Chapter 37 Zhavia Tuazon "Wala ako sa lugar para magsabi eh." Tugon ko sa tanong niya, dahilan para sumimangot naman siya. Nang hindi niya na ako kausapin pa ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan si Aloha. Nagtatakha kung bakit hindi siya nag-oopen ng usapan tungkol sa pagiging magkaibigan namin. Naguguluhan pa talaga ako sa mga binitawang salita ni Syl kanina. Natuon ang paningin ko sa malayo nang maalala ko nanamang tinawag niya ako sa pangalan kong Haisley. "Tss, inagawan mo siya ng payong. Hindi siya sanay sa init." Kaya pala alam niya na hindi ako sanay sa init ng araw dahil isa siya sa mga kaibigan kong hindi ko maalala. Pero bakit nga ba hindi ko maalala? Kilala sila ni Lightly pero hindi ko sila maalala. May nangyari ba saakin? Ngayon ko lang napag-kokonek ang lahat

