Kim Nana Pov
Ok na ang lahat. Ngayon ang araw ng alis namin papuntang Korea. Actually, wala akong idea kung bakit pumayag si mama. Alam ko kasing mahirap para sa kanya ito dahil na rin sa pagka wala ng aking ate ng bawian ito ng buhay dahil sa pagmamaltrato sa ibang bansa. Kaya alam Kong, hindi talaga sya Papaya.
Pero mabuti na rin ito. At least mas malaki pa ang maipapadala kong pera sa kanila. Dahil may dalawa na kong kailangan pang idagdag sa sususustentuhan ko. At iyon ay anng mag ina ni Kuya. Tapos may mga kapatid pa ako na maliliit na pinag aaral. Nangako rin kasi si L.Joe na dadagdagan nya ang sahod ko.
Habang nasa Airport kami. Full force ang lahat sa pag alis namin. Magmula sa mga ibang staff nila na mga Koreans kasama na rin ako dun hanggang sa anim na kalalakihan na mga ito. Marami ring mga pinoy fans ang nandito. May mga kanya kanyang dala ng banner ng mga grupo at may mga lightning sticks pa. At saka hiyawan ng hiyawan at tawag ng tawag sa mga pangalan nila. Halos mabingi na nga ako dito ee. Ngayon ko lang talaga na realize na, sikat pala talaga sila ano? Pero Bakit kaya hindi ko sila kilala. Ehe!
Nasa eroplano na kaming lahat. Kabado ako. Ito ang unang pagkakataon na sasakay ako ng eroplano. Kaya sari sari ang mga nararamdaman ko. Para akong masusuka na ewan. Hay~ sana maging ok lang ang lahat.
SEOUL SOUTH KOREA
[Incheon Airport]
Pagdating namin duon. Halos mangliit ako. Sobrang ganda ng Airport na ito. Ang ganda ganda, ang bango bango at ang lamig ng hangin. At hindi lang yun, Lahat na ng nakikita kong mga tao ay mga kalahi na ni L.Joe. Parang bigla kong namiss agad ang Pilipinas. Gusto ko ng umuwi. Waaahhh! o>_<o~
"Ok ka lang?" Tanong sakin ni Andrew. Habang umakbay sya sakin.
Ayiieee. Kilig ang lola niyo.
"Ah. O-oo. Ok lang ako." Sinungaling.
"Sigurado ka? Mag enjoy ka dito ha?" sabi nya na nakangiti pa rin at saka tinapik ako sa balik at saka umalis na rin.
"Oo. Ok lang ako." bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan syang umalis.
Wait guys. Kinikilig ako.. Kyaahhh! Kalantong ko! Hahaha..
Pero maya maya biglang may dumagan na mga bagahe sa bagahe ko na tulak tulak ko sa isang cart.
"Hoy, ano bang ginagawa mo dyan? Imbis na makipaglandian ka, dalhin mo to para naman may pakinabang ka Kahit konti." si L. Joe habang naka shades at saka umalis na rin. Ang Taray.
Ano bang tingin nya sa ginagawa ko. Di ba bitbit ko na mga gamit nya? Di pa nakuntento dinagdagan pa. TSS. Siraulo talagang emongoloid na to.
Matapos niyon ay nagmamadali na kaming sumakay sa sasakyan. Halos lahat ng mga fans kasi nila ay nandito. Tsk. Nakaka pressure talaga kapag ganito. Sana hindi na lang ako pumayag. T_T
Nang makarating kami sa bahay nila. Napa wow! Na naman ako. Kasi naman mas doble ang laki nito kesa sa tinutuluyan nila sa Pilipinas. At syempre! Mas maganda na rin ang kwarto ko. May sarili akong tv, telepono, malambot na higaan, cabinet, at may mga furniture pa. Ang ganda talaga! ?
Inorient na rin ako ng iba nilang mga staff sa mga dapat gawin. Tapos kung ano ang mga tradition nilang ginagawa. Hehehehe.. medyo masaya naman kahit papaano. Marami akong nakilala. At mukhang mabait naman sila. :)
Kinagabihan, nagkaroon sila ng welcome home party para sa grupo sa isang night club. Maraming tao dito. Lahat mga naka bihis ng magagandang outfit. Lahat, elegant. Lahat mga naka make up. Lahat magaganda. Samantalang ako, eto. Mukhang tinapa na nilalamig sa tabi tabi. *sigh*
Nandito na rin ang manager nila, mga staff, mga producer, at kung sino sino pang mga tao na hindi ko na alam kung anong ganap nila. Grabe! O.P na nga ako ee. →_→
Lahat sila ay nagkakasayahan na. Samantalang ako nandito lang sa isang sulok ng counter. Walang pumapansin. Hindi ko na rin sinubukang makisali sa kanila dahil hindi pa ko nagsisimulang basahin ang dictionary. Inom inom lang ako. Tingin tingin sa mga sumasayaw. Hay~ gusto ko na talagang umuwi samin. Bakit pa kasi ako sumama sa kanila. Wala rin naman akong ganap dito. ~T_T~
Maya maya pa ay bigla ko na lang naaninag ang isang magandang paparating na babae. Patungo sya kay L.Joe at saka tumabi sa kanya. Aww. Sana all. Ganun pala kalakas ang dating ng girlfriend nya. Samantalang ako. Nganga. Teka. Ano bang pinagsasabi ko?
"안녕~" Ay tae! Nakakagulat naman tong lalaking to na bigla na lang tumabi sakin. Mukhang lasing na kaya Nginitian ko na lang at saka nag bow. Grabe. Ang panget nya. Alam kong panget ako. Pero mas panget sya. Lapad ng mukha. Sorry. Sa true lang tayo.
"이루미 얻덬해 다십니가?" Biglang sabi ng lalake. Hala ka. Hindi naman ako nakaka intindi ee.
"Eerr.. sorry. I don't speak korean." Sabi ko para di na nya ako kausapin.
"어도심니가?" Sabi nya pa.
Hala sya. Ano ba? Hindi nya ba ako titigilan? Sabi ng hindi ako marunong mag korean ee. Haruu.. ?
Hindi ko na lang sya pinansin. Malapit na sumabog utak ko sa mga sinasabi nya ee.
"I sid.. uhm.. w-was yur niym?" Sabi ng koreano.
Sa wakas! Nag english din. Thank you!
"Ah! Ahahaha.. sorry. I don't speak korean well. My name is Kim Nana." sabi ko ng natatawa sa sarili ko. Di ko alam. Natatawa ako ee.
"Oke, my niym is tea sung." sabi nya in a lashing way.
"Ok. Nice to meet you." Sabi ko just to end the weird convo.
"Do you have a boyfriend?" sabay hawak nya sa legs ko.
Aba. m******s to ah. Bakit ako hinawakan nito sa legs ko? Anong akala nya? Type ko sya?
Inalis ko yung kamay nya sa pagkakahawak nya sa legs ko.
"Excuse me. Don't touch me." I said in a serious face. Winawarningan ko na sya.
Tumawa sya.
"I just.. want to.. Know you.. You know.. So.. Do you have a boyfriend?.." saka nya ako nilapitan at saka hinawakan ulit sa braso.
Siraulo to ah. Baka gusto niong makati Kim ng power punch ko.
"I said. Don't touch me!" napasigaw na ko.
Nagulat ako ng bigla akong hablutin ng lalaki at saka ako hinawakan sa bibig ng mahigpit! Shuta! Lasing na ang LAKAS pa rin! At ang sakit ha!!! May sinasabi din sya na di ko maintindihan.
"Dangsin-i nugurago saeng-gaghabnikka? Huh? Dangsineun naluel geobuhal gwonliga eobsseubnida I changyeo!"
(Translation: "Sino ka ba sa akala mo? Huh? Wala kang karapatang tanggihan ako. Puta ka!")
Dahil na rin sa nasasaktan ako at gigil ko. Naitulak ko sya.
"Siraulo ka ah! Bakit mo ko hinawakan ha?! **** ka ah!" nag mura na ko. Di ko na mapigilan ee. Winawalanghiya na pagka babae ko neto ee.
"Yah! Dangchyeo gaenyeon-a!"
(Translation: "Yah! Shut up b***h!"
Nagsimula na rin kaming pagtinginan ng iilang mga tao.
"Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo! Kaya pwede ba?! Layuan mo ko!" sigaw ko.
May ilang mga kalalakihan na rin na umaawat sa lalaki.
"Aniyo! Naega I sonyeoege gyohun-eul jul geosida!"
(Translation: No! I will teach this girl a lesson!")
Maya maya bigla akong sinugod ng nag aamok na lalaki. Naka ramdam ako ng takot kaya napapikit ako. Akma nya akong sasampalin. Pero.. Pero..
Nagulat ako ng biglang hawakan ni L. Joe ang kamay ng lalaking lasing na yun. My gosh. Natulala ako. Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Tila, natigilan naman ang lalaki sa kanyang Pag aamok. SObrang seryoso na kasi ng mukha ni L. Joe.
"L. Joe.. Jebal. Ulileul Banghaehaji masibsio. I. nae kkeoya." sabi ng lalaki.
(Translation: "L. Joe.. Please. Don't interfere with us. This. Is. Mine."
He smirked.
"Geuligo nuga dangsin-ege geuleon mal-eul haesseubnikka? Yah.. I sseulegileul jalla beolimyeon. Seolo dachige hajj malja. Eung?"
(Translation: "And who said that to you? Yah.. If you cut this crap. Then.. Let's not hurt each other. Ok?"
Tumalikod na si L. Joe pero biglang sumigaw ang lalaki ng kung ano man yun at saka sya susuntukin pero na unahan sya ni L. Joe. Isang malakas na suntok ang nakapagpatumba sa kanya. At talagang nagulat kaming lahat! Laglag panga ko sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala. Sinave ako ni L. Joe. O-Em-Ji!!! Kinikilig ako. Pero mas lalo akong nagulat ng hablutin nya ko palabas ng club at saka sumakay na sa van at saka dire diretso na bahay.
Sa buong oras na nasa sasakyan kami. Wala kaming imik sa isa't isa. Di pa rin ako makapaniwala. Sinave nya ko sa bakulaw na yun. Akala ko masasampal na ko. Pero buti na lang. Biglang dumating si L. Joe beybe.. Nakaka touch naman ang ginawa nya. Dahil dyan. Plus pogi points ka sakin! Ehe!
Tiningnan ko yung kamao nya na sumuntok dun sa lalaki. Medyo namumula. Aww. Wawa naman yan sya.
"Ahm.."
"Wag ka nang magsalita. Masakit ang ulo ko. Kung mag sosorry ka. Bukas na lang." bigla nyang sabi in a very cold way.
Bigla akong nanlamig sa pakitungo nya sakin. Ang sungit. May topak na naman. Di pa nga ako nakakapag salita pinigilan na agad ako. Hmp! Kapag nagging ganyan sya parang gusto ko syang dagukan. Pero yaan na nga natin sya. Ang mahalaga Sinave nya tayo! Kaya bukas na lang kita pasasalamatan gaya ng sabi mo. Hihihi..
L.Joe Pov
Nagkukwentuhan kaming lahat, Habang Katabi ko ang girlfriend ko. Actually, masaya ako dahil nakabalik na ko sa Korea. And I'm sure. This is gonna be more difficult dahil sunod sunod na aming mga project. Anyway, let's not think about that. We're here tonight. To celebrate the whole day! Sold out na din kasi ang aming mga album in just 24 hours. Super happy ako!
"Babe, Punta lang akong CR ha?" sabi ni Sophie.
"OK sige." sabi ko. Tiningnan ko sya habang paalis sa kinauupuan nya.
Pero, bigla ko na lang naalala si Kim Nana. Tama. Nasan na kaya yun?
Luminga linga ako. At halos mainis ako ng makita kong nakikipag kwentuhan sya kay Tae Sung. Medyo sinto sinto pa naman ang lalaking yun kapag nakakainom. Tiningnan ko silang dalawa. Mukhang OK naman silang nag uusap. Ibinalik ko na ang tingin ko sa mga kausap ko. Pero bigla na lang kaming nagulat ng marinig naming may nag aaway na. Boses ni Kim NaNa at Tae sung. Agad ko silang nilapitan.
Nasa gilid lang ako habang nag aaway sila. Malamang hindi nila maintindihan ang isa't isa. Nagmamasid lang ako sa mga mangyayari. Buti na lang at Inaawat na si Tae sung ng iba naming mga staff. Pero maya maya bigla na lang nyang sasampalin si Kim NaNa kaya Mabilis Kong hinawakan ang kamay nya Para awatin. Wala naman akong balak makipag away sa lalaking to. Pero ano daw sabi nya. Pag mamay ari nya si Kim NaNa? Nakakatawa. Wala namang para sa kanya kaya sinabihan ko na lang syang tumigil na. Tumalikod na ako pero bigla Kong narinig ang sigaw nya na ang yabang ko daw. At alam Kong susuntukin nya ako kaya inunahan ko na sya. Anong akala nya sakin. Bobo? Alam ko namang galit to sakin matagal na. Pero wala akong paki alam. Teka. Masakit yun ah. Aish~ nabangasan tuloy ang kamao ko. Alam Kong kakalat to sa social media kaya hinila ko agad si Kim NaNa palabas ng Club para umuwi na lang.
Habang nasa sa sasakyan. Nagtetext sakin si Sophie. Nagagalit na may halong Pag aalala.
Hinayaan ko na lang sya. Wala rin namang patutunguhan kung mag aaway pa kami ng dahil lang kay Kim NaNa.
"Ahm.."
"Wag ka nang magsalita. Masakit ang ulo ko. Kung mag sosorry ka. Bukas na lang."
Kakainis kasi. Kung hindi dahil sa babaeng to hindi sana mangyayari ang g**o nato. Pero, kailangan ko syang protektahan para naman maging aware sya sa bansa namin na Hindi lahat kailangan pagkatiwalaan.
***KINABUKASAN***
Nandito ako sa kwarto ko. Paikot ikot. Magmula kasi nung umaga, hindi na kami nagkikibuan ni L. Joe. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa pagtatanggol nya sakin kagabi. Ano kayang gagawin ko?
Napahiga ako sa kama. Tiningnan ang aking kisame. Ano kaya ang magandang sasabihin sa kanya? Shocks. Kinikilig pa rin ako kapag na-aalala ko yung ginawa nya. *sigh* my hero. *heart eyes*
Sa kaiisip ko, hindi ko na namalayan ang oras. Oras na pala para mahalin si L. Joe.