahe mag-isa," magalang na pagtanggi ko sa kanya. "S-Sigurado ka, Leo?" "Oo." Tumingin ako sa kanya nang nakangiti para malaman niyang ayos lang talaga. Naramdaman kong medyo nalungkot siya pero gusto ko talagang bumiyahe mag-isa. Nagpaalam na siya sa akin dahil pupunta na raw sila sa museum. Bawal ang pagkain doon kaya tinapos niya na rin ang kanyang pagkain. Tinapon ko na rin ang plastic bottle sa recycle bin at patakbo akong pumunta kina Sai . Naabutan ko naman yung tatlong babae roon. Nagkatinginan kami ni Kite pero binalewala ko na lang. "Uy, sino yung kausap mo kanina? Si Amy ba iyon?" Tanong ni Sai. "Ahhh... oo may tinanong lang." Sama-sama na lang kaming naghintay sa tawag ni Ma'am Wanda. Medyo awkward nga lang dahil di naman talaga kami malapit sa isa't isa. Si Kite lang naman ang madaldal sa amin at kanina pa talak nang talak. Buti na lang agad ding nagtawag si ma'am at bumalik na kami sa grupo namin. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa museum. Nagtaka pa kami dahil sa loob kami ng gubat papunta. Malalaki ang mga puno at pati na rin ang mga dahon nito kaya halos di na rin makita ang sinag ng araw. Parang magtatakip-silim na nga kung tutuusin. May kanya-kanya na ring dalang flashlight ang mga professors at guides namin. Di naman mapigilan ng ibang babae na matakot kaya kumakapit na lang sila kung kani-kanino. Yung ibang mga lalaki naman ay tuwang-tuwa dahil nga kinakapitan sila ng mga babae. Yung iba naman ay inis na inis dahil mukha silang mga pabebe. Sa daan ay pinapaaalalahanan kami ni Ma'am Wanda na mag-ingat dahil baka may kung ano kaming matapakan. Nagkalat ang mga naglalakihang sanga at dahon. Medyo basa rin ang lupa kahit na di naman umulan kahapon. "Sai, mag-ingat ka," paalala ni Irish kay Sai. Natawa na lang si Kite dahil parang baliktad ata. Inalalayan ko na rin sila Muriel at Amy. Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa museum. Manghang-mangha ang lahat sa itsura nito. Kahit ako ay di maialis ang tingin dito. Yung mga nauna sa amin na course ay nandito rin sa may tapat ng museum. Lahat sila ay manghang-mangha rin sa ganda nito. White and gold ang museum pero mukhang makaluma. Masyado rin itong malaki para sa isang museum na pasyalan lang. Hindi naman ito ang National Museum kaya mas lalong nakamamangha. "Wow, ang ganda naman dito," komento ni Irish. "Sana maganda rin yung loob hehehe." "Okay class, by the way, no picture-taking sa loob ha. Lalo ka na Kite." Sabay tingin sa kanya. "Wag makulit. Pag nakita namin kayong kumukuha ng pictures ay i-co-confiscate namin ang phones niyo. Maliwanag?" Tumalima naman kami. Nagsimula nang magsipasukan ang mga naunang batch. Di naman na makapaghintay ang ibang makapasok sa mala-kastilyong lugar na ito. Agad sumalubong sa pagpasok namin ang malaking hall. May statue ng hindi ko malaman kung ano. Lahat kami ay nagtipon-tipon dito. Pagsasabayin na yata kaming lahat ng batch. Pinaupo nila kami sa sahig. Kanya-kanya naman kaming upo malapit sa statue. Meron daw mini show na magaganap. Biglang namatay lahat ng ilaw. Then the next thing we knew, nanonood na kami ng projected animation sa mga dingding. Akala namin iyon lang iyon. Pero may mga holographic figures din silang ipinakita. Isang magandang senaryo ng fantasy world ngayon ang ipinapakita sa amin. Medyo boring man dahil di naman ako mahilig sa mga fantasy ay aaminin kong maganda ang mga ito. Maganda ang palabas. Halos lahat nga ng babae rito ay nakanganga na sa dingding. Siguro mga limang minuto lang ang nakalipas, biglang bumalik na rin ang lahat sa dati. "And that's it for this show. Magandang umaga sa inyong lahat, mga ginoo at binibini." Napatingin naman kami sa nagsalita. Hinanap namin ang boses na iyon hanggang sa matagpuan namin siya. Hindi namin napansin na nandoon na pala siya sa harap ng mismong statue na tinitingnan ko kanina. "Ako nga pala si Mauricio. At