Chapter One: Wanted Yaya

3402 Words
Kim Nana Pov Sa panahon natin ngayon, naku! Mahirap na ang maghanap ng trabaho. Lalo na kung may pinapakain kang pamilya! Nandyan ang batugan mong Kuya, may sakit mong tatay, mahilig gumala na kapatid, puro utang na nanay, at mga maliliit mong kapatid na wala nang ibang ginawa sayo kundi ang umiyak at manghingi ng kung anu-ano. At ako naman.. Eto.. todo bigay. =____= Kaya nga ako.. sideline dito sideline dun.. wala ka na ngang ibang makikita sa mukha ko kundi puro eyebag, tigyawat, wrinkles, idagdag nyo na rin ang nagmamantika kong mukha. Pero wag nyong isiping matanda na ko. Manang lang talaga kong tingnan. +___+ Mabuti na nga lang at may awa pa sakin si Lord. Dahil binigyan nya ko ng walang katulad na kaibigan. Si Edward D. ^__^ Sya lang naman ang tagahanap ko ng trabaho. At kahit na anong trabaho pa yan.. papasukin ko. Kahit maging taga linis pa ko ng p***t ng mga lolo dyan.. ee gagawin ko. Mabigyan ko lang ng magandang kinabukasan ang aking pamilya. At handa akong isakripisyo ang lahat. Oh di ba? Ang drama? Tara padala na natin sa MMK. Joke! ^___^v. Alam kong hindi sapat ang kinikita ko sa araw-araw kaya naman, naghahanap pa ko ng trabaho na mas Malaki ang datung. Hehe.. :D **WANTED YAYA* "Sige na Edward.. ipasok mo naman ako dyan." Pagmamaka awa ko. "Hay naku sis! Kanina ka pa.. may mas nauna na nga sayo ee. Kaya saka na lang.." sabi nya ng nakangiwi. "To naman! Grabe!" ang totoo nyan.. alam ko naman na hindi na talaga pwede, ang kaso.. nagbabakasakali lang naman ako ee. Di ba? Malay nyo.. bumigay din tong si bakla. Hehe! ^__^v. "Hmm.. sige na nga!" Oh di ba? Sabi sa inyo ee! "Yehey! Bait talaga ni Edward. Salamat ah!" sabi ko na tuwang tuwa. "Pero sis..kailangan mo ng pumunta sa Maynila bukas." "Ha?!" Napanganga ako sa gulat. Ee wala nga kong pambili ng gatas ng kapatid ko.. pamasahe pa kaya papuntang Maynila? Niloloko nya ba ko? Grabe naman! T^T "Sabi mo kailangan mo ng trabaho.. kaya ayan.. binigyan kita. Ano pa bang problema mo?" "Ee.. ano ee.. ahmm.." ano ba yan? Hirap naman sabihin oh! >. "Ano? Wala kang pera papunta dun?" Napabuntong hininga ako. Nakakahiya man.. tumango na lang ako.. "Hay naku! Sobrang ang hirap mo naman.. lahat na! Wala sayo! Walang sariling bahay, walang pera, walang pagkain, baka wala ka ring suot na panty ngayon ha?" Nahampas ko sya. "Uy grabe ka naman sa akin!" Tapos iniabot nya sakin agad yung isang libo. "Oh! Sa unang sahod mo, bayaran mo agad ako ha? Hiniram ko lang din yan sa kasama ko.. pambili sana ng gamot ni lola." "Naku.. nakakahiya naman sayo." "Ano ba yan? Ngayon pa nahiya? Oh sige na. Gumora ka na." "Salamat ha?" "Oo na! dami pang effect ee!" Pagkatapos ng pag-uusap namin bumili agad ako ng pagkain namin. Syempre. Binili ko ang paborito ng mga kapatid ko. Ang letsong manok. Gabing-gabi na ko nakauwi samin. Pagdating ko.. tulog na ang mga kapatid ko. Naaawa talaga ko sa kanila. Natutulog na lang ng hindi pa kumakain. Buti na lang gising pa si Inay ng mga oras na to. "Oh? Ba't ginabi ka na?" tanong nya. "Ah nay. Pumunta ho ako kay Edward ee. Nakahiram ho ako ng pera. At saka.. may bago na ho ulit akong trabaho." "Ah ganun ba? Mabuti. Oh? Ano naman to?" tanong nya sa dala kong plastic bag. "Letsong manok po." "Oh sige. Gisingin mo na ang mga kapatid mo at kakain na tayo." "sige po." *KINABUKASAN* Nagmamadali akong nagligpit ang mga damit ko.. baka kasi mahuli ako. Alas tres pa lang naman ng madaling araw pero.. apat na oras kasi ang byahe mula dito samin hanggang Maynila. "Bilisan mo na anak." "Oho inay.." "Oh.. mag-iingat ka ha?" "Opo. Sige po. Alis na ko." *AFTER 4 HOURS* Unang tapak ng mga paa ko sa Maynila.. ramdam ko na agad ang swerte ko. Ang kaso.. sa nangyari sakin.. mukhang nawala ang swerte. Paano naman po kasi.. nagkandaligaw-ligaw lang naman ako sa Maynila Hindi ko kasi alam kung saan matatagpuan ang condo Unit na binigay sakin na address ni Edward D. Sa dami ng mga building dito nakakalula sa totoo lang. At naku lang! Alas dos na ng tanghali bago ko matagpuan yun. Ayaw pa nga akong papasukin ng walang hiya na gwardya sa Condo ee. Matapos nun.. dumiretso na agad ako sa elevator. Tinandaan ko yung sinabi sakin ng clerk. Medyo nakakahiya pa nga ee. Gusto nyo ng flashback? Wag na! >_ *FLASHBACK* Lumapit ako dun sa magandang babae na nakatayo. "Ah miss.. saan po ba nakatira dito ang Quirino Family?" tanong ko. Medyo awkward pa nga ee kasi tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Problema nito? >_ "Sino po sila?" "Ah.. ako po kasi yung bago nilang yaya.." ^___^ "Ganun ba? Sandali lang po ah." Tapos marami pa syang ka ek-ekan at echos na ginawa. After one million years! Joke! Haha! :D "Umm.. punta na lang po kayo sa elevator. Nasa sixth floor po sila.. Room 303 po." "Ahh.." Elevator? Ano yun? Pasensya na kung taong gubat ako ah. Manul pa ko ee. ^_^v. Aalis na sana ako. Pero hindi ko talaga alam kung ano yung elevator na yun. Pilit ang ngiti ko. "Ahh.. Miss.. Pasensya na.. nakakahiya man.. ahmm.. ano ba yung elevator?" Hindi ko alam kung bakit sya tumawa pero tumawa na rin ako. :D :P "Ahem.. Ayan lang po sa tapat nyo Ma'am." Tapos tinuro nya sakin yung sinasabing "elevator". "Ah! Ahahahaha! Sige salamat.." Hay grabe! Kakahiya! >. *END OF FLASHBACK* After ng mga walang kwentang pangyayaring iyon.. nakarating rin ako sa Room 303. At tae lang. Kinakabahan ako na may kasamang panginginig ng katawan. Parang gusto kong matae na ewan. Gusto ko na tuloy umatras at umuwi samin. Inay! Waah! Kakatok na kaya ako? Ah.. pano ba? Ee mukhang bakal ang pintuan ee. Pano ko kaya kakatukin to? O_O? "Pindutin mo yung doorbell para marinig ka sa loob." "AY MALAKING TAE!" gulatin ba ako? Natawa sya sa sinabi ko. "Mukha ba kong tae?" *smile* "Sige.. maiwan na kita." Naks! Pogi nun ah! Mukhang tiba-tiba ako sa magiging kapit-bahay ko dito. Oops! Balik na nga ulit tayo sa realidad. Inaamin ko sa madlang pipol na.. natatakot ako ngayon.. kinakabahan.. at konting nahihilo. Ok.. Kaya ko to! Smile na lang. *DING DONG!* Pagbukas ko ng pinto...... sinampal ako.. pinag sisigawan ako.. tinadyakan nya ko.. at sinabing huwag na kong bumalik pa. at syempre isang malaking kalokohan lang yun noh! Dahil kung tutuusin.. ang bait-bait ng amo ko. Sabi ko na nga ba! Swerte ako dito ee! At naman! Wag ka! Ang taray ng mga gamit nila mula banyo hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay nila. Samantalang yung samin. Naku! Baka basura lang ata nila. Haha! ^_^ "Basta Kim.. all around ka dito ha?" "Opo! Wala pong problema!" sabi ko sa bago kong amo. Kuntodo pa nga ang ngiti ko. Hihi! ^______^ "At sana naman.. mahaba ang pasensya mo." "Ok lang po yun.. Basta! Ako na pong bahala sa lahat." "Oh sige.. pagdating ni Kelly asikasuhin mo sya agad ha?" Nagtaka ko sa sinabi nya. "Po? Sino po yun?" "Anak ko.. bakit?" "Ah wala po. Akala ko po kasi kayo na yung anak dito. Hindi po kasi halata ee." "Ay ikaw talaga! Bolera!" Sus! Nagpapabola ka naman? Anyway! Ano kaya itsura ng Kelly na yun? Kinabahan tuloy ako ng banggitin nya yun. Alas kwatro na ng hapon at natapos ko na ring linisin ang dapat kong nalinis. At ngayon.. hinihintay ko na lang na dumating si Kelly. Kanina ko pa nakita yung mga pictures nya. Mukha naman syang mabait na bata. Oo bata! Syam na taong gulang. Naku! Kayang-kaya ng powers ko to. Pero.. ang hindi ko maintindihan sa sarili ko.. bakit ako kinakabahan at parang hindi pa ako mapakali na ewan. Maya-maya... bumukas na yung pintuan. Si Kelly. Napatayo ako. Pero sya.. nakatingin lang sya sakin na parang gulat na gulat. Nagtitigan portion lang kaming dalawa. Wala akong maisip na gawin kundi ang ngitian sya. Ang kaso... "AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!! MOMMY!!!" Nataranta ako pati si Madam. "Why baby? What's the matter?" "Why there's an ugly MONSTER in our house?!!" "Baby.. she's not a monster.. she's ugly but not a monster.. she's our new yaya.." "But why she look like a freak MONSTER? Mommy Im scared.." "Don't worry honey. Nanny is kind.. you'll have to know her first.. ok?" "NO! I WON'T!" "Ok. Go to your room and change your clothes now." Sinamaan nya muna ko ng tingin bago sya pumasok sa kwarto nya. Teka nga. Ano daw? Sensya.. nosebleed ako ee. Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Ay meron pala.. monster. Monster daw ako? Oh common! Itsura kong to?! Ang ganda ko kaya? Nung araw.. ang kaso.. di na katanggap tanggap sa lipunan ngayon ee.. haha! Truelalu yun! =__= Linapitan ako ni Madam. "Naku.. Kim. Pagpasensyahan mo na sya ha? She's a spoiled brat ee." *fake smile* "Ok lang po." "Sana magtagal ka dito.." Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam ee. Baka kinabukasan patay na yang bata na yan pag nagpatuloy pa yan. >_ Haay! Unang araw sa trabaho ko sobrang stress. Wala pa ring pinagbago pero.. masarap dito. Aircon ee! Haha! :D :P *2ND WEEK OF WORK* Alas kwatro ng madaling araw ako ginising ni Madam. May pasok kasi sya sa office nya ngayon ee. At kailangang ipaghanda ang amo. At syempre! Sa akin nya rin binilin ang pinaka mamahal nyang anak na si Kelly. [7:00AM] Kanina pa hindi ginagalaw ni Kelly ang kanyang pagakain. Nakatitig lang sya sakin ng ganito. =.= "Uhm.. Kelly.. Kumain ka na." "I will eat. But in one condition." "Ano yun?" sinubukan kong maging nice, baka magbago to. ^^ "Hide your ugly face.. nanny MONSTER.." Nawala yung ngiti ko. Naku! Kundi lang to anak ng amo ko. Baka nasakal ko na sa inis tong maarteng bata na to. >.. "Ok." *fake smile* tinakpan ko ng hawak kong panyo yung mukha ko. Ilang sandali pa tinanggal ko na.. "Kelly.. tapos ka n- Nasan na yun?" At naku naman talaga! Tinakasan ako! Bigla akong kinabahan. Naka-bukas ang pintuan kaya malamang nasa labas sya ng bahay. Naku pano na kapag may nangyari dun? Ako pa malalagot ng wala sa oras ee. Putik! Kailangan ko syang hanapin!!! Waaaahhh!! >o Pero teka.. san ko naman kaya sya unang hahanapin? Sa mga kapit-bahay? Sa mga banyo? Sa loob ng buong condo unit na to? SAAN?! Putakti naman! Ang laki kaya nito? Ano to? Magla-land navigation ako? Tsk! *OPERATION NUMBER ONE* Nagdoorbell ako dun sa kabilang bahay. Baka dito kasi sya pumunta ee. Bigla namang nagbukas ang pintuan. "Ano yun?" tanong ng matandang babae. "Nakita nyo po si Kelly?" tapos nginitian lang ako at bigla akong pinagsarhan ng pinto. Grabe! Ang bait-bait ni Lola! Bravo! >. *OPERATION NUMBER TWO* Dahil wala sya sa mga kapit-bahay, pumunta ako sa lahat ng floor. At takte na yan! Pinagpawisan na ang buo kong kili-kili.. hindi ko pa rin sya natatagpuan. Wala talaga. =__= *OPERATION NUMBER THREE* Dahil dyan.. naghanap ako sa napakalawak na garden. At teketeng lang! After 50 years nandito lang pala naka-upo sa bench. At may kausap pa! Akalain mo yun? "Kelly!" tinawag ko sya. Mabuti naman at lumingon sya sakin dahil kung hindi.. pipilipitin ko leeg nya. Nilapitan ko sya at taray ha?! Parang lalamunin ako ng buo sa sama ng tingin sakin. "Kung saan-saan na kita hinanap nandito ka lang pala." Sabi ko ng makalapit sa kanya. "What the hell are you doing here?" sobrang taray nyang tanong. "Ako? Malamang.. sinusundo ka.." "Not funny ugly!" Nag fake smile na lang ako. Pero ang naka agaw ng atensyon ko ee.. yung lalaking kausap ng batang to. "Ikaw ba ang bago nyang yaya?" sabi nung guy. "Oo bakit?" "Sa tingin ko.. dapat mo syang bantayan ng maigi. Sige.. una na ko Kelly." "Sige Oppa!" aba! At kailan pa naging mabait ang masamang batang to? Ang bata-bata pa naglalandi na. Ee yun yung guy kahapon na nakita ko ee. Yung pogi. "So what are you looking at? Nanny MONSTER?" "Wala naman.." "Let's go!" Shemay na batang to. Kung hindi ka lang talaga anak ng amo ko.. naku lang! Matagal na kitang binaon sa lupa! Parang hindi bata kung magsalita. Grr! Nakakainis! >. *3RD WEEK OF WORK* Tatlong linggo na'ko sa pamilyang ito. Mabuti naman at natapos ko ng maaga lagi ang mga Gawain ko. Yehey! At salamat naman dahil wala sa bahay ang masamang bata. Haha! Hayahay ang buhay! Feel at home lang ang peg. At dahil dyan.. magsasaing na muna ako. Syempre.. magtatanghalian na ee. Gutom na mga alaga ko sa tyan. Hihihi.. Matapos kong makapagsaing.. may bigla akong naala-ala. Oo nga pala! Nakalimutan kong ipadala kela Inay yung pera. Ano ba yan! Katangahan ng tao ho-oh! Nagbihis muna ko bago ako pumunta sa Western Union. Dali-dali akong lumabas ng bahay at tinahak ang mahabang hagdanan.. wala kasing elevator ee. At sa hindi sinasadyang pagkakataon.. nakasalubong ko yung guy na gwapo. At shet lang.. ang matso nya ha?! Pero.. hindi ako nagpahalata ng kalandian ko. At.. syempre! Pahiya ako.. di ako pinansin ee. Anyway! Dahil bago nga lang ako sa Maynila.. hindi ko alam kung saan ang mga pasikot-sikot dito. Kaya nagkandaligaw-ligaw pa ko papunta at pauwi. Mahina kasi ako sa direction ee. Sariee.. Alas tres na ko ng condo nakauwi. Gutom na gutom na nga ako ee. Pagpasok ko.. nababalot ng usok ang buong bahay! TAKTEEEEE!!! Yung sinaing ko nasusunoOoOoOogg!!! >.. *PANIC PANIC PANIC* Matapos ang madugong pagsasalba sa bahay. Hinihintay ko na lang na dumating ang amo ko. Aba! Mahaba-habang paliwanagan to noh? Ano kayang sasabihin ko? "sorry po sa katangahan ko? Ang gaga ko po kasi.?" Ugh! Ang engot ko talaga! *pukpok sa sarili* *AFTER SEVERAL HOURS* ETO! Eto ako ngayon! Sa kalsada ang bagsak! Baka tinatanong nyo kung bakit ako nandito? Aba! Sa malamang pa sa alamang.. ee pinalayas ako. Sino ba namang amo ang matutuwa sa mga nagawa ko? Halos masunog ang kalahati ng bahay. Mabuti na nga lang hindi napasama ang mga dolyares nila noh.. dahil kung OO. Baka nasa kulungan na ko ngayon. Wait! Sa simula nga pala ng istoryang ito.. hindi pa ko nagpapakilala ng lubusan noh? Well.. eto.. konting flashback para sa inyo! *FLASHBACK* Pagdating ni Maam.. bigla syang nag freak out. Take note! Kasama yung anak nyang mukhang koreanang hilaw na hinog sa pilit. "What the hell happen KIM?!" Syempre ako. Takot na takot at hindi malaman ang sasabihin. Nanlalaki pa yung mga mata ni Maam. Nakakatakot talaga sya. "TELL ME KIM! WHAT THE HELL HAPPEN TO MY HOUSE?!!" this time.. sobrang lakas na ng boses nya. Na talagang ikinatakot ko ng sobra. "Ee maam.. nagsaing po kasi ako.. ee naiwanan ko po sa kusina.." "ANO BA NAMANG KABOBOHAN YAN KIM! NAIWANAN MO? BAKIT? NAGLAKWATSA KA NOH? SINASABI KO NA NGA BA EE! ITSURA MO PA LANG EE." "Hindi naman po sa ganun ma'am..." "HINDI SA GANUN EE ganun na nga ang ginawa mo ee!! Engot!" "Pasensya na po ma'am." Grabe! Naiiyak na talaga ako. T.T "PASENSYA? Naku naman! Ee kahit isangla mo pa ang lahat ng ari-arian nyo.. hindi mo ko mababayaran. Galing pang ibang bansa ang mga SINUNOG MO AT LAHAT YAN MAMAHALIN! Well.. As if naman na meron kayong ari-arian.. pero sa malamang wala kasi mahirap ka lang." Teka? Ano daw? Parang umurong ata ang luha na dapat i-iiyak ko ah.. "Ma'am.. ano po ulit sabi nyo? Ako? Mahirap?" "OO! Bakit? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Mayaman? Ee katulong lang kita. Bakit? May mga dolyares ka ba?" "Ma'am. Aalis po ako kung ayaw nyo na ko dito. Pero hindi naman po ata tama na pati pagkatao ko niyuyurakan nyo." "Bakit? Totoo naman ah!!" "MA'AM! WALA PO AKONG PAKEALAM SA MGA DOLYARES NYO! NAGTATRABAHO HO AKO DITO NG TAMA. Pero~ nagkataon lang na nagkamali ako ngayon. Aalis po ako kung yan ang ikakasaya ng kaluluwa NYO! At ma'am.. alam ko na po kung bakit abnormal ang anak nyo." "Ano?!" "MAY PINAGMANAHAN!" *END OF FLASHBACK* At ayun na nga! Lumayas na ko sa mala impyernong lugar na yun! Hay~ Ano na lang ang gagawin ko ngayon? Nganganga? Nakakainis naman! Napakamalas ng araw ko. Oo inaamin ko. May pagka war freak ako. Pero mabait naman ako sa mabait sakin noh. Pero kapag pagkatao ko na ang niyuyurakan.. ABA! Patay ka sakin! Kahit sino ka pa hindi kita uurungan! >. Ano na lang ang mangyayari sakin ngayon? Buti na lang nakapagpadala na ko kela Inay ng pera. Grabe! Gusto ko ng umuwi samin. Natatakot na ko dito ngayon. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Sobrang ang laki ng Maynila noh? Ikaw kaya palayasin ng amo mo? Tapos wala ka pang matutuluyan. Hindi ka ba matatakot? Tsk! Kaasar naman. Dahil sa katangahan ko. Eto tuloy ako. Magiging palaboy na sa Maynila. Tapos magiging nakakadiri na kong baliw sa daan.. na kapag sa hindi sinasadya.. ee masasagasaan pa ng Truck. Dedo na ko nun. Hay naku~ :( *KINABUKASAN* "Uyy miss! Gising!" "Mmm.. ano ba yan?" "Miss.. naglilinis ako dito sa park. Wag ka namang maging malaking kalat dito. Mahirap kang walisin noh?" Nagising ako dun sa matandang nagsasalita. Nag unat pa muna ako sabay tanggal ng mga muta sa mata. "Teka. Bakit ka ba nandito? Siguro.. inumaga ka na sa bar noh? Kabataan talaga ho-oh!" "Naku lolo.. hindi po.." "Hindi po? Ako pa niloko mo. Maghanap ka ng kausap mo." Batukan ko kaya ang matandang to? Epal ee. Ke-aga-aga nangiinis. Di bale. Maka alis na nga lang. Tumayo na ko sa hinigaan kong bench. "Uyy mga gamit mo! Teka.. naglayas ka noh? Tsk! Tsk! Makikipagtanan ka? Ang kaso hindi ka sinipot? Kabataan talaga ho-oh!" "Kayo po kaya ang maghanap ng kausap nyo?" Pero syempre.. hindi ko na sinabi yun. Mamaya.. magwala pa si lolo ee. Baka kung ano pa magawa neto sakin. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko at saka na umalis sa lugar na yun. Nagpagala-gala na muna ako sa napakalawak na syudad na gutom na gutom. Hanubayan! Bakit ba naging ganito ang trabaho ko dito? Dito na ba ko mamamatay sa gutom?? Naku! Wag naman sana. Lourd! Maawa ka po sakin. May pangarap pa po ako sa buhay. Gusto ko pong makapunta sa Korea. Para hanapin tatay at nanay ko. After nun.. pwede nyo na po akong kunin. Ahuhuhuhuhu... TT_TT *SEVERAL HOURS LATER* [7:00PM] Matapos ang mahaba-habang paglalakbay.. Sa park pa rin ang bagsak ko. Ee wala naman akong alam na mauuwian ee. Dito lang. Hilong-hilo na ko. Talagang.. tomguts na ko. :"( "Aba iha.. hindi ka na sisiputin nun.. ang mabuti pa. umuwi ka na sa inyo. Baka mamaya.. mapano ka pa dito." Si lolong storymaker pala. Teka.. ang mabuti pa. Lilinawin ko sa kanya ang lahat. "Ah lolo-" "Alam mo.. baka magsisi ka sa ginagawa mo. Dapat humingi ka ng tawad sa mga magulang mo at magpakabait ka na." Oh sige kayo na. moment nyo na to lolo. -_-||| "Ang mga batang suwail.. hindi pinagpapala. Tandaan mo yan iha." May sense naman mga sinasabi nya. "Pero-" "Wala ng pero pero! Umuwi ka na sa inyo dali!" tapos bigla nya kong hinila. "Teka lang ho! Bitiwan nyo ho ako!" nagpumiglas ako syempre. Violente tong si lolo eh. "Aba! Matigas talaga ang ulo mo ano?" "Ee lolo hindi naman po sa ganun.. ang totoo po nyan.." At ayun na nga.. Sinabi ko na sa kanya ang lahat-lahat. At ayun! Naliwanagan din ang utak. "Ahhh~ ee mabuti ka naman palang bata iha." Sabi nya matapos kong sabihin. "Salamat ho. Kayo po kasi. Kung anu-ano na agad ang pumapasok sa utak nyo." "Hayaan mo na ko ineng. Matanda na ko ee. Oh! Sya.. sayo na tong pancit." "WOW! Maraming salamat po!" Agad kong kinuha yung pancit at saka kinain na lahat. Grabe! Ang sarap-sarap naman neto! Ito na ata ang pinaka masarap na pancit na natikman ko. "Iha.. dahan-dahan lang.. sayang ang ganda mo.. hindi ka dapat ganyan kumain." Ee kayo ba naman ang magutom ng dalawang araw hindi ka ba magiging ganito kumain? Teka? Ano nga ulit yung sinabi ni lolo? "Lolo.. ano ho ulit sabi nyo? Ako? Maganda?" "Umm.. Ah.. oo.. pero hindi pa halata." "Lolo talaga.." "Pero iha.. trabaho ba hanap mo? Halika.. sumama ka sakin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD