?.??? ???
Dali dali akong bumaba ng kwarto at pumunta sa garahe at pinaandar ang aking sasakyan at bumalik ulit sa building na yun. Kinakabahan ako. Sana walang nangyaring masama kay Kim. Pinandyak ko pa ng Mabilis ang aking pedal para mas mabilis akong makarating sa Lugar na yun.
Pagkarating ko roon. Sobrang dilim na. Mabuti na lang naka bukas pa rin ang front door na glass. Dire diretso akong pumasok sa loob. Pagkarating ko roon sa reception area kung saan kami nagdaos ng celebrasyon kanina, wala akong nakita. Madilim at walang katao tao. Sumigaw ako.
"Kim NaNa! Kim NaNa!"
Baka sakaling marinig nya ako sa aking pagsigaw kaya nilakasan ko pa. Naghanap ako kung saan saan. Ng bigla akong makarinig ng isang tinig.
"L. Joe! Tulong!!! L. Joe!!"
Pagkarinig ko nun dali dali akong pumunta sa Lugar na yun kung saan nangagaling ang kanyang tinig. Hindi ako nagkakamali kay Kim NaNa yun boses.
"Kim NaNa! Asan ka?!" sigaw ko pa rin habang tumatakbo ako papuntang Cr.
"L. Joe nandito ako! Tulungan mo ko!"
Palapit ng Palapit ang kanyang tinig ng makakapit ako sa pintuan ng Cr. Kinakalabog nya rin ito.
"Kim NaNa, anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ko habang nakarasara pa rin ang pinto.
"Please L. Joe buksan mo tong pinto. Please... Ahuhuhhhu.." wika nya na humahagulgol na sa pag iyak.
"OK sige sandali. Hahanap ako ng tulong." sabi ko. Trinay Kong kunin ang cellphone ko pero naiwan ko pala sa bahay sa sobrang pagmamadali ko.
"Sh*t!" napasigaw ako sa Inis.
"Bakit?" takang tanong nya.
"Wala. Ahm.. Alis ka muna sa pintuan pupwersahin ko ang pinto." sabi ko at saka ako pumuwesto upang sirain na ang pinto dahil hindi ito mabuksan.
Sinipa ko ng malakas ang pintuan ng tatlong beses. Tatlong malalakas na sipa ang nakapag bukas sa pintuan ng CR na yun. Sa wakas. Nakita ko na rin sya. Halatang takot na takot sya kaya niyakap ko sya.
Bigla syang napahagulgol lalo ng iyak ng mayakap ko sya. Halatang takot na takot sya sa nangyari. Ikaw ba naman maiwan dito hanggang alas dos ng madaling araw tapos sobrang dilim pa.
"Nandito na ako.. Wag ka nang umiyak." sabi ko sa mahinang tinig. Unti unti Kong hinaplos ang kanyang buhok para patahanin sya. Ng sa ganun makaramdam sya ng pagka kalma.
>>>??? ???? ???
??? ?'????? ??
Nagising na ako mula sa aking pagkakatulog. Tiningnan ko ang aking maliit na orasan na nakalagay sa aking side table. Alas dos na nang hapon. Sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako sa aking kama at saka nag unat unat. Grabe ang haba ng tulog ko.
Hindi pa rin naaalis sa isip ko yung nangyari sakin kagabi. Nakakatakot. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun, pero mabuti na lang biglang dumating si L. Joe. Kinikilig ako na ewan kasi niyakap nya ako kagabi at saka at saka..
>>>?????????
Wala na akong nagawa sa kakasigaw. Nawawalan na ako ng Lakas at napanghihinaan na ng loob. Walang nakakarinig sakin Kahit anong gawin ko. Kahit si L. Joe. Tumulo bigla ang aking mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilang umiyak. Para akong bata na umiyak ng malakas lalo na nung pinatay na nila ang mga ilaw. Sobrang nanginig ako sa takot. Wala pa man din bintana dito. Nag pray na lang ako na sana may super hero na dumating dito.
Pero wala. Wala Kahit isa. Sumigaw ako ulit. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Hindi lang tatlo kundi maraming beses. Pero wala. Walang nakarinig Kahit isa. Para akong nabingi sa sobrang tahimik ng paligid ko. Malapit na akong matuliro at napasandal lang ako sa ding ding habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko. Napaupo ako at saka ko niyakap ang aking sarili. Pinagpagpawisan na rin ako dahil pinatay na nila ang aircon dito sa loob since akala nga nila ay wala na ng tao.
Sigurado ako, si Sophie ang may ka gagawan nito. Humanda sya sakin.. Pero ang kailangan ko munang gawin dito ay ang makalabas. Pero paano?
Naghintay ako. Naghintay ako ng maraming beses baka may security guard na mag ikot ikot dito. Pero wala ring dumating. Umiyak ako ulit. Hanggang sa..
"Kim NaNa! Kim NaNa!!" mahinang tinig ni L. Joe. Hinahanap nya ako.
Agad akong tumayo at saka lumapit sa pintuan ng cr.
"L. Joe! Tulong!!! L. Joe!!" sigaw ko.
"Kim NaNa! Asan ka?!"
"L. Joe nandito ako! Tulungan mo ko!"
Kinalabog ko ang pintuan ng CR para marinig nya kung nasaan ako.
At sa wakas, umiyak ako lalo. Nandito na ang tulong. Thank you Lord.
Sinipa nya ang pintuan kaya na buksan ito. Dali dali nya akong pinuntahan at saka niyakap. Umiyak lang ako sa kanyang mga braso. Nakaramdam ako ng malaking comfort. Hindi ko alam kung paano sya pasasalamatan. Huhuhuhu..
Pagka tapos niyon, nakita kami ng head security ng building. Sinita kami at saka pinagmulta dahil sa pintuang nasira. Walang hiyang security yan. Inutil. Hindi man lang ako nakita dito. Hmp! Mabuti na lang at nakita ako ni L. Joe.
Nakarating na rin kami sa bahay habang hawak hawak nya pa rin ang aking mga balikat habang puma pasok kami sa bahay. Napaka caring naman pala nya. Hindi ko alam kung paano ko sya pasasalamatan.
"L. Joe.." magsasalita pa sana ako ng bigla nyang putulin ang sasabihin ko.
"Umakyat ka na sa taas at saka mag asikaso ng sarili mo. At magpahinga ka na rin." sabi nya na parang ang bait bait Nya sakin.
Shocks. Sana hindi na sya magbago. Kasi.. Gusto ko yungsc ganito sya sakin.
Hindi na ako nakapagsalita. Sumunod na lang ako sa kanya at saka ako naligo at nagbihis. Matapos niyon natulog na ako.
>>>??? ?? ?????????
Napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko yung mga ganung moment namin ni L. Joe. *sigh*
Dali dali na akong bumaba ng aking kwarto dala dala ang malaking ngiti sa aking mga labi. Pero nawala ang lahat ng iyon ng makita ko.. Sila..
"Kim NaNa. Okay ka lang ba?" si Sophie. Na kunwaring nag aalala. Nilapitan nya ako. Hindi ako kumibo sa kanya.
"Mabuti na lang at nakalabas ka kahapon duon." wika ni Andrew sakin.
"Oo nga. At mabuti na lang din at walang nangyaring masama sayo." si Paul.
Hindi na man kumikibo si L. Joe. Naka Cross hands lang sya habang nakaupo sa sofa.
"Ah. Oo nga pala. It'tour daw ako ni Kim NaNa sa kanyang kwarto." at saka nya ako hinawakan sa braso. Walang hiya talaga tong babaeng to.
"Okay sige." wika ni Andrew.
Dali dali nya akong hinila Pataas ng hagdan at saka ako pinasok ulit sa aking kwarto. At duon, nagbago na ang expression ng kanyang mukha.
"Huh! Mabuti naman at nakalabas ka ng buhay."
Tiningnan ko lang sya at hindi pa rin ako kumikibo.
Nilapitan nya ako.
"Alam mo ba kung ano ang mangyayari sayo kapag sinabi mo sa kanila.."
"Na ano? Na ikaw ang may pakana kahapon?"
Bigla nya akong sinampal. Nagulat ako. Shuta ang Lakas nun ah.
"Hoy. Magdahan dahan ka ng pananalita mo kung ayaw mong ipalibing kita ng buhay."
Natawa ako sa kanya.
"Excuse me. Bakit mo ba to ginagawa? Masyado ka atang insecure sakin?"
"Ako? Maiinsecure? Kanino? Sayo?" tapos tumawa sya ng pagkalakas Lakas.
Hindi ako kumibo.
"In your dreams. You know what. You should stop here. Kasi aalisin ka na namin dito at ibabalik ka na namin sa Pilipinas."
Nagulat ako at hindi ako nakapagsalita.
Ano raw?
Tapos lumapit sya sakin at saka bumulong.
"Goodbye."
Alam niyo guys. Nagpipigil lang talaga ako sa malditang babaeng to eh ha? Kung hindi lang masama pakiramdam ko ngayon tatanggalin ko talaga ngala ngala nito. Pero hindi pwede. Kailangan chill lang tayo mga mare.
Tinalikuran ko lang sya at bigla nya Kong hinablot.
"Don't you dare na talikuran ako ha kinakausap pa kita." sabi nya with gigil eyes pa.
Nagpoker face lang ako. "Ah talaga. Akala ko kasi tapos ka na sa tula mo."
Sasampalin na nya sana ako pero nakita ko ito at pinigilan ang kamay nya.
"Nakaka isa ka na. Kaya tama na." sabi ko sa seryosong boses.
Binitiwan nya ang kamay ko.
"Nakakainis ka talaga!" Tumingin sya sa pintuan at nilagay ang kamay sa kanyang pisngi ng biglang dumating si Neil.
"Anong nangyayari dito?" takang tanong nya.
Hindi ako kumibo pero etong si artista biglang umiyak.
"Bakit mo ginawa yun?" sabi nya na medyo naiiyak pa. Luh. ?
"Bakit? Anong ginawa nya sayo?" nag aalala pang tanong ni Neil.
"Sinabi ko lang naman, na kung pwede akong makahiga sa kama mo pero ayaw mo at pinaalis ako at saka mo ko sinampal."
Hala sya. Nag Imbento na naman.
"Hoy! Wala akong ginagawa sayo? Naka drugs ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Teka nga! Bakit mo sinampal si Sophie?" Si Neil.
Aba talagang. Ako pa nga. Ee ako nga sinampal ng "BEST ACTRESS" NA YAN.
"Hindi ko nga sya sinampal. Ok ka lang?"
Giit ko.
"Umalis na lang tayo Neil. Ayoko na dito." sabat naman ni Sophie na artista.
"Sumusobra ka na Kim NaNa! Kapag inulit mo pa to, ipakukulong ka namin!"
Malapit na Kong sumabog sa Dalawang to sa sobrang gigil ko ee. Literal na mga Bobo!
Hindi na lang ako kumibo. Tapos bumaba na sila. Di ko alam kung Bakit pero bigla na lang tumulo ang mga luga, este luha pala sa mga mata ko. (Para namang may luga yung mata ee noh?)
Anyway. Nakakainis yung dalawang yun. Sarap pasabugin ng mga mukha kung nasa Pilipinas lang ako. Matagal nang mga walang mukha yun.
"Oh? Okay ka lang?" nagulat ako ng makita ako ni Andrew. Agad Kong pinunasan ang aking mga luha at saka ngumiti sa kanya.
"O-oo naman. Bakit?" Lumapit sya sakin at saka ako hinawakan sa noo.
"Oh. Nilalagnat ka. Bakit hindi ka magpahinga?"
"Ha? Ah ano.. Okay lang ako. Okay lang ako." tugon ko.
"No. Your not fine. You need to rest. Wait. Kumain ka na ba? Kasi you need to eat." sabi nya habang tinutulak nya ako pahiga sa aking kama.
"Andrew ok lang ako."
"Seriously Kim. Ang putla mo na OK ka pa rin? Sandali lang, Ipagluluto kita ng lugaw. But, Korean version."
Natawa ako sa sinabi nya at ganun din sya. Pero bumaba na agad sya ng hagdan at saka ako iniwan.
Napahiga ako ng aking kama. Sobrang sakit ng ulo ko. Bigla Kong naalala na naman ang mga ginawa sakin ni L. Joe kagabi. Shet. Bakit ba sya na lang palagi Kong iniisip. Bura Bura Bura..
Napapikit ako.
>>>>After a Minute
Nakatulog na ako sa aking hinihigaan ng gisingin ako ni Andrew. Nagising naman ako at sobrang nahihilo na ako ng tumayo ako. Inalalayan nya ako at saka kinuha ang lugaw na nakalagay sa aking side table.
Sinubuan nya ako. Pero konti lang ang kinakain ko.
"Common Kim. You need to eat para lumakas ka agad."
But, my body was so weak at that moment kaya hindi na ako nakapag salita at humiga na lang ulit. I don't know what is happening. Di ko na alam kung anong gagawin ko. L. Joe. Please. Tulungan mo ko.
>>>>Hospital<<<<
7:00PM
Author's POV
Matapos dalhin ni Andrew si Kim NaNa sa ospital, sa kadahilanang, nanghihina na ito at sobrang taas na ng kanyang lagnat na umabot ng 102. Nagpanic ng konti ang grupo dahil sa nangyari. Pero mabuti na lamang ay nandun si Andrew upang I assist ang dalaga.
Maya maya pa ay lumabas na rin ang doctor na tumingin kay Kim NaNa.
"How is she po doc?" tanong ni Andrew.
"She's Ok na. Currently nagpapalakas na sya ng katawan. Bumaba na rin ang lagnat nya."
"Thank God.. Thanks doc. "
"No problem. I need to go."
Bakas naman ang pag aalala ni L. Joe sa kanyang mukha.
"Andrew. Kailangan nio na ding umalis. Ako nang bahala kay Kim NaNa." si L. Joe.
"No its ok. Kayo na lang ang pumunta sa pictorial for bench. Pakisabi something urgent happen. I can explain naman later." anya.
Hindi na nakakibo si L. Joe dahil nandun ang kanyang ibang mga kasama at SI Sophie na naka hawak sa kanyang braso.
Yeah. All this time kasama nya pa rin si Sophie at naka kapit ito sa kanya na parang tuko.