Kim NaNa Pov
"Kim.. I know you like L. Joe. I can see it in your eyes. Hindi mo lang maamin sakin. Kasi natatakot ka na baka, Baka I judge ka ng mga tao."
Luh. Ganun na pala ako ka-obvious. Hindi ako nakapag salita. Ang O. A ng moment na to pero hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak ulit. Kasi naman naalala ko na naman Yung ginawa nilang dalawa nung nag kiss sila ee. Shete. Palong palo yun girl.
Niyakap ako ni Andrew. Nakaramdam ako ng konting comfort. Pero..
"Ano bang ginagawa niyo?" si L. Joe. Naka tayo sya sa may hagdan.
Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Andrew. Hindi ako nakapag salita. Nagulat din kasi ako sa ginawa nya.
"Ahm.. Nothing." sumagot si Andrew.
"Nothing? Ee ano yang ginagawa niyo?" grabe. Sobrang suplado nya.
"Look. It's not what you think.."
"Talaga?" Lalo akong nabigla ng hablutin nya ang mga kamay ko. "She's mine." sabi nya sabay baba namin sa hagdan at bumaba kami sabay sakay sa kanyang sasakyan.
Hala? Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan. Hoy! Tulungan nio ko.
Sophie Pov
Yes! Sa wakas may Pov na rin. Anyway. So heto na nga. Mayroong surot na dumating sa buhay namin ni L. Joe at iyon ay si Kim NaNa. Nakakaloka talaga girl, kasi mukhang nagugustuhan na sya ng jowa ko. Ugh! I can't believe it! I really hate her! Everything about her is a trash! Nakaka GG! Kapag nakikita ko sya kumukulo ang dugo ko. Gusto ko na syang mawala sa buhay namin ni L. Joe. Yeah! Call me anything you want. I love L. Joe that's true. But I cannot withdraw my arrange marriage to Henry. Yup. Arrange marriage with Henry while having L. Joe in my life is totally absurb. I know right. It's a business matter! And I can't do anything about it. It's my parents choice. But hindi rin ako susuko kay L. Joe. Kaya gagawin ko ang lahat mawala lang ang Kim NaNa na yan sa buhay ko, o sa buhay naming dalawa! Period!
So heto ako ngayon, sinasamantala ang pagkakataon habang nandito si Andrew sa bahay ni L. Joe. And yeah! Huh! Your right! I know what your thinking! I'm here to ruin that girl. Alam ko namang may gusto sya sa jowa ko at hindi ako Papayag na basta basta na lang mawawala sakin ang taong mahal ko ng dahil lang sa kanya. So everything I did here is on purpose. I planned everything. But here in the dining table is not really my plan. Umaakyat si Kim NaNa sa hagdan papunta ng kwarto nya at sinundan naman sya agad ni Andrew matapos ng kanilang Pag aaway. My god! I can't believe it! Parang mga aso at pusa lang kung magbangayan at parang wala kami dito sa tabi nila. Like. Haler? Andito kaya kami.
I look at L. Joe. He looks so pissed right now. And don't tell me. That look isn't good. He looks jealous! Grrr! He likes her. At hindi nga ako nagkamali ng sundan nya ang dalawa sa taas.
Shit! I'm doomed!
Kim NaNa Pov
Mabilis na pinapaandar ni L. Joe ang kanyang sasakyan habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada sa Seoul. Wala talagang nagsisink in sa utak ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. "She's mine." Kyaaahhh! Oh em Ji! May gusto ba sya sakin? Naku, Baka mamaya nag assume na naman ako. Kaya Kim NaNa kumalma ka. Hindi ka maganda.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakakapit na ako sa sasakyan nya.
"Sa kawalan.." anya.
"Hoy! Maghunos dili ka L. Joe! Baka mamaya mawala pa ko sa mundong to nang Di oras! Bagalan mo naman ang pagtakbo mo!" sabi ko.
"OK fine." tapos bigla nyang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
"Ano bang problema mo?" tanong ko na kunwaring walang alam.
"Ikaw? Ano bang pumasok sa utak mo at niyayakap mo yun si Andrew?"
"Duh! Kino comfort nya lang ako." mataray Kong sagot.
"Sus! Aminin mo nga sakin may gusto ka ba sa kanya?"
"At Bakit namin ako kailangan umamin sayo?"
"Aminin mo!"
"Pwede ba! Wag umakto na parang jowa. Like you care. At saka.. Anong ibig sabihin naman ng" She's mine mo? "
"Di ba P. A kita? Alalay kita. Hindi kita mautusan dahil sa Andrew na yun. Baka gusto mong tanggalan kita ng sweldo?"
Ahh. Ganun naman pala. Ayan masyado kasi tayong assuming. Parang nabuhusan tuloy ako ng malamig na tubig.
"K. Fine." tugon ko na lang.
"Bakit? Ano bang inaasahan mo?" sarcastic ang tanong nya.
"Wala. Bakit meron ba?"
Bigla syang nasamid.
"Wala. Anyway. Balik na tayo sa bahay." sabi nya.
"Ayoko pa. Igala mo ko. Tutal nandito na din tayo sa labas." sabi ko sa kanya.
Napangiti sya. Pumayag na rin sya kaya nag gala gala na muna kami bago kami umuwi.
NP: RNB Song..
Ilang Street food din ang pinuntahan namin para makakain at maka gala. Suot suot na naman ni L. Joe yung outfit nyang disguise. Ganito kasi sya palagi kapag lalabas sa ganitong mga Lugar. Para hindi sya makilala ng mga tao.
Nag enjoy kaming dalawa sa ginawa namin. Parang magtropa lang kaming kumain sa labas. Pramks. Hindi kasi talaga masarap mga ginawang pagkain ni Sophie. Hahaha. Sarry not Sarry.
-
-
-
-
-
-
>>>10:00pm
Alas dyis na kaya nag decide na kaming umuwi. Siguro naman wala na yung dalawa dun. Pero Pagkarating namin sa bahay. Nandun pa sila.
Sinalubong kami agad ni Sophie at Andrew.
"What took you so long! Kanina pa kami naghihintay dito sa labas!" galit na Galit na sabi ni Sophie.
Hindi naman kami kumibo ni L. Joe. Dumiretso lang kami papasok sa loob ng bahay. Pero pinigilan nila kami.
"L. Joe, tomorrow may pictorial pa tayo, Bakit ng tagal mong umuwi? You know the rules right?" si Andrew.
"I'm sorry hyung." sagot ni L. Joe.
"Sorry Andrew. Hindi na mauulit." sabad ko.
"Huh! The nerve! Pwede ba. Lumayo layo ka nga sa boyfriend ko!" sabay binangga nya ako at hinawakan sa braso si L. Joe at saka na sila pumasok sa kwarto.
Naiwan na naman ako.
"Look. Kim NaNa. Please. Don't do these. In the end your the one will be hurt."
Huh? Ano daw? Nag kokoreano si Andrew at hindi ko maintindihan.
"Sige Andrew. Pasok na ako. Bye." sabi ko na lang just to end our convo.
>>>Shoot
Heto na naman tayo. Pictorial na naman ng grupo ni L. Joe. And yeah. Here I am again. Sa sulok, nag Iisa. Alone. Nakatunganga. Ako kasi ang nagbabantay ng mga gamit nila. So here we are. Mukha tayong tinapa. Walang pumapansin, parang bato lanng akong dinadaan daanan nila.
Anyway. Wala naman na akong paki alam dun. Kaya nag cellphone na lang ako.
Maya maya pa, biglang may dumating na mga bagong gamit. Mga damit na pang babae na nakasabit sa sampayan na may gulong. Teka.. Mukhang may kakaibang magaganap ah.
Ilang saglit pa ay pumasok si Sophie na nakabihis ng maganda. Putik, mukhang dyosa. Samantalang tayo mukhang tinapa dito sa gilid gilid.
"Annyeong! Annyeong!" sabi nya na may magandang ngiti sa kanyang mukha habang binabati ang mga crew and staff dito sa studio. Tapos napatingin sya sakin. Pero inirapan nya lang ako. Tss. Kala mo naman..
"Okay guys, ngayon Isasama natin si Sophie sa ating pictorial together with the group. Ok? So, let's start!" sigaw ng manager nila.
Mapapa sana all ka na lang talaga *Heart finger*
Maya maya pa ay nag patuloy sa pag aayos ang lahat. Super busy sila, kaya naman lumabas na muna ako saglit at nagpunta sa rooftop.
Hayy~ hindi ko talaga alam paano ako napunta sa Lugar nato. Hindi ko rin alam kung paano ko sila nakilala. Na ngayon ay kinamumuhian pa ako ni Sophie. Nakakalungkot lang kasi sobrang namimiss ko na ang Pilipinas. Sana makauwi na ako.
Maya maya pa ay biglang nag ring ang telepono ko.
"Hello?" sabi ko.
Sa kabilang linya. "Hello Kim! Kamusta?" si Edward.
"Eto. Mukhang burong isda." sabi ko na medyo malungkot.
"Hahaha! Gaga!"
"Oh napatawag ka?" takang tanong ko.
"Girl! Ano bang pinag gagagawa mo dyan Korea? May boyfriend ka na ba?"
"Luh! Ako May boyfriend. Never in a million years noh!" sigaw ko.
"Anong never in a million years! Loka! May kumakalat na mga picture sa Internet tungkol dyan sa boss mo?"
"Ee ano naman ngayon?" sabi ko na parang walang paki.
"Guess what girl! Hinahanap ng mga netizens ang pagkakakilanlan ng babaeng kasama nya sa picture!"
Parang gets ko na ang sinasabi nya.
"Ah Oo. SI Sophie yun girlfriend nya."
"Anong si Sophie? Kilala ko kung sino yun! Sino ba yung binigyan ko ng scarf bago umalis ng Pilipinas na binili ko pa sa tyangge?!"
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Ano?! Teka.. Teka nga.. Naguguluhan ako. Di ba ako yung binilhan mo nun, Bakit naman ako na Involve kay L. Joe?"
"GAGA! Ikaw yung kasama ni L. Joe na ka date nya sa Street food sa myeongdong! Tingnan mo! Send ko sayo mga picture nio!"
Pinatayan agad ako ni bakla ng cellphone at saka nag send ng mga picture sa messenger ko.
Pagka bukas ko nun. Talagang nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko. Si L. Joe na naka disguise at ako na nakasumbrero at hindi ganong makita ang mukha dahil madilim at naka pulupot ang scarf na binigay sakin ni Edward na binili nya sa tyangge sa leeg ko. Oh em ji! Kalat na bato? Anong gagawin ko? Kailangan malaman to ni L. Joe.
Dali dali akong bumaba ng hagdan at nagpunta sa room kung saan nagaganap ang mga pictorial. Pagka bukas ko ng pinto. Nakita ko, kumpol kumpol ang mga tao. Nakapalibot sila. Kina L. Joe at Sophie.
Tila masayang masaya ang lahat sa mga nangyayari. Binabati nila sila habang hinahawakan ni Sophie si L. Joe sa braso nito. Nakangiti naman ang dalawa.
"Congratulations Sophie and L. Joe. Sa wakas ay umamin na rin kayo sa relasyon nio." girl #1
"Matagal na naming alam na may namamagitan sa inyong dalawa. At tama talaga ang kutob ko. Congrats!" girl #2
"Oo nga! Kaya naman dapat I celebrate yan! Wohoo!" boy #1
"Congrats!"
"Lalong matutuwa ang mga fans nio. Alam namin na naghihintay lang yun sila sa pag amin niong dalawa." girl #3
Medyo nasaktan ako ng very light. Shet. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Kailangan ko nang explanation.
Sakto may dumaan sa tabi ko na babae. Tinanong ko sya. Sa abot ng aking makakaya gusto ko sanang mag Korean pero mas minabuti Kong wag na lang. Baka mapahiya pa ako ee.
"Excuse me miss. What's happening?"
Tanong ko.
"Ah. L. Joe and Sophie was spotted last night by the paparazzi going out together. It was in the social media."
Sabi nya.
Pinakita ko sa kanya ang hawak Kong cellphone na may litrato na pinadala ni Edward sakin kanina.
"Is this what your talking about?"
"Yes. That scarf was so cool by the way."
*c***k*
Ok lang ako. Ok lang ako. Ok lang ako... Sila naman kasi talaga. At Bakit ako mangangarap na magiging akin si L. Joe ee napakalayong mangyari nito sa totoong buhay. Alalay lang ako. Let's stop dreaming na magiging special ako sa kanya. Na may Lugar ako sa kanya. Let's end it here. Oo nga. Tama na. Ok lang ako. Ok lang ako.. Shuta!!!! Di ako OK!!!! Waaaahhhh!!!!
Tumulo na lang mga luha ko at nag dire diretso ako sa cr. Di ko kaya bess. Ang sakit. Akala ko may Lugar ako sa puso nya. Pero wala pala. Bakit pinaramdam nya sakin na espesyal ako sa kanya. Ang unfair. Bakit kasi pinanganak ako sa ganitong kalagayan? Bakit kasi hindi na lang ako naging si Sophie? Bakit kasi ganto ako? Waaahhh!
Tikom akong umiiyak sa CR. Magiging OK din ako. Magiging OK din ang lahat. Makaka move on din ako. Let's forget L. Joe na and be happy kung anong meron sya ngayon Kahit sobrang sakit na.
*Kriing*
Biglang tumunog ang cellphone na hawak ko. Si L. Joe tumatawag. Tiningnan ko lang iyon. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o kung hindi. Hindi ko sya kayang harapin kasi baka, lalo lang akong masaktan.