"hindi na kailangan mahal ko. Ayos lamang ako. Pero sa katunayan. Nakaramdam ako ng takot. Kahit na hawak ko ang kapangyarihang taglay ng kwintas na ito alam ko sa sarili kong anumang oras. Anumang araw o gabi ay hihinto at mawawalan ito ng bisa gaya ng dugong aking ininom. Paano na tayo?" Dire-diretsong sabi ko. Eto yung puntong nangangamba ako sa kahihinatnan namin. At nabubulabog ang isipan ko. Dahil sa nakaakibat kong tungkulin. Paano nga ba kalabanin ang sigaw ng ating damdamin? Paano ang aking tungkulin sa pinangakuan kong bayan? Ang katulad ko ay katumbas ng mga pari at sundalo na may sinumpaang tungkulin. Hindi maaring umibig. Lalo na kung sa isang maharlikang lobo na siyang kalaban ng aming lahi. Hindi ito katanggap tanggap sakanila. Kung patayin ko kaya siya ayos lang? Per

