ZHAVIA TUAZON POV Friday na, hindi muna ako pinapasok ni Mommy kahapon dahil napansin nilang nanghihina ako. Pero dahil pasaway ako, pumasok ako ng school pero hindi ako pumasok ng klase. Pumunta ako sa math department, dahil nag-take ako ng mga test na ginawa nila kahapon. PE class namin ngayon at kagagaling ko lang sa comfort room. Pababa na sana ako nang mapansin kong may mga makakasalubong akong babae. At sa tingin ko ay ako ang puntirya nila dahil sa issue na kumalat sa nangyari kay Perez. Sa kabila nalang sana ako dadaan kaso mukhang huli na. "Trying to escape from us?" Mapang insulto nitong tanong sa akin. "Kilala mo ba kung sino ang ipinahiya mo noong Wednesday ha? Loser." Dahil sa wala naman akong interes sa mga sinasabi ng isang 'to ay tumalikod na lang ako. Pero mukhan

