CHAPTER 5

1066 Words
CHAPTER 5 "Alam mo, dapat mas sarapan mo pa yung pagluto mo ng adobo. Para kapag naging asawa na kita wala ng palya." Sabi sa akin ni Ken habang nandito kami sa cafeteria. Nakabalik sila kahapon lang, ngayon pinag-uusapan na namin ang ibat-ibang putahe. Ewan ko lang kung paano napunta sa pag aasawa. "Tsk, masarap naman akong magluto noh! E kung gusto mo yung adobo dito sa canteen edi yung cook nalang nila dito yung pakasalan mo." I said while chuckling. "Naman e, seryoso ako nerdybabe ko." Seryosong sabi niya. Siya na ang dakilang seryoso! "Oo na, syempre sasarapan ko naman talaga e." "Sige mauna muna ako. May kakausapin lang ako. At please favor? Pwedeng pakihanap doon sa drawer ko doon sa may office namin 'yung kwintas na pinatago sa akin ni Matt? Please? I love you." Mabilis niya akong hinalikan sa pisnge bago umalis. Anak ng baka, inutusan niya pa talaga ako? Pasalamat talaga siya at isa akong mabait na girlfriend. Inubos ko na ang natitirang pagkain ko at pumunta na sa office nila. Nadatnan ko naman doon ang gwapo kong kuya na nakatutok sa kanyang laptop. "Ahem, kuya! Mukhang seryoso ah." Sabi ko sa kaniya para naman mapansin niya ako. "Oh, nandyan ka pala kapatid. Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin habang ang tingin ay nasa laptop niya parin. "May pinapahanap kasi sa akin si Ken sa drawer niya, kuya." "Ah ganon ba. Sige hanapin mo na ang kailangan mong hanapin." Hindi parin niya makuhang tumingin sa akin. Anong problema. Anong pinagkaka busy-han niya? Dumiretso nalang ako sa table ni Ken kesa titigan ko yung kuya ko na hindi makuhang tumingin man lang sa akin. Pagkabukas ko ng unang drawer hinanap ko kaagad pero hindi ko nakita. Bali kasi tatlong drawer ang meron sa table ni Ken so sinunod ko yung pangalawa. Wala parin pero in fairness kay Ken ah. Walang dumi akong nakita sa drawer niya. Ang linis niya talaga. Bubuksan ko na sana ang pangatlo pero bigla akong nakaramdam ng kaba, ewan ko ba. Ano na naman tong nararamdaman ko? Pagkabukas ko nang drawer may isang picture frame akong nakita. Kinuha ko ito para tignan kung sino ang nasa larawan, nanginginig ang kamay ko habang hawak ko iyon, basta! Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. What the hell is this feeling? Pagkakita ko sa larawan awtomatiko ko itong nabitawan. Dahil sa pagkataranta ko nagmadali akong kunin iyon. Nabasag kasi iyon. "Ouch!" Singhal ko nang mabubog ako. Hindi lang sa daliri ako nabubog kundi pati narin sa aking palad. "Sam!" Lumapit si kuya sa akin. Kinuha niya agad ang kamay ko. Pinaupo niya ako sa couch at kinuha ang first aid kit nila dito sa office at ginamot ang natamo kong sugat. "Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit mo pa 'yun pinulot? Palad yan oh! Paano nalang kung umabot yan sa may pulupulsuhan mo?" Inis na sabi ni kuya sa akin nang matapos niya na akong gamutin. Aaminin ko. MASAKIT, lalo na yung nakita ko sa larawan. Sino ba kasi ion? "Hintay ka diyan lilinisan ko lang ang nabasag mo." "Kuya ako nalang." "Ang laki mo ring gaga noh? Nasugatan ka na nga. Magpupumilit ka pa?" Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi. Kung gaga ako. Gago siya haha, magkapatid kami e. Pinanood ko siya habang naglilinis. Nagulat ako ng bigla nalang siyang lumapit sa akin dala yung litrato. Ibinigay niya ito sa akin. "Diba sinabi sayo ni Ken ang tungkol diyan?" Kunot-noong tumingin ako sa kaniya. "S-sino ba yang babae kuya?" Umupo siya sa tabi ko. Tinignan ko ang litarato. Namumukhaan ko siya. Teka! Siya, siya, yung nakabangga ko nung isang araw ah. Siya 'yun. 'Di ako pwedeng magkamali. "Si Atasha. Seriously? Hindi man lang sinabi sayo ni Ken ang tungkol sa kaniya?" Naiinis na sabi niya. Umiling ako. "Sino ba kasi siya kuya? Sino ba siya sa buhay ni Ken? At bakit kailangan kong malaman ang tungkol sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Malalim na buntong-hininga ang inilabas niya bago muling nagsalita. "Ex ni Ken si Atasha. Si Atasha ang first girlfriend ni Ken bago ka. Si Atasha ang nagpahirap kay Ken ng ilang taon. Nahirapan makapag move on si Ken nung naghiwalay sila. Tulad natin gangster din si Atasha." Napalunok naman ako sa sinabi ni kuya. E-ex? Wala namang nasasabi sa akin si Ken na may ex siya. Bakit niya tinatago sa akin ang lahat? "Wala siyang sinabi sa akin kuya. Walang sinabi sa akin si Ken." Feeling ko ay maiiyak na ako. Hindi ko tanggap na naglilihim sa akin si Ken. "Baka may malaking dahilan si Ken kung bakit niya tinago sayo ito." Pagpa-pakalma sa akin ni kuya. "Anong gagawin ko kuya? N-ngayong nandito na si Atasha." Nanlaki naman ang mga mata ni kuya sa aking sinabi. Halatang gulat na gulat ito sa aking sinabi. "N-nandito si Atasha?" "Oo kuya, 'di ako pwedeng magkamali. Siya yung nakabangga ko noong isang araw. Paano nalang kung magkabalikan sila ni Ken? Anong gagawin ko kuya?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Shhh, kung mahal ka talaga ni Ken. 'Di ka niya iiwan para lang kay Atasha, hindi ka niya iiwan para sa taong iniwan rin siya." Pagpatahan niya sa akin. Nakahinga naman ako ng malalim dahil sa kaniyang sinabi. Tama, 'di ako iiwan ni Ken kung talagang mahal niya ako. Pero... Natatakot parin ako na mawala si Ken sa akin. Hindi ko hawak ang puso niya. Hindi ko siya kayang kontrolin. Paano nalang kung isang araw pagmulat ko hindi na siya ang nakikita ko? Simon's POV Naawa ako sa kapatid ko. Bakit siya kailangang paglihiman ni Ken? Kung 'di pa siya naghanap ng bagay sa drawer ni Ken hindi pa niya malalaman ang katotohanan. "Ken pwede mo bang sabihin sa akin ang totoo? Ginagawa mo lang bang panakip-butas ang kapatid ko?" Tanong ko kay Ken napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Kasalukuyan kaming nandito sa HIDEOUT. Kaming dalawa lang ang nandito kasi may pinuntahan ang iba. "What are you talking about? Anong panakip-butas?" Halatang nainis kaagad siya sa sinabi ko. "Bakit ka naglilihim sa kaniya? Hindi mo man lang sinabi ang tungkol sa past mo. Ang tungkol kay Atasha." Sunod-sunod kong sabi sa kanya. "Hindi na niya kailangan pang malaman Simon. Nakaraan na 'yun. Pinagtutuunan ko nalang ng pansin ang sa amin ngayon." "Kahit na, may karapatan pa rin siyang malaman ang ganoong bagay Ken. Kung hindi ka pa nagpahanap ng bagay sa kanya sa drawer mo hindi niya malalaman ang lahat." "Kakausapin ko siya mamaya." "Dapat lang. Lalo na't nandito na si Atasha sa Pilipinas." Nanlaki naman ang mga mata niya sa aking sinabi. Huwag niyang sabihin na matutuwa pa siya? Masusuntok ko siya ng wala sa oras. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD