Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Gileon. Naka toon lang ang mga mata niya sa daan samantalang ako'y naka tanaw lang sa aming nadadaanan. Unti-unti nang kinakain ng dilim ang liwanag. Makulimlim rin ang langit na parang nagbabadya na uulan ng malakas. Pakiramdam ko'y mas matatagalan ang pag-uwi ko dahil sa napaka bagal nang pagpapatakbo ni Gileon sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung marunong ba talaga siyang mag drive o bago pa siya natuto. Ayaw ko naman mag tanong sa kanya dahil ayaw ko siyang kausapin. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi niya at ang nangyari sa'min dalawa kanina sa movie room nina Luke. "Kayo na ba ni Luke?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Pero pinanatili kong itinikom ang aking bibig. "Masakit pa ba ang ulo mo?" Hindi parin ako suma

