CHAPTER 4

1631 Words
*JANESSA's POV* ____________ Abala ako sa pagsusulat ng nasa harapan ko nanaman si channa kailan ba ako titigilan ng babaeng to. "Hoy nerd kung ako sayo tigil tigilan muna yang kalandian mo! Dahil ikakasal na si sean" Tinignan ko namang sya tsaka ako ngumiti. "Eh kung tigil tigilan mo na din kaya akong gulohan kasi masyado ka ng nakakaistorbo sakin!" Inis kong sabi sakanya. "Nagtatapang tapangan ka nanaman!" Galit nyang hinablot yong notebook ko. "Ano ba tigilan nyo na ako!! Hindi na ako natutuwa sainyo!" "Sa tingin mo ba natutuwa ako sayo? Hoy malanding nerd layuan mo si sean!" "Hindi ako ang pagsabihan mo si sean!" "Ikaw tong haliparot na lapit ng lapit sakanya!!  Tulad ng sinabi ko sayo gugulohin ko ang buhay mo gagawin kong miserable!!!" Pagkasabi nya yon pinunit nya yong notebook ko tsaka nya tinapon sakin napakuyom nalang ako ng palad ko dahil sa galit kong nararamdaman. Hindi na ako nakapag pigil hinila ko yong buhok nya! Wala akong pakialam kahit pa pagtinginan kame sobra na sya nanahimik ako! "Ang kalap talaga ng mukha mo para saktan ako!!" Sigaw nya sinabunutan nya na din ako lalo kung hinigpitan yong pagkakasabunot ko sakanya wala akong pakialam kahit na makalbo sya. Marami ng nanonood samin hindi ko na sils pinansin. Itinulak nya ako dahilan para matumba ako agad nya akong sinakyan sinabunotan nya ulit ako ang sakit na ng ulo ko dahil sa pagkakasabunot. "Anong kagulohan to!" Tumahimik ang paligid ng may nagsalita kilala ko yong boses na yon. Nagulat ako sa ginawa ng babaeng to hinila nya yong uniform nya dahilan para mapunot ito. "Yang nerd nayan nanahimik ako bigla nya akong sinabunotan tapus ito sinira nya pa yong uniform ko" Pagiinarti nya sarap mong sapakin bwesit kang babae ka pavictim. Hinawakan ko yong ulo ko dahil sa sobrang sakit medyo nahihilo ako. "Ayus kalang ba?" Nagaalalang tanong nya sakin inalalayan nya ako patayo. "Sean ako yong nasaktan hindi yang babaeng yan!" Lalong pagiinarti nya tignan nya lang ng masama si channa. "Tigil tigilan moko sa kaartihan mo channa" Malamig na tonong sabi nya. Inalalayan nya ako habang nag lalakad kame tumingin ako kay channa ngumisi ako marunong kang maginarti diba sorry mas magaling ako. Sawang sawa na ako sa pambubully mo sakin tama na sigurong magpaapi ako ng magpaaapi sayo. Gusto mong maglaro pwes pagbibigyan kita makikipaglaro ako sayo. Hindi ko namamalayang andito na pala kame sa tambayan nila. Wala yong mga kaibigan niya nilock nya yong pintuan napalunok naman ako. Pinaupo nya ako sa may sofa napasandal naman ako. "May masakit ba sayo?" Nagaalala nyang tanong sakin. "Okay lang ako medyo masakit lang yong ulo ko" Sagot ko sakanya tsaka ko pinikit yong mata ko. "Nababaliw na talaga yong babaeng yon!" Galit nyang sabi. Napamulat ako ng naramdaman kong hinaplos nya yong wig ko. "Hindi na mauulit to subukan nya pang idapo yong kamay nya sayo sisiguraduhin kong luluhod na sya sa harapan mo" Kitang kita ko sa mga mata nya kung gano sya kaseryoso hindi ko alam kong kililigin ba ako. Mas lalo akong nagulat sa susunod nyang ginawa hinalikan nya ako labi. Nanlaki ko yong ko sa gulat ang lambot ng labi nya bakit ganito yong nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko para na itong lalabas. Bigla ko syang tinulak dahilan para maghiwalay yong labi namin. Umatras ako ng kaunti para kahit papano may space kame sa isat isa. Biglang tumahimik ang paligid ang bilis parin ng t***k ng puso ko. "Sorry nabigla lang ako" Mahinahon nyang paghingi ng tawad sakin tumango lang ako parang nararamdaman ko parin yong labi nya sa labi ko. "Louis" Basag ko sa katahimikan napatingin naman sya sakin. "Kailangan ko ng ipakita sa mga tao kung sino talaga ako pagod na pagod na din akong ipaapi api nalang nila ako dahil sa ganito ako" Seryoso kung sabi sakanya sumeryoso naman yong mukha nya habang nakatingin sakin. "Seryoso kana ba dyan?" Nagaalalang tanong nya sakin. "Oo handa na ako, handa na akong harapan kung sino ba talaga ako matagal kong hinintay to" Sagot ko sakanya hinawakan nya ako sa kamay sobrang higpit ng pagkakahawak nya sakin. Papanindigan kona to tama na siguro ang pagtatago ko sa tunay na ako. Ayuko ng habang buhay na natatakot dahil sa mga gustong pumatay sakin. Ayukong ipahiya ang pangalan ni mama gusto kong ipagmalaki nila ako. Kaya gagawin kona kung ano ang mga nararapat. _______________ *SEAN's POV* --------- Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ko habang nakatingin ako sa malayo nagaalala ako para sa kanya. Seryoso naba talaga sya desisyon nyang yon parang gugustohin mo ko pang ganun na sya para sa kaligtasan nya. For sure kapag ipinakita nya na talaga kung sino sya hindi kona sya pwedeng dalhin kong saan saan hindi na tulad ng dati na kahit saan ko sya dalhin okay lang. Aarrrggghhh nakakainis ! Ginulo g**o ko na yong buhok ko dahil sa inis. "Mukhang problemado ata lil bro?" Tanong ni ate sakin tsaka umupo sa tabi ko. "Si janessa bayan?" Tanong nya ulit tumango ako. "Bakit inaway mo ba sya?" Medyo inis nyang tanong sakin. "Hindi" Tipid kong sagot pinalo nya ako sa braso. "Eh ano bakit ang lalim lalim ng iniisip mo? Hindi ako sanay" Bumuntong hininga ulit ako bakit ba ang kulit kulit ng ate ko. "Buo na yong desisyon nyang ipakita kung sino ba talaga sya papasok na sya ng school na hindi naka nerdy look" Napatawa naman sya dahil sa sinabi ko anong nakakatawa don nababaliw na ba to!. "Mabuti naman at natauhan na sya kung hindi ko pa siguro inutusan si channa na bullyhin sya ng bullyhin hindi pa sya matatauhan" Naginit yong bungo ko dahil sa sinabi nyang yon ano talaga kinasabwat nya pa talaga yong babaeng yon para lang matauhan si janessa. "Wag mokong tignan ng ganyan alam ko kung anong ginagawa ko" "Baliw kana ba talaga alam mo namang sunod sunuran sayo si channa paano kung mamamatay si janessa dahil sa pinaggagawa nya" Galit ko ng sigaw sakanya tinawanan nya lang ulit ako ano bang nakakatawa sa mga pinagsasabi ko nakakabwesit na to ah. "Hello hindi mamatay si janessa baka nga si channa pa ang mapatay nya hindi mo ba alam marunong sa self defense si janessa" Pagpapaliwanag nya pero kahit na ! Alam nyang ayukong nasasaktan si janessa tapus sya pala ang nag uutos para saktang ito!. "Itigil muna nga yang kalokohan mo ate sa iba mo nalang ibaling yan wag kay janessa!" Alam kong bored na bored nanaman to sa danadami daming studyante sa school na pwede nyang pagtripan bakit si janessa pa!. "Hmmmm bakit lil bro naiinis kana agad alam mo namang naguumpisa palang ako dapat nga magpasalamat ka dahil nagising na ang dugong sanchez na nananalantay sa katawan ng babaeng gusto mo hindi mo ba nagustohan yon?" Nakakalokang tanong nya sakin alam kung hindi pa to titigil hangang hindi sya nakokontento sa ginagawa nya. "Tsaka hindi pa ako nag eenjoy ngayon palang dahil makikita na ng buong mundo kung gaano sya kaganda excited kana ba lil brother? For sure maraming lalaking magkakandarapa sa babaeng pinakagusto mo!" "SHUT UP!!!! TIGIL TIGILAN MO KO HINDI NA AKO NATUTUWA SAYO!!" Sigaw ko sakanya. "HAHAHAHAHAHAHAA napaka mainitin mo naman" Tinignan ko lang sya ng masama habang nakangiti sya sakin. Hindi na ako natutuwa sayo senna cojuangco!! Talagang ginagalit mo ako. ________________ Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila para sundoin sya. Hindi nagtagal lumabas na sya seryoso na nga sya hindi na sya nakawig at eyeglass kita na ang maganda nyang mukha. Binuksan ko yong pintuan ng sasakyan napatingin naman sya sakin. "Ano pang tinatayo tayo mo dyan sakay na" Malamig kong sabi sakanya wala syang nagawa kundi sumakay. "Hindi na talaga magbabago ang desisyon mo?"Tanong ko sakanya. "Hindi na buo na ang desisyon ko simula ngayon araw wala ng Angelica Lacson" Sagot nya sakin tsaka sya huminga ng malalim. Yeah angelica ang ginamit nyang pangalan para talagang maitago kung sino talaga sya. Hinawakan ko yong kamay nya para pakalmahin kong ano man ang nararamdaman nya napatingin sya sakin tsaka sya ngumiti. "Simula ngayon nasa tabi mo nalang ako lagi ayukong may mangyaring masama sayo" Alam kong marami pang binabalak si ate na kalokohan kaya hindi ko hahayaang may mangyari ulit kay janessa. Andito na kame sa parking lot ng school hindi parin sya lumalabas sa kotse ko alam kong kinakabahan sya. "Ayus ka lang ba?" Tanong ko sakanya habang hinihintay syang lumabas. "Yeah kinakabahan lang ako"  Ramdam ko sa boses nya kung gano sya kabahan. Marami na ding studyante na nakatingin sakin. Hindi ko nalang sila pinansin wala nalang sila ginawang kundi maglandi sa harapan ko. Sawakas lumabas na din sya sa sasakyan ko biglang tumahimik ang paligid. "Wait bakit sila magkasama? Diba sya si janessa sanchez?" "Oo nga bakit sila magkasama?" "Omo si janessa ang ganda nya talaga" "Bagay na bagay silang dalawa" "Kailan kaya sya umuwi dito sa pinas" "Hindi ko akalain na makikita ko sya inperson" Kumapit sa kamay ko si janessa nanginginig yong kamay nya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sakanya. Pilit na ngiti ang pinakawalan nya tsaka sya bumuntong hininga ulit sya. Inilipat ko sya sa classroom namin yong teacher nalang nya ang pupunta sa classroom namin para mabantayan ko sya. Tumingin ako ng masama sa mga classmate kong lalaki ng mahuli ko silang nakatingin kay janessa. "Pre sinukuan muna agad si nerdy?" Tanong sakin ni vincent. "Ang bilis mo namang magpalit ng babae" Sabat ni charles. "Paano kayo nagkakilala ni janessa? Kwento mo naman" Sabi naman ni kiven ang dakilang chesmiso sa aming barkada. Tinignan ko sila ng masama dahilan para tumahimik silang tatlo. "Nagugutom kana ba?" Tanong ko kay janessa umiling ito busy sya sa pagbabasa napailing nalang ako mapanerd or hindi nakaugalian naba talaga nya ang pagbabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD