CHAPTER 4

1134 Words
"Kahit anong gawin mo mas malaki parin ang kasalanan mo sa akin Ken. Tinakikuran mo ako para lang makipag usap sa ibang babae? Ang sama mo!" Hinampas ko siya sa kanyang dibdib para naman mapalayo siya ng kaunti dahil talagang ang lapit ng mukha niya sa akin. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng damit at pants. Magshoshower na ako, umiinit na rin asi ang ulo ko sa inaastani Ken Valdez. Pagkatapos kong magshower lumabas na ako sa banyo at nakita si Ken na nakahiga sa kama ko, naka-shirt at short na siya ngayon. Kasi kanina topless pa siya dahil na rin sa paglangoy. Lumapit ako sa kanya. "Ano pang ginagawa mo dito?" I coldly said, not minding his intimidating stare. "I'm staying here, nag-usap na kami ni Kim na dito muna ako, kasama ka." Kumindat pa siya. Tignan mo to? Kapal moks talaga siya, nakakainis. Sarap sakalin. "E ano naman kung ayoko." Tinaas ko na ang isang kilay ko. "Sorry ka, gusto ko e" Nagkibit-balikat siya, may kasalanan pa siya sa akin tapos may gana siyang mag ganyan ganyan? Kapal moks! Tumalikod ako sa kanya para magsuklay pero nagulat ako ng bigla niya akong hinila kung kaya't napahiga kaming dalawa. "Ano ba kapal moks? Magsusuklay ako." Sabi ko sabay hampas sa kanya. Nakikita ko naman sa kanyang mukha na masakit ang ginagawa ko. Pake ko? "Kahit 'di ka na magsuklay maganda ka parin." Bigla naman akong namula sa kanyang sinabi. I really hate blusing, para kasing kamatis ang mukha ko, dahil na rin sa pagkaputi ko. "Binobola mo lang ako kasi may kasalanan ka sa akin." Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Kahit anong sabihin mo. Dito ako matutulog. Let's just enjoy this day together." "Enjoy? Gago ka ba? Psh!" Nagulat ulit ako ng bigla niya akong dinampian ng halik sa aking labi. "Stop cussing, or else, I will kiss you again." Dahil alam ko namang 'di siya masyadong marunong magbiro. Tumahimik nalang ako. "Magsusuklay lang naman kasi ako e." Nakalabi kong saad. "Shut up wife matulog nalang tayo." Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Ayaw kong kiligin dahil halatang binobola niya lang naman ako pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Tinignan ko ang kanyang mukha, I'm so lucky to have this man in my life. Pumikit nalang ako at sinabayan siyang matulog. Well, pagod narin lang naman ako. Someone's POV "s**t, kapal moks wake up. Umaga na," mahinang sigaw ni Sam kay Ken. Umungol si Ken at dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata. "Ngayon na uwi ko. Mauuna na kasi ako," tumayo siya at masuyong dinampian ng halik sa labi ang dalaga. Smack kiss lang naman. "Bakit ngayon agad? Pwede bang bukas nalang? Sabay nalang tayo." Umiling si Sam. "Hindi pwede e, ahmmm ang dami kong ire-report ngayon then magpa-pass na din ako ng school papers." Sumilay naman ang lungkot sa mukha ng taong mahal niya. Kung pwede lang talagang maiwan dito ang dalaga e ginawa na niya, pero di talaga pwede e. "Fine, uuwi narin lang ako para magkasama tayo." "Hindi pwede Ken, birthday ngayon ni Accel, kailangan kayo dito. Ayos lang ako, text nalang kita at tsaka uuwi narin lang naman kayo bukas e." Hinalikan niya rin si Ken sa kanyang mga labi na bigla niya rin namang tinugunan. Ayaw na yatang umalis ng dalaga e. Tumayo na siya at iniayos niya na ang mga gamit niya. Nagpaalam na si Sam sa kanyang mga kaibigan. Nakabalik naman siya ng matiwasay sa kanilang bahay, dali-dali siyang naligo ulit at nagsuot ng uniform. 'Di kasi dapat siyang malate sa klase lalo na't siya ang inaasahan ng mga guro niya. "Ms. Rivera I really appreciate how you perfectly perform here in front." Pagpupuri ng professor nila kay Sam dahil sa ginawang pag-report sa harapan. Tumango at ngumiti naman si Sam, bumalik narin siya sa kanyang upuan at isinuot ang kanyang earphone. Habang ginagawa niya iyon ay naisipan niyang i-text si Ken. To: Kapal Moks Kapal moks, habang wala ako diyan wag kang gagawa ng kalolohan ah! Magtatanong ako kay kuya kung anong ginagawa mo diyan. Napangiti naman ang dalaga ng mabilis nag-reply ang binata. From: Kapal Moks Yes love, sabi ko naman kasi mag-stay ka nalang para magkasama pa rin tayo. Nagka-klase na ba kayo ngayon? To: Kapal Moks Oo nagklaklase na po kami. Kakatapos ko lang namang mag-report kaya ayos naman na. Kayo? Ano na ang ginagawa niyo diyan? From: Kapal Moks Kumakain pa lang, mamaya pang 12 midnight gaganapin ang party ulit ni Accel, sayang talaga at umuiw ka na. Lumukot naman ang mukha ng dalaga dahil nakaramdam kaagad siya ng hindi maganda doon, baka landiin nanaman ang kanyang mahal ng iba pang mga babaeng umaaligid sa binata. To: Kapal Moks Huwag na huwag kang maglalandi diyan ah Ken Valdez, kapag may malaman lang ako, huwag ka na magpapakita sa akin! Sige na, I love you! From: Kapal Moks I LOVE YOU MORE. Sam's POV "s**t bumalik na pala siya?" "Walang pinagbago, maganda parin" "Oo nga ang ganda parin ni Atasha. Akala ko nasa States yan?" "Bumalik yata para kay Ken." 'Yan ang mga bulong-bulungan na naririnig ko dito sa hallway pero 'di ko masyadong marinig ang narinig ko lang ay yung 'Bumalik na pala siya?' Sino naman iyon? Sinong bumalik na? Kaysa ubusin ko yung oras ko sa pakikinig ng chismis nila. Pumunta nalang ako sa library, mag-aaral nalang ako para mas masaya. Diba? Pero di pa ako nakakahakbang papasok ng library nang may nakabangga sa akin. "What the hell? 'Di ka ba tumitingin aa dinadaanan mo?" Sigaw sa akin ng babaeng medyo matangkad pero mas matangkad parin ako. Maganda siya, maputi at maikli ang buhok, balingkinitan ang katawan at may mapupulang labi, bilugan rin ang kaniyang mukha. "Kamusta ka? Wag mong sinisisi sa akin ang kasalanang ginawa mo. Ikaw ang naka-bunggo." I coldly stated, kaagad naman siyang namula sa galit. "WHO THE HELL ARE YOU? Ngayon lang kita nakita rito ah. Ang yabang mo, bakit sino ka ba?" Maangas na tanong niya sa akin. "Oh well. Parehas lang tayo, ngayon lang kita nakita dito. San ka nanggaling? Sa Mars? 'Di ka dapat dumiretso dito. 'Di uunlad buhay mo dito lalo na't ganyan ang ugali mo." Nilagpasan ko na siya. Pero ang loka, 'di pa yata nakuntento sa sinabi ko at hinila ako sa braso para lang magkaharap kami. "Wag na wag mo akong tatalikuran." Kitang-kita ko na ang nagbabagang mata niya. Tsk. Bwiset nasasayang ang oras ko. Masyadong mahalaga ang oras ko para sayangin ko lang sa isang katulad niya. "E trip kong talikuran ka e. Pake mo ba? Kung 'di mo maayos ang buhay mo, pwede? Wag mo akong idamay?" Cold na pagkakasabi ko. Na-miss ko ang pagiging cold ko. And for the second time. Tinalikuran ko na naman siya, baka di ako makapagpigil at masaktan ko pa siya, di ko nga dinadala ang pagiging gangster dito sa school. "ATASHA, GIRL!" May bigla na lamang sumigaw mula sa likuran ko. 'Di ko nalang pinansin pero itong puso ko. Nakaramdam ako kaagad ng kaba. Bakit? Anong meron? Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito nakang ang pagkakaba ko sa pangalang narinig ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD