Sa gitna ng kagubatan ay nagtitipon tipon ang mga lobo na mula sa iba't ibang pack at kaibigang bansa. Magkakasama ang lahat ng mandirigmang lobo at ang mga magigiting na alpha na kinilala noong sumiklab ang digmaan sa buong mundo. Ang lahat ay nagkakasiyahan sa palibot ng bonfire na kanilang ginawa. Habang kumakain ng karneng inihaw. Abala ang ilan sa paghahasa ng mga patalim na gawa sa kahoy gaya ng palaso, sibat at iba pa. Sa isang sulok naman ay nag uusap ang labing limang alpha mula sa iba't ibang sulok ng bansa ukol sa kanilang gagawing pagsalakay. Para bawiin ang pack ng kanilang kaibigan. "Lubos akong nagpapasalamat sainyong lahat. Utang ko sainyo ang tagumpay sa oras na mabawi ko ang akin." Saad ni alpha Iuhence. Nginitian at tinanguan lang siya ng kanyang mga kaibigan. Abal

