Chapter 29 Zhavia Tuazon Nang makarating kami ni Perez sa campus ay agad akong dumiretso sa club, habang siya naman ay sa court. Paniguradong hindi na siya nakaabot sa laban kanina. Hays, kasalanan ko 'to eh. Bakit ba kasi inuman pa ang naisipan kong pustahan namin kagabi. Nakakapangsisi tuloy. Grabe na 'yong late namin. Kinakabahan ako, baka pagalitan ako ni Manager. Nahihilo pa man din ako ngayon, pakiramdam ko wala akong lakas. "Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Kyle. Teka, siya 'yong gwapong nag-apply kahapon ah? "Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Ah, tanggap na ako. Salamat pala." Nakangiting saad nito. "Hinihintay ka na nga pala ni Manager, kanina pa." Agad akong kinabahan nang maalala ko na super duper late nga pala ako ngayon. "Good Afternoon, Manager." Nakayukong b

