ZHAVIA TUAZON POV
"One jumbo hotdog and one large apple tea, please!" Padabog na sambit ko sa sales lady nang makarating ako sa isang food stall. Agad naman itong tumango at nagmadaling kumilos. Saglit pa akong naghintay habang hinahanda nito ang order ko.
Hindi ko mapigilan ang mga kilay ko na magkasalubong dahil sa nangyaring sagutan namin ni Perez kanina. Grabe, unang araw ko pa lang ngayon ay hindi ko alam na ganito ang mae-encounter ko. Hindi naman ako na-inform na may makikilala pala akong isang mayabang na PEREZ na mukhang sisira sa isang buong taon na pananatili ko sa LIU. At mukhang hindi rin ako sigurado kung magtatagal ba talaga ako.
"Here's your order, Ma'am!" Nabalik ang atensyon ko sa sales lady nang ilapag na nito ang order ko. Kaya naman agad ko ng iniabot ang bayad ko at tumalikod na para umalis.
"Ma'am, sukli-"
"Keep the change!" Tugon ko pa rito nang hindi ko napansin kung magkano ang naibigay kong pera dahil gusto ko na agad umuwi. Ayoko ng mag-stay rito sa mall dahil baka makasalubong ko na naman ang asungot na 'yun.
Nakakainis, bakit ba hindi maalis sa utak ko ang mukha ng lalaki na 'yon?
"Hindi mo ako kilala, kaya huwag mo akong sinusubukan."
Napanguso na lang ako dahil sobrang seryoso talaga ng pagmumukha niya nang sinabi niya 'yon. Bakit ba? Sino ba siya? Anak ng presidente ng pilipinas?
Ah, bahala siya!
Saglit kong sinilip ang phone ko para sana i-check ang oras, pero agad na nanlaki ang mata ko nang makitang pasado ala-singko na.
"Paniguradong papaulanan na naman ako ng sermon ni Kuya, hays!" Nagmadali akong nag-book ng grab para makauwi ako agad. Kanina pa din ako ikot ng ikot at hindi ko alam ang mga pinagbibili ko dahil wala sa wisyo ang takbo ng utak ko.
Ilang minuto pa akong naghintay at sa wakas ay dumating na rin ang driver ko.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mapakali, dahil bukod sa nag-iisip ako ng pwedeng ipalusot kay Kuya kapag nahuli niya akong late na nakauwi ay nababagot na din ako kakahintay dahil nakapaka-tagal ng biyahe!
Bakit ba bumabagal ang oras kapag hinihintay? Anak ng tipaklong. Pero hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa bahay namin.
"Salamat Manong!" Hiyaw ko matapos kong iabot sakanya ang bayad at agad na nagtatakbo papunta sa backdoor ng bahay para hindi malaman ni Kuya na late akong umuwi. Parang kagabi ay ito rin ang ginawa ko ah?
Well, Kuya is really strict as hell na kailan man ay hindi ko malusutan kapag na sa ganito akong sitwasyon. Swertehan na lang kung siya talaga ang wala sa bahay at mas late pa kung umuwi sa akin.
"You're late."
"Ay anak ng late!" Wala sa oras na napahawak ako sa dibdib ko at halos atakihin na sa puso dahil sa gulat nang magsalita si Kuya mula sa gilid ko nang makapasok ako sa pintuan ng backdoor.
"Sabi na nga ba, dito ka dadaan." Umiiling na sambit nito.
"Kuya naman . . bakit ba nanggugulat ka diyan? Aatakihin ako sa puso sayo eh," nakangusong saad ko.
"Saan ka na naman ba nanggaling at late ka ng umuwi, Zhavia Tuazon?" Napangiwi naman ako nang sambitin nito ang ginagamit kong pangalan sa paaralan na pinasukan ko.
"Nag-shopping lang naman ako, hindi ba obvious? At saka, ngayon ko lang naman 'to gagawin, Kuya. Alam mo naman siguro na magiging busy na ako sa mga susunod na araw." Nagpapaawang paliwanag ko.
"Ugaliin mong magpaalam kung may gagawin ka, hindi 'yung ganito, Via." Kunot noong sermon niya, napanguso naman ako. Parang nalate lang eh. Wala namang nangyaring masama sa akin.
"Huwag mo kong ngusuan, sagutin mo ako." Napa-angat ang tingin ko.
"Wala ka namang tinatanong ah?" Hindi niya na napigilang mapasapo sa sarili niyang noo dahil sa sagot ko.
Totoo namang wala siyang tanong eh. Diba?
"Just damn learn how to use your phone and call me kung malalate kang umuwi!"
"Oo na nga . ." nakasimangot na sagot ko.
"Umayos ka, Via, kung ayaw mong makarating kila mommy 'tong mga kalokohan mo. Napakarami mo ng atraso ngayon!" Kunot noong saad niya.
"Nalate lang naman ako ngayon ah!"
"Kaya pala hindi ka rin pumasok sa first class mo kanina?" Muli akong napaangat ng tingin sakanya at bumungad saakin ang sama ng tingin niya. Paano niya nalaman 'yun?! Siguro spy 'to si Kuya, naku! Nanghihinala ako ah.
"Psh! Dumaan ako kanina sa room mo at hindi kita nakita. Huwag mo ng uulitin 'to kung ayaw mong ako mismo ang magsabi kay Mom and Dad." Naniningkit niyang sermon.
"Hindi na mauulit," nakangusong saad ko, kahit hindi ko naman talaga sigurado kung hindi ko na nga talaga mauulit.
Hindi niya na ako sinagot pa at siniringan lang ng tingin, pagkatapos ay saka niya ako tinalikuran.
KINABUKASAN
MAAGA akong gumising ngayon dahil ayoko ng malate na naman. Baka hindi na ako sinagan ng araw sa mga susunod pa kapag pinagpatuloy ko ang paggising ng late. Maaga rin akong natulog kagabi matapos kong panoorin ang kdrama na pinapanood ko. Alas dose ako natulog kaya naman maaga akong nagising ngayon hehe. At, oo! Maaga na sa akin ang alas dose dahil nga AM na 'yun! Ibig sabihin umaga na. Hehe.
"Good Morning, yaya!" Bati ko sa maid namin na noo'y nagwawalis sa sala. Nilingon naman ako nito at saglit na itinabi ang walis na hawak niya.
"Oh! Good Morning din, ija. Ang aga mo yata ngayon magising? Himala iyan ah." Natatawang sabi nito, kaya napanguso ako. Ganoon ba kadalas ang paggising ko ng late? This summer ay 12 pm din ako kung gumising, late na ba talaga 'yun?
"Ayoko na po kasing malate ulit, baka umabot pa kay mommy, masermonan ako. Anyway, may dumaan po bang delivery dito?" Patungkol ko sa gitarang binili ko kahapon.
"Wala naman, ija. Bakit?"
"May pinadeliver po akong gitara dito hehe, kapag po dumating paki-receive na lang yaya, ha? Thank you! I love you!" Natatawang utos ko na ikinangiwi niya naman.
"Napakarami mo ng gitarang bata ka, hindi ka pa ba nakontento sa mga gitara mo doon sa kabilang kwarto? Aba, iyung iba ay pinagbibili mo pa sa ibang bansa. Eh mukhang hindi naman lahat ay ginagamit mo. Tapos ngayon ay bumili ka na naman ng bago. Ano bang ginagawa mo riyan sa mga gitara?" Mahabang litaniya nito.
"Collection lang naman, yaya," nakasimangot na sagot ko pa. Mahilig akong mangolekta ng gitara dahil may balak talaga akong sumali sa isang banda. Pero sa ngayon ay wala pa akong masasalihan dahil hindi ko sigurado kung may mga ganoong event ba ang mangyayari sa eskwelahan na pinasukan ko ngayon.
"O'siya! Ikaw ang bahala, ano bang gusto mong lutuin kong agahan mo?" Agad nagliwanag ang mukha ko.
"Can I cook?" Nakangiti kong tanong.
"Ay nako! Huwag na, ako na lamang at baka pagalitan ako ni Ser. Isa pa ay wala kang panlasa ngayon dahil ke aga mong gumising. Baka ang lutuin mo ay mga wala ring lasa."
"Yaya naman, please?"
"Ako na. Maupo ka na lamang riyan."
"I insist!" Agad akong tumayo at kumuha ng iluluto.
"Ikaw talagang bata ka, oo. Kapag tayo napagalitan ng tatay mo."
"Akong bahala, yaya! Leave it to me." Nakangiting senyas ko sakanya at saglit na kumindat na ikinatawa niya naman.
"Oh siya, sige, kung iyan ang gusto mo." Ilang minuto lang ay natapos din agad ako sa pagluluto at saktong bumaba si Daddy.
"Good Morning, Dy!" Nakangiting bati ko dito, sinuklian niya rin naman ako ng ngiti at talagang ginulo pa ang buhok ko.
"Good Morning, baby." Nakangiti ring bati niya.
"I'm no longer a baby, Dy. Stop calling me that." Nakasimangot na saad ko dahilan para matawa ito.
"How's your first day?" Tanong nito at umupo sa harapan ko
"It's fine, 50% na nakakainis at 50% na nakakatuwa."
"Really? Bakit naman?"
"Nalate po kasi ako kahapon at kamalas-malasan na . ." Teka, dapat ko bang sabihin ang g**o na ginawa ko kahapon?
"Na?" Nakaabang na tanong ni Dy sa sasabihin ko.
"Na . . nakakapagod ang first day hehe." Dugtong ko.
"It's okay, that's part of the academics. Gisingin mo na si Neon at baka malate pa kayo." Utos nito na gisingin na si Kuya. Tumango naman ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Kung kahapon ay ako ang late, ngayon naman ay siya. At ang malas ko dahil mahirap gisingin si Kuya.
Habang umaakyat sa napakahaba naming hagdan ay muli kong naisip ang mga nangyari kahapon, ang pag-tadyak ko kay Perez, ang pakikipag-habulan sa mga students at ang pag-cut ko ng first class.
"Sana huwag ng umabot sa kanila 'yung ginawa kong g**o kahapon, lagot talaga ako kay Mommy kapag nagkataon," nakasimangot na saad ko at ininom ang baso ng tubig na hawak ko.
Eh? Bakit ako may hawak na baso? Aish! Lutang na naman ako. Pagkapasok ko sa kwarto ni Kuya ay bumungad sa akin ang lalaking nakahilata pa rin hanggang ngayon sa sarili niyang kama. Sumalubong pa saakin ang napakalamig na aircon.
"Ehem! Kamahalang tulog mantika, oras na po para bumangon. May pasok pa!" Narinig ko pa ang pag-ungol nito at gumalaw ng kaonti.
"Five minutes, manang." Agad nanlaki ang mata at butas ng ilong ko nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. Ano raw? Manang? Tama ba ang pagkakarinig ko?
MUKHA BA AKONG KATULONG?!
"Kuya! Bumangon ka na!!" Hindi ko napigilan na mataasan ang boses ko dahil umay na umay na akong marinig na tawagin ako ng mga pangalan na hindi para saakin. Seriously?! Kahapon ay Janitress, ngayon naman, Manang! Sa ganda kong 'to?
"Mamaya na po, Manang. Inaantok pa ako." Muling sambit nito at nagtalukbong pa talaga ng kumot!
"Ugh! Iniinis mo talaga ako!" Napatingin ako sa dala-dala kong tubig dahilan para mapangisi ako.
You're dead!
Biglaan ko namang hinila ang kumot niya paalis sa katawan niya at saka ko binuhos ang tubig na laman ng baso ko. Nang maramdaman niya ang basa na tumapom sakanya ay kunot noo ngunit nakapikit pa rin itong bumangon mula sa pagkakahiga.
"Ano ba!? You're f*****g fired!" Bulyaw nito, tinaasan ko naman siya ng kilay at hinihintay na imulat ang mata niya matapos niyang punasan ang mukha niyang nabasa.
Agad na kumunot ang noo niya nang ako ang makita niya.
"Fired your a*s!" I shouted on him.
"What the! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo, ha?!"
"Binuhusan ka ng tubig habang tulog mantika?" Painosente kong sagot sa kanya.
"ZHAVIA TUAZON MORGAN!!" Agad na nanlaki ang mata ko nang isinigaw niya ang pangalan ko.
"Anak ng! Sinabi kong huwag mong isinisigaw ang pangalan ko! Waaah! Nakakainis ka talaga kuya! Huwag na huwag mo akong kakausapin!" Inis na sambit ko bago lumabas ng padabog sa kwarto niya na halos manigas na ako dahil sa sobrang lamig!
Nakakainis siya! Alam niya namang ayaw na ayaw kong mine-mention ang pangalan ko.
Neon Hardt Morgan
LUMABAS na ako ng banyo matapos kong linisin ang sarili ko. Naka-uniporme na rin ako kaya naman sinunod ko ng isinuot ang medyas at sapatos ko.
Badtrip na naman sa akin 'yung kapatid ko. Well, hindi niya naman ako matitiis kapag ganitong badtrip siya sa akin, 'yun nga lang, kapag kinakausap niya ako ay masyadong pilosopo.
"Ang gwapo ko talaga." Pagpuri ko sa sarili ko habang hinahagod ang buhok sa harap ng malaking salamin.
"Talaga?" Nagulat ako nang bigla nalang magsalita ang kapatid ko mula sa pintuan ng kwarto ko habang nakasandal pa.
"Pahiram nga ng mapa." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.
Mapa? Aanhin niya naman 'yun?
"Para saan?" Takhang tanong ko sa kanya.
"Hahanapin ko lang kung saan banda ang kagwapuhan mo." Napahinto ako sa paghagod ng buhok ko nang sambitin niya 'yun.
SABI KO SAINYO EH! TIGNAN NIYO! TIGNAN NYO! PINILOSOPO AKO!
Hinanapan ba naman ako ng mapa para hanapin kung san banda ang kagwapuhan ko? Tama ba naman 'yon?!
"Bilisan mo! Malalate na tayo!" Masungit na bulyaw nito, sinukbit ko na ang bag ko bago sumunod sa kanya.
Agad kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi pa rin siya nakasuot ng uniform.
"Bakit ganyan na naman ang suot mo?" Kunot noong tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Ano bang paki mo?" What?!
"Baka sitahin ka niyan, second day na ngayon, Via!"
"May baon akong uniform." Walang ganang sagot niya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papalabas ng bahay.
Napakamot ako sa sintindo nang marealized ko na pati buhok niya ay nagbago. Ewan ko ba, noong 14 years old palang kasi siya ay sinama na siya ni Tita Czarina sa London pagkatapos ng aksidente na nangyari sa kanila ni Aloha noon sa New York.
Balita ko kay mommy ay naging model siya sa london, pero pagbalik niya dito sa pilipinas ay nagulat ako dahil sobrang layo talaga ng itsura niya sa pagkakadescribe ni mommy sakanya! Tf!
Sa sobrang kulot ng buhok niya ay mukha na siyang sabog! Tapos ayaw na ayaw niya pang tinatawag siya ng Haisley, eh 'yon ang nakasanayan naming itawag sakanya. Bukod don ay hindi ko manlang siya nakikitang nag m-make up tulad ng mga babaeng nakikita ko.
"Ano ba, Kuya?! Para kang tanga diyan! Titigan mo nalang ba ako?!" Inis na singhal niya dahilan para mabalik ako sa ulirat at mapagtanto na nasa labas pa pala ako ng kotse nakatayo habang nakabukas ang pinto at nakatulala lang sakanya.
"E-eto na!" Natatarantang sagot ko at agad na pumasok sa loob ng kotse at inistart ang engine.
"Psh!" Rinig ko pang singhal niya.
Habang nag d-drive patungo sa school na mismong pagmamay-ari namin ay hindi ko maiwasang isipin ang dahilan kung bakit bigla siyang napalipat dito.
May pinaplano kaya ang babaeng 'to? Psh! Ang sabi niya kasi noong pinapauwi siya ni mommy dito sa pilipinas ay ayaw niyang mag-aral dito mismo sa pagmamay-ari namin, dahil daw baka ma-spoil ang grades niya kapag nagkataon.
Tss, aaminin kong matalino siya, pero sobrang tamad niya kung mag-aral. Kung mag-aaral lang siya ay malamang lahat alam niya na. Sobrang dali lang niyang matuto at maintindihan ang lahat ng bagay, pero ewan ko ba kung saan siya nagmana ng sobrang katamaran.
"Stop the car." Agad akong napalingon sa direksyon niya nang sambitin niya 'yon. Napansin kong malapit na pala kami sa school.
"May bibilhin ka na naman ba?" Naguguluhang tanong ko. Ganoon rin ang sinabi niya kahapon, hindi ba? Huwag niyang sabihin na may bibilhin na naman siya kaya bababa uli siya? She's really weird.
"Just do what I said, Kuya." Matigas na sambit nito kaya inihinto ko nalang ang sasakyan kahit pa nagtatakha, agaran naman siyang bumaba at naglakad.
What the f**k?
Nababaliw na ba siya? Bumaba sa sasakyan para maglakad na lang?
Ano bang ginagawa niya? Nahihiya ba siya na kuya niya ako? Aish! sa gwapo kong 'to?
Zhavia Tuazon
Dire-diretso akong pumasok sa gate ng school nang ihinto ni Kuya kanina ang kotse niya bago pa kami makarating sa tapat ng gate nitong LIU.
Badtrip talaga siya!
Wala akong pinansin o nilingon manlang habang naglalakad sa gitna ng quadrangle.
"Zhavia!" Saglit akong natigilan nang higitin nang kung sino ang balikat ko at halos lumuwa na naman ang mga mata ko sa panlalaki nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko!
Wtf!
I didn't expect to see her here!