"Manang paki luto naman nong popcorn oh. Dalhin niyo pagkatapos sa movie room." Sabi ni Luke nang makapasok kami sa loob ng bahay niya at sinalubong siya ng isang maid nila. "Anong flavor po Sir Lucas?" Tanong no'ng maid. Nilingon ako ni Luke. "Ikaw Hellina? Do you prefer caramel or cheese?" "Cheese nalang." Sagot ko. "Okay cheese. Ikaw bro? Caramel or cheese?" Tanong niya kay Gileon na nasa likuran ko rin lang. "Caramel." Malamig nitong sagot. "Okay. Magkaiba pala kayo ng gusto." Naka ngising sabi ni Luke saka humarap na pabalik sa maid nila. "Hatiin niyo nalang Manang. Caramel and cheese." Aniya. Tumango lang 'yong maid nila saka tumalima na ito papuntang kusina. "Tara sa baba. Nandoon ang movie room." Aniya at iginiya niya kami pababa. Namangha ako nang makapasok kami sa movie