ako ang magiging host niyo para sa araw na ito. Maligayang pagdating sa aking museo!" Naks naman! Magician na magician ang datingan ng host namin ah. Meron pa siya nung hat at tungkod At meron din siyang bigote na pakulot yung dulo. Medyo creepy yung ngiti niya pero mas natawa kami ni Kite sa kanya. Di ko inasahan na may hindi pala boring na bagay rito. Di ko naman pala talaga pagsisisihan ang pagpunta ko rito. "Ngayong araw ang nakatakda niyong pagbisita sa museong ito. Nawa'y maging masaya kayo sa pagbisita rito. Maaari niyo nang simulan ang tour sa gabay ng aming staff at ng inyong mga guro. Iyon lang at maraming salamat." Nagpalakpakan naman ang iba kaya't nakipalakpak na rin ako. Nagsimula naman nang pumasok sa isang pinto ang mga naunang batch at nagsunod-sunod na. Medyo huli pa kami kaya medyo nagdadaldalan muna kami. Panay naman ang titig ko sa statue. Ni-re-resemble ng estatwa ang isang tao. Isang babae. Yung mga damitan ng estatwa base sa pagkakagawa ay parang byung sa mga anghel.May parang crown din siya sa kanyang ulo at may hawak na staff sa kanyang kamay. Nilibot na namin ang museum. Apparently, hindi lang basta fossils o remains ng kung anu-anong specie noong ilang milyong taon na ang nakakalipas ang nakalagay rito. May mga gods and goddesses din ng iba't ibang bansa. Lahat ata ng gods and goddesses ay may estatwa sila. Kada estatwa ay may history pang sinasabi ang mga guide kaya inabot rin kami ng halos dalawang oras sa paglilibot. Matapos ang aming official tour sa museo ay kanya-kanya na kaming libot rito. Yung iba ay pinuntahan ang mga parte ng museo na gusto nila. Pinakamarami nga ay doon sa may mga estatwa. Marami rin kasi talagang mahilig sa mythology rito lalo na sa Greek. Habang ako naman ay nandito lang sa tapat ng estatwa sa hallway. Wala lang, gusto ko lang 'tong titigan. Di ko alam kung bakit. "Mukhang nawiwili ka sa estatwang iyan, ginoo? Kanina ko pa nakikita na di maalis ang atensyon mo riyan." Napalingon naman ako sa likod ko sa nagsalita. Hawak-hawak ang hat niya sa kanyang dibdib, ngumiti sa akin si Mr. Mauricio. Napatingin naman ulit ako sa statue at balik sa kanya. "Wala naman. Gusto ko lang titigan. Masama ba?" Ngumiti naman siya sa akin nang makahulugan at malalim na tumingin sa estatwa. "Kakaunti lang sa mundong ito ang nakakaalam ng kahalagahan ng estatwang iyan. Wag kang mag-alala, ginoo. Malalaman mo rin iyon balang araw." Isinuot niya ulit ang hat niya at naglakad gamit ang tungkod palabas kahit di naman siya pilay. Napatulala na lang ako sa kanya at balik sa estatwa. Napatingin ako sa orasan at nakitang limang minuto na lang bago ang time na binigay sa amin ni ma'am na magkikita-kita ulit kami sa labas. Agad akong lumabas na at hinanap ang block namin.Nahanap ko naman agad iyon. Iyon nga lang ay kakaunti pa kami rito. Sana lang ay dumating na agad sila dahil gusto ko nang magpahinga. Wala pa sina Kite at Sai. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsidatingan na yung iba. Kanya-kanya na silang kwentuhan sa kung anong mga ginawa nila. Nandito na rin si Muriel. Iyon nga lang ay wala pa rin iyong dalawang babae. Saan ba kasi nagpupupunta yung mga iyon? Lumagpas na sa time ay wala pa rin sila. Kaya lang naman kami nandito pa ay dahil may pinag-uusapan yung mga staff at yung teachers. Para siguro iyon sa sinasabing activity ni Kite. At dahil doon, napilitan akong hanapin na sila sa buong lugar. "Oy, oy , pre sa'n ka pupunta?" Tanong ni Kite. "Hahanapin ko yung dalawa." "Ang sabihin mo, nag-aalala ka lang kay Amy," banat niya naman. "Aminin mo na kasing gusto mo yung tao eh halatang may gusto rin naman sa iyo iyon eh." Napailing na lang ako at binatukan siya bago pumasok. Pumasok ako sa loob ng museum at nakitang wala man lang tao sa malaking hall. Agad akong nagpunta sa gods and goddesses section dahil doon daw sila pumunta kanina. Lahat ng parte