Kim NaNa Pov
Umaga na, pero nakahiga pa rin ako sa aking kama. Wala akong motivation para bumangon. Feeling ko anng bigat bigat ng nararamdaman ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung mga nakaraan. Sila pa rin ang nasa headline hanggang ngayon. Ayokong buksan ang TV dahil sigurado akong sila lang ang makikita ko. Ang hirap mag mahal. Ang hirap mag mahal sa napaka impossibleng tao. Masasaktan lang tayo ng todo.
Wala ngayon sa bahay si L. Joe tatlong araw na. Sobrang busy kasi nila sa pagpopromote ng bago nilang album kasama si Sophie. Kaya eto, eto ako ngayon. Mag isa. Walang nagmamahal. Walang puma pansin.
Bumaba ako ng hagdan dala dala ang comforter na nakasaklo sa aking ulo. Grabe, ang bigat pala nito noh. Kumuha ako ng mga pagkain sa refrigerator. At saka kinain ang mga kung anong makakain ko duon.
*DingDong*
Nabigla ako ng biglang tumunog ang doorbell. Hala. Ang bilis ata nyang dumating. Akala ko kasi one week silang mawawala. Dali dali Kong nilinis muna ang mga kinalat ko, at saka itinabi ang comforter na hawak ko. Agad akong nag punta sa pintuan at saka binuksan iyon.
Pag bukas ko ng Gate, nagulat ako sa iniluwa niyon. Isang magandang babae na medyo may edad na ang bihis na bihis at naka prada at naka sunglass at may body guard pa. Hala sino to?
*Speaking In Korean*
"Sino ho kayo?" tanong ko.
Pero Di ako sinagot at dire diretso lang sya sa pagpasok sa loob ng bahay.
"H-hello? Tinatanong ko ho kayo sino ho kayo?" pero bigla akong inawat ng bodyguard nya kaya napatigil ako.
Napatigil kasi ang babae sa malaking larawan ni L. Joe na nakasabit sa dingding namin.
Tinanggal nya ang kanyang sunglasses.
"Uh. Super gwapo talaga ng anak ko." sabi nya.
What? A-anak nya si L. Joe? I can't believe it! Ito? Na parang nanay ni Dao Ming Sui. Grabe. Parang artista! At hindi ako makapaniwala sobrang ganda nya! Waaahhh! Lods! Sana all bata pa rin tingnan.
"Oh well.. And who the hell are you?" sabi nya ng tingnan ako.
"Ako po?"
"Don't answer! Dahil alam Kong katulong ka lang dito." Tiningnan nya ang buong paligid. Nagulat sya sa kanyang mga nakita. "My God! Anong nangyari sa bahay na ito? It looks like a disaster! Ughh!"
"Madam, pasensya na po lilinisin ko po lahat yan."
Napatingin sya agad sakin ng may nakakadiring tingin. "Where's my son?"
Medyo nanginig ako ng konti dahil sobrang taray nya. Alam nio na kung San nagmana si L. Joe ha? Ito talaga ang original.
"Ahmm.. He's out po." sagot ko ng may Pag galang.
Maya maya pa ay umupo na sya at saka ako sinenyasan ng kanyang bodyguard na kumuha ng tea kaya naman dali dali akong gumawa niyon at saka Dinala sa kanya. Nasa Garden kasi sya ngayon.
Ibinaba ko na ang tea sa kanyang table pero hindi nya ako pinansin. Dali dali Kong nilinis ang mga kalat sa buong bahay. Ikaw kasi Kim. Ang tamad tamad mo. Ayan tuloy, napasabak ka sa linisan. Hay naku, Sobrang nakakahiya sa mother nya.
Natapos ko nang linisan ang buong bahay. At ang kanyang mother ay nandun pa rin sa Garden. Tahimik na naghihintay habang naka tayo sa likod nya yung bodyguard. Grabe. Sobrang sungit. Hindi ko akalain na ma-mimeet ko din ang nagluwal sa lalaking mamahalin ko. Ay joke! Nag drama ang lola nyo.
*Ding dong*
Nagulat ako ng bigla na namang may nag dingdong kaya naman agad Kong pinag buksan iyon. At Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko sya. Si L. Joe.
*gulp*
"Nasan sya?"
"Nandun.." pagkasabi ko nun dali dalli syang pumasok sa loob ng Garden at sinalubong ang kanyang Ina. Nagyakapan silang dalawa. Uhh.. Sana all. Pumasok na sa loob ng living room ang dalawa at saka nag usap. At syempre, heto na naman tayo gumana na naman ang pagka maritess natin. Kunwari akong naglilinis sa kusina. At saka pinakinggan ang Pag uusap nila.
*Speaking In Korean*
"Kailan ka pa dumating ng South Korea Mom?" tanong ni L. Joe.
"Last week honey. At hindi ako makapaniwala sa mga nabalitaan ko tungkol sayo."
"I'm sorry mom. I will fix everything."
"Are you really dating that girl? Hindi ko sya gusto. Alam mo naman ako, ayoko ng mga celebrity."
"Yeah mom I know."
"I heard your album was really a big hit huh?"