EPISODE SIX

2375 Words
ZHAVIA TUAZON POV  Matapos naming kumain ni Lightly sa cafeteria ay dumiretso na akong comfort room para magpalit ng uniform. Baka pati 'tong pagsuway ko sa proper uniform ng school ay isumbong ni Kuya, psh! Itinabi ko na muna ang damit na pinag-suotan ko kaninang umaga sa locker ko at muling naglakad pabalik sa room nang matapos kong magpalit.  Habang naglalakad pabalik sa room ay hindi ko maiwasang isipin 'yung mga pinagsasabi ni Lightly kanina sa cafeteria. Sino ba kasing Aloha ang tinutukoy niy? Tao ba 'yon? Shhkk. Malamang! Aish! Bahala na nga! Nang makapasok ako sa room ay hindi ko inaasahang may paa na tatalisod sa akin dahilan para masalampak ako sa sahig.  Aray ko! Anak ng potakte! "Ops! Sorry, sinasadya!" Natatawang saad ng kung sino. Napapikit naman ako dahil naramdaman ko ang sakit sa tuhod ko.  Nang dahil sa inis ay agad kong nai-angat ang tingin ko nang marinig ang boses ng isang haliparot na babae. Tss, sino nga ba ulit ang hampas lupa na 'to? "Akalain mo, bumagay sa'yo ang uniform namin? Oh, I mean, not literally on you. Sa katawan mo lang pala mismo! Hahaha!" Napangiwi ako nang magtawanan sila ng mga kasama niyang kaibigan, mapababae man o lalaki. Tatayo na sana ako pero agad nitong tinapakan ang palda ko, dahilan para sumalampak na naman ako sa sahig. Anak ng! Ano bang problema niya?! Kapag talaga ako hindi nakapag-timpi, sasabunutan ko 'to.  "Huwag ka munang tumayo, hayaan mong ipunas mo ang sarili mo sa sahig- ouch!" Daing niya nang biglang may sumulpot sa likuran ko at sipain ang paa niyang nakaapak ngayon sa palda ko. "Anong ginagawa mo?" Tuluyan akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. At halos atakihin na naman ako sa puso nang makita ko si SYL na nakatayo ngayon sa harap ko! Oo si SYL!! Ang prince charming ko! Para naman akong malulusaw dahil sa tuwa na nararamdaman ko nang masilayan ko ang mukha nito.  Saglit pa akong natulala dahil sa kagwapuhan niyang nangingibabaw sa araw na tumatama sa mukha niya, at para siyang prince charming ko talaga na dumating para iligtas ako sa bruhang nang-aapi sa akin! Omg, heart! Kalma! Masiyado ng malayo ang nararating ng utak mo. Huhu. Pero natutuwa ako. "Hindi mo ba alam na bullying 'yang ginagawa mo? Gusto mo bang ireport kita sa guidance?" Mahinahong tanong ni Syl na nakapag-patinag sa akin mula sa pagkakatulala sakanya. "Ulitin mo pa ang ginawa mo sa kahit kanino sa loob ng classrom na 'to, hindi ako magdadalawang isip na dalhin ka sa guidance office. Naiintindihan mo?" Seryosong tanong niya at halos matanggal na ang ulo ng babaeng na sa harap ko ngayon dahil sa sunod-sunod na pagtangong ginawa niya. Nagitla naman ako nang ilahad ni Syl ang palad niya sa harapan ko. Wait. Sinasabi niya bang hawakan ko ang kamay niya?  "Tumayo ka na diyan." Utos niya. Napapahiya naman akong inabot ang kamay niya upang makatayo. Para naman akong tanga, bakit ba hindi pa ako tumayo kanina? "Hali ka." Saad nito at hinila ako palabas ng classroom namin. T-teka! Saan kami pupunta? Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak habang hila-hila niya pa rin ako papunta sa kung saan. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa matinding kilig na nararamdaman ko. Nahawakan ko ang kamay niya! Nahawakan ko! Acccckk!! Kinikilig ako!! 'Yung puso ko tumatalbog at kulang na lang ay lumabas na mula sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. "Saan ba tayo pupunta?" Pigil ang kilig na tanong ko sakanya. "Sa office." Tugon niya na nakapag-pawala ng ngiti ko. Sa.. office?! Teka! Balak niya ba akong ipa-guidance?! Agad ko namang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at saka huminto sa paglalakad. "Bakit?" Nagtatakhang tanong niya. "Anong bakit! Bakit mo ako ipapa-guidance?! Hindi naman ako ang may kasalanan! Ako ang pinatid ng babaeng 'yon! Bakit ako ang dadalhin mo sa guidance office?! Ang unfair mo naman! Porke maganda ang babae na 'yon pagbibigyan mo siya! Tapos ako pa na biktima talaga ang ipapalabas mo na may kasalanan?! Aba, unfair ka masyado!" Kunot noong singhal ko sakanya. Grabe! Crush ko siya pero hindi ako makapaniwala na ang unfair niya! "Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nito. "Ipapa-guidance office mo ako, diba?!" Bulyaw ko sa kanya, pero kinunutan lang ako nito ng noo. Nagtakha pa ako nang bahagya itong tumawa habang umiiling. Bakit ang gwapo niyang tumawa?! "Mali ang iniisip mo," natatawa niyang saad. "Pupunta tayo sa guidance office, dahil pinapatawag lahat ng student representative ng bawat section." Sagot niya. "Huh? Eh bakit ako ang dinadala mo? Hindi naman ako ang representative ng section natin ah?" "Ikaw." "Anong ako? Bakit ako? Baliw ka ba? Ang gwapo mong nilalang pero baliw ka!" Pagtataray ko dito, pero agad nanlaki ang mata ko nang marealized ko ang sinabi ng madaldal kong bibig! Shit.. sinabi ko bang gwapo siya?! Totoo naman eh! Pero tinawanan lang ako nito at muling hinawakan ang kamay ko dahilan para manlaki ang mga mata ko. Bakit ba ako naiilang?! "Ikaw kasi ang nakalagay sa Student Representative List na pinost kanina sa board. In-announce kasi kanina na pumunta daw sa guidance office 'yung mga representative ng bawat section. Hindi mo ba narinig 'yon?" Tanong nito habang hinihila na naman ako. "H-hindi, lutang ata ako kanina nung in-announce 'yon hehe." Sagot ko nang maalala kong iniisip ko kanina iyung tungkol sa napag-usapan namin ni Light sa cafeteria. "Teka, bakit pala ako ang representative ng section, ha? Para saan naman 'yon?" Naguguluhang tanong ko. "Sinabi kanina na ang mga napiling student representative lang daw ang maaring pumasok sa lahat ng faculties, simula sa araw na 'to." Sagot niya. "Pero bakit ako?" Naguguluhang tanong ko pa rin, nagkibit balikat lang ito at binitawan na ang kamay ko nang huminto kami sa harap ng guidance office, kung saan may ibang estudyante rin na naghihintay sa labas. "Tignan mo 'to." Saad ni Sylvester sa gilid ko habang nakatingin sa bulletin board. Tinignan ko naman 'yon kung saan nakasulat ang mga SRL. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. GAS A-1: Zhavia Tuazon GAS B-2: Ivan Douchess Bahagya akong sumilip sa unahan nang may lumabas na lalaki sa pintuan. "Good Morning, students. I am Mr. Wesly, one of the admin here in Lourde Intermouives University (LIU) and I'm here to contribute the copies of the voting papers. What's this for? As usual, may magaganap na election sa room ninyo for the class officers. I will be given 20 copies for every section, okay? Am I making myself clear?" Saad nito. "Yes, sir." Sagot ng karamihan. "Woah, grabe 20 students lang pala talaga ang bawat section, 'no?" Hindi makapaniwalang tanong ni Syl habang nakaawang pa ang bibig niya. Natawa naman ako sa itsura niya.  Bakit ba ang cute ng lalaking 'to kapag ganyan ang nagiging reaksyon niya. Isa-isa ng tinawag ni Mr. Wesly ang pangalan namin at binigyan ng mga copies ng voting papers. "Patingin ako." Saad ni Syl, binigyan ko naman siya ng copy. "Oh, so isusulat na lang sa papel na iyo ang mga iboboto para sa class officers?" Tanong ni Syl. "Oo, siguro." Sagot ko, bumalik naman na kami sa classroom at dinistribute na ni Syl 'yung mga papel. "Sino naman kaya ang mga iboboto ko? Hindi ko naman sila kilala." Nakangiwing bulong ko sa sarili, napatingin naman ako sa katabi ko na patawa-tawa habang nagsasagot ng voting papers. Ano naman kayang ginagawa ng asungot na 'to? Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa papel na hawak ko at nag-sagot. Bahala na. Nang matapos kong sagutan 'yon ay ibinigay ko na kay Syl ang papel ko at humarap na sa blackboard para tignan 'yong sinusulat ng Science Teacher namin. "Alright, It seems that you're all done." Saad ni Sir. Aristello. Pinagmasdan ko naman ang isinulat niya sa board. "For this week, we will be having a partner activity. This activity called Astrophile, since our subject is about astronomy. And your seatmate will be your partner for the whole month of June. Sa lahat ng activities natin ay kayo na ang mag partner, understand?" Saad nito. Ano?! Teka! Ibig sabihin ay ang asungot na 'to ang magiging partner ko?! Saglit ko itong tinignan at anak ng potakte! "Kadiri ka naman!" Saad ko nang mahuli ko siyang nangungulangot!  "Anong kadiri dito?" Kunot noo niyang tanong. Ew! "Ms. Tuazon," gulat akong napatingin sa lecturer namin nang tawagin ako nito. "Sir?" "I'm asking you." Lah? Nalingat lang ako saglit ng tingin may tanong na agad?! Anak ng! "S-sir can you repeat the question?" Napapabuntong hininga itong umiling sa akin. "Why we can't see many stars at night if that's the only time we can see those?" Saglit naman akong napaisip sa tanong niya.  "Siya ang professor, pero tayo ang tinatanong niya sa mga ganyan? Ha! Edi sana nagself study nalang ako kung tayo rin naman pala ang magsasabi ng sagot na dapat ay siya ang nagtuturo." Iritang bulong ng siraulo kong katabi. Pero parang hindi naman bulong ang ginawa niya, dahil halos narinig na rin namin ang sinabi niya. "Ano 'yon, Mr. Perez?" Kunot noong tanong ni sir. "Ah.. hahaha! Wala po 'yon, Sir!" "Stand up!" Nakanguso naman itong tumayo sa kinauupuan niya nang sumigaw si Sir. "Answer my question. If you didn't answer it, both of you will remain standing." Ano?! Anak ng! Paano kung hindi niya masagot?! "Tss!" Singhal niya dahilan para bumagsak ang balikat ko. Potek! Bakit ba hindi siya magseryoso! "What now, Mr. Perez?" Tanong ni sir, pero hindi ko maalis ang tingin sa asungot na 'to habang tamad na tamad kung tumayo! At talaga nga namang pinag-cross pa ang dalawang braso niya! Nakakainis talaga siya! "Obviously, If you live near in a big city, you may not be able to see a lot of stars..." Panimula niya at halos hindi ko na matanggal ang tingin ko sakanya habang bahagyang nakakunot ang noo ko, naghihintay sa mga isasagot niya. "Why?" Tanong ng lecturer namin. "The reason for this is light pollution. Dust and water vapor in the atmosphere reflects the bright city lights back down towards the ground. This light pollution tends to be brighter than some of the dim stars and other deep sky objects, essentially hiding them from view. And to truly appreciate the night sky, you must get as far away from city lights as possible." Sagot niya at halos mapatalon ako sa pagkakatayo nang sulyapan niya ako. "You may sitdown, Ms. Tuazon," utos niya sa akin at agad na naupo dahilan para lumukot ang pagmumukha ko! Wtf? "Uh, yeah.. sitdown now, Ms. Tuazon." Kumakamot sa kilay na utos ni sir, wala namang akong nagawa kundi ang sumunod nalang. "Ah!! Nakakainlove talaga ang talino niya!" "Bakit ba ang gwapo niyaaa." "I really admire him! Grr!" "That ugly duck must be thankful to Yoishi, nakaupo siya, psh!" "So true!" "Quiet, class!" Suway ni sir Aristello. >>_<< "Well, Mr. Perez is right. Karamihan sa atin na naninirahan sa mga lugar ng lunsod ay hindi ito nakikita dahil sa lahat ng polusyon sa ilaw. Ang artipisyal na ilaw mula sa mga lungsod ay lumikha ng isang permanenteng "skyglow" sa gabi, kaya natatakpan nito ang mga paningin natin, dahilan para hindi natin makita ang mga bituin." "Dapat pala wala ng mga street light or so what na may ilaw!" "Sira ka. Edi nangapa-ngapa tayo sa dilim!" Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng dalawa naming kaklase. "O siya. Class dismiss! Anyway, your first activity today ay gusto kong alamin ninyo kung ano 'yong tatlong planeta na posibleng dumagdag sa ating solar system. After that, kailangan ninyong hulmahin 'yon, using your own design. And that will be our next discussion, tomorrow. Am I making myself clear?" Tanong pa nito, sumagot naman ang lahat. "You can do it now, the deadline is 2 o'clock this afternoon. Kapag lumagpas ng 2 o'clock ay hindi ko na tatanggapin. Good bye." Saad ni sir at lumabas na. "Basic." Rinig kong saad ng asungot sa tabi ko. "Actually, I can do it by my own." Mayabang pang dagdag nito, napangiti naman ako. "Ganon naman pala, edi ikaw na lang ang gumawa."  "Ako na lang talaga, pero syempre sasamahan mo akong bumili ng mga gagamitin natin, kaya tara na!" Sambit nito at binitbit ang bag niya. Anak ng potakte! ngayon na talaga?! "Hintayin mo kaya ako!" Saad ko at kinuha na rin ang bag ko. Sinabayan ko naman siya ng lakad hanggang sa makarating kami sa LIMART, ang bilihan ng school ssupply dito rin sa loob ng campus. Nagtakha naman ako nang may ini-slide siya na kung anong card sa entrance bago tuluyang pumasok. Ano 'yon? Papasok na rin sana ako kaso ayaw umurong nung bakal na umiikot para makapasok. Hala, pano 'to?! "Teka, hoy! Perez!" Pagtawag ko sa asungot na 'yon, nilingon niya naman ako, pero imbis na tulungan ay tinawanan niya lang ako! "Bye!" Natatawang pang-asar nito at iniwan ako. Bwiset ka talaga! Napalingon naman ako sa paligid at nakita ko 'yong gwardya na nakatayo banda sa may cashier, hindi naman siya nakatangin sa pwesto ko kaya binalak ko na lumusot na lang sa ilalim para makapasok. Yumuko na ako at gumapang sa ilalim, napangiti naman ako nang makapasok ako agad sa loob. Kaso, pagka-tayo ko ay agad na bumungad sa'kin 'yong guard. Patay! "Labas!" Utos nito, napasimangot naman ako. "Pero kase kuya, 'yong kasama ko na sa loob-" "Labas!" Saad pa nito at s*******n akong hinila palabas. "Kuya!!!" Pagmamaktol ko, huhu papasukin mo 'ko!! "Kuya Ernesto!" Sigaw ng kung sinong babae na sa tingin ko ay sales lady. "Papasukin mo daw po siya sabi ni manager." Sabi nito sa gwardya at tumingin sa akin. "Pero wala siyang Limart Card." Pagkontra ni kuya, nagtaka naman ako ng may binulong si ateng sales lady kay kuyang guard. Anong meron? Nagulat pa ako ng yumuko ito at humingi ng paumanhin sa akin. "N-naku! Pasensya na po, Ma'am. H-hindi ko po alam, pasensya na po." Saad nito. Eh? "Were sorry, Madame. Hindi na po mauulit." Sabi din nung sales lady at bahagyang yumuko. "A-ah.. hindi po! nako, ayos lang 'yon! hahaha sige po! pasok na ako!" Saad ko at mabilis na pumasok sa loob ng store nang marealized ko na nakilala pala nila ako. Shit naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD