Chapter Eleven: Getting Closer?

2069 Words
Kim Nana Pov Hanggang ala una ng madaling araw ako naghintay sa kanya kagabi. Nag aalala ako sa kanya. Saan kaya sya nagpunta? Siguro nag one night stand sila ni Sophie. ? Shocks! Mukhang ganun na nga ang nangyari ah? Hayy! Ano ba tong iniisip ko? Malamang gawain na ng makasintahan yun at wala na kong pakealam dun. Tama. Dapat hindi ko na sya iniisip dahil sigurado naman akong masaya sya. Pero hindi ko talaga maatim na hindi sya puntahan at tingnan sa kwarto nya. Kaya heto, nandito ako sa tapat ng pintuan nya. Parang tangang pasilip silip sa loob. ? Ano ba tong ginagawa ko? At saka, bakit ba ako nag aalala sa kanya ng ganito? ? Igh! "Anong ginagawa mo?" "Ay kabayo!" Napalingon ako sa likod ko. Si L.Joe. May dalang mais habang nakapamulsa ang kaliwang kamay sa pants nya. "Tinatanong kita.." anya. Super serious ang mukha nya na parang wala man lang bakas ng eye bags. Bakit ganun? ? "Ah-ahm wala. Gusto ko lang sana malaman kung ok ka lang ba, kasi parang-" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla na syang sumagot sakin. "Alam mo, hindi maganda sa babae ang pagiging tsismosa o makealam sa mga bagay na hindi na dapat pakealaman pa." ? "To naman, para tinatanong ka lang tsismosa at pakielamera na agad?" Hmp! ? Sa sobrang inis ko, ako na ang nag walk out sa ming dalawa. Ee ano ba kasing problema nya? Kahit kailan emongoloid talaga. Hindi ko sya maintindihAn. Parang kamakailan lang, ok kaming dalawa tapos ngayon, back to being monster na naman sya. Malala na sya. ? "Hoy babaeng tsismosa! Mag grocery ka na at wala ng pagkain sa ref." At talagang sinundan pa ko sa kwarto ko para lang sabihin yun. Kung sabagay, ano bang magagawa ko? Ee amo ko naman sya. ? Umikot na lang ang mga mata ko sa kanya at saka natulog na para sa kinabukasan makapunta na sa grocery store. Sayang pagpupuyat ko. Wala ring effect. L *Fast forward* Morning 7:00am Hay~ nakapag grocery na rin ako ng tambak tambak na mga nilista nya. Grabe, pagod na pagod ako. ? I want some rest. Hindi ko na kaya, ang layo layo pa ng nilakad ko buhat buhat ang lahat ng ito. Hayys! Kasalanan to ni L.Joe! ? "Ice cream?" Nagulat ako ng may nag alok sakin ng ice cream. Isang gwapong lalaki. Teka, parang kilala ko na to ah? "H-henry?" Waahhh! Si Henry ba talaga tong nakikita ko? Sya ba talaga to? "Oo ako nga." Nakangiti nyang sabi sakin. "Wow. Taga dito ka rin pala? Bakit hindi ko alam? Teka- sinusundan mo ko noh?" "Ui, hindi ah. Napadaan lang ako dito tapos nakita kita." "Ahh, ganun ba, akala ko kasi." Natawa na lang ako. "Teka.. bakit gumanda ka yata ngayon kesa sa huli nating pagkikita?" Napahawak ako sa pisngi ko. "Ganun ba?" Wait. Sinasabi nya bang panget ako dati? Ugh! Nevermind totoo naman sinasabi nya ee. Nginitian ko na lang sya. "Sige Henry, baka magalit na yung halimaw kong amo kaya una na ko sayo. Ah. " "Ok sige. Mag iingat ka." After nun umuwi na ko sa bahay. Pagkarating ko, dumeretso agad ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko. Naalala ko. May sobra pa nga pa lang pera. Kailangan kong maibigay sa kanya to baka mamaya magastos ko pa at sisihin nya pa ko noh? Umakyat na ako sa kwarto nya. Hindi na ako kumatok at saka sinabing.. "L.Joe may sobra pang sukli-" hindi na natuloy ang sinasabi ko ng makita ko syang umiiyak sa table nya. What?! Si L.Joe umiiyak talaga? As in? Oh no! Anong nangyayari sa kanya? Bakit sya nagkakaganyan? Nag woworry na ang lola nyo. T^T "L.Joe ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. "Huh?" Halatang nagulat pa sya ng makita nya kong nasa tabi nya na ko. Oh di ba ang galing? Kanina nasa pintuan lang ako ngayon nasa tabi nya na?? Kekekeke... Pinunasan nya muna ang kanyang luha bago sya ulit nagsalita sakin. "Anong ginagawa mo dito?" "Ah. May sobra pa kasing sukli ee. Ibibigay ko sana sayo." "Akina." Sabay hugot nya sa pera. Tapos hindi na sya kumibo. Pero dahil sa sobrang curiosity ko hindi ko napigilang tanungin sya. "L.Joe. Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" Ginalingan ko pa ang pagkakasabi ko dyan. "Ako? Umiiyak? Hinde noh!" Sus! Pinagkaila pa. Kitang kita naman kanina pa-showbiz pa. -_- Yan yung mga nakakainis sa mga celebrity ee noh? Huling huli na dinedeny pa. ? "Wag ka ng magkaila dyan. Nakita kita kanina pagpasok ko noh. Umiiyak ka." Tapos bigla akong nagulat ng tumayo sya at sigawan ako sa mukha. "Ee ano bang pakialam mo kung umiiyak ako? Bakit? May mababawasan ba sayo?! At saka kahit kailan napaka ano mo talagang babae ka!!" Aba talagang! Nakakapuno na sya ha?! ? "Ee bakit ka sumisigaw?! Hindi mo ko kailangan sigawan dahil hindi ako binge! At isa pa! Buti nga tinatanong pa kita at nagmamalasakit ako sayo! Gusto sana kitang damayan dyan sa pag eemote mo pero nagbago na ang isip ko!!! Bahala ka dyan sa buhay mo!! Hmp!!" Kainis! Bat ba sya ganyan? Hindi ko na talaga kaya to! Ayoko na! Hindi ko na kaya na may amo akong baliw na kasama sa bahay na to!! Arrgghh!! ??? Mag iimpake na ko! Lalayas na ako sa bahay na to! Matindi pa kay Kelly to! Ugh! Inis na inis na talaga ako sa kanya! Grabe sya! Baliw! Baliw! Baliw! ? Aalis na ko dito at kahit kailan hindi nako magpapakita sa lalaking to! Bahala sya sa buhay nya! "Anong ginagawa mo?" -Si L.Joe. "Obvious naman! Nilalayasan na kita! Ayoko na dito! Hindi kita carry!" "Tch! At san ka naman pupunta? Sige nga?" Nag cross hand sya habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. "Basta! Kahit saan!" Basta wag lang dito sa bahay nato na kasama ang isang emongoloid na gaya mo!" "Baka ikaw nga dyan ee! Bakit? May mga kamag anak ka bang matutuluyan mo dito?" "Wala!" "Wala naman pala ee! Ang yabang mong umalis." Natawa ako na naiinis sa kanya. "Hay naku L.Joe. Kahit maging palaboy pa ko dito gagawin ko. Wag lang akong tumira sa bahay na to!" Buong loob na pagmamalaki ko sa kanya. "At sa tingin mo? May mga palaboy dito sa Korea? Hoy. Para sabihin ko sayo panget. Hinuhuli ng mga pulis ang mga palaboy dito at kinukulong. At pagkatapos nun, magiging miserable na ang buhay mo." Natigilan ako bigla sa pag iimpake sa mga sinabi nya. Napalunok ako. Naku, hindi pala pwede yun dito. Patay ako. ? "Miserable na nga ang mukha mo dati gagawin mo pa ulit. Anyway, sige. Makakaalis ka na. Wag ka na rin bumalik ha? Dahil hindi kita kailangan dito." Pagkasabi nya nun tinalikuran nya na ko. Bigla akong nahimasmasan sa mga pinag gagawa ko. Sige na nga. Magpapakamartir na lang ko sa mga ginagawa nya sakin. ? "Ahh.. L.Joe, pwede nang mag change mind?" Nakangiti kong sabi sa kanya. After ng matinding pagkukumbinsi ko kay L.Joe na huwag na kong paalisin, pumayag rin sya. At niyaya pa nga akong makipag inuman sa kanya. Haish~ ikamamatay ko talaga tong ginagawa ko sa kanya alam nio ba yun? Pabago bago ng ugali. Maya maya mabait, maya maya umiiyak, maya maya nagsusungit, maya maya terror. Kaya siguro walang nagtatagal sa kanya dahil ganyan sya. Emongoloid! ? At ito na nga. Kumuha na ko ng maraming can beer sa ref na kakabili ko pa lang kanina. "Ui L.Joe. Matanong nga kita. At wag kang mag didinay ha. Bakit ka ba umiiyak kanina? Pinagalitan ka ba ng Mommy mo?" "At anong tingin mo sakin? Bata?" "Medyo.." "Batukan kaya kita?" ? "Sige subukan mo." Hindi sya ganong nakasagot sakin. Titigil din naman pala sya ee. ? "Wag mo na lang kasing tanungin. Wala ka naman alam sa mga nangyari." Naging seryoso na ewan ang boses nya. "Kaya nga nagtatanong ee." Sagot ko naman. "Haay! Tumigil ka na nga! Nakaka badtrip ka lang ee!" Okpine. Whatever! Bahala ka na nga! Hahayaan na lang kita dyan. Hindi na ko magsasalita. Pero, wala pang 2 minutes ng sya naman ang nagdadadakdak sakin. Epal talaga. ? "Uy! Nakikinig ka ba?" Tiningnan ko lang sya at hindi ako sumagot. Belat. ? Bahala ka sa buhay mo. Di kita papansinin. "Magsalita ka naman. Para akong baliw dito ee!" Ay buti alam mo.. "Hoy!" At talagang, pukpukin ba ako ng lata sa ulo? "Aray! Ano ba? Bat mo ginawa yun?" "Ayaw mong magsalita ee."? "Sabi mo tumigil na ko. Ee di tumigil. Tapos ngayon pupukpukin mo ko?" "Ang O.A mo. Oh sya sige. Kaw naman ang magkwento." "Ano naman?" "Kahit ano." "Mmm.. alam mo bang nung grade 3 ako.. naranasan kong matae sa short." ? "Yuck. Magkwento ka naman ng iba." "Sabi mo kahit ano.." "Oo. Pero wag naman yung mga nakakadiring eksena." "Oh sige. Alam mo bang may first kiss na ko?" "Yan naman ang pinaka nakakadiring eksena.." "Tado! Wala pa kong first kiss noh!" "Buti naman! Dahil sigurado ako kawawa yung lalaki." Tumayo ako at saka sya pinalakpakan ng mabagal lang. "Ikaw na. Ikaw na ang mapanglait na amo." Natawa sya sa ginawa ko. "Umupo ka nga, para kang sira." At nagtawanan kami pareho. Naging mahaba haba rin ang asaran naming dalawa, este.. kwentuhan pala. Naikwento nya na rin na nakipag break na sya kay Sunny. Oh di ba? Ang galing ko? Bandang huli napaamin ko rin sya. Tyaga tyaga lang talaga sa pagtatanong. Huehue. At syempre! Masaya ako dahil break na sila. As in. Wala na talaga! Hahaha! ? May pag asa na kong lumandi. Charot! Anyway, tama na nga tong mga pangarap kong malabo naman magkakatotoo. As if naman na mangyayari na magustuhan ako ni L.Joe. Like, duh! 65billion light years ang pagitan bago mangyari yun. L.Joe Pov Hay! Fresh from the bath na ko. Oh thank goodness. Nakaluwag na ko ng hininga ng marinig ko ang payo sakin ni Cap. Syempre isa lang ang naman ang payo nila sakin. Six letters and two words. Madaling sabihin sa iba pero kapag sayo na nangyari parang napakalabong gawin. Ee di ano pa? MOVE ON. Isa akong lalaking sikat at gwapo pa at pinapangarap din ng mga kababaihan. Kaya naman, marami akong pwedeng pagka abalahan habang ginagawa ko ang two words na yun. At saka, marami pa namang iba dyan. Bata pa ko at marami pa kong makikilala. Hay- love ko na talaga si Cap. Sya talaga ang the best leader. Teka. Bakit habang binabanggit ko ang "marami pa namang iba dyan" ee ang nasa isip ko ay si Kim Nana? Napailing ako. Speaking of her. Alas otso na ng gabi at hindi pa rin nalilinis ang buong sala? Ano bang ginagawa ng babaeng yun? Dugyutin talaga! Pinuntahan ko yung sala.. at kaya naman pala. Dito na nakatulog ang babaeng to. Kadiri talaga sya. Nakakatulog sya ng ganyan ang paligid nya? Aish~ Tinapik tapik ko sya ng paa ko para gisingin. "Uy, Kim Nana! Gising! Uy!" Walang hiya. Ayaw magising. "Kim Nana! Dun ka sa kwarto mo matulog! Uy! Gising!" Aba talaga namang, hay- this time hinding hindi ko na sya bubuhatin papunta sa kwarto nya. Ano sya? Sinuswerte? Ang nigat bigat kaya nya noh? Hay! Bahala nga sya dyan! Aigoo! Tumutulo pa yung laway nya. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit may panis na laway sya bukas. Pero infairness. Ang laki na ng pinagbago nya. Ang layo nya na sa dati nyang itsura. Bihisan lang sya ng konti she will turning into a glamorous princess. Oops! Ano bang mga pinagsasabi ko? Alam ko na! May naisip akong gawin sa kanya. Huehue! *evil grin* Kinubukasan "Good morning." Bati ko sa kanya ng makita ko na syang nagising na. At muntikan na kong sumabog sa tawa dahil sa itsura nya. Ang g**o g**o ng buhok nya at may sabit sabit pa na mga konting junk foods sa kanyang ulo. At syempre present din ang panis na laway sa bibig nya. Hahahahaha! ??? "Anong meron?" Medyo paos paos pa ang kanyang boses. "Ah wala." Ang totoo nyan, kanina ko pa gustong matawa. "Bakit ba?" Tanong nya na nagkakamot pa ng ulo. "Wala nga." "Good mood ka ata?" "Oo. Bilisan mo na. Mag shower ka na at may shooting kami ng panibago naming mv. Dun na lang din tayo kumain." Nakangiti kong sabi sa kanya. "H-ha? Ok sige." Pffftt! Mamaya na nga lang ako tatawa. I-rereserve ko to. ???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD