Hinanap ko si L. Joe sa kwarto nya. Galit ako sa ginawa nya. Iniwan nya ko sa restaurant. Ako pa nagbayad ng mga kinain namin. Buti na lang may dala akong pera kanina. Dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto nya.
"L. Joe!"
"Ano yun?" seryoso ang mukha nya.
"Bakit bigla mo kong iniwan dun sa restaurant ha?! May sira na ba ang ulo mo?!" galit Kong sigaw sa kanya.
"Wala. Pero ikaw. Meron." sabay talikod nya sakin. Aba. Siraulo talaga.
"hoy L. Joe pwede ba. Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo. Kapag ako tinopak, bahala ka sa buhay mo. Di ako sasama sayo!"
"Ee Di wag. Basta bayaran mo yung gown na binili ko."
"Ano?! Tch! Akala mo kung sino ka ah! Naiinis na ko sayo!"
"At ano naman ang gagawin mo? Maglalayas ka ulit?"
Natigilan ako bigla. Nakakainis talaga tong lalaki na to. Sarap ipajombag!
"Hmp!" umalis na lang ako sa kwarto nya at dumiretso na lang sa kwarto ko. Walang hiya talaga sya! Nakakasora ang ugali nya. Para sya palaging nagmemens na babae. Ay Mali! Daig pa nya ang nagmemens na babae sa sobrang sungit at katarayan nya. Pero minsan bigla bigla na lang magiging mabait. Hay ewan! Napaka Emogoloid talaga nung lalaking yun!
****Interval****
* * * * THE MAIN EVENT* * * * *
OH MY GOSH! This is it pansit! Napakaraming tao sa labas ng building na ito. Maraming mga camera na nag iilawan sa aming sasakyan na limousine. SObrang kabado ako ng mga oras na ito. Nanginginig ang mga kamay ko at nagbabasa pa. Hindi ako mapakali. Para akong natatae sa sobrang kaba. Pero bigla akong kinabahan lalo ng hawakan ni L. Joe ang mga kamay ko.
"It's gonna be ok. Don't worry. You look beautiful tonight" nakangiti nyang bulong sakin.
Oh EmJi! Did he really say that?! Wait. I can't relate. Hindi nag sisink in sa utak ko. Oh my gosh. Kenekeleg ang lola niyo.
Ayayayayay!
Maya maya pa ay biglang nagbukas na ang pinto ng limousine. Nagulantang ako sa dami ng paparazzi na nandun. Medyo nasisilaw din ako sa mga flash ng camera. Suot ko ang gown na binili sakin ni L. Joe wearing a make up. Pramis nag mukha talaga akong tao ngayon.
Pagka tapos ng picturan effect namin. Nakita namin sa loob ang iba pang mga girl group at boy band group duon. Nakita ko din si Sophie na magandang maganda sa kanyang suot. Napatingin sya samin at alam Kong nawala ang ngiti nya ng makita nya kami. Oh? Ano ka ngayon girl?
Masaya kaming umupo sa isang mesa na naka reserve para sa grupo nina L. Joe. Ang gugwapo nilang lahat. Kyaaahhh! Dala dala din nila ang kanilang mga ka partner sa araw na ito.
Habang umuusad ang palabas sa stage, nagulat kami ng mapili at magkaroon ng award sina L. Joe. Grabe. Ang hiyawan ng mga fans sa kanilang mga nakamit lalo na ng magbigay sila ng speech sa kanilang mga tagahanga.
Everything was smooth. Pagkatapos niyon ay may isa pang Lugar kaming pinuntahan. Dito wala nang mga fans kundi mga celebrity na lang ang mga nandito. Ipinakilala din ako ni L. Joe sa kanyang mga kaibigan sa industry. Tuwang tuwa ang lola nyo dahil ang dami Kong nakilala. Pero.. Nawala ang ngiti ko ng lumapit sina Sophie kasama yung ka partner nya. Tiningnan ko si L. Joe. Parang hindi na sya apektado sa mga ito.
"L. Joe, Nice to see you here." sabi nya sa binata.
Nginitian lang sya ng binata at hindi na pinansin pa. Huh! Kala mo ha.
"Kim NaNa?" nagulat ako ng marinig ko na nag salita ang lalaking kasama ni Sophie.
Halata namang nainis si Sophie ng marinig ito at saka nag tanong.
"You know her?" anya.
"Yeah.." nakangiti nyang sabi sakin.
Samantalang ako, walang ka idea idea kung sino ba yung nasa harapan ko.
"Excuse me. Do we know each other?" takang tanong ko.
"Of course! It's me. Henry!"
Nagulat ako pagkasabi nya nun. Oh my God! Napatakip ako sa bibig ko.
"Ikaw ba yan?! My gosh! Di kita nakilala!" natatawa Kong sabi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
"Wala. Sama sama lang." Nakangiti ko paring sabi.
"Ang ganda mo ngayon."
