ZHAVIA TUAZON POV
"Ha? Si Haisley? Asan?" Tanong ni Perez, pero agad ko na siyang hinila patakbo paalis matapos kong damputin ang blazer ulit ni Syl sa lupa. Mabuti na lang ay hindi lang kami ang nakatayo nang magsalita si Sir Revoire dahil marami din ang mga estudyanteng nakatayo at busy kakahanap sa Haisley na 'yun.
"Aray naman! Bakit mo ba ako hinihila? Hindi ko tuloy nakita si Haisley, tss!" Iritang reklamo ni Perez nang makarating kami sa tapat ng hagdanan.
Phew! Muntik na 'yon!
Nanlaki naman ang mata ko nang isa-isang magsitakbuhan papunta sa direksyon namin ang mga estudyante.
"Umakyat na daw si Haisley, omg!"
"Asan na siya?"
Sari-saring tanong ang mga naririnig ko habang nag-uunahan silang mag-akyatan sa hagdan. Napalingon ako sa kabilang side ng hallway kung saan ay may hagdan din papaakyat. Marami na rin ang mga estudyante ang nag-uunahan na makaakyat kaya naman napahilot nalang ako sa aking sintido.
"Umakyat si Haisley? Bakit hindi ko nakita?" Takhang tanong ni Perez at lumingon-lingon pa sa paligid kung saan nag-uunahan sa pag-akyat ang mga Senior High.
Hindi ko na siya pinansin at lumihis nalang ng daan kung saan nakabukas ang fire exit, nagsimula akong umakyat sa hagdan para makabalik na rin sa classroom. Ang akala ko pa ay hindi na susunod sa akin si Perez dahil busy rin siya kakahanap kay Haisley. Pero naramdaman ko nalang ang yabag ng mga paa nito papatakbo sa direksyon ko at sinasabayan ako ng lakad.
"Bakit dito ka din dumaan?" Nakangiwing tanong ko sakanya, tinutukoy ang fire exit kung saan ako dumaan paakyat.
"Mas maluwag dito at walang taong dumadaan." Tugon niya.
"Psh!" Singhal ko at nagtuloy-tuloy nalang paakyat.
"Hindi ko akalaing dito nag-aaral ang anak ng may-ari ng school na 'to." Hindi man sakanya nakatingin ay nakikita ko sa peripheral vision ko kung gaano kaganda ang ngiti niya sa labi habang nakapamulsa.
Tss.
"Ang malupit pa doon, she's also under the General Academic Strand!" Tuwang-tuwa na saad niya.
"Hahanapin ko siya, kapag sumali siya sa pageant ay sasali rin ako! Hindi ba nakakatuwa 'yon, panget?" Sa sobrang saya niya ay nagawa pa talaga akong itulak dahilan para muntikan na akong masubsob sa sahig habang naglalakad!
Anak ng potakte!
"Gago ka ba!" Malakas na singhal ko sakanya at agad siyang ginantihan ng sipa sa likod ng tuhod, dahilan para muntikan na rin siyang ma-out of balance.
"Ano ba!" Kunot noong singhal niya.
"Bakit ang hilig mong manipa?! Kabayo ka ba, ha?!" Kunot noong duro niya pa rin sa akin. Nginiwian ko naman siya.
"Hindi ako ikaw." Walang ganang sagot ko na ikinalaki ng ilong at mata niya.
"Ano?!" Hindi ko siya sinagot at nagtuloy nalang ulit sa paglalakad.
"Hoy!" Paghabol niya sa akin.
"Bakit ka naninipa?!" Tanong niya nang makasabay niya ang lakad ko.
"Eh bakit ka nanulak?" Taas kilay kong balik ng tanong sakanya pero hindi siya nakasagot at sinamaan lang ako ng tingin.
"Bakit ka ba namumutla ngayon? Ganon ka ba hindi kasanay sa initan?" Maya-maya'y tanong niya at nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko, agad ko namang hinawi 'yon.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
"Bakit ang lamig ng kamay mo? Kinakabahan ka ba?" Naguguluhang tanong niya.
"Wala kana doon!"
"Teka." Pagpigil nito sa akin sa paglalakad.
Nagtaka naman ako nang ipinagdikit niya ang dalawa niyang palad at ipinag-kiskis iyon sa isa't isa.
Anong ginagawa niya?
Nagitla pa ako nang ilapat niya iyon sa magkabilang pisngi ko.
"Ano bang ginagawa mo!" Inis na bulyaw ko at muling hinawi ang kamay niya.
"Wag ka ngang malikot! Makakatulong 'to para mabawasan 'yung lamig na nararamdaman mo!" Kunot noong sagot niya.
Ah, ganon pala 'yon? Edi wow!
"Nakakahalata na ako sa'yo ah!" Iritang bulong ko, nagtakha naman siya.
"Ano 'yon? May sinasabi ka ba?" Inosenteng tanong niya, kaya agad ko siyang hinarap at seryosong pinakatitigan sa mata. Napansin ko naman na tumaas ang dalawang kilay niya.
"Anong binabalak mong gawin at ang bait mo sa akin ngayon?" Pang p-pranka ko, kumunot naman ang noo niya. Kanina ko pa siya napapansin. Ang pagbati niya sa akin bago kami pumasok ng classroom. Ang pagtabi niya sa akin sa pila kanina na kung tutuusin ay mas maluwag ang space sa likuran kung saan sobrang layo sa akin. At ang paghila niya sa akin nang marinig niyang nahihilo ako. Kagabi lang ay ang angas niya kung kausapin ako at akala mo kung sinong may kapangyarihan dahil sa sobrang yabang, tapos ngayon ay kung umakto siya para siyang tuta na maamo at sunod ng sunod saakin. Anong pinaplano ng gunggong na 'to?
"Wala! Masama na bang maging mabait? Masyado kang feeling, hindi ka naman maganda." Masungit na saad nito habang patuloy na pinagki-kiskis ang dalawang palad niya.
Aba, siraulo 'to ah!
Nagulat pa siya nang batukan ko siya, "Aray! para saan naman 'yon?!" Kunot noong sigaw niya.
"Ang kapal ng mukha mo, hindi ka rin naman gwapo!" Panlalait ko rin sa kanya.
"Gwapo ako noh!" Pamimilit niya pa at muling inilapat ang palad niya sa magkabilang pisngi ko.
Agad ko namang hinampas ang kamay niya.
"Tama na nga!" Iritang sigaw ko sa kanya.
"Isa pang hawi sa kamay ko, pipitikin ko 'yang noo mo." Seryosong saad nito.
Kung makaakto akala mo siya ang kuya ko.
Hindi ko na siya pinigilan pa sa ginagawa niya dahil pinitik niya nga talaga ang noo ko nung sinubukan kong magreklamo at hawiin ang kamay niya.
"Sino kaya si Haisley 'no?"
"Oo nga! Gusto ko siyang makita!"
Lahat ng estudyante ay puro tungkol sa pageant ang pinaguusapan, puro Haisley din ang bukang bibig nila.
Psh! Now I know.
Interesado lang ang mga tao sayo kapag maganda at may posisyon ka sa buhay.
"Break time na pala, sa'yo muna 'yang blazer ni Syl. Ingatan mo 'yan ah? Susunduin ko lang si Ella sa room nila." Pag-papaalam ni Perez at agad nagtatakbo paalis.
Ella? Sino naman 'yon?
Saglit na nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang mapansin na nasa akin pa pala ang blazer ng uniform ni Syl.
Halos mapunit naman ang labi ko sa kakangiti nang marealized ko na kay Syl nga pala ito. Nagawa ko pa itong amoy-amuyin at kulang nalang ay pumasok na ito sa ilong ko sa sobrang pagsinghot na ginagawa ko.
"Ang bango talaga," kinikilig na saad ko at para yatang mas lalo akong nainlove sa kanya.
Ugh! Ang bango talaga ng blazer niyaaa!! Hindi ko na 'to isasauli! Pero bahagya akong nagulat nang bigla akong hilain nang kung sino.
"Ikaw pala, Light! Ano ka ba! Ginulat mo naman ako!"
"Kain tayo, dali! Ikaw ah! First day ko pa lang dito, puro pangalan mo na ang naririnig ko." Natatawang saad niya.
"Shh! Ano ka ba, huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig!" Suway ko sa kanya.
"Oo nga pala, sorry! Wait, kanino namang uniform blazer 'yan, aber?" Taas kilay na tanong niya nang mapansin ang blazer na suot ko.
"Sylvester Alonzo? Paano naman napunta sa'yo ang blazer niya? Kailan ka pa naging magnanakaw ng blazer, Zhavia Tuazon?!" Kunot noong tanong nito.
"Ano ka ba! Ang ingay ng bunganga mo. Hindi ko 'to ninakaw 'no. Pinahiram niya sa akin 'to. Naiinitan kasi ako kanina." Kinikilig na sagot ko.
"Naiinitan raw. Sus! Palusot mo! Akala mo hindi ko nakita 'yung pagtakbo mo kanina kasama 'yung isang lalaki? Ha! At talagang magka-holding hands pa kayo?! Boyfriend mo ba 'yon?! Bakit hindi ko alam? May tinatago ka ba sa akin, ha?!" Kunot noong tanong niya, dahilan para mapatingin ako sa paligid dahil sa kahihiyan na anlakas lakas ng boses ng babaeng 'to.
"Ang ingay mo! Tss! Oo na, tinakasan ko si Sir Revoire kanina kaya ako umalis, kasi nga diba? Siya yung manager ko sa modeling noong nasa london pa ako. At 'yong lalaki kanina ay kaaway ko 'yon! Siya naman ang may kasalanan kung bakit kami tumatakbo! Hinila niya ako dahil akala niya nahihilo ako sa init." Nakasimangot na paliwanag ko.
"Kaaway pero concern sa kalagayan mo?"
"Hindi siya concern!"
"Anong tawag mo dun, ha?"
"Wala, epal lang talaga siya at feeling close."
"Bakit kailangan magka-holding hands pa kayo habang tumatakbo?"
"Eh kasi nga tinawag ako ni Sir Revoire kanina sa stage, diba?!"
"Ba't ka sumisigaw?!"
"Eh kasi nga tinawag ako ni Sir Revoire kanina sa stage, diba?" Pag-uulit ko sa sinabi kanina, pero pabulong na, dahilan para makatanggap ako ng hampas sa braso mula kay Light.
"Aray!" Natatawang reklamo ko.
"Ewan ko sa'yo! Tungkol nga pala kay Sir Revoire. Nakasalubong ko siya kaninang umaga pagkatapos nating mag-usap. Nagtakha pa nga kaming dalawa nang makita namin 'yong isa't-isa na andito. Ang sabi niya sa akin, may pa pageant daw na magaganap sa school na 'to soon, para sa mga kukunin niyang bagong model sa Elite company. Tapos tinanong niya ako kung bakit raw ako andito. Ang sabi ko naman, sinundan kita. Nagulat pa nga siya na andito ka raw pala talaga. Kaya ayon, tinanong kung nasaan ka raw ba. Ang sabi ko, nasa GAS ka." Natatawang pagpapaliwanag niya.
"Tss, ikaw pala ang may kasalanan kung bakit niya pa inannounce na andito ako. Sinabi pa talaga pati strand ko. Gosh!"
"Ayaw mo non, mysterious na sakanila kung sino si Haisley! Hahaha!" Tatawa tawang saad niya, akala niya nakakatuwa. Kaya nga ako nagtatago dahil ayaw kong may makaalam na may connection ako sa chairwoman, tapos ibubunyag lang ni Sir Revoire? Aish! Kasalanan talaga 'to ng babaeng 'to eh.
"Teka, oo nga pala." Saad nito kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Hindi ko pa nasasabi sa'yo, saglit lang pala ako dito." Sambit niya, dahilan para magtakha ako.
"Ha? Ang bilis naman? Bakit? Kakauwi mo lang dito, babalik kana agad?" Naguguluhang tanong ko.
"Uuwi kasi dito si Aloha, so I need to go back in states dahil walang magbabantay kay lola." Sagot niya.
"Aloha?"
"Oo, 'yung inampon ni lola noon, remember? Magkakalaro pa nga tayo!" Saad nito para lalo akong maguluhan.
"Inampon niyo si Aloha? Tapos magkakalaro tayo noon? Ha? Hindi ko maintindihan, bakit wala akong maalala? Ang alam ko ikaw lang ang kaibigan ko noon pa ah?" Naguguluhang saad ko.
Napasapo na lang siya sa noo, "Ano ka ba! Apat pa nga tayo noon, hindi ba? Ikaw, ako, siya at 'yong pinsan kong lalaki! Pero nevermind, sasabihin mo nanaman hindi mo rin maalala." Naiiling na saad nito.
Hindi ko talaga siya maintindihan, nababaliw na ata siya. Kailan pa kami naging apat? eh dalawa lang naman talaga kami.
Baka imaginary friends niya, tsh! Balak niya pa ata akong ipagpalit sa mga multo niyang kaibigan.
"So, hanggang kailan ka niyan dito?" Tanong ko, pero nagkibit-balikat lang siya.
"Ewan ko, depende kay Aloha. Dito niya na rin kasi ipagpapatuloy ang pag-aaral niya, ang sabi ko dito na lang siya pumasok sa Lourde Intermouives University (may pa hand-effect pang nalalaman), since andito ka naman para may makakasama siya." Sagot niya.
Teka..
"Kilala ako nung Aloha?" Takhang tanong ko.
"Lutang ka ba ngayon, Bayang! Malamang kilala ka niya kasi kaibigan natin siya!" Kunot noong sagot nito.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya pa at nagpatuloy kumain.
Sinong Aloha? Bakit hindi ko siya kilala?