Greg Point Of View Nagsimula na ang kasiyahan at nagtipon tipon ang mga lobo. Maliwanag ang sinag ng buwan ngayong gabi dahil buong buo ito at tila kaybaba noon sa kinapupuwestuhan namin. May malaking bonfire sa gitna habang masayang sumasayaw ang lahat paikot. Nagtatawanan, nakanta at nagbibiruan ang lahat. They look happy and content. Bagay na nagpapasaya ng lubos sa akin. Natigil lamang sila ng lumabas ang matikas at pinaka malakas na werewolves, walang iba kundi ang aking Tiyuhin. Uncle Eros stands like a King. At lahat kami ay yumukod bilang pag galang sakanya. Naging maayos ang Transylvania dahil sa galing niyang maghandle ng mga nasasakupan. Mas naging malakas ang aming Pack kumpara sa iba. He renamed the pack as a Celestial Werewolves Pack. Sinang ayunan naman iyon ng lahat. Na