Sa pagkasabi nya nun ay tila nabingi ako sa lakas nang tugtugin na biglang itinugtog. Nilapit ko sa kanya ang aking mukha upang marinig nya ako.
"Ano?!"
"I said you look gorgeous tonight."
Pero hindi ko pa rin ito naririnig kaya naman itinigil ko na ang convo namin. Agad namang umalis sina Sophie at Henry. Nag babye lang sakin si Henry at ganun din ako sa kanya.
Luminga linga ako. Nagulat ako ng wala na naman si L. Joe at walang hiya! Iniwan na naman ako. Hinanap ko sya. Pero sobrang daming tao kaya hinayaan ko na lang. Kanina pa kasi ako naiihi. Hinanap ko ang cr dito at tae lang. Sobrang layo. Naiinis na rin ako sa suot Kong sandals. Hindi ako sanay magsuot nito kaya tinanggal ko na lang.
Nakarating na rin ako sa cr. Grabe! Ang ganda! Kumikinang ang mga cr dito. Pero anyway, kailangan ko nang umihi.
Nang makaihi na ako ay lumabas na ako ng cubicle. Walang tao.
Naghuhugas ako ng kamay ng bigla namang pumasok si Sophie. Hindi ko sya pinansin.
"So, isang chipipay ang nakapunta sa isang grand event. Is it a coincidence? Or just an act?" anya.
"Excuse me. Ako ba kausap mo?" tanong ko ng hindi sya tinitingnan.
"Tch! Alam mo, hindi ka nababagay dito kaya if I were you. You should go to hell." sabi nya na naka cross hands.
Napabuntong hininga ako.
This time hinarap ko na sya. "Sophie. Ano bang ikinagagalit mo? Wala na kayo ni L. Joe Di ba? Bakit ka sakin nagagalit? Di ba dapat sa kanya?"
"Huh? Ano bang sinasabi mong break na kami. No. We're not. At saka you think na pupunta yun dito because we're broken up?" maarte nyang sagot sakin habang lumalapit sya.
"Oh and so? Bakit ka nga galit sakin? Anong problema mo girl?"
"It's because I don't like you. Ang mga katulad mo dapat itinatapon sa kung saan ka man nababagay!"
"Hoy. Sumusobra ka na ha. Ayokong makipag away sayo kaya wag mo kong pwersahin." sabi ko na naiinis na. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng to.
"Oh? Really? So anong gagawin mo? Ha? Magsusumbong ka kay L. Joe? Like hell?"
Gusto ko na sana syang sampalin ng biglang may tumawag sa kanyang phone. Kinuha nya yun sa maliit nyang purse.
"Yeoboseyo? Uh.. Mm.. Kkeure? Mm.."
Di ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglilinis ng kamay ko. Maya maya pa ay umalis na rin sya. Kakainis talaga yung babaeng yun. Sarap ihampas ang mukha sa sahig. Grrr..!!!
Lalabas na sana ako ng makita Kong nakasara ang pinto. Wait. Kanina naka bukas ito ah? Dali dali Kong binuksan ang pintuan pero hindi ito nagbukas. Walang hiya! Si Sophie ang may pakana nito sigurado! Pinipilit Kong buksan ang pinto pero hindi pa rin ito nagbubukas. Naka lock ito. Kinalabog ko ito para marinig nila ako sa labas. Pero wala. Hala. Anong gagawin ko?
"Saklolo! Tulungan nio ko! May tao pa dito sa loob! Buksan nio ang pinto! Saklolo!" sigaw ko.
Medyo nagpanic na ako. Paano kung maiwan akong mag isa dito? Anong gagawin ko? Hala! Medyo naiiyak na ako.
"Saklolo! Tulungan nio ko! A huhuhu"
Leche kang Sophie ka. Pwede naman tayong mag away pero walang kulungan sa CR. Walanjo ka!
Sophie Pov
"Oh? Really? So anong gagawin mo? Ha? Magsusumbong ka kay L. Joe? Like hell?"
Sobrang naiinis na ko dito sa babaeng to. Ano ba nya si L. Joe at kung makadikit sya ee.. Pero hindi ko aatrasan tong babaeng to. Anong akala nya natatakot ako sa kanya?
Nagulat ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Agad Kong kinuha iyon sa aking purse. Si Henry.
"Yeoboseyo? Uh.. Mm.. Kkeure? Mm.."
Hinahanap na nya ako at may gusto daw kumausap sakin. So I decided to cut this crap. Lumabas na ako ng CR. When my evil mind got a new idea.
I saw a yellow sign na do not enter. Kinuha ko iyon at saka nilock ang pinto. Kumuha ako ng maliit na clip at Ipinasok sa doorknob. Sa pamamagitan nito walang Kahit na anong susi ang makakapag bukas nyan. Maliban na lang kung marinig ka nila. But no one can hear you girl. Sa sobrang LAKAS ba naman ng sound system dito at sa dami na rin ng mga tao. So. Goodbye girl. Mabubulok ka na dyan. I smiled. Tapos umalis na ako.
?.??? ???
It's getting late. And we need to get home na. Everyone was outside. We're ready to go home. Hinahanap ko si Kim NaNa pero no where to be found sya. Saan naman kaya lumusot yun? Naiinis talaga ako sa kanya kapag kinakausap nya yung hilaw na lalaking tsino na yun. Or maybe, she already got home na.
"L. Joe halika na. Uwi na tayo." wika ng producer namin.
"Ah. May hinihintay pa ko." sagot ko.
"Kailangan na natin umalis may meeting pa tayo bukas. Common!" anya.
I sigh. Sana nakauwi na sya.
"But."
"Tara na. Tara.." sabi nya na tinutulak na akong sumakay ng sasakyan.
Ayoko pa talagang umalis kaya lang wala na akong nagawa. I tried to call her. Pero walang sumasagot.
"Oppa!" nagulat kaming lahat ng biglang tawagin ako ni Sophie sa likuran namin.
"Oohh.. Si Sophie pala. Oh sige maiwan ko na muna kayong dalawa."
"Wag na. Sandali lang naman ako." wika niya ng makarating na samin.
I look away at her. Psh. Ayoko ng makipag usap sa babaeng to.
"Oppa. May nakalimutan ka sa bahay, mukhang importante yun sayo. Gusto mong kunin?"
"Wala akong naiwan sa bahay mo." sabi ko.
"Meron.. Ito oh." tapos pinakita nya sakin yung damit ko na polo na white na regalo nya sakin last birthday ko.
"Tss.. Pwede ba.. Let's cut this crap." pagkasabi ko nun, bigla namang dumating yung manager namin.
"Oh. Akala ko ba. Nag break na kayong dalawa? Mukhang hindi naman pala totoo." natatawang sabi ng manager namin.
Napapikit ako. Ayoko ng ganitong eksena. Pero nagulat ako lalo ng lumapit sakin si Sophie at hinawakan ako sa braso.
"Chairman. Long time no See. I guess, what you've heard aren't true." anya.
What? Wait. Medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Ano daw?
Natawa ang manager namin.
"Waahh.. I can't really imagine this. Sige. Maiwan ko na kayo." saka ako tinapik sa balikat.
Nang Iwan nya na kami ay bigla kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? We've been broken up for two weeks Sophie baka nakakalimutan mo." galit Kong sabi sa kanya.
She gave me a pout face and clean my suit. "Tch. L. Joe, hindi ka Pwedeng makipag break sakin. Mad-destroy ang image mo kapag nalaman nilang nag break na tayo."
"Ano na naman ba to Sophie? Tapos na tayo." giit ko.
"Aniyo. Hindi mo ba ko narinig? Hindi mo ba alam na dahil sakin kung Bakit ka nandyan sa tinatayuan mo ngayon? Kaya dapat sumunod ka. Kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan."
Tch! Anong akala ng babaeng to ng dahil sa mga fans nya kung Bakit ako sumikat? Dahil maraming nag s'sheep samin worldwide? What the hell. I used to love this woman. But not anymore. It disgust me.
" Alam mo, hindi ko alam na ganyan ka pala. Mabuti pa. Tigilan mo na to. Kung ayaw mong itulak pa kita palayo." sabi ko sa kanya.
"You really wanna see what I can do huh?"
"No. I want you to get out of my life."
"Sophie!" natigilan kaming dalawa ng biglang dumating si Henry.
Dumating na din ang iba pa naming mga kasama.
"Sige Oppa. Kita na lang tayo bukas." she said while smiling at me.
What the hell?
"Wow. Di ka talaga Iniiwan ng girlfriend mo noh." sabi nila habang naka tingin sakin.
"Wait. All this time kayo pala ni Sophie. Wahh. I'm so dumb. I didn't notice that."
Iniwan ko na sila habang napapailing ako. I really can't believe this.
>>>>?????<<<<<
It's already two in the morning. Nakarating ako sa bahay na nakapatay ang ilaw. SObrang pagod na ako kaya dumiretso na ako sa aking kwarto at saka naligo para magpahinga na. Bumaba ako ng hagdan at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. SObrang tahimik ng paligid. Oh well, dahil wala na siguro ang mga kasama ko.
Nagpatuloy lanng ako sa pag inom at saka umkyat na ulit. Napatigil ako. Teka. Hindi ko nakitang umuwi si Kim NaNa ah. I better check her room baka nandun na sya.
Pumunta ako sa room nya. Nakasarado ang pinto. Baka natutulog na sya. I need to make sure na nandito na sya. Tiningnan ko ang pintuan nya. Kinakabahan ako. Unti unti kong binuksan ito. Nakapatay ang ilaw. Malinis ang kama nya. Sinindihan ako ang ilaw nya sa kwarto.
Nagulat ako ng makita Kong wala sya rito. What the?? Saan kaya pumunta yun? Hindi kaya, naiwan sya sa loob? Hindi pwede!!!!