Kakaiba ang kakayahan nilang dalawa. Si Feng Yin ay may kapangyarihan, tapos siya ay marunong ng spell dahil sa salinlahi na pinagmulan niya. He's the most powerful alpha. Kung noon ay normal ang nauna sakanya ngayon ay iba na. Dahil na rin sa mga nakakasalamuha ng mga ninuno niya. They are still alive and kicking na akala mo ay hindi tumatanda. Nakakasama niya rin ang mga ito sa Gathering. Iba't iba man ang kanilang tinutuluyan ngayon pero nandoon pa rin yung closeness nila once na magkakasama sila. "See you tomorrow."nakangising sambit niya bago umalis. Inirapan lang siya ni Feng Yin at hindi na sumagot. Nahiga siya sa malambot na Queen Size bed at nakatulog. Nagising siya sa nakakasilaw na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Pumasok na rin ang malamig at sariwang hangin sa veranda

