**************
Nakatingin ang lalaking may edad na larawan ni janessa tsaka nya ito ipinakita sa mga tauhan nya.
"Gusto kong hanapin nyo tong babaeng ito nakabalik na sya sa pilinas"Nakapalamig ang tonong pananalita nya.
Nakatingin lang sya sa matuhan nya.
"Masusunod po sir" Sabay sabay na sagot ng mga tauhan nya.
"Maayus nyo syang dalhin sakin hawak sya ngayon ng anak ni mr cojuangco! Lumakad na kayo ayukong nasasayang ang natitirang oras!!" Agad namang kumilos ang mga tauhan nya.
May mga ngiti ito sa labi habang nakatitig sa larawan na hawak nya.
Malapit na ulit kitang makita janessa matagal ng panahon na hindi tayo nagkita kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.
Gagawin ko ang lahat makuha lang ulit kita alam kong handa kana alam kong kaya muna.
Ang laki na ng ipinag bago mo! Kagayang kagaya mo ang iyong ina.
------
Kalat na sa buong mundo ang paguwi ni janessa sanchez sa bansa nyang sinilangan.
Kilala sya sa buong mundo dahil sa kasitan nito sa ibang bansa bilang isang modelo.
Ngunit tama ba ang naging desisyon nyang ibunyag na nadito na sya sa pilipinas.
Naalarma nadin ang iba dahil bumalik na ang kaisa isang anak ng sanchez lalong lalo na ang mga gusto pumatay sakanya.
Handa na kaya syang tahakin ang mundong iniwan na kanyang mga magulang.
Tahimik lang na kumakain si janessa kasama si sean hindi parin mapakali si janessa kasi pakiramdam nya nasa paligid nya lang yong mga gustong pumatay sakanya.
"Ayus ka lang ba kanina kapa hindi mapakali?" Nagaalala namang tanong ni sean sa babaeng mahal nya hinawakan nya ang kamay nito.
Lubos na nagaalala na si sean sakanya kasi ilang araw na syang ganyan.
"Gusto ko ng umuwi masama ang pakiramdam ko" Malungkot nyang sagot sa lalaki agad namang tumayo si sean para alalayan sya sa paglalakad.
Hindi maiwasan ng ibang kapwa nila studyante na tignan sila dahil sa kaagaw agaw pansin nilang taglay.
Nakarating na sila sa bahay ng Cojuangco family dito na sya pinatira ng magulang ni sean para mabantayan nila ito ayaw na nilang maulit pa ang nangyari noon gusto nilang bumawi kay janessa dahil sa tapat na naglingkod ang kanyang ina sa pamilya nila.
"Iha maayus naba ang pakiramdam mo?" Kita sa mga ng ginang kung gaano siya nag aalala para sa dalaga.
"Maayus na po ako tita wag na po kayong masyadong magalala" Magalang na sagot ng dalaga.
"Wag mo ng masyadong iniisip ang mga masasamang tao un may ikalalagyan din sila" Mahinahon na sabi nito kay janessa ngumiti at tumango lang sya tsaka ito tumingin sa labas.
Umaasa syang sana pagising nya maayus na ang lahat wala na syang natatangap na kahit ano mang pagbabanta sa kanyang buhay gusto nyang mabuhay ng isang normal na tao yong walang iniisip na kahit na ano yong walang mga nakatingin sakanyang mga mata na hindi nya gusto ang dating nito sakanya.
Napatingin sya sa lalaking yumakap sa kanya mula sa kanyang likoran hindi nya na namamalayang nasa tabi nya na ito dahil sasobrang pagiisip.
Malaki ang pasasalamat nya sa panginoon dahil kung hindi sa lalaking nakayakap sa kanya ngayon wala sya sa kalagayan nya ngayon siguro nga patay na ito ngayon.
Hinawakan nya ang kamay ng binata alam nya sa sarili nitong mahal nya na ang binata pero wala pa syang balak sagutin ito.
_____________
*SENNA's POV*
_______
Nakangiti akong nakatingin sa pwesto nila sean at janessa alam kong seryoso na ang kapatid ko sa babaeng nasa harapan nya.
Masaya ako para sakanya hindi ako tutol sa pagmamahalan nila okay sadyang bored na bored lang talaga ako kaya nagagawa kung pagtripan ang dalawang yan.
"Senna hindi naba sila maghihiwalay?" Tanong sakin ni channa kaya napatingin ako sakanya.
"Ikaw kaya paghiwalayin ko? Gusto mo?" Masungit kong sagot sakanya itong babaeng to wala ng ginawa kundi dumikit kay sean.
"Nag tatanong lang naman eh alam mo namang mahal na mahal ko ang kapatid mo" Pagrereklamo nya tinignan ko sya ng masama wag mokong artihan.
"Eh ano naman kung mahal na mahal mo ang kapatid ko? Ako ba may hawak ng puso nya para ipunta yong pagmamahal nya sayo? Hoy channa alam mo unang una palang ayuko na sayo!" Pagpraprang ko sakanya sumimangot naman ito.
"Ang hard mo talaga sakin kainis!" Pagrereklamo nya sakin hindi kona sya pinansin pa.
Habang kumakain sila may nakita akong mga lalaki na nakatingin kay janessa mula sa labas ng canteen ang pinakadingding lang kasi ng canteen is salamin kaya kita ang nasa labas at loob.
Pinagmamasdan ko ang mga lalaking to hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga lalaking to.
"Hoy channa nakikita mo yong mga lalaki din puntahan mo nga landiin mo" Utos ko sakanya napatingin naman sya don sa mga lalaking tinutukoy ko.
"Bakit ako?" Tanong nya sakin.
"Alangang ako? Ikaw nga ang gusto kong lumandi sakanila!" Inis kong sagot sakanya napabuntong hininga nalang ito.
Sige umangal ka makikita mo kung sino kinakalaban mo.
Wala syang nagawa kundi sundin ako nilapitan nya yong mga lalaki tumingin naman sila sakanya.
Biglang lumayo yong isa may kinausap ito sa cellphone napangisi ako huli!.
Talagang dito pa ako sa pagmamayari namin kayo gumagawa ng kagagohan sige makikipaglaro ako sainyo.
Anong gusto nyu tago tagoan galawin nyo na ang lahat wag lang ang pamilya ko.
Umalis na ang mga lalaki nakitang pabalik na si channa dito sa pwesto namin.
"Mga new student lang pala yong mga yon sa kabilang building" Pagpapaliwanag ni channa.
Wow sa kabilang building pa sila? Talagang pumunta pa sila dito napakainteresado naman nila.
"Aalis na ako may gagawin pa ako" Pagpapaalam ko sakanya tumango lang ito.
Lumakad na ako palabas ng canteen humanda kayo sakin isa isahin ko kayo.
"Ibigay mo sakin lahat ng bagong studyante dito" Seryoso kong sabi sa dean agad naman nya akong sinunod.
Ibinigay nya sakin lahat ng folder tinginan ko sya.
"Lumabas ka muna" Utos ko dali dali naman syang lumabas ng office nya.
Umupo ako sa upoan ko inilabas ko lahat ng papel sa may folder.
Inisa isa ko ito lahat ng lalaki kinuha ko lahat para hindi ako mahirapan pa.
Inilagay ko sa magkaibang folder ang mga info nila.
Nang maayus kona lumabas na ako habang naglalakad ako sa hallway tinitignan ko ang paligid.
"Good morning princess senna" Bati sakin ng isang Officer dito sa school tinignan ko lang siya.
"Good morning ms" Bati naman sakin ng school president dito sa school.
"Pres pakiutosan mo ang mga members mo na magbantay dito sa campus at siguroraduhin nyong walang pakalat kalat na stundyante kapag may lumabag ipunta nyo sa office ko" Utos ko sakanya halatang nag tataka naman sya kailangan ko ng maghigpit ngayon.
"Masusunod po ms" Agad naman nyang sagot sakin.
"At pakiayus lahag ng cctv dito sa school gusto ko maayus lahat ayuko ng palpak" Pagkasabi ko yon sakanya dinaanan kona sya, Nagtungo na ako sa office ko.
Tahimik lang ako habang tinitigna isa isa ang mga bagong pasok dito.
Napatigil ako sa isang hawak hawak ko kamukha ito ng isang lalaki kanina.
Tinignan ko pa yong iba isa isa kona silang nakikita inayos kona yong mga ibang papers bininalik kona sila sa folder.
Napakunot ako ng noo ng mapatingin ako sa tv na flatscreen na nakasabit sa dingding.
Si janessa naglalakad magisa nasan si sean!! Napakagago talaga ng lalaking yon agad akong tumayo sa pagkakaupo.
_____________
*JANESSA's POV*
---------
Nakatingin ako sa paligid habang naglalakad papunta ako cr wala kasing cr sa classroom nila sean ihing ihi na ako hindi na ako nag pasama sakanya baka maistorbo lang sya a klase nya.
Iihi lang naman ako may mga ssg namang naka bantay at pagala gala kaya safe.
Laking pasasalamat ko ng makita kona yong cr dali dali akong pumunta don kasi ihing ihi na talaga ako hindi kona matiis.
Pumasok na agad ako loob pumasok na agad ako sa isang cubicle bawat bowl kasi may harang bali anim to.
Habang umiihi ako may narinig akong pumasok siguro iihi din sya nang matapus na ako lumabas na ako.
Maghuhugas na sana ako ng bigla akong hinarang ng tatlong babae.
Ngumiti sila sakin nakatingin sila sakin.
"Hi janessa" Bati sakin ng nasa gitna.
"H-hi" Pabalik kong bati sakanya "excuse me maghuhugas ako ng kamay" Mahinahon kong sabi pero sa totoo lang kinakabahan ako.
Parang wala silang narinig lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.
"Wag kang matakot hindi naman ako mangangain eh" Natatawa nyang sabi tinignan nya yong dalawa nyang kasama.
Bigla nila akong hinawakan sa braso tsaka nila inipit yong paa ko gamit ang dalawa nilang binte.
"Ano ba bitawan nyo ko!" Pagpupumiglas ko
"Hahahahaha anong huling kahilingan mo?" Tanong nya sakin tsaka nya inilabas yong balisong mula sa bulsa nya.
"Wag please wag" Pagmamakaawa ko sakanya habang alaba nyang iginagala yong balisong na hawak nya sa buong katawan ko.
"Saan ko kaya isasaksak to utos kasi sakin dapat yong mamatay kana agad pero dahil mabait ako gusto ko munang maghirap ka" Natatawa nyang sabi.
Tila nawalan na ako ng pag asa ito na ba? Dito na ba ako matatapus hindi ako makawala sa pagkakahawak sakin sobrang higpit.
Sobrang sakit na din ng braso ko kakapumiglas nanghihina na din yong katawan ko.
"Pakawalan nyo na ako please walang makakaalam tong ginawa nyo sakin" Pagmamakaawa ko sakanila tumawa lang ng nakakaloka yong babae.
"Tama na tong kadramahan na to!" Sabi nya tsaka ngumiti sakin.
Hindi sya nagdalawang isip na isaksak sa may tyan ko yong balisong na hawal nya.
Kitang kita ko sa mukha nya kung gaano sya kasaya ng masaksak nya ako binitawan na ako ng dalawa.
Hinawakan ko yong kamay nya mula sa tyan ko.
Lalo nyang ediniin yong balisong na hawak nya lalo na akong nanghina.
"S-sean" Tawag ko kay sean na mahinang besos ngumisi sakin yong babae inalis nya na yong balisong sa may tyan ko.
May lumabas ng dugo sa bunganga ko mabilis na umalis yong tatlo nakatingin lang ako sa pintuan ng cr bago ako tuluyang bumagsak sa sahig.
Hinawakan ko yong tyan ko hindi kona mapigilang hindi tumulo yong luha ko hindi ko akalaing mawawala na ako sa ganitong kalagayan ni hindi ko manlang nasabi kay sean na mahal na mahal ko sya.
Pinilit kong gumapang pero nahihirapan na talaga ako.
Tulungan nyo ko please kailangan ko ng tulong any one please i need help mga katagang gusto kung bigkasin pero tila umatras na yong dila ko.
Nanlalabo na din yong paningin ko wala na talagang pagasa.
"JANESSA!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki alam ko yong boses na yon.
"Oh my god janessa!" Rinig ko ding sabi ng isang babae hindi kona makita ang mukha nila basta ang alam ko andito na si sean.
"Sean" Tawag ko sakanya pero mahina lang.
"Sshhh please lumaban ka dadalhin kita sa hospital"Pagkarinig ko yon hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari.
---------------------------
*3RD PERSON*
"GOOD JOB ALISSA" Masayang sabi ng isang may edad na babae sa kanya alaga masaya naman ang dalaga dahil ibinigay na sakanya ang pangako ng kanyang ina inahan na sport car.
"Sinabi ko naman sainyo mommy ako ng bahala sa babaeng yon" Masaya nitong sagot.
"Kahit kailan maasahan ka talaga hindi ako nagkamaling inampon kita" Hindi mapigilan ng matandang babae ang saya na nararamdaman dahil alam nitong nag aagaw buhay na si janessa ngayon.
"Basta mommy yong isa mo pang pangako sakin yong ipapakasal mo ako kay sean" Paalala ng dalaga sakanya ngumiti naman ito patay na patay ang dalaga kay sean kaya ginagawa nya ang lahat para lang makuha nya gusto niya alam nyang hindi sya bibiguin ng kanyang ina inahan.
Patikim palang yang janessa kulang payan sa mga ginawa ng iyong ina kulang na kulang payan dahil sa iyong bumagsak ako ng tuluyan nawala lahat sakin magsisisi kang nabuhay kapa ulit
Sabi ng matanda sakanyang isipan hindi sya nagdalawang isip ng malaman nyang andito na sa bansa nila ang anak ng matalik nyang kalaban kaya gumawa na agad ito ng hakbang para patikimin ng takot si janessa.
---------
A/N: PLEASE VOTE AND COMMENT THANKYOU.