Maaga kaming natapos dahil naging abala na ang buong school sa paparating na intramurals next week. Wala narin kaming halos klase sa lahat ng subjects. Pero tambak naman kami sa mga home works at isang group project. "Pia, Dee, sa bahay nalang tayo gumawa ng group project. Hindi kasi ako papayagan nila Daddy na lumabas pag weekend. Okay lang ba?" Sabi ko saka pinagpa tuloy ang pagsusulat. "Pwede kaming pumunta sa inyo?" Tanong ni Dee. Bakas sa mukha niya ang gulat sa sinabi ko. "Oo naman. Bakit hindi?" Natatawa kong sabi. "Naka pasok na ako sa hacienda nila Dee nong nag hatid ako sa pananghalian ni Itay pero hindi pa ako naka pasok sa bahay ninyo Hellina. Pero nakita ko ang mansyon ninyo na napakalaki." Ani Pia. "Hindi naman Pia. Sakto lang. Basta, sa sabado ha? Payag ba kayo?" Mabi

