EPISODE FOUR

2103 Words
ZHAVIA TUAZON POV   "Light?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang makita ko ang taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Kailan pa siya napunta rito? "Yes girl! It's me! Lightly Sue Alonzo! Your sweety pretty bestfriend!" Natatawang pagpapakilala nito at agad akong sinunggaban ng yakap na mabilis ko namang ginantihan. "Nakakaloka ka! Kailan ka pa umuwi ng pilipinas? Bakit andito ka na? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Akala ko ba matagal ka pa sa states!? You freaking surprised me!" Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya, dahilan para matawa siya. "Eh ikaw nga, andami mo ng kasalanan sakin eh! Hindi mo manlang sinabi saakin noon na sa london ka pala nanatili, hindi ko pa malalaman kung hindi sinabi saakin ni Tita at hindi kita pinuntahan doon! Pero teka, hindi ba model ka doon, eh ano yan?" Bigla ay nagkasalubong ang dalawang kilay niya nang makita ang kabuuan ko. Lalo na ang suot ko. "Ang alin?" Naguguluhan kong tanong. "Imbis na ikaw ang masurprise ko, ako pa ata ang nasurprise mo." Lalo akong naguluhan sa sinabi niya at talagang tinignan pa ako na para bang nandidiri siya. "Huh?" "Is that really you, Bayang?" Tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Tila ba hindi siya makapaniwala sa hitsura ko ngayon. "Yeah it's me and this is really me—" "Utot mo! Huwag ako. Hindi ikaw 'yan! Ako pa talaga ang lolokohin mo? Sa tagal nating magkasama, anong nangyari sa'yo?! Bakit naging ganyan ang style mo? Seriously, ang isang Bayang nagawang magsuot ng ganyan? Ang alam ko hate mo ang mga ganyan. Eh ano 'yan?! Ang jeje, Bayang! Kadiri! I can't believe it! Ang sakit mo sa mata, hindi ko kaya. Hindi ako sanay!" Natawa naman ako sa naging reaksyon niya lalo na sa tawag niya saakin na Bayang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagbabago simula nang magkasama kami sa London. "They're plastic, you can't trust them." Sagot ko, dahilan para mapatango siya at binigyan ako ng kaya-pala-look. "Sabagay, kung sakali mang hindi ka magganyan, eh baka pinagpalit mo na ako sa plastic." Natatawang sabi niya. "Never." "By the way, high way, norway! I miss having a bonding with you! Ano? Mall? Later? Gosh! Nag-effort akong lumipad dito sa pilipinas masundan ka lang. Ang sabi kasi ng nanay mo ay nakabalik kana raw dito. Kaya naman I take the opportunity para makasama ulit kita. Ano, let's bond together?" Para bang tuwang-tuwa na sambit nito, akala mo ay ilang taon kaming hindi nagkita na kung tutuusin ay isang taon lang naman. "Hindi pwede. I'm sure maraming activity mamaya, how about sa Sabado?" I ask. "Okay sige! Deal ako diyan! Sige na, omg! Late na ako!" Natatarantang saad nito at nakipag-beso bago nagpaalam paalis. Napangiti na lang ako dahil sa wakas ay may kasama na ako dito. Pero agad napawi ang magagandang ngiti ko nang makasalubong ko ang asungot na Perez na 'to sa hallway! "Good Morning, panget! Oh, kanina ngiting ngiti ka, bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo ngayon?" Natatawang tanong niya, pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Walang good sa morning dahil sinira ng pagmumukha mo ang araw ko. Che!" Pagtataray ko at inunahan siyang pumasok sa room. "Guys, keep your important things inside your pocket. Bababa daw tayo ngayon sa quadrangle sabi ni Mrs. Augueley." Pag-announce nung babae sa harapan. If I'm not mistaken her name is Cyne. "Bakit? Ano daw meron?" Tanong ng isa kong kaklase. "Hindi ko rin alam, pero mukhang magandang balita! Dalian niyo na!" Pagmamadali nito. Tuwang tuwa naman ang iba kong kaklase dahil mag-iskip ng class ngayon. Ano ba kasing meron? Pasasalamatan ko lang ang may pakana dahil tinatamad rin talaga akong umattend ngayon sa klase. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong mag-aral pa e.  "Ia-announce siguro nila kung gano ako ka-gwapo." Kunot noo akong napatingin sa walang kwentang lalaki na prenteng nakaupo sa upuan niya habang nakataas pa ang paa. Aba, feeling hari ang asungot na 'to. "Uy, teka panget! Pupunta ka?" Tanong nito, pero hindi ko siya pinansin at dire-diretso na lang na naglakad papalabas ng room. "Sabi ko nga pupunta ka, sandali! Antay!" Rinig kong sigaw nito. Ano bang ginagawa niya? Parang kagabi lang ay sobrang seryoso niya nung nagkaharap kami sa mall, tapos ngayon naman ay kung umakto siya parang wala lang nangyari? Bipolar ba ang lalaking 'to? Baliw na talaga siya. Nang makarating ang lahat ng strand sa quadrangle ay pumila kami sa sari-sarili naming pila. Napanguso pa ako nang maramdaman ang init ng araw na dumadampi sa balat ko. Pero agad nangunot ang noo ko nang pilit ipagsiksikan ng asungot na 'to ang sarili niya sa pila ng mga boys kung saan ay katabi ko. "Ano ka ba! Doon ka nga sa pila mo, nakikisingit ka dito." Iritang bulyaw ko pero hindi niya ako pinansin at kunot noong pinauurong paatras ang mga lalaking nakaupo sa likuran niya para lang makakuha ng space kung saan ako nakapuwesto. Ano bang trip ng lalaki na 'to? "Ano bang ginagawa mo?" Napatingin naman kami sa nagsalita mula sa likuran ng asungot na 'to at bahagya pa akong nagulat nang makita si Sylvester. Shet. Shet ka heart! Kumalma ka!! Not now!! "Uy! Dude! Andito ka rin pala! Apir!" Ngiting ngiti na sabi ng baliw sa gilid ko at talagang nakipag-apir pa siya kay Sylvester. Napairap nalang ako. Tss, marumi na ang kamay ni Sylvester dahil lumapat sakanya ang germs ng asungot na 'to. "Ano ba! Ang gaslaw mo! Umurong ka nga doon! Kita mong ang init init!" Iritang reklamo ko sa asungot na 'to, para siyang bulate na hindi mapakali sa kinauupuan niya. Nakakainis. Galaw ng galaw. Naramdaman ko namang parang lumililim na at nawala 'yung araw kanina kaya bahagya akong napangiti. "Naks! Para ka talagang babae, dude! Reading ready sa payong!" Narinig kong tatawa-tawang saad ni Perez kaya napalingon rin ako sa likuran namin. Namilog ang bibig ko dahil sa gulat pero agad ko ding kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pag-ngiti nang makitang kay Syl nanggaling ang payong na tumatakip mula sa araw na sumasanggi sa akin. "S-salamat." Nakangiting sabi ko nang sa akin niya talaga itutok ang payong. AHK! AYOKO NA! BAKIT BA ANG GWAPO NIYA?! TAPOS ANG BAIT PA, ANG BANGO. BAGAY SAKIN. Pakiramdam ko tuloy ay uminit ang magkabilang pisngi ko. "Bakit namumula yang mukha mo, panget?" Takhang tanong ni Perez nang mapansin niya ang pamumula ko. "W-wala! Naiinitan lang ako!" Nakangiwi at napapairap na tugon ko sakanya. Pakielamero. "Bakit pa kasi tayo pumunta dito. Ang boring boring naman!" Pagrereklamo niya pa. "Sino ba kasing may sabi na sumama ka dito." Natawa naman ako nang sabihin 'yon ni Syl mula sa likuran. "Ang sama mo naman sa akin 'dre!" "Good Morning, Intermesians!" Masiglang bati ng Admin sa stage na nakakuha ng atensyon naming lahat. "Dahil nandito na ang lahat. We would like to inform you all na may magaganap na iba't-ibang event and festival sa ating campus, tulad ng nakasanayan. Soon ay ibibigay rin sa inyo ang copy ng mga events para mapaghandaan ninyo. Anyway, Mr. Wesly Panganiban will be distributing a copy of voting papers para sa mga class oficer ng bawat section later." "And also, may mga panibagong event ang magaganap. Ngayon na lang ito mangyayari, kaya we would be very much honored if you remain present in every event. We are very much pleased to inform you na ngayong taon ng inyong huling pagiging senior high ay magkakaroon kayo ng Camping, Promenade and A Pageant that are open for all. Exciting right?" Nakangiting tanong ng admin. Naghiyawan naman ang lahat ng mga estudyante at mararamdaman mo talaga ang excitement sa boses nila. "And the most awaiting and exciting event here is the Pageant that will held by the most famous Manager of Modeling in Elite Management! Let's all welcome! Mr. Revoire Hawthorne!"  T-teka, ano?! Kilala ko 'to ah?  "Hello, Intermesians! Wow, tama nga ang pagpili ko sa school ninyo. I can really feel the soul of your excitements!" Nakangiting saad nito. Nakakarinig naman ako ng mga bulungan, dahil kilala talaga siya sa isa sa mga magagaling na manager ng mga models mapa-local man o international. "Oh, modeling pala. Ang ibig sabihin ay kukuha sila ng mga model sa school natin." Rinig kong saad ni Perez sa tabi ko. "About pageant na napag-usapan. That's not just a simple pageant or so. Para saan po ba ang pageant na gaganapin na ito? Well, gusto ko lang naman kumuha ng bagong model sa school ninyo for our company. I am looking for those deserving person as the new model of our Elite Management. Interesting, right?" Nakangiting pagpapaliwanag nito. Nagsimula namang umingay ang mga estudyante nang marinig ang salitang pageant at kukunin na models. Napalunok ako at pasimpleng ibinaba ang payong ni Syl para takpan ang mukha ko.  Hindi niya ako maaring makita. "Interesting nga! Sasali ako diyan. Ikaw panget, huwag ka ng sumali, siguradong hindi ka naman matatanggap!" Natatawang pang-aasar ng baliw na lalaking 'to! "And most of all, makakatanggap rin ng reward ang mananalo. What kind of reward? Well, makakatanggap lang naman ang mananalo ng prize with worth of 80,000 at may pagkakataon na makasama sa New York para ma-itrain for modeling!" New York? "Woah! Grabe! Totoo ba 'yun?!" "Hala, ang exciting naman! Parang gusto kong sumali!" "Ang gaganda ng prize! Sasali ako!" "Totoo ba 'yung narinig ko? New York? Shet. Wow!" Rinig kong sigawan ng mga estudyante. "Pero hindi 'yun ganoon kadali, dahil ang makakapasok lang sa Grand Finalist ng Pageant ang tanging makakasama sa akin. Kaya be ready for this upcoming pageant. Don't worry, matagal-tagal pa naman, kaya mapaghahandaan niyo pa kung sino ang mga magiging representative sa section niyo." Nakangiting saad nito, tuwang-tuwa at excited naman ang lahat.  Habang ako ay parang tangang halos masira na ang payong ni Syl kakababa ng payong niya. "Hoy, ano ba! Huwag ka ngang gahaman sa payong!" Agad nanlaki ang mga mata ko nang higitin ng bwisit na asungot na ito ang payong mula sa akin, dahilan para ma-expose ang pagmumukha ko! Anak ng potakte! "Siguradong ako ang gagawing representative ng section natin!" Mayabang pang sabi ng bwisit na 'to, habang ineenjoy at solong-solo ang payong ni Syl. Nagulat nalang ako nang may tumalukbong sa ulunan ko na kung anong malambot na bagay. Napatingin naman ako sa likuran at nakitang si Syl ang may gawa non. Inilagay niya sa ulunan ko ang blazer ng uniform niya dahilan para maramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. "Baka mainitan ka." Saad nito. Naramdaman ko nanaman ang puso kong nagkakarerahan na sa sobrang bilis ng t***k! Anak ng!  "Ano 'yan?" Nakangiwing tanong ni Perez. "Tss, inagawan mo siya ng payong. Hindi siya sanay sa init." Saad ni Syl na nakapag-patigil sa akin. Teka . . paano niya nalaman? "Oo nga pala. I just want to inform you too na kaya ko napili ang school na 'to. Dahil may taong makakatulong sainyo regarding sa upcoming pageant. You can look for Haisley Morgan which is ang anak ng may-ari ng school na 'to. She's one of my model before from London and I can say that she's really great when it comes to modeling. Alam kong estudyante rin siya dito and she's under the GAS track."  Halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko nang i-announce ni sir Revoire ang balitang iyon. Narinig ko naman ang sari-saring hiyawan at pagtayuan ng mga estudyante para hanapin ang tinutukoy ni Sir Revoire. "Woah! Sigurado akong maganda ang anak ni Mrs. Hercy!" Rinig ko pang pakiki-ususyo ng asungot na 'to habang nakatayo. "Kaklase ba natin siya, ha? Andito raw 'yong anak ni Mrs. Hercy!" Tuwang-tuwa na saad ni Perez. "Paniguradong nasa kabilang section siya ng GAS." Tuwang-tuwa na sabi pa nito. Ang init init pero para akong patay dahil namamawis at nanlalamig ang mga kamay ko. Nanginginig na ang kamay ko dahil sa kaba. "Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni Syl. "Ah— haha! Medyo nahihilo lang ako." Pagpapalusot ko. Halos marindi na ako nang marinig ko ang hiyawan at chismisan ng mga estudyante sa buong quadrangle. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Nag-aalalang tanong ni Syl pero umiling lang ako at ngumiti sakanya. "H-hindi na, ayos lang ako." Nahihiyang tugon ko. "Psh! Nahihilo ka na't lahat, nag-iinarte ka pa. Tara na nga!" Agad nanlaki ang mga mata ko nang hilain ni Perez ang kamay ko, dahilan para dumulas at mahulog ang blazer ng uniform ni Syl na nakatalukbong sa ulunan ko. "T-teka lang! Ano ba!" Pagpigil ko sa kanya. "Haisley?" Rinig kong saad ni Sir Revoire mula sa stage dahilan para matigilan ako.  Shit! No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD