EPISODE ONE
ZHAVIA TUAZON POV
"You only have two minutes to answer my question, Ms. Tuazon." Saad ng babae na nakaupo ngayon sa harapan ko. Bahagya akong tumango bilang tugon sakanyang sinabi.
Hindi ko maiwasang magusot ang laylayan ng damit ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.
Kalma, Zhavia! Kalma!
"Here's my question for you." Tumikhim muna ito bago ako pakatitigan ng diretso sa mata.
"Sa tingin mo ba . . may posibilidad na mahulog ang loob mo sa taong hindi mo gusto o kaaway mo?" Matapos bitawan ang katanungan niyang iyon ay katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa.
Ano raw?
Hindi ko alam kung bobo lang ba talaga ako dahil hindi ko naintindihan 'yung tanong o sadyang mahina lang ang pandinig ko at mali ang pagkakarinig ko.
Bahagya nitong pinaglapat ang labi niya at bumuntung-hininga nang makita niya ang reaksyon ko, reaksyon na naguguluhan at halatang walang naintindihan. Napapahiya akong napahalukipkip dahil sa isiping iyon.
Anak ka ng potakte, Zhavia. Umayos ka kung gusto mong pumasa!
"I will repeat the question, once again,"
"May posibilidad bang mahalin mo ang taong kinamumuhian mo?" Mabagal ang pagkakasabi niya, dahilan para mas malinawan ako, bahagya pang napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay nagawa kong maintindihan ang katanungan niya.
Pero teka . . teka! Ano?! Mahalin? Seryoso??
"Sigurado po kayo na iyan ang tanong?" Naguguluhang tanong ko, hindi maalis-alis ang tingin sa kanya dahil sa pagkalito.
Seryoso ba siya? Ang pagkakaalam ko ay interview ito para sa mga gustong makakuha ng scholarship sa eskwelahang papasukan ko?
Eh bakit ganito ang tanong? Ano 'to? Lokohan?!
"Mukha ba akong nagbibiro, Ms. Tuazon?" Seryosong tanong rin nito pabalik at saka ipinagpatong ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng desk.
Hindi ako makapaniwalang tinignan lang siya. Naghihintay na bawiin niya ang tanong at sabihing biro lang iyon, pero nabigo ako dahil mukhang seryoso nga talaga siya!
"The time starts now. The time is running, Ms. Tuazon. Are you going to answer my question or you'll failed this test?" Napalunok ako nang tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.
BAKIT NIYA BA AKO TINITIGNAN SA MATA? MASYADO BANG MAGANDA? UGH! GOSH, ZHAVIA! FOCUS!
Sasagutin ko ba 'yung tanong? Pero babagsak naman ako kung hindi ko sasagutin. Anak ng!
Pero . . may possibility nga bang mahulog ako sa lalaking makakaaway ko?
Sa tingin ko naman ay wala, imposibleng mangyari 'yon, dahil kung magkakaroon man ako ng kaaway.
I will make sure that in my eyes he will be the ugliest man in the whole world!
Sino naman kayang tanga ang mahuhulog sa taong kaaway niya? Duh! Kaya nga kaaway mo dahil hindi mo gusto ang pagkatao. How come na mahuhulog ka sa taong kaaway mo?
Ano nga uli ang kasabihan na 'yon?
The more you hate, The more you love?
Ha! Sino naman kaya ang nagpa-uso ng kasabihan na 'yan?!
Saan ka naman makakakita ng dalawang tao na magkaaway na nga tapos magmamahalan pa, aber?!
"Times up, get out!" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sigaw ng interviewer sa harapan ko.
"Bakit po?" Nauutal na tanong ko.
"Anong bakit? You FAILED the interview, Ms. Tuazon. Ang akala ko ay nag-iisip ka pero nakatulala ka lang pala diyan. Get out of this room, now." Nadidismayang saad niya.
"Get out!" Muling sambit nito, at talagang hinampas pa ang lamesa nang hindi manlang ako gumalaw sa kinauupuan ko. Kaya naman dali-dali akong napatayo mula sa pagkaka-upo at lumabas na ng kwarto.
Napayuko nalang ako dahil bumagsak ako sa interview, pero muli kong naalala 'yung tanong niya kanina. Kaya naman pala halos lahat nang pumapasok doon ay bumabagsak. Paano, talaga nga namang nakakagulat 'yumg mga tanong. Tss!
Sino ba naman kasing makakasagot agad sa mga ganoong tanong, hindi ba?!
May posibilidad bang mahulog ka sa taong kaaway mo?
Anong klaseng tanong 'yun?! Sige nga! Sino namang tanga ang magkakagusto sa taong kaaway niya?!
*CLOCKS ALARM*
"VIA!" wala sa wisyo akong napamulat nang mata dahil sa lakas nang sigaw na iyon na nangingibabaw sa pandinig ko.
Anak ng potakte.
"What?" Iritang tugon ko nang makitang nakatayo na ang lalaking nakakatandang kapatid ko ngayon sa harapan ko.
"Your phone keeps on alarming, hindi ka pa rin nagigising. Anong oras ka nanaman ba natulog kagabi at puyat na puyat ka?! You're being too irresponsible, Zhavia! Bumangon ka na diyan, baka nakakalimutan mong may pasok na tayo ngayon." Masungit na sermon nito sa akin.
Pasimple naman akong napa-irap sa ere dahil sa haba ng sinabi niya. Tss. Ang aga-aga sermon? Sinong matutuwa.
Padabog akong bumangon mula sa higaan ko at sinamaan siya ng tingin.
"Don't look at me like that, bumangon ka na." Kunot noong utos niya.
"Can't you see? Nakabangon na nga diba? Lumabas ka na nga doon, susunod nalang ako." Naiinis na sagot ko habang inuunat-unat pa ang katawan ko.
"Hurry up, baka matulog ka pa." Pagmamadali niya saakin. Ano bang problema ng lalaki na ito, kung makapag-madali akala mo tatakbuhan kami ng school.
"What time is it?" Kinunutan ko rin siya ng noo. If I'm not mistaken, sobrang aga pa para pumasok sa school.
"It's already 7:15 in the morning." Sagot nito, dahilan para agad manlaki ang mga mata kong dati na talagang malaki.
"A-ano!? 7:15—"
"7:16."
"Whatever! Bakit hindi mo naman kasi agad ako ginising?! Malalate tayo niyan e. Kung kailan kasi last minute doon mo ako gigisingin tapos ako pa 'yung sisisihin mo kapag na-late tayo. You're so magaling talaga." Singhal ko at mabilisang hinablot ang towel ko.
"Tabi nga!" Paghawi ko sakanya, hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi niya at nagdire-diretso nalang sa pagpasok sa loob ng banyo.
Mala-late nalang at lahat dumadadak pa rin, kung hindi ba naman siraulo— nevermind . . ako rin pala. Aish!
Ang pangit na nga ng panaginip ko dahil sa pesteng yawang tanong na 'yun na hindi ko makalimutan, tapos mal-late pa ako? Wow, ang malas mo ngayon, Zhavia.
Saglit akong napahinto nang maramdaman kong parang basa ang pwetan ko.
Uh-oh!
"Bakit ngayon pa!" Naiinis na sigaw ko. Napasapo na lang ako sa aking noo nang makumpirma ko na meron nga ako ngayon. Kainis!
After I cleaned and dressed myself up, dali-dali akong bumaba at kumuha ng sandwich sa dining table para may makain ako sa biyahe.
"Ija, sandali!"
"Yaya,"
"Oh heto't kainin mo muna, paniguradong wala kang panlasa't kagigising mo lamang." Pag-abot nito ng isang tsokolate, mabilisan ko namang kinuha iyon. Oo, tama ang narinig ninyo. Sa tuwing gigising ako, maaga man o tanghali ay wala akong panlasa. Hindi iyon kaartehan kundi gawa ito saakin ng isang illuminati. Biro lang! Malelate na nga ako, nagagawa ko pang magbiro! Nakngtokwa naman talaga, oh!
"Salamat, yaya! Muna na po kami!" Nagmamadali kong paalam matapos kong makuha ang ibinigay nitong isang balot na tsokolate.
"Via! We're late!" Narinig kong sigaw ni Kuya mula sa labas at nang dahil doon ay bara-bara akong napatakbo palabas ng bahay.
"I'm ready! Tara na!" Hinihingal na sambit ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan ni Kuya, inumpisahan ko namang kainin ang tsokolate na ibinigay ni Yaya, alam kong matamis ito pero dahil nga wala akong malalasahan ay hindi ko manlang naeenjoy ang pagkain ko.
"Where's dad? I thought he's going to drive for us?" Nagtatakhang tanong ko nang mapansin ko na si Kuya ang maupo sa driver seat. Naalala ko kagabi na sinabi ni Daddy na ihahatid niya kami ngayon.
"Kuya." Muling tawag ko sa kanya nang hindi niya man lang ako pinapansin, galit ba siya?
"He's already on his office, napakatagal mong gumising at kumilos kaya hindi niya na tayo naantay." Masungit na sagot niya. Napasimangot naman ako. Ang aga-aga ang sungit. Hindi ko naman kasalanan na late akong magising, diba? hehe. um-oo ka!
"Wait, are you wearing glass?" Takhang tanong nito nang mapansin niya ang bilog na salamin na suot ko.
"Hubarin mo nga 'yang salamin mo. Ano ka ba? Nerd? Eh ang tamad tamad mo ngang mag-aaral." Napanguso nalang ako dahil sa pang-iinsulto sa akin ni Kuya. Ang sama talaga ng ugali nito. Hindi niya ba alam ang kasabihan na truth hurts! At dahil totoo ang sinabi niya ay nahurt ang feelings ko. Ouch! That hurts!
"Bakit ba! Mind your own business."
Pinukulan niya naman ako ng masamang tingin atsaka pinasadahan ang kabuuan ko, dahilan para kumunot lalo ang noo niya.
"What the heck? Ano 'yang suot mo? Sinong may sabi na mag-jogger pants ka?" Kunot noong tanong niya. Tinignan ko rin naman ang suot ko. Okay naman, ah? Huwag niyang sabihin na bawal mag-suot ng ganitong damit?!
"Eh wala pa naman akong uniform, anong susuotin ko?"
"Anong wala? Nakita kong nakalatag 'yon kanina sa may sofa mo ah?" Saad niya dahilan para matigilan ako.
Meron ba? Parang wala naman akong nakita? Muli kong inalala ang paligid ng kwarto ko kanina habang nagmamadali ako. May napansin akong nakalagay sa sofa ko pero hindi ko na pinansin dahil akala ko ay pinag-hubaran ko lang na damit kagabi.
"Psh, hindi kasi naghahanap. Iyung navy sailor suit and skirt ang uniform mo, hindi mo nakita doon?" Kunot noong tanong niya, napailing naman ako. Siguro napansin ko, hindi ko lang tinignan. Eh, malay ko nga kasing uniform ko 'yon, hindi naman kasi sinabi saakin.
"Bahala ka mapagalitan," nauubusang pasensya na giit niya. Napanguso naman ako, hindi ko talaga alam na meron.
"Mukha kang tanga diyan sa suot mo." Saglit na nagpantig ang tainga ko dahil sa binulong niya.
"Why don't you just focus your eyes on the road? Don't look at me if you don't want to see me!" Naiinis nang singhal ko sakanya.
"Psh, nag-civilian kana't lahat, inayos mo manlang sana 'yang pananamit mo. You really looked stupid."
"A-ano?!"
"Mukha kang tanga." Inulit pa talaga!
"Manahimik ka na nga! Don't you dare underestimate my sense of style; this is me! I would rather wear an old fashioned clothing than a p********e's outfit! Lol." Sagot ko.
Totoo naman, hindi ba?
"Sira ka ba? Hindi p********e ang tawag sa taong nagsusuot ng disenteng damit." Kunot noong pagtatama niya sa akin.
Ah, talaga?
"So what do you call them, ha? A b***h? w***e? Hoe? Oh, yeah right-"
"Stop it, Via. Wala namang katuturan ang pinaglalaban mo, masiyado kang judgemental, palibhasa ay hindi mo alam ang salitang fashion." Saad nito, dahilan para mapikon ako.
"Excuse me! Alam ko ang fashion 'no!" Kunot noong sigaw ko sa kanya, tss! Kung alam niya lang ang mga dahilan at plano ko.
Inilingan lang ako nito at nagpatuloy sa pag d-drive.
"Pakihinto ng sasakyan." Maya-maya'y saad ko nang mapansin na malapit na pala kami sa campus na papasukan namin.
"Malayo pa tayo sa gate." Pag-kontra nito.
"Just stop the car, Kuya." Pamimilit ko.
"Bakit ba?" Tanong niya.
"Basta! Dalian mo na, dito na lang!" Pagmamadali ko, agad niya namang inihinto ang sasakyan.
"We're so much late, Via! Ano bang ginagawa mo?" Kunot noong tanong ni Kuya.
"Mauna ka na, may bibilhin lang ako." Pagpapalusot ko at bumaba na ng kotse. Napailing na lang si Kuya sa ginagawa ko.
"Bilisan mo ah, kapag talaga na-skip mo ang first subject mo, isusumbong kita kay mommy!" Pananakot niya bago paandarin ang kotse niya.
Sumbong sumbong, tse! Sinong tinakot mo!
"Buti naman at hindi ko makakasabay ang mokong na 'yon." Sambit ko at naglakad na papasok ng campus.
Iniisip niyo bang baliw na ako dahil kung kailan malapit na kami sa school ay bumaba pa ako sa kotse at piniling maglakad na lang?
Well, ayoko lang talaga na may makakita na magkasama kami. Ang balita ko kasi sa eskwelahan na ito, makita lang na may kasama kang lalaki, huhusgahan ka na agad. Kaya I need to change a little bit para maging maayos ang takbo ng buhay ko sa eskwelahang ito.
Nang sa wakas ay nakapasok na ako sa loob ng campus ay inilibot ko ang paningin ko.
LIU (Lourde Intermouives University.)
Napangiti nalang ako nang mapansin na anlaki na ng pinagbago nito, kumpara last year. Mas gumanda at lumawak pa ito. Napatango-tango ako dahil sa nakikita ko. Mukhang magiging maganda ang pagpasok ko dito ah.
"I'm not aware na pwede pala ang basura dito."
"Her looks doesn't suit here."
"Ang judgemental niyo, baka naman mag a-apply siya as janitress here."
"I pity her! Look, the way she dressed herself looks so poor."
Napakunot nalang ang noo ko nang mapansin na nakatingin sa akin ang iilang estudyante na pakalat-kalat ngayon sa quadrangle. Wow, first day na first day mukhang naka-hook agad ako ng mga tagahanga ko ah? Should I build a fans club na na?
Natawa nalang ako sa isipin ko. Kung tutuusin ay mukha namang hindi ko magiging fans ang mga nakakasalubong ko, dahil kung makatingin sila saakin ay akala mo isa akong virus na nakakahawa. Mga yawa na 'to. Ano namang problema nila at pinag-uusapan ako? Parang mga tanga, ngayon lang ba sila nakakita ng tulad kong ubod ng ganda?
Binilisan ko nalang ang lakad ko para maiwasan ang mga tingin nilang diring-diri na nakikita ako.
Akala niyo naman ang gaganda niyo, mukha naman kayong mga butiki.
"Ay butiki!" Gulat na saad ko nang mabangga ako sa kung saan. Hinimas himas ko pa ang noo ko dahil ang sakit ng pagkauntog ko mula sa matigas na bagay na 'yon.
Ano ba naman 'yan. Kailan pa ba nagka-pader dito?
"Oh, bawal ang bata dito ah? naligaw ka ata, Miss. Doon ang elementary school sa kabilang building, hindi dito."
T-teka.. KAILAN PA NAGSALITA ANG PADER?!
Napaangat ang tingin ko para tignan kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
Sino naman ang lalaking 'to?
Agad na napataas ang kilay ko nang mapansin na para siyang bata kung ituro ako. Anong problema niya?
"Bawal bata dito ah?" Pag-uulit niya pa sa sinabi niya, without knowing na mas mukha siyang tangang bata kaysa sa akin. Kung makaturo pa sa akin parang hindi siya makapaniwala na makakakita ng tulad ko sa loob ng school na 'to. TF.
Pero imbis na patulan nalang ang isang 'to ay umalis nalang ako sa harap niya at muling nagpatuloy sa paglalakad dahil late na ako, pero anak ng tilapia! Wala pa sa tatlo ang hakbang ko ay agad na may humablot sa braso ko!
"Ano ba?" Mahinang singhal ko sa lalaking nasa harapan ko pa rin.
"Aren't you going to say sorry?"
"Pardon?"
"Sorry? You must be sorry to me!" Agad kumunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi ng isang 'to, nasisiraan na ba siya? Bakit naman ako mag s-sorry sakanya?
Ah baka naman— okay.
"Sorry," masensiridad na saad ko.
"Forgiven-"
"Tabi tabi po."
"Ano?"
"Sorry po, tabi-tabi po baka manuno." Seryosong saad ko at bahagya pang yumuko sa harap niya para mas mag-mukha pang sincere ang paghingi ko ng tawad, matapos kong gawin 'yon ay muli na akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Pero anak talaga ng mega ultra pakening shet! Muli niya nanaman akong hinila! At halos masubsob na ako sa dibdib niya sa lakas ng pagkakahatak niya! Anak ng tipaklong naman oh!
"Ano pa bang problema mo?" Bulyaw ko rito dahilan para makuha namin ang atensyon ng iba pang estudyante na pakalat kalat.
"Anong tabi-tabi po baka manuno? Anong tingin mo saakin? Laman lupa?!" Nanlalaking matang tanong niya sa akin.
"Oo, parang ganon na nga."
"What?!"
"Watawat."
"Ano?!"
"Psh. Sa mga engkanto lang ako nagso-sorry kapag nababangga ko sila. Tabi na nga, kapre!" Muling hawi ko sakanya, pero hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko nang hatakin nanaman nito ang braso ko!
"Biskwit! Nakakailang hila kana ah! Masakit kaya!"
"Anong biskwit?!"
"Bwiset!"
"Ako?!"
"Sino pa ba?"
"Nang-aasar ka ba?" Iritang tanong ng lalaking ito.
"Ang lakas naman ng loob ng isang elementary na katulad mo ang pagsalitaan ako ng ganyan. Hoy! Bumalik kana nga sa building niyong mga elementary!" Agad na nanlaki ang butas ng ilong ko nang dukdukin niya pa ang noo ko.
"Hoy, manong kapre na asungot at baliw! Hindi ako elementary! Senior high school na ako! At hindi ako maliit! Sadyang matangkad ka lang!" Bulyaw ko sakanya.
"Anong?! Ang bastos ng bibig mo ah? Ha! Ganyan na ba talaga kawalang galang ang mga batang katulad mo ngayon?"
"Hindi nga sabi ako bata!"
"Ah, talaga? Edi ano ka? Janitress?"
Anak ng!
"Excuse me! Para sa kaalaman ng makitid mong utak. I'm also a student here and not a janitor or so what. Pasalamat ka nga at nag s-sorry pa 'yung tao sayo." Agad na tumaas ang kilay ko nang tawanan ako nito.
"Talaga? Ikaw tao? Hindi rin halata ah." Tinitigan ko siya ng masama nang marinig ko ang hagikgikan ng mga tao sa paligid dahil sa sinabi niya.
"Nahiya naman ako sa'yo na isang laman lupa na bigla bigla nalang sumusulpot sa harapan ko."
Nakita ko naman kung paano manlisik ang mga mata niya at unti-onting inihahakbang ang paa niya papalapit sa akin.
"Anong sinabi mo?"
"Bingi ka ba?"
"Asungot?"
"Totoo naman."
"Laman lupa?"
"Halata naman ah?"
"Hindi mo ba ako nakikilala, ha?" Seryosong tanong nito.
"Anak ka ng nanay mo pero sa lupa ka nanggaling," pilosopong tugon ko.
"Ano?!"
"Bingi ka ba talaga? Ilang beses ka bang pinanganak at hindi ka makaintindi ng sinasabi ng iba?"
Imbis na sagutin niya ako ay pinukulan niya lang ako ng masasamang tingin, habang ang mga paa niya ay humahakbang paabante sakin na ikinaatras ko naman.
"Will you please stay away from me?" Pagpigil ko sa paglapit niya, pero hindi siya natinag, bagkus, mas lalo pa siyang lumalapit!
"A-ano ba! Sinabi ng lumayo ka!" Bulyaw ko.
Ano bang problema niya?
Agad nanlaki ang mga mata ko at bahagyang umawang ang bibig ko nang maramdaman kong sinadya niyang tapakan ang paa ko, dahilan para madumihan ang white shoes ko! Potek! Kakabili ko lang nito kagabi! My precious baby white shoes ko! T_T
"Bakit mo tinapakan?!" Nawawalan na talaga ng pasensya na bulyaw ko. Shete naman talaga, oh! Ang sabi mo kanina ay mukhang gaganda ang pasok ko dito, pero mukhang nagkamali ako dahil sa bwisit na bakulaw na nasa harapan ko!
"Mukhang bago, kailangan binyagan."
"Siraulo ka ba?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maduro siya.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"
"Ano?!"
"Sino bang tangang first day na first day, magsusuot ng white shoes?"
"Ano bang pakialam mo? Bakit kailangan mo pang tapakan ang sapatos ko?!" Naiinis na talagang tanong ko. Alam niya ba kung gaano kalaking pera ang winaldas ko, mabili lang itong baby shoes ko?!
"Dahil gusto ko." Nakangising sagot niya pa dahilan para mag-init lang lalo ang ulo ko at hindi na napigilan pa ang sarili kong matadyakan ang binti niya at mapasigaw siya sa sakit.
"Omayghad!"
"How dare her!"
"Anong karapatan niyang gawin 'yon kay Yoishi!"
Napalingon ako sa paligid nang sunod-sunod na nagbulungan ang iilang studyante na nakakita sa ginawa ko.
"Ang sakit nun ah!" Singhal niya habang nakaawang ang bibig at masasama ang tingin, sabayan mo pa ng dalawang kilay niya na halos magrambulan na sa sobrang pagkakunot.
Napapahiya akong napalunok at napaatras.
Bakit ba kasi hindi mo kinokontrol ang sarili mo, Zhavia!
"Tss! Pasalamat ka at babae ka, hindi kita papatulan," mahinahon ang pagkakasabi niya pero naroon pa rin ang sama ng tingin niya, pero sapat na para makahinga ako ng maluwag dahil wala siyang balak na gantihan ako. Pero hindi raw papatulan, eh kanina pa nga siya humahara sa daan ko! Sobrang late na late na ako! Anak ng potakte!
"Edi lalayas na ako kung ganoon naman pala—"
"Pero hindi ka makakaligtas sa kanila." Natigilan ako nang pahabol niyang sabihin 'yun. Nawala ang masasama niyang tingin at napalitan ng nakakalokong ngisi!
Anak ng tokwa! Ano nanaman?!
"Teka . . Sandali." Pagpigil ko sa kanya.
Anong sa kanila?!
Don't tell me—
Napalingon ako sa mga estudyanteng masasama na ang tingin ngayon sa akin. T-teka. Anong ginawa ko sa mga ito? Bakit ganyan sila kung makatingin saakin?! Ang lalaking ito lang naman ang nakasagutan ko bakit kailangan kasali sila?!
Muli akong napalunok nang unti-onti silang naglalakad papalapit sa akin.
Waaaaaah! Anong gagawin ko?!
Alam ko na! Isa lang ang naiisip ko! Waaaaah!
TAKBO!!!!!!!
Nang magsimula na akong tumakbo papalayo sa kanila para makatakas ay sinubukan ko silang lingunin, pero agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami nilang humahabol saakin!
Tae! Sino ba ang lalaking 'yon! Bakit ganito na lang kalakas ang kapit niya sa mga estudyanteng 'to?!
HUHUBELS! I'M SO DEAD! BAKIT NAMAN NGAYON PA?! HINDI BA PWEDENG AFTER NALANG NG ISANG BUWAN KAMI MAG-PALAKASAN PARA NAMAN MAY KAKAMPI DIN AKO? LUGI AKO SA GANITO EH. T_T
Sumilip ako saglit sa orasan ko and s**t, no! I'm super duper late!!
Nakakairita!! Nakakainis!! Hindi ko pa pala alam kung saan ang room ko!
Agad akong lumiko sa Dean's office para kunin ang schedule ko. Nang makarating ako sa tapat ng office ay dali-dali kong kinatok ang pinto nito habang palingon-lingon sa likuran ko.
"Come-"
Andyan na sila!!
Nang mabuksan ko ang pinto ay laking gulat ko nang ibang tao ang sumalubong sa akin.
"G-good Morning, Madam Chair." Hinihingal na bati ko rito.
Bakit siya nandito?