Chapter Three: Kim NaNa Meets TheTopTeen

2781 Words
Nakaka isang linggo na ko dito sa bahay ni L.Joe. Infairness.. effective yung rules and regulation ni mongoliod. Kapag nasa loob sya ng bahay, nasa kwarto ako. Kapag nasa kwarto sya.. may pagkakataon akong maglinis ng bahay. In short..wala kaming paki-alamanan. Hindi rin kami nagpapansinan. Kapag wala naman sya sa bahay.. Malaya kong nagagawa ang gusto ko. Gaya ng manuod ng tv, magtxt, mag sss, mag tweeter. Yung mga ganung bagay. Actually.. may ka-txtmate nga ako ee. Si Brent Pattinson. Chuchal ng name noh? Hihi.. At alam nyo bang nililigawan ako ni Brent. Ayii! Ang haba ng hair ko. Lumipas pa ang mga araw ng wala pa ring pagbabagong nagaganap sa bahay ni L.Joe.. maliban sakin. Ngayon kasi ang pagkikita namin ni Brent ko! Pero bago ang lahat. Kailangan kong magpaalam kay L.Joe beybe. Pumunta ako sa garden kung san nandun sya. May binabasa syang magazine at nakita kong puro pagmumukha nila ang nandun. Tss.. sikat ba talaga sila? Pero bakit hindi ko sila kilala? Ay naku ewan.. magpapaalam na ko. "Ah~ sir.. pwede pong humingi ng day-off?" ngiting ngiti kong sabi. ^_______^ Tiningnan niya ko. Ayan na naman yung mga tingin niyang nakakainis. "At bakit?" tanong nya. "Ahmm.. pwede po bang secret?" "Tss.. piling mo naman interesado ako. Oh sya.. wag kang ngumiti.. mukha kang si Joker. Nakakasira ng araw." Nakakairita talaga to. Panira ng moment! Mga banat?! Hmp! Umalis na ko sa harap nya. Pero atleast.. pinayagan ako ng mongoloid na yun! Ay grabe! Ang saya! Pagkatapos kong maglinis ng bahay agad akong umalis. Yes! Matutupad na ang dream kong makipag date sa isang lalaki. :") At ang venue namin.. sa Jollibee! Wala kaming mga pera ee.. pero atleast! Bida ang saya! :D Haha.. Pagkababa ko ng taxi.. aba! Ang daming tao. Tiningnan kong mabuti yung mga customer. Teka.. may limang lalaki na bakante ang upuan. Hmm.. sino kaya sa kanila si Brent? a. Yung poging lalaking nakapang disente ang damit? b. Yung mukhang foreigner? c. Yung mukhang.. umm.. goons? d. Yung payatot? e. Yung lalaking nakasalamin na napapanot na? Ay oo nga pala! Imbes na manghula ako.. bat di ko nga pala sya i-txt? Naman oh? Utak men.. Kinapa ko yung bag ko pati na rin ang bulsa ng pantalon ko. Pero anak ng pating! Nakalimutan ko ang cellphone ko! Hayy~ ang engot ko talaga.. hmm..ano kayang magandang gawin? (TING!) Ah! Alam ko na! titingnan ko na lang kung sino yung mga hinihintay ng limang mga lalaking yun. Nagtyaga akong naghintay. First.. may dumating sa mukhang foreigner. Sa mukhang goons. Oh yes! Buti na lang. Third.. yung sa poging lalaki.. ouch! Sayang naman. Pero.. asa pa kong ganun ka-pogi si Brent. Dalawa na lang ang natitira? Sino kaya sa kanila? Ah~ baka yung payatot? Ok na yun! Dali-dali akong nagpaganda at saka nilapitan si Brent skeleton. "Hi!" ^__^ "Huh?" nagtaka siya. "Ako nga pala si Kim Nana. Nice to meet you. Sorry kung natagalan ako ha?" umupo na agad ako sa harap nya. "Teka—" "Alam mo kasi masyadong traffic ee. Sorry talaga ha? Ano? Order na tayo?" "Teka.. sino ka ba?" Nagulat ako sa tanong nya. "Nagpapatawa ka ba? Ako to? Si Kim Nana.. yung nililigawan mo?" "What? What are you talking about? Sorry.. hindi kita kilala.." "To naman.. dini-nay mo pa.." "Sorry.. wala akong nililigawan na gaya mo.. at saka.. I already have a girlfriend.." Aww! Hindi sya si Brent? Kung ganun sino?! Teka.. wag niyong sabihing yung panot na yun si Brent?? "Ah.. Hi! Kim.." "Ay tae!" lagi na lang akong ginugulat ng mga tao. Mamaya.. atakihin pa ko sa puso. Mamatay pa ko. "Nakakatawa ka talaga." Tiningnan ko yung nag hi sakin. At sino naman tong mukhang babae na lalaki na to? "Ah~ sino ka?" "Parang ang bilis mo naman makalimot. Ako to! Si Brent Pattinson." TOINK! Siya si Brent? Na mala-ewan ang peg? Na mukhang babae na lalaki pero babae naman talaga na mukhang lalaki? Ay leche! Ang g**o ng buhay nya. =__= "Ah~~ h-hi.." sabi ko na lang. "Buti na re-call mo." Magpacute baga? Oy teh! Di bagay! "Oo nga.." *fake smile* Napakamalas ko naman. Unang araw at first time kong makipag date sa isang tibo pa? Grr! "Bakit?" "Ah~ wala." Nakakadiri talaga. Hindi ko pa naiisip na makipag jowa ako sa kapwa ko babae! >..._/////////..<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD