ZHAVIA TUAZON POV
Matapos kong makapasok sa loob ng Limart ay nag-umpisa akong luminga linga at mag-ikot sa loob nito para hanapin kung saan pumunta ang asungot na Perez na 'yun. Walang Hiya ang mokong na 'yun, iwanan ba naman ako?
"Saan ba nagsuot ang baliw na 'yon?"
Kamot ulo akong naghahanap kung saan-saan pero hindi ko talaga siya makita! Asan na ba 'yon?!
Dumiretso pa ako hanggang dulo kung saan nakapwesto ang mga pang-make up at iba pang nilalagay na kolorete sa mukha. Alam ko namang imposible na doon sumuot ang asungot na 'yon dahil mga pangbabae lang ang mga gamit na naroon, pero dahil pagod na ako kakahanap sa kanya ay sinubukan ko pa ring silipin ang parte na 'yon.
At hindi nga ako nagkamali! Nandoon nga siya! Nakita ko siya! At anak nga naman nga talaga ng potakteng halos lumuwa na ang mata ko sa pagkakabilog at lumaylay ang panga ko sa pagkakabuka dahil sa nasasaksihan ko!
PAKSHET!
Ang gago! Nakanguso habang naglalagay ng pulang lipstick sa labi at nakaharap pa talaga sa malaking salamin na nasa harapan niya! What the ef!
"HOY!" Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko ay agad kong nakuha ang atensyon niya na agad namang ikinalaki ng mga mata niya at halos hindi na magkanda-ugaga sa pagbura ng lipstick na nasa labi niya matapos niya akong makita!
"Anong ginagawa mo?" Kunot noong singhal ko nang tuluyan akong makalapit sa pwesto niya.
"W-wala!" Agad na sagot niya. Hindi naman maipinta ang pagmumukha ko sa pagkakunot nang makitang may bakas pa ng lipstick sa labi niya.
"Bakla ka ba?" Naguguluhang tanong ko, nakakunot ang noo, nataas ang gilid ng labi at nakabuka ang bibig!
"Hindi 'noh!" Nakangusong sagot niya at umiwas ng tingin.
"Bakit ka naglilipstick? Tignan mo nga oh! May natira pa diyan sa labi mo!" Duro ko sa labi niya na agad niya namang pinunasan gamit ang likod ng palad niya.
"S-sinusubukan ko lang naman eh!" Nakanguso pa ring sagot niya.
"Ano? Edi bakla ka nga?!" Nanlalaking matang bulyaw ko, hindi makapaniwala. Agad naman siyang napalinga-linga sa paligid at napalunok bago takpan ang bibig ko!
"A-ano ba! Sinabi ng hindi nga eh! Huwag ka ngang maingay!" Kunot noong suway niya saakin, dahilan para mapamaang ako at hawiin ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
"Wow, eh kaninang nilalagyan mo ng kulay yang labi mo hindi ka nahihiya, tapos ngayong tinatanong kita kung bakla ka, hindi kana magkanda-ugaga?" Hindi makapaniwalang bulyaw ko sakanya, pero nginusuan niya lang ako at sinamaan ng tingin.
"Tss! Tinitignan ko lang naman kung anong magandang kulay sa labi eh!" Pagdadahilan niya pa, dahilan para bahagya akong matawa.
"Ano!" Singhal niya pa.
"Bakla ka nga," tatango-tangong saad ko at muling natawa. Pinanlakihan niya naman ako ng mata.
"Hindi nga sabi! Tss!"
"Oh eh ano namang dahilan mo sa pagsubok subok niyang lipstick sa labi mo? Kalalaki mong tao!"
"Dahil 'yon ang ireregalo ko kay Ella. Tss! Hinahanap ko yung kulay ng lipstick na lagi niyang ginagamit." Nakasimangot na tugon niya at saka ako bahagyang inirapan.
Wow!
"Bakit kailangan sa labi mo ilagay? Pwede naman diyan sa wrist mo o kaya sa papel na 'yan subukan ah?" Turo ko pa sa papel na nakalagay sa harap ng nga tester na lipstick.
"Malay ko ba! Hindi ko naman alam kung para saan 'yan!"
"May nahanap ka naman bang ireregalo sakanya?"
"Wala! Tss! Ginulo mo 'ko eh!"
"Wow, ako pa!"
"Sabihin mong hindi?"
"Hindi!"
"Ano?!"
"Hindi naman talaga! Dahil ang ipinunta natin dito ay para bumili ng mga gagamitin para sa project natin! Hindi yang lipstick na ireregalo mo sa jowa mo!" Singhal ko na ikinaguso niya naman.
"Tara na nga!" Aya ko sakanya paalis don, para makapag-umpisa ng makabili. Pinangunahan ko siyang maglakad at siya naman ay sumunod sa likuran ko.
Habang namimili ng mga gamit ay hindi ko maiwasang mapairap dahil sa mga naririnig kong bulungan at hagikgikan ng mga estudyante ring babae na nasa loob ng LIMART, mapa-junior high man o senior. At sa tingin ko ay yung siraulong asungot na nasa likuran ko ang panay ang pacute ang pinag-uusapan nila.
"Bitbitin mo 'to," pag-abot ko sakanya nang basket na kanina ko pang hawak.
"Paano ka nga pala nakapasok dito kanina? Hindi ba wala ka namang Limart card?" Rinig kong tanong niya mula sa likuran.
"Malamang dumaan ako sa entrance." Nakangiwing pamimilosopo ko. Psh, hindi ko pa rin malimutan na iniwan niya lang ako don kanina. Bwiset talaga siya.
"Ang pilosopo mo masyado! Hindi ka naman maganda!" Saad niya, bakit ba paulit ulit siya sa hindi maganda, hindi maganda niya na 'yan?!
Kunot noo ko naman siyang nilingon at sininghalan. "Wow ah? Nahiya naman ako sayong mahilig mang-asar ng tao, mukha namang tsonggo!" Pang-aasar ko din sa kanya at muling nagtuloy sa paglalakad.
"Anong tsonggo?! Hoy, panget! Hindi natin pinag-uusapan ang pamilya mo dito ah!"
"Hindi naman talaga pamilya ko ang pinag-uusapan natin dito dahil pamilya mo talaga ang may lahing tsonggo!"
"A-ano?!"
"Bingi!"
"Hindi ako bingi!"
"Bakla!"
"Mas lalong hindi ako bakla!"
"Pangit!"
"Wow! Coming from you?"
"Totoo naman!"
"Tumigil ka na nga! Ang ingay mo!"
"Ako ba ang nagsimula? Para kang tanga alam mo 'yon?!"
"Parang lang, ikaw tanga na talaga!"
Aba! Loko 'to ah! Binatukan ko nga.
"Aray! Ano ba! Makikipag talo ka tapos mapipikon ka!" Kunot noong reklamo niya.
"Pakialam mo ba!" Asik ko at tinalikuran siya.
"May saltik ka talaga!" Saad pa nito, hindi ko na siya pinansin at naghintay nalang sa may cashier.
Nakakasira talaga ng araw ang lalaking 'yon, kahit kailan!
"Good Morning, Ma'am!" Bati sa akin ng mga sales lady, saglit ko naman silang nginitian bilang tugon.
'Sigurado kang siya 'yon?'
'Oo, sabi ni manager siya raw 'yon!'
'Bakit ganyan ang itsura? Ang pangit!'
'Hoy, ano ka ba! Huwag ka ngang maingay, baka marinig tayo.'
Patago akong napairap nang marinig ko ang bulungan ng mga sales lady sa gilid ko.
Ang daming sinasabi, hindi rin naman kayo magaganda. Mukha ngang coloring face ang mukha niyo sa sobrang kakapal ng make-up!
"Oy, panget! Tapos na ako mamili!" Ngingiti ngiting sabi ng asungot na nasa harapan ko na ngayon.
"Edi bayaran mo na!" Iritang sambit ko at nauna ng lumabas ng store.
"Come again, Ma'am!" Nakangting bati ng guard, nginitian ko rin naman ito.
Nang makalabas ako ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan, pero hinintay ko muna ang asungot na 'yon na lumabas.
"I'm ready!" Nakangiting saad niya habang may hawak na dalawang paper bag nang makalabas siya sa store.
"Ready ka na? Oh eto, hawakan mo." Sambit ko at walang alinlangan na ipinatong ang bag ko sa ibabaw ng mga supot na dala niya dahilan para manlaki ang nga mata niya.
"Ano ba!"
"Diyan ka lang! Hintayin mo 'ko." Huling sambit ko at agad siyang tinalikuran para pumunta sa comfort room.
Yoishi Perez
"Baliw talaga ang panget na 'yon!" Inis na giit ko at dahan-dahang ibinaba ang mga dala ko.
Kita niyang may mga hawak ako, tapos bigla niya nalang ipapatong 'yung bag niya? Ha! Baliw talaga siya!
Speaking of bag, napangisi ako nang makita ko ang kulay kahel niyang bag. Saglit pa akong sumulyap sa dinaanan niya kanina at sinigurong nakaalis na siya. Ngiting tagumpay ko namang hinigit ang bag niya nang masiguro kong wala na siya don.
Pagkabukas ko ng zipper ng bag niya ay agad bumungad sa akin ang isang balot na hindi ko alam kung ano ang tawag don.
Whisper with wings?
Hindi na ako nag-abalang tignan pa kung anong itsura non at agad na ipinasok sa bag ko ang bagay na 'yon, para maisara ang bag niya at buhating muli ang mga ito, sakto namang dumating na ang panget na 'to at walang pasabi na agad nalang inagaw ang bag niya mula sa akin.
"Free time naman kaya kakain muna ako. Ikaw ng bahala diyan. Ayusin mo ah! Kapag 'yang gawa mo, kasing pangit ng pagmumukha mo, ipapakain ko talaga sa'yo 'yan!" Bulyaw niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ang yabang mo! Hindi mo na nga ako tutulungan! Tss!"
"Siraulo ka ba? Eh, ikaw ang may gusto niyan, hindi ba? Ang yabang yabang mo pa kaninang sinabi na I can do it by my own. Tapos bigla kang magrereklamo?" Sabi nito, habang ginagaya pa ang linya ko kanina!
Bakit ba ang tapang ng babaeng 'to?!
"Oo na! Tss!" Nasagot ko na lang.
"Pupuntahan na lang kita mamaya kapag natapos ko na, para sabay tayong magpapasa nito." Nakasimangot na saad ko pa, pumayag naman siya at lumihis na ng daan.
Ako naman ay dumiretso na sa dormitory room ko at agad na inilapag ang mga gamit na binili namin nang sa wakas ay nakapasok na ako sa kwarto ko.
Naalala ko 'yong gamit na kinuha ko sa bag ng panget na 'yon. Kaya agad kong kinuha sa bag ko.
"Ano kayang itsura nito?" Takhang tanong ko sa sarili habang binubuksan ang isang balot.
"Woah! Airplane!" Nanlalaki at namimilog ang nga mata't bibig ko dahil sa mangha nang makita ko ang kabuuan ng laman ng bagay na 'yon. Mas lalo pa akong namangha ng pagkatanggal ko ng papel na nakadikit sa dalawang pakpak sa gilid at sa gitna at kusa itong dumikit sa mga palad ko!
"Woah!" Hindi ko mapaigilang mapangiti at mamangha dahil sa nakikita at nahahawakan ko at nung hindi ako nagkakamali, ang tawag dito ay...
"Cotton airplane ang tawag dito!" Proud na sambit ko at tuwang-tuwa na sinimulang buksan ang lahat ng balot na natira. Nagtakha pa ako nang may mapansing papel na nakadikit sa ilalim ng supot na 'yon.
"Teka, ano naman 'to?" Nagtatakhang tanong ko sa sarili nang makita ang litrato ng isang lalaki.
Zhavia Tuazon
"Malapit na akong umuwi sa states, tumawag kanina si Aloha, paalis na daw kasi siya sa amin. Hays! mamimiss agad kita, Bayang!" Nakasimangot na saad ni Light habang kumakain siya ng chittos. Hinigop ko naman ang apple tea ko.
"Ano ka ba! Ayos lang 'yon, magkikita pa naman ulit tayo!" Saad ko.
"Ah, oo nga pala! Alam ko namang paboritong paborito mo 'to. Binili ko kanina." Saad nito at nilabas ang..
"Omg! Banana ketchup!!" Nagniningning ang mga mata ko dahil sa inilapag nito sa lamesa.
"Sabi na matutuwa ka eh." Natatawang saad nito.
Ewan ko ba! Pero gustong gusto ko ang amoy at lasa ng banana ketchup.
Binuksan ko naman ang bag ko para mailagay sa loob ang ibang ketchup. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin kong parang may nawawala sa gamit ko.
Saglit ko pang hinalughog ang mga gamit ko at saka ko lang napag-alaman na.. NAWAWALA ANG MGA SANITARY NAPKIN KO!
Shet!
"L-light.."
"Bakit?"
"Nawawala 'yong mga sanitary napkin ko!" Naiiyak kong saad.
"Ano? Baka naman andyan lang, saan naman mapupunta 'yon? Wala namang kukuha niyan sa bag mo."
"Unless may nangialam niyang bag mo." Dagdag pa nito.
Napaisip naman ako. Naalala ko na pinahawak ko sa asungot na 'yon ang bag ko kanina bago ako mag-cr!
Hindi kaya..
"Bwiset ka talagang asungot ka!" Iritang sigaw ko nang maisip ko na siya ang kumuha no'n, dahil siya lang naman ang humawak ng bag ko kanina!
Bwiset talaga siya! Ano bang trip niya?!
"Siya 'yong kumuha?" Tanong ni Lighlty, inis naman akong napatango.
Kailangan kong hanapin ang baliw na 'yon!
"Zhavia," saglit akong natigilan at tila biglang umamo at nag-init nanaman ang pagmumukha ko nang marinig ko ang boses ng lalaking pinapangarap ko!
Mariin akong napapikit ng mata para maikalma ang sarili ko, saka lang ako nagmulat at humarap sakanya nang kumalma ang puso ko.
"Sylvester.." kagat labing bulong ko, pinipigilan ang ngumiti.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba?" Nag-aalalang tanong nito.
Wala naman akong sakit, pero mukhang magkakasakit na ako dahil sa init ng mukha ko!
"Ah hahaha! Ayos na ako. Salamat sa concern." Nakangiting saad ko.
"Buti naman. Oo nga pala, pinapatawag ka ni Mrs. Agueley, nasa faculty siya."
"Ganon ba? S-sige, pupunta na ako. Salamat, Syl." Nauutal na saad ko, tumango naman ito.
"Huwag ka na ulit magpapa-araw. Mauuna na ako." Sabi pa nito at ginulo ang buhok ko.
"Welcome back, Lightly." Tumalikod na ito matapos niyang batiin si Light.
Halos mawalan na ako ng hininga at lakas nang dahil sa ginawa kong pagpipigil ng kilig. Paimpit akong napasipagaw at naitakip ang dalawang palad ko sa mukha ko at doon ako mrahang nagpapadyak nang dahil sa kilig na dumadagundong sa puso ko!
Woooh! Oxygen!
"Ano 'yan?" Nahinto ako sa ginagawa ko nang bigla ay mangibabaw ang boses ni Lightly na halos nalimutan ko ng kasama ko pala. Kunot noo niya akong tinignan.
"H-ha? Ang alin?"
"Ano 'yang inaakto mo? Kinikilig ka ba?" Nakangiwing tanong niya, hindi naman agad ako nakasagot.
Halata naman na kasi, bakit niya pa tinatanong! Ang hina talaga ng bestfriend ko, meyged!
"Nakooo ha! Huwag si Sylvester, Bayang. Sige na, mauuna na ako, may klase pa ako eh. Bye! Muah!" Paalam nito at humalik muna sa pisngi ko bago tuluyan akong talikuran. Habang ako ay hindi agad naalis ang paningin sa likuran niya nang dahil sa takha sa sinabi niya.
Huwag si Sylvester? Bakit? Magkakilala ba sila?
Noon lang ako napamaang at napatakip sa bibig nang marealized ko kung anong sinabi ni Sylvester kanina kay Lightly.
"Welcome back, Lightly."
Omg..
Hindi kaya?
"M-may relasyon sila?" Tuluyan ng bumagsak ang balikat ko dahil sa sariling naisip. Pero hindi na ako nagtagal pa sa pag-eemo nang maalala ko 'yung ibinilin rin sakin ni Sylvester kanina.
Nakasimangot akong nakarating sa faculty ng mga teachers at agad na kumatok para tuluyang makapasok.
"Good Morning, Miss."
"Morning, ito na 'yong result ng mga votes ninyo for the class officers. Ang kaso may nag tie sa muse position. Ikaw at saka si Ms. Diane Torres." Saad nito dahilan para magulantang ako.
Ano? Sino naman ang mga walang hiyang nantrip na iboto ako for muse?!
"Pakisabi na lang sa president ninyo, which is si Mr. Sylvester Alonzo ay gumawa ulit mamaya mg elimination, but only for muse, between you and Ms. Torres, okay?" Utos nito, dahan-dahan naman akong napatango.
Napatingin naman ako sa may pinto nang may kumatok doon.
"Ako na po ang magbubukas." Pag-insist ko at binuksan 'yon, pero laking gulat ko nang ang siraulong asungot na 'to ang bumungad sa'kin.
"A-andyan ka na pala, hehe! Ito na 'yong project natin, ipasa mo na lang! Hehehehe bye!" Saad nito at binigay sa akin ang gawa niya saka nagmadaling umalis.
Anong nangyari don?
Isinara ko na ang pinto ng faculty at ipinasa 'yon kay Sir Aristello.
"Wow, ang bilis niyo namang gumawa Ms. Tuazon. Who's your partner?" Nakangiting tanong nito.
"Si Yoishi Perez po, sir." Sagot ko.
Pinagmasdan naman nito ang gawa ng asungot na 'yon.
"It seems that the used material for the planets are cotton, anong ginamit niyo dito?" Tanong nito, pinagmasdan ko naman 'yon na agad kinalaki ng mata ko.
ANAK NG POTAKTE! MGA SANITARY NAPKIN KO ANG GINAMIT NIYA NA PANG BALOT SA MGA BILOG NA STYROFOAM?!
"A-ah, I-it's a pad, sir." Nahihiyang saad ko.
"Oh, what a brilliant idea." Saad nito.
BWISET KA TALAGANG ASUNGOT KA!!
Agad naman akong nagpaalam kay Sir para habulin ang siraulo na 'yon.
Bwiset talaga siya! Kakalbuhin ko siya kapag nagkataon!
Pero pagbalik ko sa classroom ay hindi ko manlang naabutan ang anino niya.
Hinintay ko siya hanggang matapos ang klase pero hindi na talaga siya sumipot!
Nakakainis siya dahil wala akong nagamit na pad kaya ang ending ay natagusan ako at sobrang napahiya sa mga kaklase ko!
Bwiset siya! Nakakainis! Nakakairita! Ang sarap niyang ipalapa sa mga buwaya!
HUMANDA KA TALAGA SAKING ASUNGOT KA!!
"Nakapag-palit kana?" Bungad sa akin ni Syl pagkalabas ko ng banyo.
"Oo, salamat Syl ah? Nakakainis talaga ang asungot na 'yon." Nakasimangot na saad ko.
Gagantihan ko talaga siya!
Naramdaman ko namang ginulo niya ang buhok ko.
"Hayaan mo na siya, ganon lang talaga ang ugali non." Nakangiting sambit niya, napasimangot naman ako. Pero muling sumagi sa isip ko yung tungkol sa kanila ng bestfriend ko na si Lightly.
"Ah, Syl.." tawag ko sakanya.
"Hmm?"
"S-si Lightly?"
"What about her?"
"May.." Napalunok ako nang diretso akong titigan nito sa mata.
Tama ba na itanong ko sakanya 'yon? Hindi kaya maturn-off siya sakin dahil lalabas na tsismosa ako? Pero kasi!!
"May ano?" Natatawang tanong niya.
"M-may relasyon ba kayo?" Mabilis kong tanong at agad nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa hiya.
"Relasyon?" Kunot noong tanong niya, napatango naman ako.
"Uh yeah, of course, meron," nakangiting tugon niya dahilan para tuluyang bumagsak ang mga balikat ko.
Paano nangyari? Bakit.. bakit hindi ko alam?!
"Ah..ha ha hahahaha! Bagay kayo!" Pilit na tawang tugon ko na ikinakunot ng noo niya, pero agad din namang ngumiti.
"Uuwi kana ba? Ihahatid na kita." Prisinta niya na ikinabigla ko.
"Ha? Ah eh.. Naku! Hindi na! Baka magalit pa ang bestfriend ko sakin!" Natatawang sagot ko.
"Bakit naman?"
"Selosa kasi ang babae na 'yon," nakangusong tugon ko. Napatango naman siya.
"I see."
"Pero magkaibigan naman tayo, wala namang masama do'n, hindi ba?" Natatawang tanong niya.
"Oo nga, pero kasi.."
"Don't worry, sa susunod ipagpapaalam na kita sakanya para hindi siya sakin magselos," natatawang saad niya na halos ikinatulala ko dahil naiinlove nanaman ako sa tawa niya!
Bakit bestfriend ko pa? T^T
Natawa naman si Syl sa itsura ko.
"Sige na, huwag kang magpapaabot ng gabi, delikado na. Teka, akin na nga pala 'yong cellphone mo." Saad nito, nagtakha naman ako kung bakit, pero inabot ko nalang sakanya.
May tinype pa siya pero hindi ko alam kung ano 'yon.
"Kung may kailangan ka. Ito ang number ko, tawagan mo lang ako, pupuntahan agad kita." Nakangiting saad nito, tumango nalang ako at agad binawi ang phone ko bago pa ako matunaw sa kilig.
Tama na, Zhavia! Mali na yang ginagawa mo! Traydor ka! Huhu!
"Salamat."
"Paano, mauuna na ako Ms. Muse." Nakangiting saad nito, dahilan para magulantang ako.
"Ha? Hindi naman ako ang muse," naguguluhang sambit ko. Hindi naman talaga ako ang nanalong muse kanina, kundi si Diane Torres.
"Ikaw parin ang bagay na muse para sa akin." Huling saad nito bago ginulo ang buhok ko.
"Mauuna na ako, mag-iingat ka." Nakangiting paalam niya at talikuran ako.
Inihatid ko naman siya ng malungkot kong tingin at napayuko nang tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.
Bakit hindi mo sinabing kayo pala ni Sylvester, Lightly?