Chapter Nine: Puppy

2566 Words
[6:00am] Nandito ako ngayon sa harap ng malaking ospital. Dala dala ko ang mga prutas at bulaklak para sa pa-sorry effect kay Sophie. Hindi ko man gusto ito pero tinanggap ko na lang para wala ng bangayan. Nakarating na ako sa room. Nakita ko yung lima nyang mga kasama. Sina Andrew, Si Paul, ,Nick, Neil at Ricky. Nahiya ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ricky. "Ah~ pinapunta kasi ako ni L.Joe dito ee." Sagot ko naman. "At talagang may gana ka pang magpakita dito matapos ng ginawa mo?" Sabad ni Neil. Hindi na ako nakasagot. Akala naman ng mga mokong na to ay gustong gusto ko ang ginagawa ko. "Hinde Noh!" "It's ok. Pumunta yata sya dito para humingi ng sorry right?" Afterall. Nagtatagalog din pala ang sikat na miyembro ng Fiction Girls na si Sophie! Mabuti. Para magkalinawan kami. "Uhm. Miss Sophie, sorry po sa nagawa ko." sabi ko. Pero syempre. Plastic lang yun. "Halatang hindi ka naman sincere." Sabad na naman ng Neil na to. Ano palang gusto nito? Lumuhod ako sa harap nya? Tae nya noh. "Ano ka ba Neil. Ok lang yun. Apology accepted." Nakangiting sabi ni Sophie. "Mukhang mas magkakasundo kayo kung aalis muna kami." Sabi ni Andrew. "Sige. Aalis muna kami." Sina Paul at Nick. Pagkalabas nung lima, yung kaninang mala anghel na mukha ni Sophie, ee naging impakta na! "Alam mo bang may TV guesting kami ngayon? Pero dahil sa ginawa mo. Hindi na ko nakapunta?" Mataray nyang pagkakasabi. "At ako talagang dinidiin mong gumawa nyang sugat mo?" Bigla syang tumawa ng nakakainsulto. "Alam mo, hindi ka rin pala tanga ang bobo mo pa. Paano yan? Ikaw na ang madidiin dahil nag sorry ka sakin. At lalo lang silang naniwala sayo." Sabay tawa nya ulit. Alam niyo yung pakiramdam na masarap manambunot ng buhok? "Napaka inggrata mo palang babae ka." "Talaga! Alam mo kung bakit? Because i dont like you! Gagawin ko ang lahat mapa alis ka lang dito!" "Ows? Di nga. Well.. goodluck na lang sayo. Dahil hindi ako papayag." Sabay talikod ko sa kanya. Aalis na sana ako ng may bigla akong naisip. "Oo nga pala. Yang mga bulaklak, galing pa sa purinarya yan. Kaya ingatan mo. Baka pwede mong magamit." Matapos nun, nilayasan ko na sya. Tch! Hindi ko sya uurungan noh. Kahit anong gawin nya. Hindi ako natatakot sa kanya. Sophie Pov Ang kapal ng mukha ng babaeng yun! Ang akala nya siguro wala akong kayang gawin sa kanya? Argh! I really hate her! Tiningnan ko ang mga bulaklak na sinasabi nya. Inihagis ko iyon. I will ruin her life! Magsisisi sya na ako ang nakabangga nya! I hate you Kim! ? ***The Other Other Day*** Pictorial ngayon ng teentop. Kaya busy na naman ang peg ko. At syempre, tulad ng dati. Nasa isang sulok na naman ako. Naghihintay hanggang sa matapos ang kanilang picturan. Habang naghihintay ako, hindi ko napigilang mapatingin sa kanila. At infairnes! Lahat sila kabog! Mula sa buhok hanggang sa sapatos. Panalo! ? And of course, hindi ko rin napigilang pag-interesan si L.Joe. Ang gwapo niya pala. Mukha syang anime with his new hairstyle at color. At favorite color ko pa. Violet! Ay ang saya! ?? Sa lahat ng mga kinukuhaan ng picture sya ang pinaka cool. Pero mas macho sa kanya si Cap at astig. Pero iba talaga ang aura ni L.Joe. Kaya hindi din nakakapagtaka na marami syang fans. Teka. Bakit ko ba sya tinititigan? Hanubayan. Para akong sira. ? Gising Kim! Giseng! . . . . . . . . . . . . "Uy Kim.. Gising. Gising.. Huy!" -L.Joe. "Mmm." "Meron pa kaming pictorial para naman sa bench product. Kaya matatagalan pa. Okay lang ba?" "Mm.. Oo. Ok lang." "Aish~ punasan mo nga yang laway mo. Nakakahiya ka ee." "Sorry napasarap lang." ? "Ano ba yan. Tumulo pa sa bag ko." "Ay sorry. Punasan ko na lang." ? "Tsk! Malamig dito. Dun ka na lang sa Van." "Naku, ok lang ako dito. Wag na." "Bahala ka." . . . . . . . . . . . . . . . Haayy! Ang ganda ng gising ko! Napasarap yata ang tulog ko. Hihihi.. ? Pero bakit ang weird. Bakit nasa kwarto ako? Umuwi ba ako kanina para matulog? Teka. Ang alam ko nasa isang photoshoot pa kami ah? Hala. ? Paano ako napunta dito? Inengkanto ba ko? Naku, hindi naman sana. Lumabas ako ng kwarto. Tiningnan ko ang mga gamit nila. Wala pa dun. Oh my! Kinilabutan ako bigla! ? Hindi kaya talagang inengkanto ako? Waaaahh! Mama! ?? Dahil wala sila. Hindi ko na inisip kung bakit ako pumasok sa kwarto ni L.Joe. Ewan. Gusto ko lang. Na-cucurious lang ako. Gusto ko lang malaman kung anong madalas nyang gamitin na lapis kapag nagsusulat ng kanta. Mongol kaya? Ano kayang brand ng toothpaste nya? Ee yung shampoo nya? Sabon? Mga damit? Papasok na sana ako sa banyo ng bigla naman itong bumukas. Ngek?! *PANIC PANIC* Nandito pala sya?! Teka. Anong sasabihin ko kapag nakita nya ako dito? Tae! Sisigawan na naman ako nun. Dahil sa sobrang tense ko pumasok ako sa closet nya. Ay tanga! ? Sa totoo lang, wala akong balak samantalahin ang mga pagkakataong ito. Hindi ako buang para silipin sya. Magkasala pa ko. Teka. Bakit ba ang init dito? And shemay! Papalapit na si L.Joe dito. Anong gagawin ko? Masyadong masikip dahil maraming mga damit! Hala! (Pagbukas ng closet) "Aaahhhhhhhhhhhh!! Woi! Bakit nandito ka?!" Gulat na sigaw nya. "W-wala.." "Siraulo ka! Sinisilipan mo ba ko?!" Hala ka. Feelers na naman neto. "Wala akong nakita noh." ? "Imposible! Lumayas ka nga dyan!" Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin palabas ng cabinet nya. "Sinasabi ko na nga ba ee. Lihim mo kong pinagnanasaan!" "Huy! Excuse me. Wala ngang kamanyak manyak sa katawan mo noh!" Oops! ? "Aaaaahhh! Alis dito! Walang hiya ka! Alis!" "Ok fine. Di kailangang sumigaw.." Lumabas na ako ng kwarto nya. Wala na kong dapat pang sabihin. ? Pero ang totoo nyan.... ughhhhh~ Kainis! Paano ko kaya makakalimutan yun? :( Dapat hindi ko na iniisip yun. Kababae kong tao ganyan ang tuamatakbo sa utak ko. Arrrghh! Ayoko na!! L.JOE POV Pagkatapos ng pictorial, nakatulog na talaga si Kim Nana. Dapat pupunta kami sa club for hang out after this tiring work. Kaya lang, kawawa naman tong isa na to kung iiwan ko lang sya mag isa dito. Kaya naman hinatid ko na sya sa bahay at saka binuhat papunta sa kwarto nya. Oo. Yun ang ginawa ko. Bakit ba? Anong pake nyo? At dahil mabigat tong binuhat ko na ito, pinagpawisan ako ng sobra. Kaya naman naisipan kong maligo na muna. Matapos kong maligo, pusang galaa! Nakakita ako ng halimaw sa cabinet ko! Grabe! At paano naman sya nakapunta dun? Kung makikita mo ang itsura nya, pawis na pawis at pulang pula ang kanyang mukha. At ang hindi talaga maalis sa isip ko, ay kung nakita nya kaya talaga tong.. HAAAYYY~! (AFTER SEVERAL MINUTES) Hinanap ko si Kim Nana sa bahay. Baka mamaya.. kung anu ano na ang ginagawa nya sakin sa isip nya. Yuck! Kadiri! At ayun, nakita ko sya sa garden. May binabasa syang libro at tumatawa mag isa. F***K! Hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Humanda ka! >. "Woi! Anong tinatawa tawa mo dyan ha?!" sigaw ko sa kanya ng pagalit. "To naman,, nakakagulat." "Magtapat ka nga sakin? Ganun mo na ba ko kagusto? At pati sa cabinet ko ay iniistalk mo ko? O baka naman? p*****t ka lang talaga?" "Ano? Ano bang pinag sasabi mo ha? Gwapo ka ba para pagnasaan ko ha? Porket tumatawa lang mag isa baliw na agad? Hindi ba pwedeng may iniisip lang ako? Ha?" >. "Ee ano nga kasing ginagawa mo dun sa cabinet ko?!" Bigla syang namula. "Uhh.. ano.. wala.. hindi ko nga alam kung paano nangyari yun ee." Hindi na ako nakapagpigil sa kanya. Nilapitan ko sya at saka hinawakan sya sa balikat. "Ikaw ha? Hindi ko alam kung anong intensyon mo sakin pero kahit na anong gawin mo, hindi mo ko makukuha.." KIM NANA POV A-ano bang sinasabi ng lalaking to? Mas makapal pa sa dictionary ang kakapalan ng mukha nia ee. Pero bakit ganun? H-hindi ko mapigilang kiligin sa gwapong lalaking nakaharap sakin ngayon.. ano ba? "Oppa!" Si Sophie. Ulet. Kahit kailan talaga panira ng moment to. >. "Hyung~ ano bang ginagawa mo?" Si Neil. "Ah. Wala." mabilis nyang tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko. Aww. -.- Agad syang nilapitan ni Sophie. "Oppa~ Mwohago issni?" (What are you doing?) "Wala. Nakalabas ka na pala ng ospital bakit hindi mo ko tinawagan?" sabi nya naka seryoso na ang mukha. "Wala lang gusto lang kitang sorpresahin. Tara kain tayo sa labas." Napatingin si L.Joe sakin. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng lungkot. Selos mode? Nah! -_- "Okay sige.." sabay alis nilang dalawa. Naiwan ako sa mga kasamahan nya. Sinundan ko sila ng tingin. Nagulat ako ng biglang may bumulong sakin. "Asa ka pa." Si Neil. Ano daw? Ang kapal ng malaking mata na to piling pogii!! Haaaaaayyyyyyyy! 9:51PM SA BAHAY Nakahiga na ako sa'king higaan. Pilit kong sinasara ang mga mata ko at nililibang ang aking sarili para ako ay antukin. Ang kaso.. daig ko pa ang nagkape ng sampung baso dahil hindi talaga ako makatulog. Kaasar. Sa twing naaalala ko yung nangyari kanina sa closet ni L.Joe at saka yung pagtingin nya sakin nagwawala ang mga hormones ko! Waaahhhh! >/// Dahil hindi talaga ako makatulog bumaba na lang ako sa kusina para uminom ng gatas at ng makatulog na. Ang kaso hindi ko nabubuksan ang ref ng biglang.. "Gising ka pa?" "Ay tae ng kalabaw!" At dahil dyan natapilok pa ako sa sarili Kong paa ay bubu.. Natawa sya sa sinabi ko. Kainis ang cute nya ngumiti.. *///* "Tinatanong lang kita kung bakit gising ka pa hindi yung ebak ng kalabaw." anya. "Ee kasi naman ikaw. Bigla bigla ka na lang sumusulpot sa likuran ko noh.." Napairap ako sa kanya. Sabay tanong ulit. "Ee bakit ikaw.. bakit hindi ka pa natutulog?" "Hmm.. ee sa hindi ako makatulog ee." "Ganun ba.." nawalan na ko ng sasabihin sa kanya. "Tara. inom tayo sa labas." "ha?" O-EM-JII. Niyaya nya kong makipag inuman sa kanya. Totoo ba to? "Huwag ka na ngang tumunganga dyan.. nagmumukha kang engot ee. Tara na!" Tapos sinakay nya ko sa sarili nyang kotse. Hm! Kabog! Tapos dinala nya ko sa .. ano.. ano ba yun? Yung mga inuman na sa tabi lang ng kalsada tapos nagluluto ng mga teokppokki at fish cake. Umupo na kami sa may dulo at saka sya umorder. Ng dinala na samin ng manang, nagulat ako, sandamakmak na soju ang nasa harap ko! Wow! Joke. Anim lang. Epal. -.- "Uy, baka may makakilala sayo dito ha?" "Ano ka ba? Kaya nga tayo naka jacket na may hood at naka sombrero ako para walang makakilala satin dito. At saka, walang kabataan ang nag iinuman dito. Lahat sila mga nagtatrabaho sa kung saan saan.." Napanganga ako. Oo nga pala ano? Hindi ko naisip yun. Hehehe.. :D "Ee nag aalala lang naman ako sayo baka mamaya, dumugin ka nila dito. Teka, sigurado ka bang kaya mong ubusin yan?" tanong ko sa kanya. "Anong ako lang? Kaya nga kita niyaya dito ee.." What?! Excuse me L.Joe hindi ako nag iinom noh?! Mabait akong bata. "Ok." Yun na lang ang sinagot ko para matapos na ang usapan na to. Wala pang dalawang segundo ng uminom na sya ng soju. Tapos ng isa pa, tapos ng isa pa ulit. Tapos ng isa pa, at inulit nya pa. Tapos, tapos na. De Joke lang. "Huy, baka naman gusto mong magdahan dahan sa pag inom nyan, may pinag dadaanan ka ba?" sabi ko sa kanya. "Ee ayaw mo pa kasing uminom ee." "Ayaw mo naman malasing nyan?" ismid ko sa kanya. "Yun na nga ang pakay ko ee." Nagulat ako sa sinabi nya. Shem. May pinagdadaanan ang cute na poging ito? How sad. :"( "May problema ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nag aalala ako sa kanya baka mapano sya dito. Kung nanghihimasok man ako sa buhay ng may buhay wala na kong pake alam. Basta, ayokong nakikita syang ganito. WAIT. Did i just say that? O_o Oh no. Erase erase.. "Nag away kasi kami ni Sophie ee. Hindi ko sya maintindihan. Ng dahil lang sa.... sa.... sa... isang walang kwentang tao." L.JOE POV "Ako ba yun?" sagot nya agad sakin. Nagulat ako sa kanya, hindi ko akalain na mahuhulaan nya agad. Kahit paminsan minsan may utak din naman pala sya. "Wag ka ngang sira. Hindi ikaw yun." Sinabi ko na lang para wala na syang isipin. "Sigurado?" "Oo nga! Kaya tumigil ka na." Tiningnan ko sya ng may inis sa mukha ko. Kadiri talaga tong babaeng to kung kumain walang ka-class class. Tch. -_- "Hoy, magdahan dahan ka naman kumain, kulang na lang lamunin mo pati yung mga plato." "Ang sarap kaya.." sagot nya sakin. Natawa ako sa kanya. Kahit kailan talaga napaka natural lang nyang makitungo sa mga tao. Kaso dapat ginagamit nya sa tamang oras at panahon. Sayang ang ganda nya. WAIT! Did i just say that? Sya maganda? C'mon. O_o Oh no. Erase. Erase. "TAKAW! Kumain ka nga ng maayos! Para kang baboy!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis! >. "Kailangan pati pagkain ko pake alamanan mo?! Sino ba may pinagdadaanan dito?! Di ba ikaw?!" Sumigaw na rin sya. Walanghiya talaga to. Napansin kong napatingin na samin ang mga tao. "Oh sya tama na.. pinagtitinginan na tayo ee." Hindi na sya kumibo. Maya maya napatigil na sya sa pagkain. "Ahmm.. L.Joe, paano ba kayo nagkakilala ni Sophie?" "Kami? Ahh.. nagkita kami sa isang T.V Show. At parang na love at first sight ako sa kanya, ang ganda nya kasi ng araw na yun. Tapos kaibigan pala sya ni Ricky, kaya ayun, niligawan ko sya." KIM NANA POV Para akong tinapunan ng maraming alikabok sa mukha. At parang sinasabi ng isip ko. KIM NANA, WAG KA NG UMASA, NA LOVE AT FIRST SIGHT SYA, KAYA TALO KA NA. Hindi ko na lang pinansin ang nasa isip ko, kainis.. >. "SSSSHHH.. Alam nyo, kung ano man ang pinag aawayan nyo dapat resolbahin nyo agad. Hindi yung ganyan. Sayang ang relasyon nyo." Sabi ko sa kanya. Tapos napainom na rin ako. "Ee kasi.. pinag seselosan nya yung... yung... yung tutang napulot ko sa kalsada." "Oh? Kala ko ba tao yun? Bakit naging tuta?" "De Joke lang yung kanina." "Ah.. oh ano pa?" *inom*inom*inom*inom "Yung tutang yun kasi.. makulit, maingay, at tahol ng tahol. Simula ng tumira sya bahay ko, luminis sya at gumanda tapos dinala ko dito sa Korea. Hindi alam ng tuta, na kahit ayaw ko sa kanya dati, ee unti unti ko na syang nagugustuhan dahil sa pagiging natural nya.." "Teka nga! Di pa ako lasing ha? Di ba kasama mo rin ako sa bahay? Bakit wala akong nakitang tuta na alaga mo?" "Aishh! Kumain ka na nga lang at uminom." tapos sinubuan nya ako ng fish cake sa bibig. *inom*inom*inom*inom*inom "Ok sige,, continue..." medyo nahihilo na ko. Malakas pala ang tama ng alak nato? "Wala na.. tara na nga at umuwi na tayo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan ee." sabi nya sakin. Kaso nahihilo na talaga ako. Dumudoble na ang paningin ko at parang matutumba na ako. Shemay,, naka ilan ba ko??? BBBBBBBBBBBBBBBBBLLLLLLLLLLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNKKKKKKKKKKKK!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD