"Is there a problem with my name? Or may nagawa ba ako?" Tanong ko kay Gileon habang pababa kami sa hagdan ng kanilang bahay. Hindi ito sumagot at basta nalang itong nag lakad papasok sa isang barn house. Maya maya'y lumabas rin ito. Kasunod iyong isang lalaki, Manong Jim ata ang tawag sa kanya sa pagkaka-alala ko. Isinakay nito si Beast sa isang malaking truck na may mga grill lang na harang. "Pumasok ka na at susunod din sila sa atin." Malamig ang boses nito saka pumasok sa kotse niya at naupo sa driver's seat. Pumasok narin ako at naupo sa front seat. Napaka ungentleman at snob naman ng lalaking ito. Hindi na nga ako sinagot sa tanong ko, hindi pa ako pinag buksan ng pinto. "Anong ginagawa mo sa lupain namin?" Tanong nito habang naka tuon ang mga mata niya sa daan. May halong pait a

