"The nerve! Who does he think he is?" gigil na sambit niya habang naglalakad ng paroon at parito sa loob ng kwarto.
"Calm down, hija, I know he only means well," malumanay na sabi ng Tita Fe niya. Abala ito sa pag-aayos ng gamit sa cabinet. Halos maubos na ang boses niya sa kakasalita pero tila wala itong naririnig kaya napabunghalit siya ng iyak.
"Tita, please, let's go home. This place is going to kill me," pagmamakaawa niya habang nakayakap rito. Pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa galit sa pinakabastos na binatang nakilala niya. She has never felt this infuriated before.
"Give it time, hija. You and Paco just started at the wrong foot. In time you will both understand each other and who knows you can be best of friends?"
"Duh! Never, Tita! I can never forgive him for what he just said to me. He told me to leave! He called me a parasite! He was so mean and he was so rude and-"
"And you slapped his face." Dugtong ng Tita niya na dismayado ang mukha.
"He deserved it! He even deserved more!" aniyang biglang napatayo.
Napabuntong-hininga ito. "I have always told you, hija, hindi maganda sa babae ang nananakit. I'll be grateful to Paco if he could tame you."
"Tita!" she groaned in disbelief.
"I understand how you feel-"
"No, you don't," putol niya sa sasabihin ng tiyahin. "You don't understand me. Nobody does!"
"You may feel that way today but I assure you, Clarisse, this is for your own good."
She rolled her eyes. "I doubt that. I can't even have fun. What good is there to do?"
"I'm sure Paco can show you," anang tiyahin na ikinalukot lalo ng mukha niya.
"Come on, Tita, I can't even stand hearing his name."
Napabuntong-hininga ang tiyahin. "Come here," anito. Lumapit siya't niyakap siya nitong muli. "This is your mom's home. This makes your home too. Aren't you curious how she lived?"
Natigilan siya sa sinabi ng tiyahin. There was that hollow in her heart that hurt when she arrived here. But she doesn't want to touch where it hurts her most.
"And miss her even more?" aniyang muntik nang pumiyok ang boses.
"It's part of it. But it will bring you closer to her."
Humugot siya ng malalim na hininga. Pero hindi siya sumagot.
"And Paco is going to help you with that."
Muling nalukot ang mukha niya. "Why do you always bring up his name?"
"Because he's gonna take care of you this entire vacation."
"What?" aniyang kunot ang noong napatingin sa tiyahin.
"Your Dad called. He needs me at the office," anito sabay buntong-hininga. "I have to leave early tomorrow morning."
Ganoon na lang ang lakas ng iling niya. "You can't leave me here, Tita!" protesta niya. "If you'll leave, then I'll go with you. There's no way I'd stay here without you!" Halos maglabasan ang litid sa leeg niya.
"There's a trouble in our hotel branch in Tagaytay and I have to fix the problem personally. Kung ako lang ang masusunod, I'll take you with me. But you know your Dad, hija. And besides, this is the best place you could spend your vacation. It is better you stay here, hija." May lambong sa mga mata nito. "In time, you will understand."
"Tita, please..." aniyang nanginginig ang labi. "I'll be good. I'll behave. I'll do whatever you want, just don't leave me here." She felt so vulnerable she could break. Ngayon lang niya namalayan na nag-iimpake pala ito ng mga gamit. She was so frustrated that she didn't notice.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "You will be fine here. Hindi mo kailangan ng kakampi dahil lahat ng tao dito, mababait. You just need to get to know them. No one is against you, Clarisse. Everyone loves you. I have already talked to Paco and he gave me his word that he's going to take care of you. You have to show your Dad that you can overcome the challenge he gave you."
"You knew he's lying! He doesn't even want me here." Umiling siya. "Can't you see how indifferent people here are, Tita? Can't you see how I'm struggling just to live here and you're leaving me?"
"Clarisse, please understand. Mas makakabuti sa'yo kung susundin mo-"
"No!" sigaw niya. "I could not understand you and Dad! And I will not follow your rules anymore!" aniya saka padabog na pumasok sa silid at inimpake lahat ng damit. No, she won't live here without Tita Fe. She can't survive this place without someone who understands her. She'll surely die!
Hindi siya matutulog buong magdamag. Hindi niya hahayaang maiwan siya sa lugar na ito. She missed home so much. And she is going home even when she is not supposed to. Doesn't her Dad even miss her? Paano nito nagawang ipagkatiwala siya sa isang taong hindi nila lubos na kilala?
Muling pumatak ang luha niya. She's not a cry baby. She's strong and tough. But right now, she is really hurting. Nobody wants her. Her Dad doesn't want her. And that poor uncivilized creature who owns her Lola's hacienda clearly doesn't want her either. Is she that bad that people keep pushing her away? Pinahid niya ang luha.
"Mommy..." bigla'y usal niya. Saka nayakap niya ang sarili pigil ang paghikbi.
Mag-aalas dos nang makaramdam siya ng panghahapdi ng mata. No... she is not going to sleep! Nagpalakad-lakad siya sa silid. Nang mangalay ang paa'y naupo siya sa gilid ng kama. Tila hinihila siya ng antok. Namimigat na ang talukap ng mga mata niya.
"Iidlip lang ako. Twenty minutes," aniya sa sarili at ini-on ang alarm ng phone. Ipinikit niya ang mga mata at ilang sandali lang ay iginupo na siya ng antok.
Napabalikwas si Clarisse ng bangon nang marinig niya ang ingay ng umaandar na sasakyan. Napatingin siya sa wrist watch. Alas kwatro na ng madaling araw. Mabilis na hinablot niya ang bag at patakbong pumanaog sa hagdan. Pagbukas niya ng pintua'y siyang pag-usad ng sasakyan palabas ng gate.
"Titaaa!" malakas na sigaw niya habang hinahabol ang papalayong owner. "Tita!" aniyang mas binilisan pa ang pagtakbo. Madilim pa ang paligid at hindi niya kita ang dinaraanan pero pinilit niyang habulin ang sasakyan. Hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang gate ng hacienda. Hinihingal siya pero sige pa rin ang lakad-takbo niya. Nagpalingon-lingon siya, nagbabakasakaling may dumaang sasakyan. Pero wala. Hanggang sa tuluyang bumigay ang paa niya sa pagod.
Napatigil siya sa gitna ng daan at saka napabunghalit ng iyak. "Tita!" aniya sabay padyak at hikbi. Paano na siya ngayon? Napaupo siya sa gitna ng daan. Hindi alintana ang lamig at hinayaang maubos ang luha niya.
Napabuntong-hininga si Paco nang makaalis ang bus na sinasakyan ni Tita Fe. Iniisip niya kung ano ang magiging buhay niya kasama ng pamangkin nito. Papaano ba niya pakikisamahan ang masungit, maarte at mapanlait na apo ni Donya Marcellina? Hindi niya alam kung kakayanin ng pasensiya niya ang ugali ng dalaga subalit wala siyang mapagpipilian. Kailangan niya itong pakisamahan dahil nakasaad iyon sa testamento ng butihing matanda.
Napa-iling siya. Sa isang tingin pa lang, alam na niyang hindi magtatagal ang isang iyon ng isang linggo. Pinaandar niya ang owner type jeep. Kailangan na niyang makabalik sa hacienda bago sumikat ang araw. Lilinisin pa niya ang kuwadra ng mga kabayo at pakikiusapan si Mang Juan na asikasuhin ang mga pananim sa bukid. May mga peste na namang kumakalat. Hindi dapat mabawasan ang ani nila dahil maraming aayusin sa hacienda. Dapat pa niyang ipaayos ang kuwadra para hindi magkasakit ang mga kabayo. Kailangan pa niyang paghandaan ang panganganak ni Athena.
Nasa malalim siyang pag-iisip habang minamaneho ang daan pabalik sa mansiyon nang bigla niyang makitang may taong nakaupo sa gitna ng daan. "Anak ng-!" sigaw niya sabay tapak sa preno. Ganoon na lang ang tindi ng kaba sa dibdib niya't mabilis na umibis nga sasakyan. Madilim pa ang paligid dahil papasikat pa ang araw.
"Miss, okay ka lang? Nasaktan ka ba?" aniyang kaagad dinaluhan ito at hinawakan ang siko nito. Ganoon na lang ang pagpiglas nito.
"Don't you dare touch me!"
Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang halos masagasaan. "Paano ka napunta dito? At bakit nasa gitna ka ng kalsada?" aniyang tumaas ang boses.
"Why did you let Tita leave without me?" galit na sabi nito't pumiyok ang boses. Punung-puno ng galit at hinanakit ang tinig nito. "You don't want me here, right? Why didn't you wake me up!" anito sabay suntok sa dibdib niya.
May kung anong humaplos sa puso niya nang makita ang luhaang mukha nito. Saglit hindi siya makapagsalita. Umiwas siya kaagad ng tingin.
"Pag-uutos iyon ng Daddy mo."
"Why do you always have to do what he says? How much did he pay you? I'll pay you double! Just make me go home!"
"May kasunduan kami ng Daddy mo at hindi ako mukhang pera," mariing sabi niya.
Galit na nakatingin ito sa kanya. "Then do something! Send me back home!" anitong napapadyak.
"Kung kaya ko lang, gagawin ko. Kahit sinong tao hindi gugustuhing makasama ang isang tulad mo. Pero hindi. Kaya sundin mo na lang ang Daddy mo para wala ng gulo. At kung maaari, itigil mo na iyang pagngawa mo. Nakakahiya."
Tiningnan siya nito ng masama pagkuwa'y parang batang umiyak. Marami itong sinabing hindi niya maunawaan dahil panay sigok at hikbi nito. Gusto niyang aluin ito pero pinigilan niya ang sarili. Dahil hindi siya yung tipo na nang-aalo. At isa pa, mas lalong lalaki ang ulo nito kapag pinagbigyan niya ito sa gusto nito. Mas mahihirapan siyang pakisamahan ito kung palaging ito ang nasusunod.
"Umuwi na tayo."
"No!" mariing sagot nito.
Hindi na siya nakipagtalo pa. Bigla niya itong binuhat at isinakay sa jeep. Napasigaw ito sa gulat.
"Put me down!" galit na protesta nito at nagpupumiglas pero hinawakan niya ito ng mahigpit hanggang sa mailapag ito sa loob ng jeep.
"Marami pa akong gagawin sa hacienda." aniya at sumakay at pinaandar kaagad ang jeep. "Ngayon, dahil titira ka pa rito ng matagal-tagal, dapat maging malinaw sa'yo ang lahat."
Umingos ito at nagpahid ng luha. "I'm not in the mood to listen," sagot nito.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. "Una, dapat mong malaman na mahalaga ang bawat oras ko. At hindi ako makapaghihintay dahil lamang wala ka sa mood. Kaya makinig ka," mariing sabi niya na ikinahaba ng nguso nito. "Hindi mo ako pwedeng paghintayin at hindi mo ako pwedeng abalahin sa kahit na anong kaartehan mo. Ayoko ng walang kuwentang tanong at hindi ako nakikinig sa anumang reklamo kung wala rin lang kinalaman sa hacienda. Pangalawa, importanteng matutunan mo ang mga gawaing-bahay. Kagaya ng pagwawalis, pag-iigib ng tubig, pagluluto, paghuhugas ng pinggan at paglalaba. Normal na gawain iyan ng lahat ng tao dito. Dahil maraming trabaho sa hacienda, ikaw na ang bahala sa paglilinis ng bahay. Kung hindi ka marunong, tuturuan kita dahil ayoko ng makalat at maalikabok. Sumasakit ang ulo ko. Sa pagluluto, salitan tayo. Pangatlo, kailangan mo rin matuto sa gawaing-bukid. Kaya sasamahan mo ako doon."
Saktong tapos siya magsalita nang marating nila ang bahay. Pinatay niya nag makina ng jeep. "Entiendes?" aniya sa nakangangang dalaga.
"You gotta be kidding me," anito.
"No. I'm not. Hindi ako marunong mag-joke," seryosong sagot niya."Isa pa nga pala," aniyang nilingon ito nang makababa ng sasakyan. "Ayoko ng Ingles sa loob ng pamamahay ko. Kaya matuto kang mag-Tagalog. Nagkakaintindihan ba tayo?" Hindi pa man ito nakakasagot ay iniwan na niya ito.
"Why are you treating me like this? We are cousins! You should be at least kind to me!" pahabol na sigaw nito.
Napatawa siya saka nilingon ito."Sa laki ng kaibahan natin, naisip mong magkadugo tayo?" Napa-iling siya. Hinding-hindi niya papangaraping maging pinsan ito, kahit kailan.
Naiwan si Clarisse na humihingal sa inis. Pinahid niya ang luha. Hindi na siya iiyak! Ang kapal-kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon! How could he treat her like she's stupid? Nagmartsa siya papunta sa loob ng bahay. Gagawin pa siya nitong katulong? The nerve!
Nang makapasok sa loob ng mansiyon, nakita niya sa mesa ang isang nakatuping papel na may pangalan niya. Ni hindi niya iyon napansin kanina. It's a letter from her Tita Fe. Nakagat niya ng mariin ang labi habang binabasa ang sulat. Hanggang sa tuluyang maglabo ang paningin niya dahil sa luhang nakaharang sa mata niya. Halo ang lungkot, pagkadismaya at inis ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Talagang wala siyang mapagpipilian. Her message is clear, the moment she'd leave San Sebastian without her Dad's permission, she will break his Dad's rules. Itatakwil siya ng Daddy niya kung susuwayin niya ito sa pangalawang pagkakataon.
You will understand soon that we are doing this because we love you...
Hindi niya matanggap ang huling pangungusap na iyon. Love? Since when was loving meant wanting people you love suffer?
Napatingin siyasa kabuuan ng mansiyon. It seems like she's going to be Cinderella. And her evil stepsister isn't really a stepsister but the arrogant heir of his grandmother. Papaano siya ngayon? Wala na ang fairy godmother niya. At wala ring prinsipeng magliligtas sa kanya. How will she escape from all of the tormenting scheme of that evil brute?
Napabuntong-hininga siya. Wala na siyang magagawa pa. Pinigilan niya ang pagpatak ng luha. Hindi na siya iiyak. Hinding-hindi na siya iiyak.