ng section na ito ay nilibot ko na pero wala talaga sila doon. Maging ang likod ng mga estatwa ay tiningnan ko mahanap lang sila pero wala talaga. Nakarating na ako sa Chinese mythology na part pero wala talaga sila doon. Ito na ang pinakahuling section ng gods and goddesses Tiningnan ko ang phone ko at nakitang walang text sa akin yung dalawa o maging si Kite. Di ko rin alam kung bakit pero walang signal sa part na ito ng museo. Aalis na sana ako pero may nakita akong isang pinto. Napakaliit lang nito at hindi agad mapapansin dahil nasa likod siya ng pinakahuling estatwa. Alam kong wala sila rito dahil imposible naman iyon at mukhang restricted ata pero pinasok ko pa rin. Pagbukas ko ng pinto ay ang likod ng museo ang nakita ko. May hagdan pababa at basurahan sa gilid nito. Malalim na parte na ng gubat itong sa may likod. Lumibot ako ng kaunti pero wala naman sila rito. At kung iisipin ay wala naman talagang dahilan para pumunta sila rito. Ako lang naman itong nakaisip na pumunta rito. Babalik na sana ako pero may nahagip akong dalawang bulto ng tao sa may medyo malayong parte ng gubat. Medyo mahamog ang lugar pero sigurado akong bulto ng tao iyon. Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ako pero ginawa ko na rin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa parte kung saan ko nakita iyon. Di pa naman ako masyadong malayo sa pinto pero kung susukatin ay mga pitong yarda na ang layo ko mula roon. Di ko na rin masyadong makita iyon dahil sa fog. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lugar kaya babalik na sana ako. Pero nang makalagpas na ako sa hamog at malapit na ako sa pinto ay bigla akong bumangga sa kung ano. Napahilod ako sa noo ko at tiningnan kung ano iyon pero wala naman. Sinubukan ko ulit perot bumabangga ako sa parang isang invisible wall. Sinubukan kong hawakan ito at mayroon nga. Nakakakaba man ay sinubukan kong kumalma. Pero di nakatulong ang unti-unting pagdilim ng langit sa museo na kanina lang ay sinisinagan ng araw. Napalingon ako sa likod ko at nakita ang dalawang bulto na iyon. Papalapit na sila sa akin! Malayo man ay alam kong may suot silang capa. Nag-pa-panic na talaga ako pero tinapangan ko ang loob ko. Bago pa man sila makalapit sa akin ay kumapal pa lalo ang hamog na kinailangan kong ipikit ang mga mata ko dahil sumasakit na ang mga 'to. Hindi na rin ako makahinga sa sobrang pagpapanic. Pero may kung anong anghel yata at naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng hamog. Nakahinga na ulit ako nang maayos at naramdaman ang pagsinag ng araw. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang maaliwalas na ang lugar. Pero ang nakapagtataka ay wala na yung gubat. Napalitan na ng isang grassfield. May tumutubo pa ngang makahiya. Di ko na rin maramdaman yung barrier. Pero ang kaninang museo ay napalitan na ng isang kahoy na parang bahay na may karatola na ang nakalagay ay "Cromeo" at meron pang chimney sa tuktok. Meron ding windmill sa gilid. Naglakad ako papalayo roon at nakitang parang nasa isa akong cliff dahil nakikita ko na ang dulo ng field at may nakikita rin ako sa baba. Tuluyan kong narating ang dulo at napanganga na lang ako sa nakita ko. Merong mga parang barbarong lalaki sa baba. May iba't iba silang hawak na sandata at nagpupukpok ng mga bato. Meron pa nga ata akong nakitang wrecking ball! Tumitig pa akong mabuti para makita kung ano pang meron sa baba pero may tumingin dito sa taas. Napaatras na lang ako at napaupo sa sahig. Di ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Kahit sino naman siguro ay matatakot sa mga ganoong tao diba. Saka isa pa, di ko alam ang lugar na ito kaya natural lang iyon. Napahinga na lang ako nang malalim at nag-isip ng gagawin dahil isa lang ang sigurado ko sa ngayon. Iyon ay magtatagal pa ako rito at kailangan kong makatagal ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD