V. The Things She Never Had

2368 Words
Kinabukasan, maaga pa ay ginising na siya ng walang tigil na katok ng walanghiya. Napa-ungol siya sa inis nang makitang mag-a-alas otso pa lang. Don't people here know how to rest? Antok na antok pa siya at nananakit pa ang lahat ng kalamnan niya. Nagtalukbong siya ng kumot. She deserves rest! Napangiti siya nang tumigil ito sa pagkatok. Pero ang kasunod noon ay ang paglagitik ng pinto. Bigla siyang nanigas at tuluyang nagising. This is invasion of privacy! Bumalikwas siya ng bangon at sumalubong sa kanya ang mabangong amoy nito, halatang bagong paligo. "Sabi ko na nga ba't gising ka na," pakli nito na naiiling. Saglit hindi siya makapagsalita. Abnormal na naman ang pagkabog ng dibdib. He looked fresh and smelled so nice. "Bumangon ka na, marami pa tayong gagawin. Ililibot kita sa hacienda ngayon." How could he be so ungentle? Galit na tiningnan niya ito. "Why are you in my room? You just can't come in here without my permission! I deserve some privacy!" "Maaga pa para magtaray ka. May laway ka pa sa bibig," balewalang sagot nito. "Saka paano kita magigising kung hindi ako papasok?" Nanlaki ang mata niya sa narinig. Conscious na napahawak siya sa bibig. "I don't drool!" Nagkibit-balikat lang ito na mas lalong ikinainis niya. "Bumaba ka na, nakahanda na ang agahan. Alam kong gutom ka." Kumalam ang sikmura niya sa narinig. Lumabas na ito ng silid niya ng walang paalam. Nadismaya siya nang makita ang ayos sa harap ng salamin. Sabog ang buhok niya at nangingintab ang mukha niya. How could she let him see her like this? Nasabunutan niya ang buhok. Pero kumalam ulit ang sikmura niya. Mabilis niyang inayos ang sarili at bumaba na. Tama ito, gutom na siya. Lalo siyang nagutom nang maamoy ang sinangag na kanin at pritong bangus. May sawsawan pa at kamatis. Iningusan niya ito nang mahuli siya nitong napangiti sa nakahandang pagkain. "Upo ka na," anito at ipinaghila pa siya ng upuan. Pinagtimpla pa siya nito ng mainit na tsokolate. "Thank you," nasabi niya na ikinataas ng kilay nito. "Kung ganito ka araw-araw baka maging magkasundo tayo," aniya. Hindi ito sumagot. Magana siyang kumain dahil halos walang laman ang tiyan niya kagabi. And maybe because Paco looks like he's enjoying his food too. Parang ganado itong kumain ng naka-kamay. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" Hindi niya napansing nakangiti pala siya. "Masarap kasi," aniya. "Masarap ka naman pala magluto, ikaw na magluto. I'll assist you na lang." "Hindi ako uto-uto." Iningusan niya ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi umuubra dito ang charm niya samantalang lahat ng boys sa school nila'y nagkakandarapang sundin lahat ng gusto niya. "Suggestion lang naman." "Dapat kang matuto. Kung sakaling naging asawa kita'y isasauli kita dahil hindi ka marunong magluto." Na-hurt ang pride niya sa narinig. Inikot niya ang mga mata niya. "As if I'd marry you? Ni hindi nga kita gusto!" Natigilan naman ito sa sagot niya saka dumilim ang mukha. "Pareho pala tayo," sagot nito na ikinawala ng gana niya. "Bilisan mo riyan. Baka tanghaliin tayo." Tumayo ito dala ang pinggan at iniwanan siya. Naiwan siyang nagpupuyos ang loob. Pagkatapos kumain ay mabilis siyang naghanda ng isusuot. Nadismaya siya ng pagpasok sa banyo'y wala ng tubig na pumatak mula sa gripo. Ubos rin ang tubig sa tub. Napabuga siya ng hininga matapos ng ilang segundong nakatitig sa sa balde. Saka lang niya naalalang nagbrown out kanina. No, she wouldn't fetch water! Pero ayaw din niyang makiusap sa mokong na iyon dahil alam niyang tuturuan lang siya nito't iinsultuhin. Kinuha niya ang balde at mabigat ang hakbang na tinungo ang poso na nasa likod ng mansiyon. Napangiwi siya nang makitang kinakalawang na iyon. Yuck... Is this even safe? Himutok niya sa sarili. Lumikot ang mga mata niya. Kumuha siya ng dahon at ginawa iyong sapin para hindi direktang mahawakan ang poso. Hinila niya iyon pababa. Napangiwi siya nang mapunit ang dahon at kinailangan niyang halos maglambitin para lang lumabas ang tubig. How could life be this hard? Bumuwelo siya ng malakas. Medyo nasiyahan siya nang mas maraming tubig ang lumabas kahit nananakit ang kilikili niya. Isa pa, aniya at bumuwelo ulit. Pawis na pawis na siya lalo pa't mataas na ang sikat ng araw. "Ako na," dinig niyang prisinta sa likuran. Kilala na niya ang boses ni Paco kaya hindi na siya lumingon. Isa pa'y ayaw niyang makita siya nitong nanlilimahid at nahihirapan, baka matuwa pa ito lalo. Pinagpapawisan na siya ng malapot. Iningusan niya ito. Kung kailan malapit ng mapuno ang balde saka ito susulpot. "Kaya ko," mataray na sagot niya saka binitiwan ang poso saka tinungo ang balde na puno ng tubig. Akmang tutulungan siya nito kaya tinaasan niya ito ng kilay at nakapameywang na hinarap ito. "Do I look disabled?" "Hindi mo ba talaga kailangan ng tulong?" kunot-noong tanong nito. "Hindi." Matigas na sabi niya. He told her earlier she's not a wife material and he expects her to talk to him? "Bahala ka na nga. Huwag kang iiyak-iyak kapag napagod ka." anito saka iniwan siya. Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Ano ulit? Talagang naiinis siya. Nadagdagan pa dahil sa bigat ng bigat ng timba. Tumitilapon pa sa paa niya ang tubig dahilan para dumikit ang lupa sa mga paa niya. Ang dumi-dumi na niya! Pagdating sa banyo'y halos mangalahati ang laman niyon. Ba't ba ang hirap-hirap mabuhay dito? Aniya sa sarili na naiiyak. Wala siyang nagawa kundi ang mag-igib ulit. "Nakaligo ka na?" anito nang makasalubong niya ito. "Don't talk to me!" pasigaw na sagot niya Takang tiningnan siya nito. "Hindi ka pa nakakaligo?" Pakiramdam niya'y basang-basa na siya sa pawis at nanlalagkit ang buong katawan niya. Bakit ba ang hirap kahit maliligo lang? "Pinaalalahanan kita kanina," anito at walang salitang binuhat ang timba na tila ba kay gaan noon. "Kung hindi mo kaya, pwede mong sabihin sa akin. Tutulungan kita kapag wala akong ginagawa." "Whatever," nanggigigil na bulong niya. "Bilisan mo ang pagligo, ililibot pa kita sa buong hacienda." "Opo!" padabog na sagot niya at mabigat ang hakbang na sinundan niya ito. Binilisan niya ang pagligo at pagbihis. "Wala ka bang ibang dalang damit?" anito pagkababa niya. Sinipat niya ang sun dress na suot. "I like this dress," sagot niya. "Magtatrabaho tayo sa bukid, hindi mamasyal." Napabuga ito ng hininga na tila ba mawawalan ng pasensiya. "Kailangan mong magpalit. Wala ka bang dalang pantalon?" "Oo na!" aniya saka padabog na bumalik sa silid. Nagsuot siya ng skinny jeans at t-shirt. Nagulat pa siya nang mabungaran ang binata sa labas ng silid. "Ito ang isuot mo," anito sabay abot a kanya ng long-sleeved shirt. "Mataas na ang sikat ng araw, masusunog ang balat mo. Baka hindi ka rin makagalaw sa sikip ng t-shirt mo." Tiningnan niya ito ng masama at bumalik sa loob ng silid. She looked ridiculous wearing that oversized shirt. "Iyan, happy ka na?" aniya nang lumabas. Tumaas ang sulok ng labi nito na lalong ikinainis niya. "Tara na," anito. Mariing nakapisil ang mga daliri ni Clarisse sa sariling ilong. Una nilang pinasyalan ang kuwadra ng mga kabayo. She couldn't stand the stink! Nang mapatingin si Paco sa kanya'y iiling-iling ito. Inirapan niya ito. Tila nag-eenjoy itong makita siyang nahihirapan. Ipinakilala siya nito isa-isa sa mga kabayo. Panay lang ang tango niya dahil talagang nahihirapan na siyang huminga. Pero ang walanghiya't talagang pinatatagal ang pananatili nila roon. What's so important with horses' names? Kakausapin ba niya ang mga ito araw-araw? Ngayon na nakapunta na siya rito at tila tinotorture ang ilong niya, no way, hindi na siya babalik. "Ito si Silverdust," anitong hinimas ang ulo ng kabayo. "Sa lahat ng kabayo rito, kahit noong limampu pa sila, si Silverdust ang pinakamapili sa tao. Hindi siya nagpapasakay ng kung sinu-sino lang. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kita para makaiwas tayo sa disgrasya. Entiendes?" Ngumiti siya ng hilaw. She loves horses. But not here. Sigurado siya sa sarili niya na hindi siya babalik dito. "Ito si Champ, ang pinakamabilis sa lahat. Kaya hindi mo rin siya puwedeng sakyan kung wala ako. Si Achilles at Orion, halos pareho lang ng ugali. Mababait sila pero ayaw nila sa mga babae. Hindi mo sila pwedeng sakyan ng wala ako." "So, wala akong pwedeng sakyan kahit na kanino sa kanila?" parang ngo-ngong sambit niya dahil sa pagkakapisil sa ilong niya. Tiningnan lang siya nito saka humakbang. "Si Athena," pagpapakilala nito. At hinimas ang kabayo. Tila naman giliw na giliw ang kabayo rito. "A-Athena?'' aniyang nanlaki ang mata at naalala ang unang engkuwentro nila. "Oo, siya yung binato mo.'' "Excuse you, I did not-" "Pwede kang mag-sorry sa kanya kasi hindi mo sinasadya. At magso-sorry na rin ako dahil nasigawan kita. Maselan kasi siyang magbuntis," anitong lumambong ang mga mata. "Kaya natakot ako na baka makunan siya noon. Buti na lang at tumakbo pala siya pabalik dito." Normally she would raise her brows but she suddenly felt guilty. "Sorry," pahapyaw na sabi niya kahit naninikip ang dibdib. She never says sorry kahit pa kasalanan niya pero ewan at kusang lumabas iyon sa bibig. "Pwede mo siyang hawakan," anito. Akmang aayaw siya pero inilapit nito ang kabayo sa kanya. "Hindi mo ba mabitawan yang ilong mo kahit isang segundo?" "Kung mawawala ang mabahong amoy, bibitawan ko ang ilong ko," aniyang ipit ang boses. Napa-iling na lang ang kaharap habang minamasdan siyang hinihimas ang kabayo. Feeling niya, magiging close sila ni Athena. May naramdaman kaagad siyang koneksiyon dito. "Si Athena ang nag-iisang babae dito." "So pwede siyang maging kabayo ko?" "Kapag nakapanganak na siya. Oo. Sa'yo naman talaga iyan. Pinabibigay iyan ng Lola mo sa'yo." Saglit siyang natigilan. Alam niya ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Daddy niya at Lola niya kaya kailanman ay hindi niya nakita ang abuela. Hindi nito napatawad ang Daddy niya sa pagkamatay ng mommy niya. Kaya hindi man lang niya nakasama ang abuela. Kaya rin siguro ayaw niya sa lugar na ito dahil ni minsan hindi niya naramdamang minahal siya ng Lola niya. Dahil buong akala niya'y galit ito sa kanya. But now... it seems her feelings just shifted. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata dahil naluluha siya. Iniisip din pala siya ng Lola niya. Si Athena... Saka lang niya napansin na malaki ang tiyan ng kabayo. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na tuwa. "Magiging mommy ka na pala. Excited ka na siguro 'no?" aniya at hinimas ito."Simula ngayon, magiging mag-bestfriends na tayo. Tutulungan kita mag-alaga ng baby mo." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Paco. "Sabi ng beterinaryo'y mahina ang puso ni Athena. Baka hindi niya kayanin ang panganganak." May kung anong takot na bumalot sa puso niya. Binulungan niya ang kabayo. "Kakayanin mo, di ba? Kasi ililibot mo pa ako sa buong hacienda... You need to be strong. Because we'll make lots of fun together." Tumikhim ang binata. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi ba nito alam ang katagang privacy? Inirapan niya ito saka niyakap ang kabayo. Naramdaman niyang inilapit nito ang sarili sa kanya. Natutuwang napatingin siya kay Paco. "Ako na ang magpapakain," prisinta niya. "Paano ang ilong mo?" Paano nga ba? Binitawan niya ang ilong saka sinubukang huminga sa pamamagitan ng bibig. Much better. "Okay na," aniyang parang ngongo pa rin. Kita niya ang dagling pagtalikod nito. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito at kita niya ang pagyugyog ng balikat. Pinagtatawanan ba siya ng walanghiyang ito? Iniwan muna siya nito ng saglit. Pagbalik ay nakasakay na ito kay Champ. Hindi iya namalayang nakatanga na pala siya. He looked like one of those in cowboy movies. He looked... well, dashing. Iniwas niya ang tingin nang mapansing nakatitig ito sa kanya. "Tara na, ililibot na kita," anito. Hinimas na muna niya si Athena bilang pamamaalam. "Hindi ako marunong sumakay niyan," aniya. Bumaba ito. "Lapit ka," anito saka hinawakan siya sa bewang at walang kahirap-hirap na isinampa siya nito sa kabayo. "Okay ka lang ba?" anito. Tango lang ang isinagot niya. Mabilis itong sumampa sa kabayo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan dahil sa sobrang lapit nito. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya. Saka lang niya namalayang humihinga na siya sa pamamagitan ng ilong niya at lalong nakakadagdag ng kaba niya ang amoy nito. He smells of soap and a certain scent like something roasted, something strong ang smooth. Dapat huminga na siya sa pamamagitan ng bibig pero nagugustuhan niya ang naaamoy niya. Clarisse, eww! Aniya sa sarili. "Kumapit ka ng mahigpit," anito. His voice sent shivers down her spine. Aware siya sa malapad na dibdib na nasasandalan niya at ang matibay na bisig kung saan nakapaloob ang katawan niya. She felt so safe and secured. Kumunot ang noo niya sa iniisip. Really, Clarisse? Mabilis itong magpatakbo. Natagpuan na lang niya ang sariling nakangiti habang pinapakiramdaman ang hangin sa mukha niya. Masayang inilibot niya ang tingin sa lupaing sakop ng buong hacienda. Napakaganda pala. Maya-maya'y pumasok sila sa kakahuyan. Lumamig bigla ang paligid. Napasinghap siya. Ibang-iba ang hangin dito sa hangin sa Manila. "Ito ang paboritong pasyalan ni Donya Marcellina. Dito rin daw madalas ang Mommy mo noon," anito. May kung anong pumiga sa dibdib niya sa narinig. She suddenly missed her mom so much and she felt closer to her now than seeing her pictures. Lumuwang ang pagkakangiti niya nang dumaan sila sa kahoy na tulay. She had never seen something like this in her whole life. It's just like in the movies. Pinabagal ni Paco ang pagtakbo. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa ilog at huni ng ibon. "Gusto mong bumaba?" Napalingon siya sa binata. Lalo siyang kinabahan nang makita kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha niya. Tumango siya. "Ang ganda..." aniyang manghang-mangha sa naglalakihang punong-kahoy na nakikita niya, sa malamig na simoy ng hangin, sa napakalinis na ilog. May nakita siyang malaking bato roon at nakikinita niya ang Mommy niya na nagsusulat doon. Marahil nalakad rin nito ang nilalakaran niya ngayon. May kung anong pumipiga sa puso niya. Humapdi bigla ang mga mata. This place suddenly reminded her of all the beautiful things she could have but never had. And it is so painful to even think about. "Tara na," aya niya kay Paco. Suddenly she felt so sad of the things she never had. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD