ZHAVIA TUAZON POV Sinadya kong maagang pumasok ngayong araw dahil ginawa ko ang plano ko para makaganti sa asungot na 'yon! Umuusok talaga ang ilong ko sa tuwing naalala ko na ninakaw niya ang mga sanitary napkin ko kahapon! "Good Morning, Zhavia. Ang aga mo yata ngayon pumasok?" Nagulantang ako nang bigla ay sumulpot si Sylvester sa harapan ko. Hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina dahil tulala ako at nag-iisip kung ano ang mangyayari sa asungot na 'yon kapag nangyari na ang mga plano ko. "Good Morning, Mr. President. Nag s-self study lang ako." Nakangiting pagpapalusot ko. Ginulo niya naman ang buhok ko at ngiting tagumpay na naupo sa upuan niya. Hmp! Bakit ba ang pa-fall niya, eh may jowa na nga siya! Ilang minuto lang ay dumating narin ang iba naming mga kaklase at ang p

