Chapter Two: A New Journey

2723 Words
*KINABUKASAN* Ang sabi ni lolo.. dito daw ako pumunta sa Makati. Binigyan nya kong pamasahe. Ang bait noh? May ino-offer kasi ritong trabaho ee. Malaki raw ang kita. Pagdating ko doon.. aba! Sandamukal ang mga tao. Ano kayang meron dito? Nilapitan ko yung isang babae. "Ah miss.. anong meron dito?" "Hindi mo alam?" tapos tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Medyo nainis ako sa ginawa nya. Ano kaya Problema neto? "Teka.. wag mong sabihing.. mag aapply ka ring P.A? Naku! Ang mabuti pa.. umuwi ka na lang sa inyo.. dahil im sure.. hindi ka qualified dito." sabi nya na medyo natatawa pa. Ano bang problema neto sa buhay? Kala mo kung sinong maganda.. ang chaka naman ng mga itsura! Pwe! Hinablot ko sa kanya yung hawak nyang flyers. "Amina na nga to?" sabi ko dun sa babae. WANTED: Personal Assistant At least 20-25 years old. 5 feet above. A college graduate any course. A pleasing personality, perfect body posture. Physically fit and most of all. PRETTY AND GORGEOUS!! Huwaat?! Daig pa ang beauty contest nito ah? Personal assistant? Ganito ang hinahanap? At sino naman kayang napaka l***g na lalaki ang naghahanap nito?! Kainis! Dalawa lang ang pumasok sakin. Ang height at ang edad ko. *sad face* Pero yung mga sumunod. WALA! Zero balance! >.THE FIRST DAY! Kim Nana POV Wow! Yan ang unang lumabas sa bibig ko ng makarating ako sa isang private subdivision. Sobrang ang ganda ng bahay. Bawat sulok lahat malinis. Ang ganda pa ng mga gamit. Talagang naka jockpot ako! Dito na rin ako titira kasama ang magiging amo ko. Teka.. hindi pala yung lalaki kahapon ang naghahanap ng P.A kundi si L.Joe daw. Sabi nya.. medyo may attitude daw yun. Pero wala akong pake alam noh? Ang sakin lang... PERA, PERA, PERA, PERA. Hehehe.. :D Nakita ko na rin ang mga picture nung L.Joe na yun. Hmm.. gwapo naman.. singkit yung mga mata na medyo bilugan.. parang babae nga ee. Tapos yung buhok.. emongoloid lang ang peg. Iba-iba kasi yung kulay tapos parang emo pa. may blonde, may red, may violet, hay ewan! Pati buhok.. ginawang sapin-sapin. At syempre.. mukha nga syang masungit. Sabi nung kanyang manager.. yung lalaking naghire sakin kahapon.. may grupo daw si L.Joe.. TheTopTeen ata yun ee. Actually.. K-pop group sila with six members. Di ko na alam yung ibang name ng mga kasama nya. Sensya na. At OO! Koreano sya malamang! At sa Pilipinas napiling magbakasyon ng mga yun. Shocks lang dahil ako ang napiling Personal Alalay ni L.Joe. Bwahahahaha!! *evil laugh* Ilang sandali pa.. biglang may mga nagkalabugan sa labas. O-M-G! Baka sya na yun? *PANIC* *PANIC* *PANIC* Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? "Huh?" halatang nagtaka sya ng makita ako. O-M-G! Sya na nga! At infairness.. ibang-iba ang itsura nya sa personal ha? Na nosebleed na ata ako. Ang gwapo ee! Bigla akong nakaramdam ng pagka-ihe at parang natatae pa dahil sa sobrang kaba.. napalunok ako. "Umm.. anyong haseyo.." sabi ko. =.= At walang hiya lang. Hindi ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lang sya sa kwarto nya at saka padabog na sinara ang pinto. Tsk! Sungit nga. "Anong gagawin ko?" bulong ko sa sarili ko. "Oy! @#$%^*()!@#$%6&*(*&^).." Ano daw? Nag kokoreano sya sakin. At wala akong maintindihan. Pano ko ba sasabihin dito na hindi ako marunong mag Korean. Hindi ko alam mga pinagsasasabi neto ee. Hay naku! Bahala na si Batman. Smile na lang. "YAH!!" bigla akong nagulat ng sigawan nya ko. Ee sa hindi ko maintindihan ee! Malay ko ba. ? "I said.. get my bag here!" "Ah.. yun pala." "WHAT?!" "Ah.. nothing sir.." "*^^%$##@#$6&8()?!!" Makalabas na nga.. baka minumura na ko nun ee. At hayp lang. Eto? Eto ang mga ipapasok ko sa loob.. ang dami-daming bagahe! Ano to? Lipat bahay?? "Hey! Faster! Faster!" "Ah.. yes.. yes.." hanubayan! Mapapasabak pa ko sa englishan ah. Oh well.. pagalingan na lang kaming dalawa. ?.. Infairness.. ang bibigat ng mga maleta. Mapapaaga yata ako sa pagkakuba ah. Pagkatapos kong mapasok lahat yun.. aba.. pinaglinis ba naman ako ng buong bahay. Mula labas hanggang banyo! Akalain mo yun.. nagawa ko yun ng kalahating araw. Nakakashocks lang. "Oy.. sino nagpasok sayo dito?" Ayun.. nagtatagalog naman pala ee. Pinahirapan pa ko. "Ah.. Sir yung manager niyo po." "Walk In? O referred?" "Walk in po sir." "At sa tingin mo.. nasa requirements ka ng mga hinahanap ko?" "Wala po sir.." mahinang tugon ko. Syempre.. pahiya ako ee. "Oh? Ee ano pang ginagawa mo dito? Go." Tapos tinuro nya yung pintuan. "Ano?" "Narinig mo ko di ba? Alis!" Ang yabang nito ah! Parang biglang nag panting ang mga tenga ko. Sa sobrang inis ko hindi ko napigilang sigawan sya. "Hoy! Emongoloid! Binayaran ako dito para magtrabaho. Kaya sa ayaw at sa gusto mo.. P.A mo ko! Hindi naman ikaw ang nagpapasahod sakin ah?! Kapal nito! Paganyan ganyan ka pa ng buhok mo.. hindi naman bagay sayo. Che! Wag ka nga!" "Yah!!! Grabe ka! Bawiin mo mga sinabi mo kundi magsisisi ka!" "Tae mo! Matutulog na po ko SIR. Gabi na po!" "Yah! Jinja?! Aish!!" *KINABUKASAN* "Hoy! Panget! Gumising ka dyan! Panget! Gising sabi!" "Aray! Punyeta!" kinurot nya ba ko? "Sinabi ng gumising ka dyan ee! Alis ka dito! I don't need you here!" "Hoy! Pwede ba?! Wag ka ngang O.A! Di mo nga ako pwedeng paalisin dito ee?! Naiintindihan mo?! Ang kulet mo rin ano?" "Ah! Basta! I don't need you! Get lost with your ugly face and your dirty garbages here!" Batukan ko kaya to? Ang aga-aga nag aamok. "Hindi nga pwede ee! Paulit-ulit? Unli lang?" "Aish!! Grrr! Ughhh!!" ee di lumabas ka rin. Teka.. nagwawala ba sya? grabe ang galit nya sa mga panget ha? Dinaig pa si Cross Sandford. Sinubukan kong lumabas ng kwarto at tiningnan kung anong ginawa ni Mr. L.Joe. Well.. lumabas lang naman sya ng gate tapos sumakay sa kanyang kotse at nagpaharurot ng kanyang mamahaling sasakyan. Kung kailan sya babalik.. ewan. Kung saan sya pupunta.. aba ewan! Hindi naman ako hanapan ng mga lost and found noh? Pake alam ko sa kanya? Basta sakin lang.. malaking pera ang kapalit ng paghihirapan ko sa napakalaking bahay na to. At lalo na dun sa halimaw na mongoloid na yun! >,_..< Porket napaka ganda ng kutis nya.. Porket palagi syang mukhang mabago at fresh, wag syang magmayabang.. kahit na mayaman sya.. kahit na ang bango-bango nya.. Hay! Oo na nga! Ako ng talo. Ako ng panget. =_= "Oy!" Tae. Nagulat ako dun ah? Ano naman kaya kailangan nito? "Basahin mo to." Tapos hinagis nya sakin yung ang isang coupon bond. Naks! Napakaganda ng ugali. Saya! RULES AND REGULATION OF LEE L. JOE: 1. Kapag aalis ako, wala kang ibang gagawin kundi ang maglinis ng buong bahay. 2. Ayoko ng kumukuha ng mga gamit ko ng walang paalam. 3. Ayoko ng pumapasok sa kwarto ko. 4. Ayoko ng pakialamera. 5. Ayoko ng sumasagot. 6. Ayoko ng uupo sa harap ko. 7. Ayokong nakikita kita kapag kumakain ako. 8. Dapat hindi lalagpas ng 5 meters ang distansya natin. 9. Ayoko ng hinahawakan ako. Tukmol na yan! Ang daming nalalaman ng koreanong to ha? Ok fine! Kung ito ang ikasasaya ng kaluluwa nito. Mas maganda nga to. Walang pake-alamanan. Epal. Kala mo naman hahawakan ko sya. Manigas ka men! "Oy oh!" hinagis ko rin sa harap nya yung walang kwenta nyang rules. "Pwede? Pakidagdag na rin ang pag respeto. Ako ang amo mo di ba? Ikaw? CHIPIPAY." Ang yabang na nga sobrang matapobre at mapangmata pa. Nag fake smile na lang ako sa kanya. "Ok sir!" "Good." Tss.. Ibato ko sayo tong baso ee. De joke lang. Hehe ✌️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD