EPISODE TWO

4285 Words
ZHAVIA TUAZON POV  "Zhavia? What are you doing here?" Takhang tanong nito. She's the chairwoman, but also the owner of this school. Iyon ang pagkakaalam ko dahil binasa ko kagabi lang ang background nitong university. Pero nakakapagtakha dahil hindi naman siya ang Dean, bakit siya narito? "Zhavia?" Muling tawag nito sa akin. Nagtatakha ba kayo kung bakit niya ako kilala? Well, siya lang naman ang fairy god mother ng buhay ko. Hindi siya ordinaryo at nagpapanggap lang siyang Tao. May misyon siya dito sa mundong ibabaw at ang misyon niyang iyon ay walang iba kundi ako. Ako na kinakailangan niyang protektahan dahil ako ang nag-iisang babae na tagpag-mana ng aming palasyo sa fantasy world!  Naniwala ka ba? Issaprank! Nakngtokwa, may naniniwala pa ba naman sa ganoong gawa-gawang kwento?! Bukod sa malabo ng mangyari 'yon ay malabo din akong maging prinsesa dahil mas bagay saakin ang kontrabida! "Ms. Zhavia Tuazon?" Muling pagbabasa nito sa pangalan ko na nakadikit sa gilid ng uniporme ko dahilan para matinag ako at maibuka ko ang bibig ko. "I.. I forgot to get my schedule po." Nauutal na sagot ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang kamay ko nang maramdaman kong may tumulo sa gilid ng mukha ko. Nakakahiya naman, first day na first day ang haggard ko na agad. Kasalanan talaga ito ng pesteng kontrabida na baklang frog na 'yon, eh.  Takha naman akong tinignan ng chairwoman, "bakit parang pawis na pawis ka? Anong ginawa mo?" Tanong nito habang kumukuha ng tissue at tumayo sa swivel chair na kinauupuan niya. Nagulat pa ako nang lumapit ito sa akin at idinampi ang tissue na hawak niya sa mukha ko para punasan ang mga pawis ko. Agad naman akong napaatras, "h-huwag na po, ako na lang." Nahihiyang saad ko at kinuha ang panyo sa loob ng bulsa ko para punasan ang sarili kong pawis. Kakasabi ko lang, hindi ako mukhang prinsesa. "Why? What's wrong? I'm-" my eyes automatically got widened when she was supposed to spill it. Spill the magic word! Omyghad, don't! Mamamatay ako kapag sinambit niya ang mga katagang iyon, dahil alam kong may sumpa ang salitang iyon at oras na marinig ko ito ay paniguradong malalagutan ako ng hininga! Chos! Kakabasa ko 'to eh. "M-madam chair, alam ko naman po iyon. Pero, h-huwag niyo na pong sabihin, baka biglang may pumasok at marinig kayo." Natataranta kong saad habang palingon lingon sa pintuan. Nagtatakha kayo kung anong sinasabi ko? Dati ko kasi siyang amo dahil maid ako sa palasyo nila. Nakakahiya naman kung may ibang makarinig na 'Im your boss and you're just a maid.'  Bahagya naman itong natawa at napailing nalang dahil sa inaasta ko. "Here's your schedule. First day of school, late ka. Just make it sure na hindi na ito mauulit bukas, okay?" Saad nito, napatango naman ako at kinuha ang schedule ko. "Bakit ka nga pala tumatakbo?" Tanong nito na ikinatigil ko. Shit, hindi niya pwedeng malaman na napasabak ako sa g**o huhu, mayayari ako nito! "A-ah . . late na po kasi ako, kaya ayon nagtatakbo ako hehe." Palusot ko, tumango naman ito kaya nagpaalam na akong mauuna na. Sumilip muna ako sa pinto para i-check kung andito pa rin ba sa labas ang mga asong humabol sa akin kanina, pero wala na akong nakita na kahit sino dahil tahimik na ang hallway. Kaya naman ngiting tagumpay akong lumabas ng office at prenteng naglakad patungo sa garden sa may likuran ng school. Hindi na ako dumiretso sa first class ko dahil paniguradong wala rin namang kwenta kung hahabol pa ako sa unang klase ko. Sabi nga nila, huwag kang maghahabol dahil wala ka sa maraton. Luminga linga ako para tignan ang paligid nang tuluyan akong makarating sa garden, wala namang tao kaya naisipan kong magpahinga muna sa ilalim ng malaking puno. Nakakapagod rin ang ginawa kong pagtakbo kanina 'no. Napanguso na lang ako nang muli kong maalala na pinahabol ako ng asungot na 'yon sa mga alagad niyang aso. "Makakaganti rin ako sayong asungot ka." Gigil kong saad habang binubunot ang mga d**o na nahahawakan ko. Pero sadyang sobrang malas ko yata talaga ngayong araw, dahil sa hindi inaasahan ay bigla nalang may kung anong napakalaking sanga ang nahulog sa ulo ko na nagmula sa punong kinasasandalan ko. "Aray ko!" Daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa ulunan ko. Karma ko na ba ito dahil tinadyakan ko ang asungot na 'yon kanina? Grabe namang karma 'to! Ang bilis na, ang sakit pa! Lilingunin ko na sana ang itaas ng puno kung saan nanggaling ang sanga na nahulog saakin, pero kamalas malasan naman nga talagang may nahulog nanaman ulit na bunga ng suha at sakto itong tumama sa mukha ko!  Bwiset!! Napapikit nalang ako sa inis at napahilamos sa mukha ko. "Sobra na 'to! Waaaaah!" Iritang sigaw ko at agarang tumayo sa damuhan, pero hindi pa ako nakakamove on sa mga nahulog sa akin ay muli nanamang may tumama sa braso ko na sanga! Hindi ko napansin na may mga tinik iyon, dahilan para masugatan ako at magdugo ito. "Aray ko! Anak talaga ng potakte!!" Naiiyak nang sigaw ko at hinawakan ang sugat ko sa braso kung saan tumama ang tinik ng sanga na nahulog saakin. Bakit ba ang malas malas ko ngayong araw?! Bwiset talaga. Nakakainis na huhu. Ang sakit. Agad kumunot ang noo ko nang may marinig akong humihilik na sa tingin ko ay nanggagaling sa itaas ng puno. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'yon, pero hindi naman ako kumain ng cream stick para gawin 'yon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lingunin ang itaas ng puno. Nang makumpirma ko ngang may lalaking natutulog sa itaas ng puno na iyon ay agad na nag-usok ang ilong ko at tainga ko. "Hoy!!!" Sigaw ko dito, pero mukhang hindi niya ako naririnig dahil tulog pa rin siya, kaya naghanap ako ng pwede kong ipambato sa kanya. Sakto namang nakita ko 'yong suha na nahulog sa akin kanina, kaya kinuha ko 'yon agad at ibinato sa lalaking natutulog sa itaas ng puno na ikinagulat niya naman at agad agad na bumaba. "I-I'm sorry, nahuli na kasi ako sa unang klase ko kaya naisipan kong huwag na po munang pumasok." Saad nito pagkababa ng puno at bahagya pa siyang yumuko na ikinatakha ko. Ano bang pinagsasabi niya? "Ano bang sinasabi mo? Wala akong pakialam kung nalate ka! Hindi mo ba nakikita?! Nasugatan ako nang dahil sa'yo!" Sigaw ko sa kanya habang nakaturo sa sugat ko na dumudugo pa rin. Ilang beses siyang kumurap kurap bago itinuro ang sarili niya habang nakatingin pa rin sa braso ko. "A-ako ang may gawa niyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo, malamang! Sino pa ba ang gagawa nito? Ikaw lang naman ang nasa itaas ng puno na 'yan kung saan nanggaling at nahulog lahat ng bunga at sanga na nahulog saakin!" Kunot noong saad ko. "Teka, paano ko naman gagawin 'yan? Eh natutulog nga lang ako. Binato mo pa nga ako, kaya ako nagising, hindi ba? Saka ikaw na ang nagsabi, nahulog, hindi ko hinulog." Saad niya, dahilan para matahimik ako. Tama naman siya, hindi niya nga naman kasalanan. Bakit ba kasi siya ang sinisisi ko? T_T Siguro ay badtrip lang talaga ako ngayong araw dahil sa mga kamalasang nangyari sa akin. Isabay mo pa ang mabilis na pag-init ng ulo dahil nga may dalaw ako ngayon. "Pero sige, sorry, kahit hindi ako ang may kasalanan. Hali