Sam's POV "Iyan, masarap ba?" Tanong sa akin ni Aris, nandito kasi ako ngayon sa condo niya. "Medyo." Nakasimangot na sabi ko. "Aissh! Ang panget mong sumimangot, stop doing that thing!" Sabi ni at tsaka ginulo ang aking buhok. "Can you please find information about Atasha?" Utos ko. "Atasha? Maraming Atasha sa mundo Samantha. Give me her surname at ako na ang bahala." Kaagad ay gusto kong batukan ang aking sarili, sa sobrang kaba ko na baka may mangyaring hindi masama ay nacu-curious ako kay Atasha. "Nevermind, huwag mo nalang pansinin ang ipinapagawa ko." Tumango nalang si Aris. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng Carbonara na kaniyang niluto. Sa totoo lang masarap naman talagang magluto si Aris e, minsan ay niloloko ko lang siya na hindi. "Basketball tayo Aris." Pagyayaya ko sa

