Imbyerna! Lahat na lang.. Ee di sya na! Hmmp! Nilagay ko na ang mga pinamili ko sa mesa. At salamat sa anim na lalaking tiningnan lang ako at hindi ako tinulungan. Grabe! Ganun ba talaga sila magtrato ng mga panget? >..._<%
Gabi na ko nagising dahil hapon ako nagpahinga. Mabuti naman at nakabawi ako ng lakas kahit papaano. Pagbaba ko, wala silang lahat. Huh? Saan naman kaya pumunta ang mga yun? O_o
"Kim Nana.." nagulat ako ng bigla akong tinawag ni L.Joe. Teka. Sinenyasan nya ba kong pumunta sa kanya? Hmm.. hayaan na nga. Sumunod na lang ako.
At sobrang nakakagulat lang! Pinapasok nya ko sa kwarto nya. Grabe! Ang ganda! (*^_^*)
"Sya nga pala, sorry ha?"
"Huh?" Bakit naman nag sosorry to sakin? Ano kaya nakain neto? ('ヮ')
"Binge ka ba? Ay naku.. basta. Yun na yon. By the way. May mall tour kami bukas.. at kailangan kasama ka."
"Huh? Pero bakit?"
"P.A kita di ba? Kaya lahat ng mga gamit ko, susuotin ko, ikaw lahat ang mag aassist. Naiintindihan mo?" Masungit nya pa ring pagkakasabi.
"O-opo."
"Oh sya labas na. Wala kang kwentang kausap."
Ano daw? Ang yabang talaga neto?! Wala daw akong kwentang kausap? Baka sya?! Kapal! Makalabas na nga. At sa paglabas ko.. bigla kong nakasalubong si Andrew. Mm!
"Anong ginagawa mo dun?" Takang tanong nya.
"Ahh wala naman.. kinausap nya lang ako about sa Mall tour nio bukas."
"Ganun ba? Halika.. sumama ka sakin." Tapos tinapik nya ko sa likod. Oh shocks.. ang cute talaga ng baby ko! 。^‿^。
Ito na! Ito na yung moment namin ni Andrew. Dinala nya ko sa rooftop ng bahay nila. Tapos may pinakita sya sakin. Hulaan nio kung ano. It's not a bird, it's not a plane. Hindi rin bulalakaw ha? Ano pa? Ee di billboard nilang pagkalaki laki. Grabe. Ang sweet nya nga ee. Sobra. Sa kabaliktaran.◑ˍ◐
"Ayos ba?" Nakangiting tanong nya sakin.
"H-ha? Oo naman." Sagot ko na lang.
"Sa tingin mo? Sino ang pinaka Cool dyan?"
Sabe? Sakin pa talaga tinanong ang mga ganung bagay? Kaloka.
"Syempre. Ikaw. Ikaw yung lider ee. Hehehehe.." (^O^)
"Good."
Tapos nag end na yung convo namin. Katahimikan na ang bumalot saming dalawa. At sa pagkakataong ito. Malaya ko syang natitigan at pagnasaan. Joke! Hindi pagnasaan ha? Titigan lang. Hehehe.. (^O^)
Bakit kaya ang gwapo nya? At ako ang panget? Nakakainis. Sana ipinanganak na lang akong maganda ee. Para bagay kami.
Pero ang ikinagulat ko ng makita kong nakatingin na rin pala sya sakin. Umiwas ako agad. Baka mahalata nya pa ko ee. Maging feelers pa to?
"Alam mo,nawala na yata ang mga wrinkles mo? Gumaganda ka na."
Grabe sya. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. "Naku.. hindi naman." Nahihiya kong sagot sa kanya. Hihihi..
"Joke lang." Sabay tawa nya.
Ganern? Binawi agad? Ganern? So ibig sabihin panget pala ako sa paningin nya? Ee di wow.
Tapos ayun na. Dun na nagtapos. Nagpaalam na sya na bababa para matulog. Sabi sa inyo. Isa't kalahati din syang emongoloid. Hmp!
.
.
.
.
SAMANTALA..
L.Joe Pov
Hay! Bukas na ang mall tour namin. First time in the history of the Philippines. I know.. pressure na to. At marami akong ini-expect na mangyayari. Ang mabuti pa, itutulog ko na lang to.
Inihiga ko na ang aking sarili sa malambot kong kama ng bigla na lang pumasok si Neil sa kwarto ko. Lintik naman oh.
"Hyung~" tawag nya.
"Oh bakit?" Wala ko sa mood makipag usap kaya nakahiga pa rin ako.
"Wala ka bang napapansin kay Andrew? Parang nitong mga nakaraang araw nagiging weird na sya."
Nagtaka ako ng konti sa mga sinabi nya. "Oh? Ee bakit naman?"
"Nagiging bukambibig nya na ang babaeng panget dun sa kabilang kwarto. At alam mo bang magkasama sila ngayon sa rooftop?"
Napabalikwas ako ng bangon. "Ano? Imposible! Hindi maaatim ni Andrew na makipag usap sa mga hampas lupa gaya ng babaeng yun!"
"Kaya nga ee. Baka ginagayuma na sya. Kaya dapat habang maaga pa, Gumawa na tayo ng paraan."
Pagkasabi nun ni Neil. Lumabas na sya ng kwarto ko. Napaisip ako bigla. Naku.. paano nga kaya kung interesado si Andrew sa babaeng yun? Hindi pwede. Parang napaka imposible naman yata. Isa lang ang babae sa buhay nya. At si Kylie yun. Pero.. napaka imposible talagang magka interes sya kay Kim Nana. Ang panget kaya nun?
Kailangan kong bantayan ang bawat galaw ng babaeng yun. Hindi pwedeng magkagusto ang lider namin dun. Kakadiri! Bwaack!