Kabanata 4: Boundary

2634 Words
"Nga pala, ako si Lerro. Ikaw anong pangalan mo?" Naka ngiti nitong tanong sa akin. Medyo mabagal na ang takbo namin kompara kanina. May mga ilaw na kasi sa daan at malapit na namin marating ang bahay niya. "Hellina Marieve, pero Hellina nalang." Naka ngiti ko ring sagot. "Hmm... Hellina. Magandang pangalan kasing ganda mo." Sabi nito saka kinindatan ako. Bigla tuloy uminit ang magkabilang pisngi ko sa pag kindat niya. Damn he is one of those jerk but I can't help not to feel shy suddenly when he did that. I can sense his playboy image at the same time he really looks a very nice and friendly person to me. "Lerro? Saan ka galing at sino iyang kasama mo?" Bungad sa amin ng isang babae na naka suot ng unipormeng pang katulong. "Bagong kaibigan Manang Lucing." Sagot nito saka bumaba na sa kanyang kabayo. Bumaba narin ako habang hawak ko ang tali ni Beast. "Dito ka na mag haponan Hellina." Ani Lerro. "Naku hindi na Lerro! Kailangan ko ng maka uwi at baka nag-aalala na ang pamilya ko sa akin." "Huwag kang mag-aalala. Safe ka naman dito tsaka ipapahatid kita. Mang Jim, kayo na po bahala sa mga kabayo." Sabi nito sa isang katiwala nilang lalaki. Kinuha naman nito sa amin ang mga tali ng kabayo. Swear I'm sweating small sweats from thinking so hard kung ano nang nangyayari sa bahay ngayon. I really wish they did not over react sa pag tagal kung maka uwi. Kung hindi lang ako nahihiyang humindi kay Lerro matapos siyang nag magandang loob ay kanina pa ako namilit sa kanyang iuwi ako. "Halika na." Sabay hila niya sa kamay ko. I did not advance from the way he held my hand. Nagpatianod nalang ako sa pag hila niya. I really don't know why I easily trust him. Inilibot ko ang mga mata ko sa naglalakihang picture frames ng mukhang mga ninuno ni Lerro. Nakasabit ang mga ito sa wall ng bahay nila. Katulad na katulad ng sa amin. Napakalaki at engrande din ng loob ng bahay nila. Their grand staircase easily attracts anyone who visit their house. Sa laki at daming palamuti nito ay tila nag mukha itong staircase ng isang palasyo. And indeed, their ancestral house is like a palace from medival era. At kahalintulad lang din ito sa amin. Ang pinagkaiba lang ay ang desinyo ng bahay, kulay at mga gamit. Kulay puti kasi ang kulay ng aming mga walls at kurtina. Kulay navy blue naman ang sofa, vase at ibang gamit. Sa kanila naman, vintage at greenery ang tema. "Lerro, sino iyang kasama mo apo?" Tanong ng isang matandang babae na nakasakay sa wheel chair habang inalalayan ito ng isang nurse. Puti na ang buhok nito at kulubot narin ang mga balat. Ngunit halata parin ang ganda niyang may pagka mestiza. Sopistikada din ang kanyang dating. Tansya ko'y mahigit o kumulang 70 taong gulang na ito. "Lola.." Ngumiti si Lerro sa matanda saka nag mano ito at humalik sa pisngi. "Siya po si Hellina. Bago ko pong kaibigan. Nakita ko po siya na naliligaw sa ating lupain malapit sa boundary." Pinasadahan ako ng tingin noong matandang babae. Tila ba sinusuri niya ng mabuti ang bawat sulok ng aking kabuoan saka ito ngumiti sa akin. I almost lost my air the way how she stares at me. Something very familiar to a person who recently keeps staring at me dangerously. "Ako naman si Demetria. Pero tawagin mo nalang akong Lola Demi. Pinaka batang apo ko si Lerro. Iyong ama niya ang anak ko." Nakangiti nitong sabi. Lumapit ako't nag mano din sa matanda bilang respeto. Wayback in California, hindi uso ang mag mano sa mga nakakatanda. A kiss in a check will do but not this. Ibang-iba ang kultura doon kompara dito which I find it hard to adjust especially in our house since my whole family except Kuya Heros is very prim and proper, magalang and very religious which is why we are also conservative. "Ang bait at ganda mo naman hija. Sigurado ka ba talagang nawawala ka dito sa hacienda namin? O sadyang dinala ka ni Lerro dito para ipakilala?" Panunukso nito. Nakita ko naman ang pamumula ng mga pisngi ni Lerro kaya medyo natawa ako. He really looks cute and handsome at the same time, even more when he smile. Pwede ba 'yon? "Oh sya... Hali na sa dining at maghahaponan na." Matapos noon ay iginiya na nila ako papuntang dining area. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang dibdib ko. Kinakabahan siguro. Sino bang hindi kakabahan kung bukod sa mga pangalan nila ay wala na akong ibang alam? Are people here in Zaccarrio dangerous and deadly? Hindi naman siguro hindi ba? "Lerro! Where have you been?" Anang babae. Her skin is pale white almost as snow. Her body is curvy. Ganitong tipo ng mga babae ang gusto ni Kuya Heros. She's also tall. I guess an inch taller than me. Her lips are naturally red. Her eyelid is curvy too. Her nose is narrow and pointed. Her cheeks are a little bit pinkish. I don't know if she's wearing any light make up but she looks natural to me. Kahit mag make up siya o hindi, she is very beautiful. I immediately admired her beauty and sophistication. Tansya ko'y magkasing edad lang sila ni Kuya Heros. Nasa mga bente dos siguro ito. Apat na taon lang din ang tanda ni Kuya Heros sa akin. Habang si Kuya Hex matanda ng dalawang taon kay Kuya Heros. "Sorry Leona.. Namasyal kasi ako kanina at natagpuan ko itong isang magandang binibini." Ngumiti si Lerro saka inilapit ako sa babae. Muli, pinasadahan ako nito ng titig. She really observes my dress, my body, and my face. The way she looks at me, parang naghahanap siya ng ikakapuna sa'kin. And the way she did it, I don't know if she's just checking out na hindi sinasadya o seryoso talaga siya sa pangingilatis sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti siya sa'kin ng matamis. Damn! Ano bang klaseng pamilya ang mga ito? They are really intimadating. I can really feel how classy and highly they are. Unang tingin mo pa lang sa kanila, sumisigaw na ang karangyaan. But the way they carry their power is with humbleness and very down to earth. Almost the same with how my family carry ours. "Naku, huwag kang magkamali dito sa pinsan ko't napaka bolero nito. Ako nga pala si Leona." Sabi nito saka lumapit sa akin at bumeso. Medyo nagulat ako roon sa pakikipagbeso niya kaya wala akong nasabi at nahihiya nalang akong ngumiti sa kanya. Damn! This awkward reaction I am showing is the same as how other people react once they find out who I am. Funny that I experience it on hand. "Anong mayroon dito? At sino ang magandang dilag na iyan?" Baritonong boses ng isang lalaki. "Dad, bagong ka-i-bigan ni Lerro." May diin na pagkasabi ni Leona sa lalaki saka ito nanunuksong tumawa kay Lerro. The man who suddenly appeared added more intimidation I am feeling right now. Kung kanina kinakapusan ako ng hangin kay Lola Demi at Leona, ito naman ay mas lalong grumabe. I don't know why my heart beat suddenly raise sa sobrang kaba. It's just this family is too much. This man is also too much. He is very tall. I guess magkatangkad sila ni Daddy. Six feet plus? The only thing is that my Dad is really chubby but this man is very firm and had a good built of body. Katulad lang siya ni Lerro only is that this man is more mature in any physical way. I guess in mind too. His dark brown chocolate eyes is the same with Leona. His thick brows perfectly combines to his forehead and eyes. His pointed and narrow nose tells that he inherent it to Lola Demi who looks like a beautiful old greek woman only is that this man is almost look like a greek God even at that age. Mukhang magkasing edad lang din sila ni Daddy or he is younger than him. His hair is showing a bit white hair too. Napakatikas din ng tindig niya. Lalaking lalaki talaga. I just don't know why I am feeling this but he reminds me of someone I meet a few days ago. He looks the same at that guy too. Pero impossible na maging tatay niya ito. There is no possible way. I hope! "Good evening young lady. Welcome to our humble home. Ako nga pala si Leonardo pero pwede mo akong tawaging Leon or Tito Leon or which ever you prefer. Nakababata kong kapatid ang ama ni Lerro." Sabi nito saka nag lahad ng kamay. "At alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ni Lerro dito sa bahay?" May panunukso ang boses nito na ikinatawa ni Leona at ni Lola Demi. "Tito!" Saway ni Lerro. "Asan na nga pala ang pinsan mo, Lerro? Diba kayo magkasama kanina sa rancho?" Tanong ni Lola Demi. Nagkibit balikat lang ito. "Sige na maupo na tayo at hindi mabuting pinaghihintay ang pagkain." Saad ni Tito Leon saka umupo na kami. Sa gitna naka upo si Lola Demi habang nasa kanang bahagi nito si Tito Leon at katabi ang anak na si Leona. Nasa kaliwang bahagi naman kami naupo ni Lerro. Siya katabi ni Lola Demi at ako kasunod niya. Nang maayos na kami sa pag-upo ay tsaka kumilos ang mga katulong nila sa pagseserve ng pagkain. Hindi ko alam kung may okasyon ba o ano pero napaka formal ng dinner nila. Lahat ng pagkaing nakalatag ay masasarap at mukhang pinaghirapan maluto. There are some filipino food I can't name except the caldereta and adobong manok. I guess sa tagal ko rin sa California, nakalimutan ko na ang mga pangalan ng filipino food. Usually, I and Kuya Heros eat continental foods which are cook either by him or our maids. Masaya silang nag kwe-kwentohan habang ako'y tahimik lang na kumakain. Panay ang titig sa akin ni Lerro kaya mas lalo tuloy akong na conscious. "Kumain ka pa, Hellina. Gusto mo ba ng calderetang manok?" Pag-aalok sa akin ni Lerro na inilingan ko lang. "Okay lang ako." Sagot ko dito. "What did I miss?" Natigilan kaming lahat sa boses ng isang lalaking pumasok. I look at him intensely. Namilog ang mga mata ko sa gulat ng mamukhaan ko ito kung sino. "Gileon! Ba't ngayon ka lang bata ka?" Anang matanda. Lumapit si Gileon dito saka nagmano at humalik sa pisngi nito. Matapos ay nag baling ito ng titig sa akin. Mukhang nagulat siya at narito ako. Maging din ako. Bakit siya andito? Bakit siya kilala ng matanda? Bakit siya nagmano at bumeso dito? Mas nagulumihan ako. "Nagbulakbol ka na naman ba?" Tanong ni Tito Leon. May boses ito ng pagbabanta. "I'm changed Dad." Sagot naman nito saka nag mano kay Tito Leon. Matapos ay umupo siya sa tabi ni Leona. Hindi nawala ang mga mata niya sa pwesto ko. Hindi man lang siya nakaramdam ng hiyang titigan ako. While his eyes wont take off on me, I can't stop staring at him like an idiot too. Kung bakit? Dahil nabigla ako sa presensya niya. I have a lot questions pondering on my mind. Gusto kong isigaw lahat ng tanong ko but I ended up swallowing it all at once. Who are they? "Siya nga pala, bago kong kaibigan Gileon. Her name is Hellina Marieve." Sabi ni Lerro, naka ngiti habang nag baling siya ng tingin sa'kin. Hindi ako maka ngiti sa dobleng kaba na naramdaman ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupoan ko. I feel like I shouldn't be here. Bakit pa kasi ako naligaw kanina! Nag igting ang panga niya sa pagpapakilala sa akin ni Lerro. His eye hawks like I'm a prey he is about to eat. Danger and coldness are expressed in him. The very usual stare he has been given me everytime our eyes meet at one place. "Oo nga pala hija, ano nga pala ulit ang buo mong pangalan?" Tanong sa akin ni Lola Demi. I froze for a moment before I could open my mouth. "Hellina Marieve po... Hellina Marieve Amante." Sagot ko. Natigilan sa pag tunog ang kanilang mga kubyertos kasabay nito ang pag tigil nilang kumain. Umawang ang mga labi nila na para bang may mali sa sinabi ko. Biglang ininom ni Lola Demi ang orange juice sa baso niya. Matalim rin ang titig na ibinigay sa akin ni Tito Leon habang si Leona ay parang hindi makapaniwala. "Amante? Isa kang Amante?" Di makapaniwalang tanong ni Lerro sa akin. Tumango lang ako sa tanong niya. Para akong kandila na natulos sa aking kinauupuan. Nakita ko naman ang mga makahulugang ngiti sa mga labi ni Gileon habang naka tingin siya sa akin. Iyong mga mata niya puno ng makahalugan at panunuyang tingin. "Oo. Bakit?" Takang tanong ko. I feel like the coldness from the aircondition was nothing compared to the coldness of their reaction towards me. Parang isang napakalaking kasalanan na binanggit ko ang apelido ko. Tumikhim naman si Tito Leon. "Kaano-ano mo naman si Heustacio?" Tanong nito. "At si Hercules?" Dugtong ni Leona. Parehas silang seryosong naghihintay sa sagot ko. Iyong matanda naman ay parang nalulungkot na pinagmasdan ako. Meanwhile, Lerro looks very worried of me. "Governor Heustacio is my father. Kuya Hercules is my older brother." Deretsang sagot ko. Hindi ko parin maintindihan ang reaksyon nila. They look like they feel so on lit with fire because of my answer. Parang ang isang puno ay nasilyaban ng apoy at kumalat sa buong gubat. "Lerro!" Pigil ang galit sa boses ni Tito Leon. "Bakit mo naman dinala ang babaeng iyan dito? Have you forgotten who they are?" Bumilis ang pag t***k ng puso ko sa takot. Takot sa boses niya. At sa mga titig nila. Para akong nasa isang masukal na gubat, nawawala at pinapaligiran ng mga mababangis na hayop. Hindi agad makasagot si Lerro. Natulala paring nakatitig sa akin. "Ang mabuti pa Lerro, iuwi mo na si Hellina." Mahinahon na sabi ni Leona. "Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi ni Gileon na ngayo'y nakahalukipkip na sa gilid. Nagulat ako sa sinabi niya. Mas lalong hindi ko ma proseso ang lahat dahil dumagdag siya. I can't utter any words after I bravely spill out my last name and who my father and brother is. Matiim na tiningnan ni Lerro si Gileon. Nagtatalo ang mga titig nila na kung hindi babasagin ay may away na mabubuo sa pagitan nilang dalawa. "No. Ako ang maghahatid sa kanya." Mariing sabi ni Lerro saka nag tiim bagang ito. "How? You're a minor and you can't drive because you don't have a license." Giit ni Gileon. He too is clenching his jaw like he is just calming himself for something that Lerro had triggered in him. Kung hindi lang sila magpinsan, baka kanina ko pa inisip na magka away sila. "Hindi ko naman sinabing ipag da-drive ko siya. Magpapahatid kami kay Manong Jim dahil ikakarga narin namin ang kabayo niya sa truck." Sabi ni Lerro. Sumipat lang ng tingin si Gileon at hindi na nakasagot. "Tama si Gileon, Lerro. Mas matanda parin siya sayo. Kaya ikaw na ang mag hatid sa kanya ngayon Gileon. Sabihan mo narin si Mang Jim para maihatid din ang kabayo niya." Ani Leona. Tumayo nalang ako saka nagpaalam sa kanila. Bago pa man kami maka alis ay may sinabi pa si Tito Leon. "Gileon, you know our limits." Tumango lang si Gileon. Sumunod na agad ako sa kanya palabas ng bahay nila. I finally breath some air ng makalabas ako sa kanilang ancestral house. Pero may kaba parin sa puso ko. Hindi ko alam para sa kung saan o kanino pero marahil narin dahil sa kung sino ang maghahatid sa akin pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD