Yvette’s P.O.V “Now what, Yvette?” bungad sa akin ni Shaun nang i-kwento ko sa kaniya ang lahat nang nangyari sa akin these past few days hanggang sa pag-uusap naming ni Nathan. “Shaun, don’t ask me that. This is partly your fault.” I told him, kaya naman hidni siya makapaniwalang napatingin sa akin. “At ngayon kasalanan ko pa?” tumango ako habang napatong ang ulo ko sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. “Kasi, in the first place, kung hindi mo tinanggap ang project na ‘to, hindi tayo magkakaroon ng collaboration with him! Bakit ba kasi hindi mo muna ako sinabihan? I mean, wala naman akong magagawa sigurado sa magiging desisyon mo, pero at least nagkaroon ako ng choice na umalis. Kasi kung ngayon pa ako a-ayaw, mahihirapan ka na na maghanap ng makakapalit ko.” Mahabang litaniya ko

