Chapter 17 Zhavia Tuazon Pasimple kong sinusulyapan ang susi ng kwarto ko sa tabi ng cookies na nakapatong sa lamesa, habang ang asungot na 'to ay busy kakaturo sa akin, hindi naman ako nakikinig. Mas kailangan kong makuha ang susi ko. "Para maprove mo na equal to 6 nga ang logarithms, kailangan mong hanapin ang even number na pwede mong i-times para lumabas ang result na 64 sa log2 (64)=6." Patuloy lang siya sa page-explain na hindi ko naman pinapakinggan at mas lalong hindi ko rin maintindihan! Tss, bahala ka! Busy ako sa kakatitig at kakaisip sa susi ko kung paano ko 'to makukuha. Muli ko namang tinignan si Perez na nakayuko. Akala niya siguro ay nakikinig pa rin ako. Inilipat ko ang paningin ko sa susi ko at muling tumingin kay Perez. Kaya ko 'to! Muli akong sumulyap sa cook

