CHAPTER 3
Umungol ko nang maramdaman ang medyo pagsakit ng aking ulo. Hangover.
Wala namang pasok ngayon kaya pwede naman siguro akong matulog ngayong buong araw?
"Samantha," kumakatok si kuya sa may pintuan. Ano nanamang problema neto?
"Bakit?" Sigaw ko, masakit talaga ang ulo ko, pakiramdam ko nga e sasabog nalang bigla ang ulo ko e.
"Gumising ka na diyan at ayusin mo na 'yung mga gamit mo." Tuluyan na siyang nakapasok sa aking kwarto.
"Sa pagkakaalam ko, walang pasok ngayon, ang task ko lang ngayong araw ay matulog."
"No, 'Di ba sinabi sayo ni Ken? Mag a-outing tayo ngayon," kailan ba ako sinabihan ng kapal moks na yun? 'Ni hindi niya nga ako pinansin kahapon e. Nakakainis talaga iyong mokong na 'yun!
"Walang sinabi sa akin yung magaling niyong kaibigan kuya. Hindi ako inform so hindi ako sasama!" Humiga ulit ako sa aking kama.
"Anong 'di sasama? Magagalit si Accel kapag 'di ka nakasama. Pagpapatuloy to sa birthday celebration niya kahapon." Hinila-hila niya ako.
"Kuya naman? Masakit ang ulo ko. I need to take a rest." Babasagin ko na talaga yung mukha nang kuya ko. Makahila sa akin, wagas. Anong akala niya sa akin? Garter? Rubber band?
"You can rest on our car." Napakakulit, napakamot na lamang ako ng ulo ko.
"Fine, you win, mag aayos lang ako." Ngumiti siya at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Ang weird talaga ng kapatid ko na yun, mana lang sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table at tinignan kung may texts ba akong natanggap. Puro text ni Carl, Kurt, Bruks, Accel, James, Matt, Aris at Zyco ang text na nakita ko. Ni wala man lang akong natanggap na galing kay Kapal moks. Seriously? Ano ba talaga ang problema niya? Bakit palagi nalang siyang ganon?
Hinayaan ko nalang muna. Sasama kaya siya?
Pagbukas ko ng van, nakita ko na ang mga mokong, inilibot ko ang aking mga mata at nandun si Kapal Moks sa likuran. Actually, maraming sumama, tatlong van nga daw ang magagamit e.
"Doon ka na kay Ken, nerdybabe." Inalalayan akong umakyat ni James papasok ng van. Nagtama bigla ang mata namin ni Ken pero agad siyang umiwas. Umiwas na rin ako ng tingin, nakakainis talaga siya. Daig niya pa ang babae sa pagka-moody.
Umupo na ako sa tabi niya. Yeah, tahimik naman talaga ako at gusto ko ng tahimik na lugar pero hindi ganito. Hindi ganito na nababalot kami ng problema.
Umangkla ako sa braso niya. Tawagin niyo na akong clingy kahit ngayon lang. Boyfriend ko naman siya.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang pilit tanggalin ang kamay ko. Please, calm down Samantha. May problema lang, bad mood siya.
Kailngan ko rin muna yata siyang bigyan ng space.
"James pwede bang palit muna tayo?" Pakiusap ko kay James. Hindi pa kasi umaandar ang sasakyan e, bumili pa daw ng pagkain yung iba.
"Why?" Kunot-noong tanong niya.
Tinignan ko si Ken, wala parin siyang pakielam hanggang ngayon.
"Ahm, hindi lang ako comfortable dito sa likod. Please!" Nag-puppy eyes pa ako.
"Sige." Lumakad ako at pumunta sa dati niyang upuan, katabi niya naman si Kuya so makakatabi ko na si kuya.
Tumingin ako sa bintana, hindi ko namamalayan may tumulo na palang luha sa aking mga mata.
James’ POV
Naaawa talaga ako kay nerdybabe pero hindi ko masbi kay Ken o masugod man lang si Ken para pagsabihan siya sa inaasal niya kay Samantha. I really like Samatha, actually all of us have these hots for her pero hindi na kami nagkakaroon ng lakas na loob na ipaglandakan pa ang nararamdaman namin dahil alam naman naming mahal niya si Ken. And that man was so lucky to have her, hindi ko lang alam kung bakit ganoon siya ngayon.
Ipinaubaya na namin si Sam sa kanya dahil gusto rin naming makapag move-on siya kay Atasha.
Pero bakit ganito ang nagyayari? Mas nakikita ko pang nasasaktan si Sam?
Mga ilang oras lang ay narating na namin kaagad ang Heaven Beach. Unang tingin palang talaga ay mamamangha ka na. Kaagad na kaming bumaba ng van at halos mangiti ako sa simoy ng hangin. Nakakakiliti sa paa ang puting buhangin na nilalakaran namin.
Nilapitan ko si Ken. I think I need to talk to him, kahit ngayon lang.
"What?" Kunot-noong tanong niya.
"I should be the one who's asking that question to you Ken. What is your problem? Anong nangyayari sa'yo?" Tinapik ko ang balikat niya.
"Anong problema ang sinasabi mo James?" Maang-maangan pa ang loko.
"Anong nangyayari sa inyo ni Sam? Bakit iniiwasan mo siya? May nangyari ba? Kawawa naman si Nerdybabe." Sunod-sunod na tanong ko.
"Pwede ba James.? Problema namin 'to, labas na kayo." Naiiling na tinalikuran niya ako at para bang mas lalong uminit ang kaniyang ulo.
Sam's POV
Kasama ko si Kimberly sa isang room dito sa resort. Dinamba ko agad ng yakap ang puting unan doon sa kama.
"'Di ka ba binibigyan ng yakap ng boyfriend mo? At ganyan nalang ang pagyakap mo sa unan na yan?" Tanong sa akin ni Kim.
"Ewan ko sa'yo Kim!" I rolled my eyes.
Ayaw ko munang pag usapan si Kapal Moks ngayon, masyado lang masakit sa damdamin.
"Anong dala mong suit diyan kapag mag swi-swimming ka?"
"Two-piece?"
"Great, makikita ko naring mag two-piece ka. Ano kayang magiging itsura ng mga sinasabi mong mokong." Natatawang sabi niya. 'Ni ako nga rin, hindi ko alam kung magsusuot ba talaga ako ng two-piece? Baka di lang kasi ako makatulog.
Napalingon kami sa may pinto nang biglang may kumatok. Lumapit si Kim sa may pintuan para buksan iyon. Ako naman, humiga lang talaga ako.
"Kain na daw tayo," mula sa pintuan ay nandoon si Klax.
"Tara." Hinawakan ko na ang kamay niya at pumunta kami sa isang malaking cottage na nakahanda talaga para sa amin.
Nakita ko si Ken na may kausap na namang babae. Ughh! Boyfriend ko pa ba siya?
"Oh," Hindi ko namamalayan na nasandukan na pala ako ni Matt ng pagkain.
"Wag kang papalipas ng gutom Nerdybabe, kainin mo yan para magkalaman ka naman." Nang-insulto pa talaga ang loko.
"Tigilan mo ako Matt," sinubo ko nalang ang pagkain na nakahanda para sa akin. Gutom na nga ako, ginagalit pa ako ni Kapal Moks.
Kumain na kaya siya? Pwedeng kumain muna siya bago siya makipaglandian? Nakakainis siya.
Kumuha ako ng panibagong plato para sandukan siya, sadyang niramihan ko talaga ang isinandok ko kasi alam kong malakas siyang kumain lalo na kapag kanin.
Ibibigay ko na sana yung isinandok ko sa kanya kaso.
Para akong nanghihina ng makitang sinandukan na siya ng babaeng kasama niya at share pa sila sa plato. Wag na wag lang nilang gawing magsubuan sa harapan ko dahil baka pakainin ko sila ng buhangin ng wala sa oras.
"Hayaan mo muna siya." Nagulat pa ako sa nagsalita yun pala si James lang.
Ngumiti nalang ako sa kaniya ng pilit. He's totally mad at me. What I have done para maging ganyan ang ugali ni Ken? May nagawa ba akong masama?
"Guys, swimming na tayo mamaya ah. Uuwi na kasi bukas ang iba, yung may mga pasok." Sigaw ni Carl. Yeah, he's right, I haveclassses to attend tomorrow. Hindi naman ako pwedeng mag-absent nalang lagi dahil baka bumagsak ako ngayong semester.
"Bakit balot na balot ka? I thought ipapakita mo sa kanila ang pagka flawless mo?" Tanong sa akin ni Kim ng makitang naka pants at shirt hanging shirt ako.
"Hindi ka ba makapag hintay Kim? Pwede namang mamaya hindi ba?" Alangan naman kasing bumaba agad akong naka two-piece lang. Dapat yung intense, I don't know pero nagiging maarte na rin ako sa mga bagay-bagay.
"Ok, chill Queen. Tara na, naghihintay na ang boylets!" Ang harot naman ng babaeng ito, ang sarap sabunutan.
Hila-hila niya ako ngayon at ako naman si nagpapahila, tsk!
Nagtungo ulit kami sa may cottage. Nandun na rin ang iba. Naka trunks ang boys at two-piece naman syempre ang girls.
"Hubarin mo na 'yan Queen. Mag swim na tayo." Ayang muli sa akin ni Kim. Mabilis akong umiling.
"Go ahead. Kayo nalang muna. Wala pa ako sa mood na lumangoy." Napasimangot naman siya.
"Sige, you're the Queen and your wish is my command.". Ang dami niyang sinabi, may ganyan pa siyang pahayag.
Mabuti nalang at umalis na siya kundi baka nabanatan ko na siya ng mga makahulugang salita ko.
Ako nalang pala ang naiwan dito. I looked like a loner. I'm alone, kahit ang kuya ko ay may kasamang babae. Tinignan ko nalang sila na nagsasaya sa may dagat. I hope I could be happy like them but I can't, nakakaiyak lang naman.
"Oh, hi there! Kung 'di ako nagkakamali, ikaw si Samantha, right? Bakit balot na balot ka diyan? You should join us. Ang saya kaya. Baka may peklat ka?" Ang kapal ng mukha. Siya yung kausap ni Ken kanina. Bakit ba masyado siyang pakielamera?
"It's none of your business. And for your information I don't have any scar. Hindi lang talaga ako sanay na magpakita ng magandang kutis sa ibang tao." Pagtataray ko sa kanya.
"Oh, tama nga si Ken. Come on, join us." Nakakainis tumakbo na siya papunta ulit sa may dagat, pero syempre kalandian niya parin yung BOYFRIEND ko.
Ang kapal moks na yun, ikwento ba naman ako sa babae niya? Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya.
Dahil sa inis ko. Tinanggal ko na ang T-shirt ko at ang pants ko.
Let's see, I'm wearing a Dark Blue bikini. Pakita natin sa malanding 'yun na flawless ako. Mali siya ng kinalaban, she must never cross my path.
Inilugay ko ang aking napakagandang buhok at lumapit na sa may dagat.
Lahat ng atensyon ay nakuha ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Damn, I hate this. I hate to be the center of attention. I hate attention!
Pumunta ako sa kinaroroonan ng grupo ko ang Black Eye. Ngiting-ngiti sa akin si Kim.
"Putcha, pakibigyan nga ako ng tubig tol. Ang init!"
"Tol nasa dagat tayo, free kang uminom dyan"
"Ang hot niya pre!"
"Nice body!"
"Witwew."
"Nice undies."
"Sexy pare. Nakaka adik yung katawan niya!"
'Yan ang panay na naririnig ko sa mga lalaki na hindi ko naman masyadong kilala.
"Nice, kumpleto na tayo." Iniabot sa akin ni Xander ang beach ball. Volleyball daw kami habang nasa tubig. Ayos lang sana kung nasa pool kami e, kaso nasa dagat kami!
Nag-umpisa na kaming maglaro nang lumapit sa amin ang WINSTON, kasama na doon si Ken na nagliliyab ang mga mata. Inirapan ko nalang siya. Di niya deserve ang attention ko. Di ko rin naman yata deserve ang attention niya.
"Sa haba ng pagsasama natin. Ngayon ko lang nakitang nagsuot ng ganyan si Nerdybabe." Sabi ni James habang umiiling.
"Ang dami mo na agad admirers Nerdybabe oh. Nadagdagan pa tuloy kami." Ani Accel, napangiwi nalang ako, mas mahaharot pa ang mga ito kaysa sa akin!
Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Ken palayo sa dagat. Ouch! Ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Magkakapasa yata ako e. Nakakainis tong kapal moks na to.
Isipin mo ba naman, hinila niya ako hanggang sa room namin ni Kim? Ang sama talaga ng ugali nito.
Mabilis niyang isinarado ang pinto.
"Ano bang problema mo? Hila-hila ka dyan akala mo naman maleta ako?" Kunot-noo niya akong tinitigan. Naglakad siya palapit sa akin ako naman palayo. He steps forward, and I stepped backward, hanggangsa maramdaman ko na lamang ang pader sa likod ko.
"Who told you to wear that thing? Huh? Samantha?" Dahil binigkas niya ang name ko alam kong galit siya.
Anong karapatan niyang magalit? Samantalang ini-ignore niya ako? Para lang makausap 'yung mga babae niya? Ang kapal moks talaga. Nakakainis talaga itong taong ito!
"Pake mo ba Doon ka na. Bumalik ka na sa babaeng nilalandi mo. Ang landi-landi mo Ken!"
"Ang tinatanong ko bakit ka nagsuot ng ganyan?" Talagang sinusubukan niya ako ah.
"Ang sagot ko, pake mo ba ah?"
"Isa Samantha. Answer me properly!"
"Hindi mo ako utusan, why should I follow you?"
"Because I'm your boyfriend!" Napatawa nalang ako. Nakakatawa, boyfriend?
"Boyfriend ba kamo? Saan banda? Sa kuko? Sasabihin mong boyfriend kita matapos mo akong hindi pansinin?"
"Mas malaki ang kasalanan mo. Alam mo ba kung ilang pares ng mata ng lalaki ang nakatingin sayo? Kanina ko pa gustong pumatay ng tao Samantha. Pinipigilan ko lang. Lahat ng lalaking titingin sayo ng may pagnanasa gusto kong patayin. I want to cut the neck of those damn guys. AYAW NA AYAW KO NA MAY KAAGAW SAYO. GUSTO KO AKO LANG. I'm territorial Samantha, ang akin ay akin."