ka, sasamahan na kita sa clinic." Saad nito at hinawakan ako sa kamay na ikinagulantang ko. Binawi ko naman agad ang kamay ko sa kanya na ikinatakha niya. "H-huwag na!" Nahihiyang saad ko, naguilty tuloy ako. Siya na ang inistorbo ko sa pagtulog, tapos siya pa ang humingi ng tawad. "Bakit naman? Nahihiya ka ba dahil sinisi mo ako sa hindi ko naman ginawa? Ayos lang 'yon, huwag mo ng intindihin. Ang mahalaga maagapan at magamot agad 'yang sugat mo dahil baka hindi ka makapag-linis mamaya." Saad nito na ikinakunot ko ng noo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, nang-aasar ba siya o ano? At saka anong makapaglinis ang sinasabi niya? "Saan naman ako maglilinis? Bakit ko gagawin 'yon?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. "Dito sa campus, hindi ba . trabaho mo 'yon kasi janitress ka?" Sagot nito na muling ikinausok ng ilong ko! "Anong janitress?! Hindi nga sabi ako janitress! Estudyante rin ako! Estudyante!!" Naiinis na sigaw ko sa kanya, nagulat naman ito sa ginawa kong pagsigaw sakanya. "Hindi ka ba janitress?" Inosenteng tanong nito habang nakaawang pa ang bibig. Inis ko naman itong tinapunan ng tingin. "Hindi nga sabi! Dudunggulin na kita eh." Saad ko dito at inambahan ng suntok, pero mabilisan siyang umiwas. "Sorry na. Malay ko ba, bakit kasi ganyan ang suot mo?" Takhang tanong niya. "Wala kang pakialam." Sagot ko. "Sige na nga. Pero, teka!" Sambit niya at may kinuha na kung ano sa bag niya. Isang panyo at tubig sa bote, binasa niya ng kaonti ang dulo ng panyo at saka inilahad ang kamay niya sa harap ko. "Akin na 'yang braso mo." Saad nito. "Bakit?" Kunot noo kong tanong pero hindi niya ako sinagot at siya na mismo ang humablot sa braso ko. Marahan niyang ipinunas ang basang bimpo sa sugat ko at muling iyun pinunasan ng tuyo. "Sa susunod, mag-iingat ka kung ayaw mong nasusugatan at nasasaktan." Pangaral nito at kumuha ng band aid sa loob ng bag niya para itapal sa sugat ko. "Sige, mauuna na ako." Paalam nito matapos niyang malinis at malagyan ng band aid ang sugat ko. Naramdaman ko pa na pinat nito ang ulo ko. Hindi naman agad ako nakagalaw, nanatiling nasa kanya ang tingin ko pero hindi magawang ibuka ang bibig ko, kahit salitang salamat ay ayaw lumabas sa bibig ko. Nang makatalikod siya ay muli siyang humarap sa akin at ngumiti. "Sylvester Alonzo." Huling saad niya, bago tuluyang mawala sa paningin ko. Ilang segundo pa akong nanatili sa ganong pwesto habang nakatanaw pa rin sa daan kung saan ko siya huling nakita. Saglit kong hinawakan ang dibdib ko at pinakiramdaman kung tumitibok pa ba ito. Hindi ko naman napigilang makagat ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ang bilis ng t***k nito, napailing ako para bumalik sa reyalidad mula sa pagkakatulala. "Is he for real?" Wala sa wisyong naitanong ko sa sarili. Muli akong napailing at nasapo ang noo ko nang mapagtanto ko kung gaano ako katanga kanina, kung gaano ako katanga na sinisi ko siya sa sarili kong kasalanan! Shet! Major turn off 'yon! Napapikit ako at muling dumilat upang aninagin ang daang tinahak niya kanina, umaasang makikita ko pa siya, pero wala na siya don. Hindi ko na namalayan ang pag-ngiti ko sa kawalan at ang patuloy na pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Tila lumulutang ako sa alapaap nang muli kong maalala ang maamo nitong mukha. Sylvester Alonzo. He's like a living fictional Character! *Kring! Kring!* Natinag ako sa pag-day dream nang marinig ko ang malakas na bell, hudyat na tapos na ang oras para sa unang klase. Hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at lakad takbong tumungo sa naka-assign na room ko ngayong oras. Nang makarating ako sa second floor ay napansin kong may ibang student na ang pumapasok sa room ko ngayon, kaya agad akong naglakad ng mabilis para makasabay sa pagpasok. "Good Morning again everyone! This is General Academic Strand (GAS). This strand is designed for students who would desire to engage in a more general areas of study as compared to more specific fields of study. So, to those students who are not decided yet on what course they want to take in college. Your professors can help you to cope up with that." Nakangiti nitong saad. Yes, I'm still not decided about the course na kukunin ko sa college. Ang hirap naman kasing mamili. Kung magiging tambay nalang ba ako ever? O pulubi sa kalye? Ay! Ewan! "Anyway, as I have said earlier. I will be your advisory teacher for the whole semester. I'm Mrs. Agueley Garcia. But you can call me Miss, undesrstood?" "Yes miss." Rinig kong tugon ng mga kaklase ko. At tulad ng nakasanayan ay isa-isang nagpakilala sa loob ng klase, but I didn't even bothered to listen. Ano namang mapapala ko kung malaman ko ang mga pangalan nila. Kinuha ko na lang ang pocket book sa loob ng bag ko at nagbasa-basa. Pero hindi pa yata ako nakakalahati sa binabasa ko ay sabay-sabay kaming nagulantang nang kumalabog ang pintuan ng room namin. Anak ng, wala bang manners ang taong 'yun? Kailangan talaga ibalibag ang pinto? Eh pwede namang kumatok at buksan ng maayos ang pintuan, diba? Papansin lang? Nakngtokwa, ano kayo? Mga fictional character- teka! Saglit akong natigilan nang may marealized ako. Omg.. Alam ko na ang mga ganitong senaryo! May mga nababasa akong ganito sa libro. O to the M to the G! 'Yung tipong may biglang papasok na lalaki sa pintuan ng classroom ninyo? Pero 'yung totoo papasukin rin pala pati ang buhay mo? What the actual focc, pwede palang magkatotoo 'yun?! Sino naman kaya sa mga kaklase ko ang maswerteng may makakatuluyan sa dalawang lalaki na nakatayo ngayon sa harapan? T-teka?! Ano?! S-sila?! Papaanong?! Halos lumuwa na ang mga mata ko sa panlalaki, dahil talagang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! "Why the two of you are always late Mr. Alonzo and Mr. Perez! Hindi na kayo nagbago! Last year ay ganiyan din kayo! I just wanted to make it clear that none of you are the school rules!" Sermon sa kanila ni Mrs. Agueley. Oo, tama! Sila nga! Walang iba kundi ang BAKLANG LAMAN NA LUPA NA MUKHANG FROG NA UBOD NG YABANG NA ANAK NG POTAKTENG SI PEREZ! At si . . "we're sorry, Miss." Paghingi ng paumanhin ni Sylvester Alonzo ang . . "Prince charming ko . ." anak ng gwapo! BAKIT BA ANG BAIT NG NILALANG NA 'TO?! "Introduce yourselves."  Agad akong napaayos ng upo at hindi mapigilan ang sarili ko na ngumiti nang magtama ang tingin namin. Shet. Bakit ang bilis nanaman ng t***k ng puso ko?! "Hi. Some of you may be familiar with my name. I'm Sylvester Alonzo, and I'd like to introduce myself to everyone else's here that I can be your diary anytime and anywhere." Diary? Eh? "Looking forward for your rants and confessions." Dagdag pa nito, sa simpleng ngiti na ginawa niya ay nagawa niyang pag-ingayin at pakiligin ang mga babae. Syempre kasama na ako doon 'no, duh! Sino ba namang hindi kikiligin sa gwapo niyang 'yan! Makalaglag panty- omg! "Look for the vacant seat, Mr. Alonzo." Utos ni Mrs. Agueley. Naitikom ko ang bibig ko nang maglakad ito papalapit sa akin. Sa akin ba siya tatabi? Omg! Heart kalma! Shet. Ito na ba ang feeling ng mala-fictional ang magiging takbo ng love story niyo ng Prince Charming mo? "Totoo nga, estudyante ka rin. Nice to see you again." Nakangiting bulong nito dahilan para mag-fade out ang magaganda kong ngiti nang dahil sa sinabi niya. Anak ng . . medyo na-offend ako doon ah! Lalo pa akong napasimangot nang dire-diretso itong naglakad papunta sa likuran ko. Ayaw niya ba akong katabi? "Kumusta na ang sugat mo? Mahapdi pa ba?"  "H-hindi na, salamat nga pala Sylvester." Hindi ko alam ang ngiting gagawin ko, dahil medyo kinilig ako. Ang maalalahanin niya naman kasi! "I'm sorry din sa inasta ko hehe, wala lang ako sa mood kanina," nahihiyang paliwanag ko.  "Wala 'yon," nakangiting saad niya at pinat nanaman ang ulo ko dahilan para mapalunok ako nang maramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. Shet! Huwag kang kiligin sa harap niya! Mag mukhang pa-hard to get ka naman, Zhavia! Huwag kang marupok! Gosh! "Anyway, Just call me Syl. Kung ayaw mo, pwede namang >[;lq*" "Ano 'yon?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang binulong niya sa huli dahil nagsisigawan na ang ibang babae sa paligid namin. Inis naman akong tumingin sa unahan at napangiwi nang makita ang pagmumukha ng asungot na 'to. Tsh! Hindi ko alam na makikita ko pa rin pala ang pagmumukha niya. Ang malas ko naman. Pero ayos lang, may swerte pa rin naman sa likuran ko. Bahagya akong napangiti dahil sa naisip kong 'yon. "Do I need to introduce myself?" Tanong ng baliw sa unahan. Wow. Ang yabang niya talaga! "Maupo ka na lang Mr. Perez kung magtatanong ka lang naman, you can sit Beside that girl, 'yung naka-black shirt, sa harap ni Mr. Alonzo."  Teka- ako ba ang tinutukoy niya? Tinignan ko ang suot ko at ang buong klase, at ako lang naman ang naka-black na t-shirt may ibang naka-civillian pero iba ang kulay ng damit nila. Bukod doon ay nasa likuran ko si Sylvester . . Nalipat ang tingin ko sa pagmumukha ng lamang lupa na si Perez dahilan para makompirma ko na ako nga ang tinutukoy ng professor namin na tabihan niya dahil nakatingin na ito saakin. Wth! No! Gumuhit ang ngisi sa labi niya nang makita niya ang pagmumukha kong gulat na gulat. Peste! Hindi ba pwedeng lumayo ng 10000000 kilometer ang asungot na iyan sa akin at baka hindi ako makapag-timpi maitapon ko siya sa kalawakan? Hindi pa ako nakaka-move on sa mga ginawa niya kanina, kaya hindi kakayanin ng sikmura ko kung buong taon ko pa siyang makakatabi! Hindi ito maaari! Pero nahinto ako kakasigaw si isip ko nang may isang babaeng estudyante ang naglakas loob na tumayo sa kinauupuan niya. "Yoishi can sit beside me, Miss. Bakit diyan pa sa tabi ng babae na 'yan?" Biglang reklamo nito, pero imbis na mainis ako sakanya dahil ang kapal ng make-up niya ay nagawa ko pang mapasalamat sa sakanya gamit ang isip ko, dahil tama siya! Bakit hindi nalang sakanya itabi ang asungot na ito at huwag saakin?  "Inuutusan mo ba ako, Miss?" Mataray na pabalik na tanong ng prof namin. "N-no, Miss. I'm sorry." "Take a sit." Tuluyan ng bumagsak ang mga balikat ko at hindi na maipinta ang mukha ko sa inis nang nagdire-diretso na naglakad patungo sa katabi kong upuan ang asungot na lalaking ito. Kapag minamalas ka nga naman! Bakit ba kasi hindi nalang si Syl ang naupo diyan kanina, edi sana wala ng tigil sa kakatalon ang puso ko buong magdamag kung ganon ang nangyari! "Kapag sinuswerte ka nga naman, ikaw pala, Ms. Janitress. Ang akala ko nagbibiro ka lang kanina na estudyante ka rin dito, seryoso ka pala dun." Natatawang sambit nito nang mailapag niya ang bag niya sa upuan niya. Hindi ko naman maiwasang mapa-irap. Bwiset talaga! Ang lakas niyang makasira ng mood! "Kumusta ang pagtakbo kanina? Nahuli ka ba?" Nang-aasar na tanong nito habang tumatawa. Chill lang, Zhavia! Huwag mong kakausapin ang baliw na 'yan. Tandaan mong maganda ka pero snobber ka. "Oh, you don't know how to speak?" Takhang tanong nito, saglit ko naman siyang sinulyapan. "You don't know how to shut up?" "Ha! Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin na kailangan mong bayaran?" "Magkano ba? Sabihin mo lang." "Nakakatawa 'yun?" Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na sa kinauupuan ko dahil ako na ang magpapakilala. "Zhavia Tuazon." Maikling pagpapakilala ko bago maupo ulit. "Cool! Astig mo panget, ah? Saan mo nakuha ang technique mo na 'yon?" Natatawang tanong ng katabi kong baliw. Pero agad nagpintig ang tainga ko at halos lumipad na sakanya ang kilay kong magkasalubong nang tawagin niya akong Panget! Panget?! As in, Panget?! "Ako panget? Excuse me ah? Pero hindi mo ako salamin!" Iritang tugon ko na ikanaawang ng bibig niya. Kung anu-ano pa ang nga sinasabi niya at sinusubukan kong hindi nalang siya pansinin. Pero sadya talagang malakas siyang mang-asar kaya hindi ko na rin napipigilan pa ang sarili kong makipag-sagutan sakanya!  Halos buong klase kaming nagtatalo at kapag minamalas ay nahuhuli kami kaya pati ako ay napapagalitan!  Bwiset talaga ang asungot na 'to! Unang araw ko palang pero sinisira niya na. Paano pa sa mga susunod?! Hindi yata ako magtatagal sa tabi ng asungot na 'to. Peste! Buti na lang at mabilis natapos ang klase, kaya makakalaya na ako sa kaingayan ng asungot na 'to. Mabilisan kong niligpit ang gamit ko at sumulyap kay Syl na inaayos na rin ang gamit niya. "Ingat sa pag-uwi," nakangiting paalam niya sa akin, todo ngiti naman ang isinukli ko sakanya at tumango bilang tugon. Close na agad kami! Bakit? Ganoon talaga kapag malakas ang charisma, maganda kasi ako. "Tol, una na 'ko." Paalam niya rin sa katabi kong asungot na noo'y nakipag pound hug pa sa prince charming ko, psh!  "Oy, panget! Uuwi ka na agad?" Tanong ni Perez habang sinasabayan ang lakad ko palabas ng room. "Ang boring mo naman, masiyado pang maaga para umuwi." Sandali akong huminto sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Pwede ba? Hindi tayo close, kaya huwag kang umakto na parang close tayo. Dahil sa'yo ay napagalitan ako kanina! Kaya kung pwede lang, 'wag mo na akong kausapin at sundan pa!" Iritang sambit ko sa kanya bago pinagpatuloy ang paglalakad ko. "Ang sungit mo, hindi ka naman maganda." Rinig kong sambit niya pa, at saka lumihis ng daan. Akala mo naman ang gwapo niya, mukha namang shokoy. Hmp! Buti na lang at hindi niya na ako sinundan pa, nakakainis talaga siya. Hindi ko alam ang dahilan, pero dinala ako ng mga paa ko papunta sa mall, siguro ay para na rin malibang ko ang sarili ko. Tama naman ang asungot na 'yon, masiyado pang maaga kaya hindi na muna ako uuwi. Saglit akong nagtingin-tingin sa mga shop, pero wala naman akong magustuhan na bilhin. Hanggang sa marating ko ang shop ng mga gitara. "How much is this?" Tanong ko sa sales lady nang mapansin ko ang gitara na may kulay emerald. "That's cost 3,905, Ma'am," nakangiting tugon nito. "Hmm . . I'll get this one. Lwede bang ipadeliver nalang 'to sa house?" Tanong ko pa. "Yes, Miss. Kukunin ko lang po ang onting info's ninyo," nakangiting sagot niya uli at may kinuha na kung ano sa cashier. "Your full name, age and address, ma'am? Nakangiti pa ring tanong niya. "Required ba 'yung full name?" Nakangiwing tanong ko. "Yes po, ma'am." Natatawang sagot niya. "Ako nalang ang magsusulat hehe." Sambit ko, ibinigay niya naman saakin ang papel na sasagutan ko. Matapos kong sagutan 'yon ay ibinalik ko na sakanya agad, bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sagot. "Morgan po kayo?" Nagugulat niyang tanong, pilit naman akong ngumiti at lumapit sakanya para bumulong. "Keep it as a secret," nakangiting sgaot ko at kinindatan siya. "A-ah . . Opo naman po, Ma'am! Masusunod po!" Ganado niyang sagot, napatango naman ako at nagpaalam na. Lumabas na ako ng guitar shop at muli na sana akong maglalakad nang wala sa wisyo akong natisod sa paa nang kung sino. Kaya ang ending ay bumalentong ako at nauna ang balikat kong bumagsak sa sahig para ipang-sangga sa pagbagsak ng katawan ko. "Aray!" Daing ko at napapikit nang maramdaman ko ang bigat ng katawan ko. Tae naman! Malas ba talaga ako sa araw na 'to?! Pang-ilan na 'to ah. "Likas na ba talaga sayo ang pagiging lampa?" Agad kumunot ang noo ko at napamulat ng mata nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.  Mabilisan akong tumayo at hinarap ang lalaking tumisod sa akin! At halos umusok ang tainga't ilong ko nang bumungad sa akin ang ngi-ngisi ngising mukha ni PEREZ! "Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?!" Kunot noong singhal ko sakanya, pero hindi niya ako sinagot, bagkus tinabingi niya lang ang mukha niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Nagsalamin ka pa, mas nagmukha kang lampa." Nakangiwi niyang saad nang mapansin niyang may suot-suot akong salamin. "Siraulo ka ba? Hindi ako lampa! Sadyang tanga ka lang talaga na lagi nalang humahara sa daraanan ko! Nakikita mong daraan ako, ibinabalandra mo pa rin 'yang sarili mo." Singhal ko na ikinakunot ng noo niya. "Hindi ako humahara, napakalawak ng daan at pwede kang lumihis sa direksyon kung nasaan ako. Psh, baka nga gusto mo lang magpapansin saakin kaya hindi mo iniiwas yang sarili mo." "Ha! Wow. Grabe! Napakataas naman pala ng tingin mo sa sarili mong asungot ka? Hoy! Hindi ako nagpapansin sayo dahil ikaw ang kusang tumisod sa paa ko. Unggoy!" Nag-uusok ang ilong na singhal ko sakanya, pero agad akong natigilan nang samaan niya ako ng tingin. "Nakikilala mo ba kung sinong kinakalaban mo, ha?" Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa sobrang seryoso niya. "Hindi mo ako kilala, kaya huwag mo akong susubukan." E-eh? "Ikaw si . . Perez. Oo, tama! Ikaw si Perez! Oh, ano? Pwede na ba kitang subukan, ha?" Taas kilay kong pamimilosopo sa kanya. Bahagya naman itong tumawa at agad ding bumalik sa pagkakaseryoso.  "Bakit ba napakapilosopo mo? Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ka ba natatakot na may gawin ako sa'yo na hindi mo magugustuhan? Hindi ako nagbibiro, kaya manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay." Napaatras ako nang sambitin niya 'yon, aaminin kong medyo, medyo lang! Medyo kinilabutan ako, pero hindi ko pinahalata. Bakit naman ako matatakot sa kanya! "Well at first, I'm Zhavia Tuazon. I'm introducing myself again to you, dahil mukhang hindi ka ata nakinig kanina or maybe you're a deaf talaga. Well, I felt sorry for that. Secondly, bago mo pa ako mapatay, sigurado akong paglalamayan ka na." Seryosong sambit ko sa kanya bago siya ngisian. "Thank you for wasting my time, Stupid." I smile before I turned my back. "Ha. Ang tapang mo rin pala. Ito ang tatandaan mo. Darating ang panahon at pagsisihan mo na binangga mo ang isang Perez." Rinig ko pang sigaw nito, napairap na lang ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Kung lahat ay natatakot at napapasunod niya, pwes! Ibahin niya ako dahil wala akong pake kung sino man siya! Isa lang siyang asungot sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD