Kim Nana Pov
Ano bang meron? At kapag nakikita ako ni L.Joe ee parang gustong tumawa? Halatang nagpipigil lang. Ang sarap nya tuloy sapakin! ? Naiinis na ko.
"Uy, bakit ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala.."
Punyetang to. Siguro may ginawa sakin to na hindi maganda. Hanggang sa studio pinagbubulungan ako at pinagtatawanan. Hay! Ano ba kasing meron at ganyan sila? Oh well, nevermind na lang.
Maya maya pa bigla akong nilapitan ng dalawang babaeng koreana.
"Hey, You're the girl in i********: right?" Tanong nito.
Ako naman, takang taka sa sinabi nya.
"Huh?" ?
"Yah. You're really are. Oh girl, your trending! You have to see your funny picture! Haha!" ?
"I don't know what are you talking about girls." Sabi ko.
"Here. You have to see this."
Tapos may pinakita sya saking mga pictures. Atpusang gala! Kung hindi ako namamalikmata, ako nga yung nasa picture! ? Oh no! Tiningnan ko yung mga tao sa buong paligid ko na nasa studio. Lahat sila nakatingin sa mga cellphone nila at tawa ng tawa tapos tumitingin din sakin. Shet! Sana lamunin na lang ako ng buhay ng lupa ngayon Puuleeassee!!! >.< Hiyang hiya na ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang masama pa, may nabasa pa kong comment na "Ugly Trash" Waaaaahhhhhhhh!!!! ???
Isa lang ang may kagagawan ng lahat ng ito! Alam ko ikaw yun L.Joe! ? Napaka wala mo talagang puso! Hindi ka na naawa sakin. ? Pinagkaisahan nila akong lahat sa i********:! Huhuhu! Sana makeribels ko ang lahat ng ito! ???
Di bale. Makakaganti din ako sayo L.Joe. Maghintay ka lang. at sisiguraduhin kong hindi ka makakabangon sa gagawin ko! Bwahahahahahaha!!! *evil laugh*
"KimNana! Ano bang ginagawa mo dyan? Halika na. Kakain na tayo."
Aba, nandito na pala sya. Hindi ko sya pinansin sa pagtawag nya.
"Hoy! Nagbibingi-bingihan ka na naman! KIM NANA!!!"
Punyetang L.Joe yan, talagang nilakas pa ang pagtawag sa pangalan ko. Gusto ko na ngang tumalon sa bintana sa sobrang kahihiyan na inabot ko ee. ???
"KIM NANA!! Tinatawag ka ang bingi bingi mo!"
"Sinong KimNana? Sino yun?" Pagkakaila ko.
"Malamang ikaw. Ikaw lang naman ang may pinaka panget na pangalan dito ee." Nakangiti nyang sabi.
Bangasan ko kaya ang mukha nito ng malaman nya??
Kainan time
Mabuti na lang pala dito kami kumain sa studio. Ang daming mga pagkain at talaga namang eat all you can lang ang peg dito. Ang sasarap pang lahat! ??

At wala akong ginawa kundi ang kumain ng kumain. At wala na kong pakealam kung may nakatingin sakin o wala. Basta. Kakain lang ako. Ito ang resulta ng pagkaphiya ko kanina. Hehehe... ?
"Woi. Magdahan dahan ka naman. Parang hindi ka kumain ng isang taon ee. Tingnan mo. Agaw atensyon ka." Bulong sakin ni L.Joe.
"Pokoolom ko sho khonoloh? Ang shasharap koyo noto!" Sabi ko na punong puno ng pagkain ang bibig ko.
"Mahiya ka naman. Wala ka sa bahay." Saway pa nya ulit sakin.
"Naku hinde. Ok lang. Nakakatuwa nga syang tingnan ee. Nakakagana." Sabad samin nung lalaking naka sumbrero.
"Pasensya na ho kayo director." Si L.Joe.
"Hindi. Ok lang talaga. Teka.. ano bang pangalan nya?"
Nagulat ako ng marinig ko na tinatanong nya ang pangalan ko. Kaya naman, ako na ang sumagot sa tanong nya.
"Kim Nana ho! Sir.." todo ngiti ako. Syempre, first time may nagtanong ng pangalan ko at sa director pa. Kaya naman magpapa impress na ko ng bonggang bongga! Hihi! ?
"Ah! Ikaw yung babae sa i********:. Kim Nana daw kasi ang pangalan ng babaeng inupload ni L.Joe. Akala ko nga hooker ee."
Sabay tawanan ng lahat. Nawala ang ngiti sa labi ko. Punyemas. Dun na naman ang topic? Ayoko na. Uwi na ko. Yaw ko na dito! ???
Humanda ka sakin L.Joe! Maghihiganti talaga ako. Tandaan mo yan!! Gggggrrrrr!!!! ???
Alas dyis na ng gabi. Nandito ako sa labas ng kwarto ni L.Joe. Sinigurado ko muna na talagang tulog na sya bago ko gawin ang aking paghihiganti. At syempre, gagayahin ko ang ginawa nya. Para malaman nya kung pano maranasan ang masaktan. Huhuhu T_T Talagang lintik lang ang walang ganti! ?
Aja! Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto nya. Patay na ang ilaw. Hehe.. tulog na talaga ang mokong. Humanda ka sakin ngayon. Pero, kailangan ko pa ring mag ingat. Baka mamaya, magising pa sya. Dala ko ngayon ang bago kong phone. Na kakabili ko lang.
Ang nakakainis lang. Masyadong madilim sa kwarto nya. Talagang nakapatay lahat ng ilaw nya. Di bale, may ilaw naman tong phone ko.
Unti-unti akong lumapit sa kama nya. Buti may konting sinag ng buwan na tumatagos sa bintana nya kaya medyo kita ko ang posisyon nya sa kama. Nakatagilid sya. Teka, kailan kaya sya haharap? Ang mabuti pa ako na lang ang humarap sa kanya.
Ni ready ko na ang maliit na papel na may nakasulat na "Panget ako." Ilalagay ko to sa noo nya gaya ng ginawa nya sakin. At syempre, do-drawingan ko sya sa mukha.
Nagawa ko na ang lahat. Hihihihi... Grabe ang panget nya. ?? Pinicturan ko na sya. Kaso walang lumabas na flash. Kaya inulit ko.
"Haha. Humanda ka.." bulong ko.
Ng i-fa-flash ko na ulit ang camera, sobrang nagulat ako at nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla akong hawakan ni L.Joe sa kamay. Para syang bangkay na muling nabuhay.
*Dug dug dug dug dug dug dug*
Rinig na rinig ko ang kaba ng puso ko. Sobrang ang bilis ng t***k nito. Nyaaaaaa~
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mahina lang ang boses nya pero para sakin napakalakas na nito.
*Gulp*
Lalo akong nagpanic ng hilahin nya ko papunta sa kanya. Dahilan para mapa-ibabaw ako sa kanya. Shocks! Oh men, anong nangyayari?
"Hindi mo pa ko sinasagot miss KimNana." Parang nang aakit ang boses nya.
"Ahh.. ee Matutulog na.." maikling tugon ko na halos pagpawisan na ang kili kili ko sa sobrang kaba.
"At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Alam mo bang tayong dalawa lang ngayon dito?" Sabi nya pa na sobrang gwapo ng boses malapit na kong matunaw.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Lalo pa akong nagulat ng bigla kaming nagpalit ng posisyon. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko.
"Alam mo ang ibig kong sabihin.."
Tapos unti unti nyang nilapit sakin ang mukha nya. Amoy na amoy ko ang pabango na ginamit nya at dahil nanghina na ako sa sobrang kaba, napapikit na lang ako.
Nagulat ako ng bigla nyang kunin ang phone na hawak ko. Shet!! ?
"Pwede ba? Kilabutan ka nga.." anya na nakatayo na sa harap ko habang ako naka freeze pa rin sa higaan nya.
Pahiya mode ako ngayon. Bigla akong tumayo.
"I-ikaw nga dyan ee!" Nang iinit ang mukha ko at saka dali daling lumabas ng kwarto nya.
Anong klaseng pangyayari yun???? Hindi ko talaga inasahan yun. Sobrang kabado ako. Grabe talaga! Halos lumuwa na ang puso ko. Ughh!!! Nanghihina ang mga tuhod ko. Parang hindi ako makalakad. ????
Teka, asan na yung phone ko? Takte! Nakuha nya! Haay! Naisahan nya na naman ako! Kumatok ako sa pintuan nya.
"Hoy L. Joe! Ibalik mo yung phone ko! Langya ka! L. Joe!" sabi ko na medyo may Pag iyak pa. Naaasar na kasi ako sa kanya. Di ako makaganti.
"L. Joe! Akina na yang phone ko! Woi!"
Pero walang L. Joe na lumabas sa kwarto na yun. Kaya lalo ko pang ni- lakasan ang pagkatok sa pintuan nya. Pag ako Di nakapag pigil sisirain ko to!
L.Joe Pov
Grabe! Sobrang kabado ako aa. Hindi ko inasahan na magiging ganito ako. Muntikan ko na syang halikan. Muntikan na rin akong bumigay. Shem.
Mabuti na lang na control ko lahat ng hormone ko. At ako pa rin ang nanalo saming dalawa. *evil laugh*
Teka asan na ba yung ginawa nya. Pumunta ako sa gallery nya at tiningnan ang mga kinuhaan nya ng litrato sakin. Agad Kong pinagdidelete iyon. Nakita ko naman ang mga selfies nya. Napangiti ako.
Nakita ko rin ang mga picture ng family nila. It was poor yeah. But the smiles on their faces. It was priceless.
Nawala ang mga ngiti ko ng maalala ko si Mommy at Daddy. Tinigilan ko na lang bigla ang Pag scroll sa mga pictures nila. Katok pa rin ng Katok si Kim NaNa sa pintuan ko.
Kim NaNa Pov
Nakakabwisit talaga tong lalaking to. Palagi na lang sya yung NaNananalo saming dalawa. Nakakagigil. Sarap tirisin.
"L. Joe. Buksan mo to." sabi ko na tinanggap ko na ang pagka defeated ko.
Kakatok pa sana ako ng bigla nyang buksan ang pinto. Shem. Ang gwapo nya. Kinilig ako bigla.
Bigla nya namang inihagis sa pagmumukha ko yung phone ko.
"Aray! Di Pwedeng iabot? Talagang ihagis pa sa mukha ko?" mataray Kong sabi.
"Sige na. Umalis ka na dito. Isama mo yang panget mong mukha." natatawa nyang sabi.
"Anong sabi mo?! Ikaw kaya dyan! Porket gwapo ka. Wag kang magmayabang dyan! Hmp!"
Nilayasan ko na sya. Bigla ko kasing na realize ang mga sinabi ko. Bakit ko pala sinabi ng gwapo sya? Ee baka lumaki lang ulo nun. Mag feelers na naman.
-
-
-
-
-
-
***KINABUKASAN***
Alas dyis ng umaga ng mapadaan ang manager ni L. Joe dito sa bahay. Busy ang lola nyo sa paghahanda ng kanilang mga pagkain. Naka apron ako habang nag se-serve ako sa kanila.
Inalagay ko sa kanilang mesa ang tea na ginawa ko. Na itinuro sakin ni L. Joe gawin.
"How are you Kim NaNa~ssi?" nakangiting sabi sakin nung manager nila.
"I'm OK po. Thank you for asking." nakangiti ko ring tugon sa kanya.
Napatawa naman sya.
"Oohh.. You really change a lot huh. You look pretty today. Isn't it L. Joe ssi?"
Nagblush ako sa mga sinabi nya. Di ko alam bakit nya sinasabi to, pere.. Beket be.. Ehe!
Halatang nagulat si L. Joe sa tanong ng kanyang manager. Umayos sya ng kanyang upo habang tumitingin tingin sakin.
" N-no. I-It's not. She's not that pretty. " tugon nya.
Nawala ang mga ngiti ko sa labi ko. Epal. Sinabi na nga ng manager na dinideny pa. Sipain ko kaya ito.
Natawa naman ang kanilang manager sa naging tugon nya.
"L. Joe ssi~ your the one that hasn't change. Heheehe.."
Umalis na ako sa living room at saka dumiretso sa kusina. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kung nakaka intindi lang sana ako ng Korean ee Di sana, naiintindihan ko na ang mga Pag uusap nila. Alam nio na baka may masagap tayong balita. Haha. Maritess yarn?
Ako naman kasi. Ang tamad kong mag aral. Anyway. Bahala sila sa mga buhay nila. Kung ano man yun. Malamang, about yun sa business interests and I'm not belong there. So goodbye.
L. Joe Pov
Tumawag ang aming manager kay Andrew na pupunta daw sya dito para mag meeting ng konti. Just for the big event that is coming on the future days. We are all excited. Of course! Ito na anng aming pinaka hihintay.
Inutusan ko si Kim NaNa na maghanda ng konting pagkain at tea. Nakangiti naman syang sumunod sakin. Aba. Mukhang masaya ata sya ngayon. Anyway. Back to reality.
Dumating na din ang manager namin at pinatuloy namin sya sa aming living room. Kim NaNa serves us. And I look at her. Teka. Bakit ba tinitingnan ko sya. Tapos, biglang binigyan ng compliment ni Chairman si Kim NaNa. At medyo Napangiti ako cause everything he said was true. She really change a lot. Pero hindi ako nagpahalata.
"Right? L. Joe ssi~"
Huh? Bakit pati ako nasama sa usapan nila? Tiningnan ko si Kim NaNa. Nakangiti sya. Tss.. Feelingera.
"N-No. I-it's not. She's not that pretty."
Natawa na lang ang aming manager at saka nya sinabing..
"
L. Joe ssi~ your the one that hasn't change. Heheehe.." Hindi ko na lang sya pinansin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya sa mga sinabi nya.
Umalis na rin si Kim NaNa. Na tahimik kaming lahat.
"Is it true L. Joe? That you broke up?" sumeryoso ang mukha ng manager namin.
Halatang nagulat naman ang aking mga kasama sa kanilang narining.
"Jinjja?!" si Neil.
"How? And when?" si Nick.
"Wahh.. This is unbelievable.." si Ricky.
Hindi ako kumibo. Ayoko kasing Pag usapan ang mga personal things like this in this kind of situation.
"Ahh.. I know. You don't want to talk about it. Soon your gonna be Ok."
Napabuntong hininga na lang ako. Shemay. Bakit parang nasa hot seat ako ngayon. Di ba dapat yung event namin ang dapat Pag usapan dito. Hindi yung love life ko? Kairita.