"Hellina! Tapos ka na ba doon sa assignment natin sa Economics?" Tanong ni Dee ng masalubong ko sila ni Pia sa Corridor. "Oo. Kayo, tapos na?" Lumapit ako sa kanila saka tumambay kami sa gilid. "Oo tapos na kaso di ako sure sa sagot ko." Natatawang sabi ni Pia. "Sige nga patingin at ikompara natin." Sabi ko saka kinuha ang notebook ko sa bag. Nag komparahan kami at parehas naman ang aming mga sagot. "Hellina, alam mo bang hinahanap ka ni Lucas Andrade?" Ani Dee. "Sinong Lucas Andrade?" Takang tanong ko matapos ay ibinalik ko sa loob ng bag ko ang notebook. I think I heard that name already. Nakalimutan ko lang kung saan. Nag lakad narin kami papunta sa kabilang building para sa next subject. "Si Lucas Andrade, sikat din siya dito. Bestfriend siya ni Gileon. Siguro may gusto sayo

