Chapter Six: Cat and Dog

2152 Words
***The Other Day*** Kim Nana Pov Matapos kong mahain ang kanilang mga pagkain ay saka naman sila nagsibabaan sa kani-kanilang kwarto. At ako naman ay diretso na muli sa kusina habang Tinitingnan silang matapos. Ganun naman kasi talaga di ba? Nauuna ang amo tapos sunod na ang alalay. Habang nagmumuni muni ako, bigla akong nagulat ng magsalita si Andrew mula sa mesang kinakainan nila. "Kim nana.. kumain ka na ba?" Anya. Nahihiya pa kong sumagot. Halos lahat kasi sila ay nakatingin sakin. Naku.. "Ahh. Hindi pa po ee." "Halika na. Sumalo ka na samin." "Hyung~" rinig kong sita ni Neil. Grabe. Nakakahiya naman sa kanila. Yikes! "Ah. Wag na po. Hihintayin ko na lang po kayong matapos." Sabi ko na nahihiya pa rin. "Ano ka ba? Sumalo ka na samin. Tutal tayo tayo lang naman ang nandito sa bahay na to." Hindi ako naka-imik sa mga sinabi nya. Unang una. Bawal akong sumalo sa pagkain nila dahil yun ang nasa rules and regulations dito sa bahay. Pero nanlaki ang mga mata ko ng tumayo si Andrew at lumapit sakin para paupuin ako sa mesa. Shemay. =__= Nakatitig silang lahat sakin. Ayoko na. Anyway. Ok na rin to. Makakasalo ko ang crush ko!! Kyaaahh~ *^O^* tae ang landi ko.-_-! "Simula ngayon palagi ka ng sasabay samin sa pagkain." Sabi ni Andrew. Haayy.. naku, bakit ba sa tuwing nagsasalita sya bigla na Lang may lumalabas na mga puting bubbles sa gilid ng mukha nya? Parang Anghel tuloy sya. Pero hindi talaga pwede. Kaya naman.. "Pasensya na. Hindi pwede ee." Nagtaka sya. "Huh? Bakit naman?" "Kasi ano ACK!" Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong may sumipa sa binti ko. "Oh? Anyare sayo?" tanong nya. "Ahh. Wala. Hehehe.." sabi ko na lang sabay tiningnan si L.Joe. Kunwari pa syang umiinom ng tubig pero alam kong sya ang sumipa sakin. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Oh sya sige. Kumain ka na." Sabi ni Andrew sabay tuloy tuloy na silang nagkainan. Nakakahiya talaga. Pero kumuha na rin ako ng mga pagkain. Syempre ang kinuha ko puro baboy, manok at tokwa. Masarap kaya ang mga ito. #^_^# "Ayaw mo ng gulay?" Biglang tanong sakin ng isa pang gwapo na guy. Si Paul yata ang name nito. "H-hindi ako mahilig sa gulay ee." Pabebe kong sagot. Hihihi.. ^_^v. "Kaya burog ang balat pati ang mukha." Biglang sabat ni L.Joe. Narinig ko ang hagikhikan ng mga ka-grupo nya. Kainis. Lagi na lang nya ko pinapahiya sa harap ng mga kasama nya. Mabuti pa si Andrew dedma lang. Tumingin ako sa kanya. Pero nagkamali ako. Dahil halos mabulunan na sya kakatawa. "Sige lang. Pagtulungan nio ko. Kapag ako gumanda. Hu yu kayo sakin." "Kumain ka ng maraming gulay. Baka sakaling may magbago." Tapos tinambakan ako ni L.Joe ng mga gulay sa plato. Siraulo talaga. >_ "At kailan ka pa naging tatay ko para maging concern sa balat ko? Ha?" Sabi ko sa kanya ng mataray. Nagtawanan ang iba. Hehehe.. nakaganti rin. Kahit papaano. "Tumahimik ka na nga lang at kumain." Inis na nyang sabi sakin. "Opo. TAY!" Sabi ko ng may pagdidiin. . . . . . Pinatawag ako ni Emogoloid sa kwarto nya. May importante daw kaming pag uusapan. Ano kaya yun? Nakaka-curious tuloy. Ang mabuti pa, puntahan ko na lang. *knock knock* "Pasok.." Ok. Parang nagbago yata ang ihip ng hangin ngayon ah? "Maupo ka." Anya. Wow! May nalalaman pala syang ganun. Hahaha. :D "Anong meron?" Takang tanong ko. "Nasabi na ba sayo ng manager namin na nagbabakasyon lang kami dito?" "Hinde. Bakit?" Nagtataka pa rin ako. "Next week. Were going back to Korea. And.. isasama kita." "What?! Hindi pwede noh! Marami akong binubuhay dito sa Pilipinas." Giit ko. Hindi naman kasi talaga pwede na basta ko na lang iwanan ang pamilya ko noh. Wala pa kong sira sa ulo. "Hindi pa rin naman magbabago ang sweldo mo. Kung gusto mo, dadagdagan ko pa." Sabi nya na itinaas pa ang mga paa sa mesa. "Hindi pwede L.Joe! Kailangan ako ng pamilya ko dito. Ako na lang ang inaasahan nila. Hindi pwede ang gusto mo." Naiiyak na ko. Napapikit sya na parang ayaw nyang makinig sa mga sinasabi ko. "Look. I don't care, with your shits ok? Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Pagdidiin nya. "Hindi nga pwede ee! Wala ka bang pang unawa sa buhay kahit konti? Kung gusto mo maghanap ka ng panibagong P.A mo!" Sigaw ko. Aalis na sana ako ng bigla pa syang magsalita. "Anong gusto mo? Sumama ka? Or makukulong ka?" Sarcastic ang pagkakatanong nya. "Anong ibig mong sabihin?" "Don't you remember na may kontrata ka? Kung ayaw mong sumunod sakin. Then. I'll see you in jail." Sa sobrang gigil ko sa kanya hindi ko napigilan ang sarili ko. "Siraulo ka talaga L.Joe!! Yaahh!" Sinugod ko sya sa kanyang kinauupuan at saka sinakal ng pagkahigpit higpit. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata mula sa singkit nyang mga talukap. Mas mabuti ng mapatay ko sya ngayon bago ako makulong. Ng sa gayon, makaganti man lang ako sa mga ginawa nya sakin!! >_ "Hoy! Nakikinig ka ba?" Nagulat ako ng bigla syang pumalakpak sa harap ko. Bigla akong nabalik sa ulirat. Imagination ko lang pala. "H-ha? Ahm.. pwede ko bang pag isipan?" Sabi ko. Yari. Wala na kong takas. "Dami mong arte. Sige na. Bilisan mong mag isip. Ayokong pinaghihintay ako." Inis nyang sabi. Lumabas na ko ng kwarto nya. Paano na? Anong gagawin ko? Pupunta ba ako? Paano ang pamilya ko? ~T_T~ KINAGABIHAN Tumawag ako Kay Mama, kailangan nya kasing malaman na aalis ako ng Pilipinas. Ayoko naman talaga, Kaya Lang wala akong magawa. Pirma ko ang nakalagay duon sa kontrata. Kapag umatras ako, sigurado akong kakasuhan ako ng manager ni L. Joe. Kung bakit ba kasi ang Bobo ko? Kung hindi ako nag madali ng mga araw na yun ee di Sana makaka alis na ako sa impyernong bahay nato. *Kriiiiiing* [Sa kabilang telepono] "Hello?" si Mama. "Hello ma? Kamusta kayo dyan?" nakangiti kong Sabi. "Eto ok Lang. Ikaw kamusta ka dyan? Salamat sa pagpapadala mo ng Pera anak ha. Ang Laki ng pinadala mo." halata ang Saya sa boses ni Mama. Napangiti ako Lalo. "Wala Yun nay. Ang mahalaga, napupunan ang mga kailangan nio Dyan. Oh nabayaran na ba ang utang natin sa tindahan?" "Oo naman anak, nabayaran na din ang upa sa bahay, kuryente at tubig. At saka bumili din ako ng mga kailangan dito sa bahay. At saka anak, Yung mga bayarin pala ni Jelo Lalo na malapit nang gumraduate ang kapatid mo sa high school." "Ok ma. Sige, sa susunod na padala ko. Dadagdagan ko na Lang ulit." "Ahm anak," "Oh ma.." "May sasabihin Sana ako.." sabay na Sabi naming dalawa ni mama. Natigilan kami at natawa. "Sige anak, ikaw na Mauna." "Hindi ma. Sige ikaw na Mauna.." "Hindi anak sige. Ikaw na.." "Sige na ma. Ikaw na Mauna.. Makikinig ako." "Ee anak.. Wag ka sanang mabibigla, Si Kuya mo kasi may asawa na." "Wow. Si Kuya?" nagulat ako. Bakit di ko Alam na may asawa na Yung kumag na Yun? "Oo anak, at saka buntis na Yung babae at pinalayas pa sa Kanila, Kaya dito na din maninirahan." Napahawak ako sa ulo. My goodness. Batugan na nga, pabigat pa. At nagdala pa ng dagdag na palalamunin sa bahay. Nakakainis din tong si Kuya ee. "Wala ba daw ibang matitirhan Sina Kuya? Ang sikip sikip na Dyan sa bahay." "Hayaan mo na anak. Malapit na din manganak si Lisa." Anya. "Ano?! Ibig sabihin matagal na yan? At si Lisa? Yung anak ni ate Tisay? Yung nakaaway ko dati?" Aba talagang.. "Oo anak ee. Hayaan mo na si Kuya mo. Maghahanap naman daw sya ng trabaho." "Pakisabi Kay Kuya, bilis bilisan nya paghahanap ng trabaho dahil malapit na kong sumabog sa mga pinag gagawa nya." galit kong Sabi. "Wag ka na magalit anak. Ang mahalaga, magkaka apo na ako." Hayyyyysss.. Kung pwede Lang manapok ng Tao gagawin ko na. Grabe na to. Overload na mga Pasanin. I guess.. "Oh anak, ano ba sasabihin mo?" "Ee ma, kailangan kong mag abroad. Dadalhin daw Nila ako sa Korea kasi yun Yung nasa kontrata." Sabi ko ng mahinahon at may konting paglalambing na din. "Ha? Naku anak, kailangan ba talaga yan?" halata ang pag alala ni Nanay sa kanyang mga boses. "Oo mama ee. Kakasuhan Nila ako kapag umayaw ako." Natigilan ng konti si mama. "Ee ano pa bang magagawa natin? Basta. Mag iingat ka dyan ha." "Opoma. Wag Kang mag aalala." "Basta, wag mo kakalimutang tumawag anak ha?" "Opo nay. Salamat po." Matapos ng aming pag uusap. Dumiretso na agad ako sa kwarto ni L. Joe. Kumatok ako. "Pasok.." Dahan Dahan akong pumasok sa kwarto nya.. "Oh? Nakapag isip ka na ba?" Hindi ko alam ang sasabihin ko kung Oo ba ako o hinde. Pero bahala na. Mabilis akong pumunta sa mga binti nya at niyakap ito at saka nagmakaawa sa kanya. Alam Kong diring diri na sya sa mga ginagawa ko. Pero wala akong pakialam. Basta. "Sir L. Joe, please. Ayoko po talagang umalis ng bansang Pilipinas Kong mahal. Ayoko po." pagmamakaawa ko. "What the hell Kim NaNa! Bitawan mo nga ako!" "Sir. Please. Ayokong iwan ang inay. Parang awa nio na. Pramis po. Pagsisibilhan ko kayo hanggang sa makaalis kayo dito sa Pilipinas." Sabi ko pa rin na humahagulgol. "Hindi Nga pwede! Hindi ka ba makaintindi? Gusto mo sabihin ko pa sayo sa Korean?!" sigaw nya na pinapaalis ako sa pagkakahawak sa kanya. "Sir. Di ako aalis dito at Di din kita bibitawan hanggat hindi nio ko pinapayagan." "Hindi nga pwede!" at saka ako hinawakan ng mahigpit sa mga braso ko at saka ako tinutulak. Alam Kong nanggigigil na sya. "Alis dyan!" anya. "Ayoko!" Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak ko sa kanya. Pero itinutulak nya pa din ako. Hinigpitan ko pa lalo pero sa hindi malamang dahilan bigla syang nadulas. "Ay Sir. Sorry." binitawan ko na sya. Mukhang nasaktan sya ee. Tumayo sya at natakot ako sa mukha nya nang biglang sobrang seryoso na. Tiningnan nya ko ng masama. Sobrang kinabahan ako. Wala akong nagawa ng bigla syang lumapit sakin at isinandal ako sa dingding! What the hell?! "Ang hina talaga ng utak mo noh? Sa tingin mo gusto din kitang isama dun? Baka gusto mong isampal ko sayo ang sasabihin ko. Gusto ko, makinig kang mabuti. AYOKO talaga sa mga katulad mo. Kaya kung pwede lang, umakto ka ng naaayon sa uri mo." mahina nyang sabi pero may pagdidiin. Napanganga ako. Huh! Ang kapal. At anong akala nya. Gusto ko din dito! Bigla ko syang naitulak. " Hoy L. Joe. Sumusobra ka na ha? " " Ano? Ako sumusobra? Hindi ka talaga titigil ano? Huh? " naningkit ang mga mata nya. Hindi rin naman ako papa talo sa ugok na to noh. Kung ayaw nya sakin. Mas lalong ayaw ko sa kanya. "Hindi talaga. Anong sabi mo? Ayaw mo sa mga katulad ko? Pwes, ipa pakita ko sayo kung ano meron ang mga katulad ko! Humanda ka! Yaaaahhhh!!!" naka fight mode ako ngayon sa harap nya. "Hindi kita aatrasan! Yaahhh!" naka fight mode din sya at tila pang Bruce Lee pa at saka hinawakan ang kaniyang ilong. Ilang sandali pa, sinugod namin ang isa't isa. Oo. Hinawakan namin ang isa't isa sa balikat! Para kaming mga bata na nanggigigil. Itinulak nya ko sa kanyang kama. At saka nya ako dinambahan ng kagaya sa wrestling. Hindi naman ako nagpatalo. Itinulak ko sya. At saka sinakyan at sinakal ang kanyang leeg. Ito na ang panahon para maka ganti ako sa hinayupak na ito. Pero bigla kaming natauhan ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni L. Joe. "Anong nangyayari dito?" Nagulat silang lahat ng makita nila kami. Ako na nakapatong kay L. Joe. At sya na nakahawak sa mga braso ko. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness. **Living Room** Nahihiya pa rin akong tumingin sa kanilang anim. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Para kaming mga bata na nagwawala. Hayyyss. "Kim NaNa." Nagulat ako ng tinawag ako ni Andrew. Naku. Ano kaya iniisip nito sakin? Na r****t ako? Kakahiya kay Crush ko. "Next week, aalis na kami papuntang Korea. And we don't have any choice kundi isama ka." sabi nya. I guess wala na talaga akong magagawa. Hindi na lang akong umimik. Hindi din ako makatingin kay L. Joe. Nakakahiya ee. "So I need you to get your passport done at mag aral ka na din ng Korean ok?" sabi nya pa in a serious face. Galit ba sya? Hindi kaya, nagseselos sya? Ehe! Haba naman ng hair ko kapag ganun nga. U'm-oo na lang ako at saka umalis na sa harap nila. Dumiretso ako sa kwarto ko. Hayyys. Ano ba yung mga pangyayayaring yun? Hindi ako makapaniwala. Parang ang saya. Ay Kim NaNa! Focus! Focus. Kailangan mo pang mag asikaso noh. At next week, aalis na kayo ng Pilipinas. Hayys.. Goodbye Philippines na talaga. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD