Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan ng marinig ang sinabi ni Kara! Para bang biglang nanlaki ang kanyang ulo, kasabay noon ay ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso! "Anong ibig mong sabihin, Kara? Anong lalakeng nanggaling sa kwarto ni Amber? Ang besides, anong ginagawa mo doon sa ospital ng mga oras na iyon?" Naging sunod-sunod ang kanyang mga tanong. "Kuya, nagkataon lang na nandoon ako, I mean kami noong kaklase ko kasi dinaanan namin 'yong mommy niya noong bumili kami ng mga materials para sa ginagawa naming project!"paliwanag nito. Parang pilit nga nitong inaalala kung ano ang mga nangyari noon. Kapagkuwan ay nagsalubong ang mga kilay nito sabay sabing, "I'm pretty sure na 'yang lalakeng 'yan 'yon nakita ko, Kuya!" Nagkatinginan sila ng kanyang daddy. It means, hindi lang ba

